watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (Thread 58)  (Read 87022 times)

Loully

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #260 on: September 06, 2018, 02:16:39 am »
napa.check din ako sa photo ng cupcakes niya...ngek, parang walang effort man lang. okay lang sana kung hindi for sale.
Pero parang effective ang mga hanash niya kasi may articles na about her.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #261 on: September 06, 2018, 04:51:53 am »
*mei mei sinong M?

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #262 on: September 06, 2018, 05:10:02 am »
Buti pa si Miggy mature niyang hinandle ang pananakit sa kanya pero ang parents niya parang batang nagtantrums at nagpost sa socmed.

Yan ang gusto ni wais na misis yung PUPURIHIN mo yung anak niya kasi matured na para sa edad, at syempre dahil mas magaling siyang nanay kaysa sa lahat ng nanay sa balat ng lupa. Imagine mo napaka matured na ang anak niya, hindi tulad ng mga anak natin, 3 years old na, immature pa.

Tapos gusto pa ni Neri na mismong sa harapan niya pagalitan yung 3 years old? Ayos lang siya? Eh pwede naman in private na lang pagalitan yung bata. At ano na naman yung hanash na porke nasa abroad yung parents? Pinapalabas na naman niya na walang kwenta ang magulang ng bata kasi iniwan siya para mag-abroad.

Hindi niya sinsabi yan direct pero halatang heavily implied. 

May sinabi pa siya na kung pwedeng pagalitan yung 3 year old ginawa na niya kaso hindi pwede. Kitang kita na siya nga talaga ang bully. Buti pa si Ellen kahit papano 17 years old yung inaway niya, etong si Neri 3 years old pinapatulan! Ano ang next, pati newborn papatulan?
« Last Edit: September 06, 2018, 05:28:17 am by desolate_cat »

lilu

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #263 on: September 06, 2018, 08:22:37 am »
^ Hahaha lahat pupunahin nya magkaroon lang sya ng mahaba-habang caption for her ig. Tapos magrarant na kesyo "public figure" siya, hinuhusgahan daw sya.. ewan ko sa kanya kahit anong pinagsasabi nya hindi ako naiinspire? Pero ang dami din naman naniniwala sa kanya at pansin ko thirsty sya sa papuri..


mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #264 on: September 06, 2018, 08:36:50 am »
^Haha ayan pinuri ko na mahirap naman i-bash ang bata since bata yan.
Isa ako sa mommies na naniniwala na di dapat pinagagalitan ang bata sa public or sa harap lalo ng kalaro nila. Sasawayin ko right on the spot kung may mali pero pagkauwi dun kami mag-uusap. Napapahiya kasi ang bata and bumababa ang self-confidence and self-esteem kapag pinagagalitan in public.

Mukhang sa hanash ni Neri gusto niya ng sympathy for her son kasi lagi daw naba-bash, akala niya siguro ito na ang right time para makakuha ng simpatya from the bashers kaso kabaligtaran nangyari lalo dumami bashers niya. Maraming mas naka-relate dun sa 3yr old na binansagang bully. Alam naman natin na nasa kakulitan, kalikutan and kaharutan ang ganyang age.

lilu

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #265 on: September 06, 2018, 09:04:03 am »
^ Me too ganyan din ako na kailangan magpigil magalit lalo na kung nasa labas ng bahay.. hahaha sa anak ko din nagpipigil ako at nakukuha lang sya sa tingin.. "lagot ka sa akin sa bahay" na tingin? 🤣

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #266 on: September 06, 2018, 09:52:24 am »
Paano kung yung anak naman niya ang manakit? Bata pa anak niya malayo pa lalakbayin tapos yung mother nag post din something like.

'Yung batang yan hindi naturuan. Ms. Perfect ang parents na may scandal naman.' Something like that tapos nakapost pa picture ni Miggy so dapat ingat siya. Baka nga pag sa kanila ginawa idedemanda pa nila.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #267 on: September 06, 2018, 12:05:15 pm »
Ano pa bang ieexpect natin jan kay Neri. Wag na kayo magtaka kung Neri's Preschool na ang sunod nyang business dahil may malaki na naman syang kaalaman sa mga behaviors ng kids :D

Lol. Expert sa lahat ang drama laking tawa ko.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #268 on: September 06, 2018, 12:07:21 pm »
Is she seriously selling those? They look hideous, like those nightmare bake shops who can?t do a proper design.

Cheapo. Pagkakitaan ang pet who just passed?

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #269 on: September 06, 2018, 12:09:12 pm »
Ahahaha naiimagine ko na ang nobelang caption nya

"Simple lang naman ang pangarap ko bilang nanay. Ang magkaron ng mabuting edukasyon ang anak kong si Miggy. Dahil jan, naisip ko na din magtayo ng munti naming paaralan para masiguro na mataas ang kalidad ng edukasyon ni Miggy. Mababantayan ko pa sya laban sa mga bullies. Eto na po ang Neri's Preschool and Daycare para sa mga wais na nanay na gusting magka wais na anak."
Sis  don't forget the term "kahit papaano". Hahaha.

marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #270 on: September 06, 2018, 12:37:37 pm »
hahaha gayang gaya mo sis twelvth goddess!

desolate_cat

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #271 on: September 06, 2018, 02:01:23 pm »
Ang hirap kay Neri hindi naman niya alam ang ibig sabihin ng word na BULLY. Pag sinabi mong bully ang isang tao dapat may malice beforehand yung actions niya, at saka alam niya na nakakasakit siya kaya niya ginagawa. Gusto niya lumabas siya na makapangyarihan at gusto niya katakutan siya.

So porke yung 3 year old e nananakit ng ibang bata bully na agad? Nasaan ang evidence na may malice yung bata before siya manakit? For all we know yung pagkahampas sa anak niya hindi naman sinadya ng bata, baka naglalaro lang tapos napalo bigla. Tandaan natin sa kwento niya WALANG adult na nakakita kasi nalingat yung teacher. At wala siyang sinabi na may CCTV sa classroom. At ang maganda pa nito, panay sisi niya sa guardians ng bata. Wala daw kasalanan ang teacher?  Pag iniwan ang bata sa school understood na kargo ng teacher/school management lahat ng incidents na mangyayari sa loob ng school. 
« Last Edit: September 06, 2018, 02:04:39 pm by desolate_cat »

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #272 on: September 06, 2018, 02:23:19 pm »
Kung ako sa parents noong batang 3 years old. I pullout ko yang anak ko sa school na yan. Imagine ilang taon mong magiging co-parent yan si Neri? Paano kung during family day eh magkasakitan habang naglalaro. Aba baka nobela na naman sangkatutak yan. Good luck talaga kung sa Ateneo nila papasukin yang si Miggy. Masyadong sheltered.

kireinachean

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #273 on: September 06, 2018, 03:07:17 pm »
^ako din i pull out ko anak ko or ibang class. Kitang kita kung san school nagaaral anak niya, so iilan lang ang bata dun, yung family friends or neighbor nyo na may IG alam na alam na anak mo tinutukoy. Grabe, kelangan mag apology din sya sa parents at sa bata thru IG tutal dun naman siya nag labas ng kanyang hinaing.


lyrahs

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #274 on: September 06, 2018, 03:36:03 pm »
Ano pa bang ieexpect natin jan kay Neri. Wag na kayo magtaka kung Neri's Preschool na ang sunod nyang business dahil may malaki na naman syang kaalaman sa mga behaviors ng kids :D

Ahahaha naiimagine ko na ang nobelang caption nya

"Simple lang naman ang pangarap ko bilang nanay. Ang magkaron ng mabuting edukasyon ang anak kong si Miggy. Dahil jan, naisip ko na din magtayo ng munti naming paaralan para masiguro na mataas ang kalidad ng edukasyon ni Miggy. Mababantayan ko pa sya laban sa mga bullies. Eto na po ang Neri's Preschool and Daycare para sa mga wais na nanay na gusting magka wais na anak."

Ahahahahaha! Grabe kopyang kopya sister! Nering-Neri  ;D ;D ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #275 on: September 06, 2018, 03:41:06 pm »
Kaloka ang ginawa ng school na pinagharap-harap sila Neri with the kids. Maling-mali sila dun. Tapos proud pa si Neri i-post na sinabi niya kay Miggy sa harap mismo ng batang nambully (term ni Neri yan), lolo and teachers na proud siya sa anak niya kasi behave and hindi nananakit. Kung super behave ng anak niya at tahimik lang mas mabuti pacheckup niya. Parang lumalabas sa mga kwento niya may sariling mundo anak niya.

lyrahs

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #276 on: September 06, 2018, 05:07:10 pm »
Ay hala...may post pala si wais na misis na nagthank you sa mga nakaka-intindi daw sa post nya (re: 'bullying'). Something caught my attention: 'Minor ang anak ko at intentionally ang pagbubully'

IMO, ang isang 3yo na bata, walang intention mambully. I doubt na matatandaan pa ng anak nya at ng classmate nya ang nangyaring ito. Di naman siguro la-laki si Miggy at matatandaan nya yung humampas sa kanya at sasabihin na 'Sya nambully sa akin nung 1y9mos ako!'

Kayo ba mga sis may recollection pa kayo ng mga nangyari sa inyo from 1yo to 3yo kayo? Ako wala ng matandaan eh. Ang tanda ko na lang e nung pumasok ako sa nursery na 4yo na ako

highness127

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #277 on: September 06, 2018, 05:27:37 pm »
I have a 3yo and jusko dumedede pa anak ko! may times na nakakasakit din yung anak ko pero for sure unintentional yun and walang parents (so far  ;D) na nagrereact ng OA kasi naintindihan nila na mga bata yun and of course we do our apologies din naman.

Susme tong si #waisnamisis  ::)

Lurker lang ako dito pero can't help but to comment this time!  :o
« Last Edit: September 06, 2018, 05:29:09 pm by highness127 »

hann-hann

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #278 on: September 06, 2018, 05:34:54 pm »
Pinoprotektahan lang daw nila yung anak nila. E jusko, alam naman nyang silang mag-asawa e sangkatutak ang bashers tapos yung mga issues ng anak nya ipopost nya pa sa social media. Tapos pag ni-call out magagalit. Haha! Yan ang hirap sa pabida e. Gusto kasi na laging napupuri kahit wala naman sa lugar.

1y9mos old pa lang yung anak nya ganyan na mga hanash nya. Paano pa pag lumaki yan at nasa rurok ng kakulitan. Puro praises pa din ba ang ipopost nya? Tsk.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (Thread 58)
« Reply #279 on: September 06, 2018, 06:16:09 pm »
May delusion of grandeur ata itong mag-asawa na ito. Hindi ko kinakaya mga gusto niya. Ang demading nila. At sana naman kung siya itong wais eh sana siya yung mas nakakaintindi. Wala ang parents dito sa Pinas tapos ito silang ganyan ng ganyan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close