watch now

Author Topic: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)  (Read 129402 times)

reivee

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #260 on: August 30, 2018, 05:18:15 pm »
^ang yabang lang talaga ng dating.  kumikris aquino. lol.

what if may mag audit sa kanya if she paid the right taxes since 2013 (or when the time she started).  magiging ganyan pa din kaya sya ka-confident?
« Last Edit: August 30, 2018, 05:34:45 pm by reivee »

imaginativelad

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #261 on: August 30, 2018, 05:26:51 pm »
Over na yang issue nila. Sa totoo lang, they are using each other for publicity. Sa showbiz nga good or bad, its still publicity. So mas nakikilala sila. Si AV binuhay niya lang ulit yung issue, si Anneclutz obvious na may pinapanigan kasi proud daw siya kay AV. Siguro yung unang statement ni AV nakaka proud, pero yung sunod sunod na rant niya sa twitter sobrang nakaka off. Puro negativity, kala ko ba naforgive mo na yung tao?

Maldita talaga si MD. Kumbaga masama talaga ugali, pero i wish manahimik nalang siya kahit na ang daming bashers niya para hindi na siya lalo atakihin. Okay na ulit ang views niya. So magpakabait na siya. Haha

Si anna cay naman, pa victim siya ever since. Plus yung sinabi niya na nakikisawsaw, i doubt na nakikisawsaw si shek nung tinanong siya about collab with anna cay. Naging honest lang yung bata and wala namang masama sa sinabi niya. Asar talo din kasi si anna cay.

Unsub ako sakanila lahat. I just check their yt and ig once in a while pero di nako fan masyado. Puro kasi sila issue sa isat isa. Wala sakanilang mabuting tao at magpatawad. Lahat ma pride at mataas tingin sa sarili.

Francesclaire

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #262 on: August 30, 2018, 05:39:10 pm »
korak sis nagpapataasan ng ere eh di na lang sila gumawa ng content and kumimita nmna sila ng malaki..si anna cay ang laki talaga ng pinagbago starting sa puro room lang niya nakikita hanggang sa ang dami niya na pinapupunta sa bahay nila..hanggang sa lumalabas na siya with other youtubers..mas gusto ko siya dati simple lang..bwisit pa yung pagsasalita niya ngaun na may braces siya.

airish_2

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #263 on: August 30, 2018, 05:45:57 pm »
Or para matigil sila i-call out lahat sa BIR magkukulasan yang mga 'yan. 😏

bratty

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #264 on: August 30, 2018, 06:01:17 pm »
Buti pa ang Rayos family, kaliwa't kanan ang raket! 😊

Re: anne clutz, I also doubt na dine-declare nya yung lahat ng kinikita nya sa yt! Hello, BIR! Lol!

marge070407

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #265 on: August 30, 2018, 06:40:31 pm »
grabe yung packages na natatanggap ni Anne clutz kahon kahon. Nagpost pa siya sa IG stories mga frozen goods chicken, tocino etc. No need na siya magshopping at maggroceries. Kung talagang malaki na ang kita niya dapat bumili na lang sila ng bahay kung kaya na nila parang ang sikip na din tignan house nila parang ang kalat at naguguluhan kapag pinapanuod ko siya minsan.

bad.det

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #266 on: August 30, 2018, 07:03:37 pm »
Si Isha nalang ata yung humble sakanila though malikot talaga sya pero pera wise, hands down ako sakanya. Ni hindi ko pa sila nakitang nagbakasyon, lahat pati ata ng eat out nila sponsored haha. Mautak sa pera.

reivee

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #267 on: August 30, 2018, 07:28:38 pm »
^not really sis.  they bought a car and transferred to a condo which at some point they were criticized for.

lilu

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #268 on: August 30, 2018, 07:59:54 pm »
Buti pa si Elle Uy, informative! Simple lang yung vid pero may matututunan! Kung yung iba Make-Up Guru, sya naman Make-Over Guru. Haha kung yung iba mini-make-upan ang mukha, sya naman bahay.. :)


flinalalala

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #269 on: August 30, 2018, 08:54:45 pm »
Mahirap talaga condo living sis. Kasi maliit lang talaga space mo. Wala kang choice. Ako kahit anong linis at ligpit ko di pa rin ganun ka pleasant tignan. Lalo may mga gamit na di mo talaga pwedeng itapon dahil kailangan mo. Lalo pa siguro si Anne Clutz na may maliit pa sa bahay plus all the packages na narireceive niya everyday. Buti pa nga siguro na bumili na sya ng sariling bahay na mas malaki ang space para mas maayos. Mukhang afford na naman niya.

kutitapkiss

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #270 on: August 31, 2018, 01:04:59 am »
Sis San yang sinabi ni MD na airport yung chest ni Anna Cay? NASA Vlog yan? Masakit nga naman yun and body shaming. Although naiiinis ako nun na paulit ulit ng damit si Anna Cay (yung sando), di ko naman inalipusta yung size ng dibdib nya.

Ang di ko lang gets eh Kung bakit after nila mag-usap eh nag-post pa si Anna Cay sa Facebook niya. Can someone care to explain the sequence of events?

So pagkakaintind ko: (2016??)

1. Someone sent a message to AC
2. AC posted a rant on FB about the alleged bullying
3. People started speculating even pointing fingers to Nina & Jet? (Ito ba yun or different occasion pa)
4. MD reached out to AC to clear her name
5. AC kept mum and let fans assume that it was indeed MD
6. Triggered si MD so she ranted to Lloyd Cadena and roasted AC

Sa vlogs nila yun with ronan and company sinabi yung mala airport ang dibdib.

Tama yung sequence mo sis. Yung convo nila na iniscreenshot ni MD, after yun nung number 3, which is yung number 4 mo. so yup tama lahat. Wala nang pinost ni AC sa fb nya after nung convo. Kaya gets ko bat sha imbey kay MD. Kasi nga nagusap na sila eh. Yun pala ang totoo, hindi naman talaga ok kay MD yung decision ni AC na walang paglilinaw ng pangalan na magaganap.

Well kasi nga feeling ko etong si AC all along feeling nya si MD talaga yung nag message sa kanya ahaha. OR, gaya ng rason nya, hindi lang naman si MD ang napagbintangan. Pati si Say and AV, as per the screenshot. If issingleout nya na iclear ang name ni MD, eh di si say naman mapupuruhan. If the latter was her totoong reason then mejo conflicting nga. Ahaha bahala sila. Masasabi ko jan eh si Say di naman nagdemand ng ganun, bat si MD kelangan may ganung treatment. Kung wala ka naman talagang ginawa di ba?


 i don?t get the hate with anne clutz. Dahil ba nagbago sha ng lifestyle with all the travels, nagbago na sha as a person? Like how? I think kung afford naman, may ipon naman, walang masama sa pagttravel. And yung mga binibigay sa kanya na packages, ganun talaga eh may sponsors sha, are we also gonna hate on that? Or dahil ba she stayed friends with anna cay? Errr.

flinalalala

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #271 on: August 31, 2018, 02:12:28 am »
^ Agree. Maybe some people just really hate these girls. Idk why also.

yabutize

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #272 on: August 31, 2018, 02:42:01 am »
Thank you sis sa explanation. Kakawindang sila. Wala na tuloy ako mapanood while I work (actually, nakikinig lang ako, occasional lang pagtingin sa screen). Kasi yung international YTers, ang dami din drama. Kanya-kanyang spill ng tea. $60-70K pala ang rates ng top beauty vloggers no? $20K yung IG post. I wonder how much ang rates ng local YTers natin? Iba pa yung mga freebies na nakukuha. Grabe pala ang swelduhan jan kaya ang dami nagaaway-away sa trono.

baby_ni_jaybee

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #273 on: August 31, 2018, 03:04:29 am »
Thank you sis sa explanation. Kakawindang sila. Wala na tuloy ako mapanood while I work (actually, nakikinig lang ako, occasional lang pagtingin sa screen). Kasi yung international YTers, ang dami din drama. Kanya-kanyang spill ng tea. $60-70K pala ang rates ng top beauty vloggers no? $20K yung IG post. I wonder how much ang rates ng local YTers natin? Iba pa yung mga freebies na nakukuha. Grabe pala ang swelduhan jan kaya ang dami nagaaway-away sa trono.

May pinost na igstory before si anneclutz, kita kung magkano kita nya from different brands, di bababa ng 20k ang isa. I don't know kung gusto nya ba talaga ipakita un sa mga nanonood ng igstories nya or what. Pero parang sadya eh. Indi nya man lang binlur lol  https://ibb.co/jDBjYU

yabutize

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #274 on: August 31, 2018, 03:10:21 am »
^Thank you sis. Oo nga no, naalala ko nga may post siyang ganyan. Kaya pala sa IJuander, sinabi niya na 6 digits ang monthly income niya.

imaginativelad

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #275 on: August 31, 2018, 03:13:52 am »
Im not surprised sa lifestyle change ni anneclutz. And para sakin deserve niya lahat ng nakukuha niya kahit i might not agree on her spending habits or choices in life. Pero yung pera na nakukuha niya or na eearn niya, pinag hirapan niya talaga yun. Alam mo yung siya yung isa sa mga youtubers na consistent mag upload. Kahit na madaming ginagawa at may pamilya talagang mag uupload siya kasi trabaho talaga yun sakanya. And dati nag aattend siya ng mga events na ininvite siya. KAhit naman nung sikat na siya, nagpupunta parin siya.

Speaking of events, naka watch ako ng old video ni anna cay year 2016 kasi lumabas sa youtube. Dati very likeable siya. Todo siya sa pag attend ng events, and sobrang hinhin. Panay english din niya, and ibang iba itsura niya. Nakita ko na yung sinasabi nila na mukha siyang older than her age dati. Parang nasa early 30?s na siya. So yung sinasabi niya na ayaw niya nag pupunta ng events dahil mahiyain siya i think is not true. Ginawa nalang niyang alibi yun kasi totally nag stop na siya pumunta sa events or namimili na siya. Kasi dati halos araw araw siya nagpupunta at gustong gusto naman niya. No wonder why some youtubers are aloof sakanya. KAsi iba yung sinasabi niya sa nakikita nila in person.

yabutize

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #276 on: August 31, 2018, 03:36:26 am »
Bday pala ni Rei Germar. Saw MD, Say, Ronan, Angel Dei and Teena sa celebration.

Also, launch ata ng isang product ng Benefit earlier in the day. I wonder kung nagkita-kita yung mga influencers doon and ano kaya ang mga ganap?

liana

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #277 on: August 31, 2018, 07:40:13 am »
Im not surprised sa lifestyle change ni anneclutz. And para sakin deserve niya lahat ng nakukuha niya kahit i might not agree on her spending habits or choices in life. Pero yung pera na nakukuha niya or na eearn niya, pinag hirapan niya talaga yun. Alam mo yung siya yung isa sa mga youtubers na consistent mag upload. Kahit na madaming ginagawa at may pamilya talagang mag uupload siya kasi trabaho talaga yun sakanya. And dati nag aattend siya ng mga events na ininvite siya. KAhit naman nung sikat na siya, nagpupunta parin siya.

Speaking of events, naka watch ako ng old video ni anna cay year 2016 kasi lumabas sa youtube. Dati very likeable siya. Todo siya sa pag attend ng events, and sobrang hinhin. Panay english din niya, and ibang iba itsura niya. Nakita ko na yung sinasabi nila na mukha siyang older than her age dati. Parang nasa early 30?s na siya. So yung sinasabi niya na ayaw niya nag pupunta ng events dahil mahiyain siya i think is not true. Ginawa nalang niyang alibi yun kasi totally nag stop na siya pumunta sa events or namimili na siya. Kasi dati halos araw araw siya nagpupunta at gustong gusto naman niya. No wonder why some youtubers are aloof sakanya. KAsi iba yung sinasabi niya sa nakikita nila in person.

As you said nga sis kay Anne Clutz kasi trabaho talaga ang youtube. I remember before may time din na pinipili na nya yung events na pinupuntahan nya but since this year mas active na sya because may goals nga sya when it comes to earnings. Kaya nga nag daily vlogs pa sya di ba. Si Anna kasi she doesn't need it since may business sila. Yung earnings siguro nya sa vlogging kinikita na nya sa business nila ni Geloy so she doesn't need to vlog often. I don't know if may manager si Anna Cay but sa ibang vloggers aside from freebies paid sila to attend those events. So pwedeng strategy nya yan why piling pili yung events na pinupuntahan nya, with her social media numbers/reach she doesn't have to attend for free. Kung baguhan ka it's natural lang na mag attend ng mag attend to introduce yourself to brands.
« Last Edit: August 31, 2018, 07:43:00 am by liana »

Francesclaire

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #278 on: August 31, 2018, 07:46:49 am »
Basta may something sa kanola na mawawalan ka na ng gana manood ng daily vlogs nila..tama nga sis dati si anna cay di makabasag pinggan sa mga vlogs niya at panay english ngaun kapag kasama ibang youtubers naku nagiging ewan din eh. Tama nga kita nila yun pero kung wala sila subscribers at wala nanood sa kanila sa tingin niyo kikota sila ng ganun kalaki..In time mawawalan n ng gana mga tao manood sa knila dahil sa mga issues nila at sa pagiging mayabang nila..

marge070407

  • Guest
Re: All about local youtubers/ vloggers (Thread 4)
« Reply #279 on: August 31, 2018, 08:37:45 am »
Madami din naman youtubers na hindi mahilig umattend sa mga events hindi lang si Anna Cay. Si Anne Clutz at Michelle Dy hindi din mahilig except na lang kapag mga big brands at out of the country talaga. Si Say ang napansin ko na talagang lagari sa ganyan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close