watch now

Author Topic: Dealing with a broken phone screen  (Read 1331 times)

young_maiden

  • Guest
Dealing with a broken phone screen
« on: August 18, 2018, 08:50:07 pm »
Mga sis and bros, naranasan nyo na ba na mabitawan phone nyo at nagkaroon ng cracks sa screen? How did you deal with it? Hinayaan nyo na lang? Pinarepair nyo? Bumili ng bago?

Kanina kasi nabitawan ng kapatid ko ang phone ko. Samsung s7 edge pa naman. Yung lower half nagkaroon ng mga cracks. Gumagana pa naman pero ang pangit tignan ng mga cracks.

I was told na mahal daw magparepair. Hindi daw worth it. Hindi nga ba talaga?

Gusto ko ipaayos to. Ayoko naman bumili ng new phone since gumagana pa naman. :-(

britzm

  • Guest
Re: Dealing with a broken phone screen
« Reply #1 on: August 18, 2018, 09:10:04 pm »
kung gumagana pa [textspeak!] touchscreen, mura lang yan. magkaiba kase price ng cracked screen sa damaged touch sensor (kung ano man tawag don,lol)
hindi ko lang matandaan magkano paayos ko dati basta 2k ang difference kung yung mismong touch sensor. napa ayos ko lang ng 500 (2 years ago) cracked screen

young_maiden

  • Guest
Re: Dealing with a broken phone screen
« Reply #2 on: August 18, 2018, 09:15:08 pm »
^ thank you, sis. Pupunta ako bukas sa samsung. Mag inquire ako.

May nagsabi sa akin aabot daw 10k. Sana di totoo.

Cracked screen lang naman pero gumagana pa.

omneecka

  • Guest
Re: Dealing with a broken phone screen
« Reply #3 on: August 18, 2018, 10:36:29 pm »
hi sis!

mine was note 3 naman 2 years ago yata and that time around 15k quote sakin ng Samsung to change the screen. as in aside from long crack from top to bottom is totally black na ang screen and di na magamit. i went to greenhills to have it changed, they charged me 6k naman.

my problem naman today with my s7 edge is nag-balloon ang likod which is caused by battery. samsung quoted me almost 4k naman to change the battery and ibalik original itsura ng likod. almost 2 months na rin and nagagamit ko pa naman ang s7 edge, super bantay lang ako sa pagcha-charge kasi pwdeng sumabog battery. naasar lang ako coz as per samsung, dahil daw sa pag-games or paggamit ng data while charging. i asked them to show me any of their manuals saying that coz sana pati ibang units and brands eh nagkaganito na. ayaw lang aminin na defective unit ito. remember, s7 and s7 edge ang kasabay ng palpak nilang note 7. i availed this as free phone sa globe dahil nga nung pinull-out sa market ang note 7.

yun lang, update us sis.

thanks! 😊😊

young_maiden

  • Guest
Re: Dealing with a broken phone screen
« Reply #4 on: August 19, 2018, 06:37:42 am »
^ thank you sis. Helpful ang post mo.

Saan ka nagparepair sa greenhills? May store din ba ang samsung doon?

omneecka

  • Guest
Re: Dealing with a broken phone screen
« Reply #5 on: August 19, 2018, 11:58:10 am »
^hi sis!

i don't remember the repair kiosk's name and if may name nga ba. bale ang nangyari sis eh nagtanong-tanong kami then parang agent yung natanungan namin then cia naghanap ng shop na payag sa price namin. originally kc 9k charge samin nung agent. basta sa 2nd floor yun sis and sa may railings area na magkakatabi mga nag-aayos. much better if sa kanila ka direcho magtanong para maka-discount pa.

nga pala sis, yung repair sakin is di gano bumalik sa dati kc mejo angat na ng unti, puro double sided tape lang kc pinangdikit sa loob. much better pa rin if sa samsung ka na lang talaga pagawa para balik sa original and covered ng warranty pagpagawa. sa GH kc is 1 week lang.

hth 😊😊

young_maiden

  • Guest
Re: Dealing with a broken phone screen
« Reply #6 on: August 19, 2018, 01:36:20 pm »
^ thank you, sis.

Nasa samsung megamall ako kanina to inquire. Ang quote sa akin is 14600. Kasama na doon ang labor. Tapos after 2 to 3 days pa daw mababalik sa akin ang cp ko.

Nagtanong din ako sa ibang stores. Ang pinakamurang quote sa akin is 11000 tapos makukuha ko pa within the day. Kaso duda naman ako.

Bumili na lang ako ng tempered glass worth P500. Obvious pa rin yung cracks pero at least di na dadami dahil sa tempered glass.

Gusto ko talaga ipa-ayos cp ko. Sabi ng dad ko kung ganyan man lang kamahal magparepair, bumili na lang daw ako ng bago. Pero out of the question din sa akin bumili ng bago. Gumagana pa naman kasi cp ko. Chaka lang tignan ng screen. :-( :-(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close