Hi mga sissies! Happy Easter! 😇
So far yung na try kong FT na recommended sa thread na to eh si kuya Ceasar from Cavite & Bro George from Quiapo.
Na-share ko na dito before experience ko with Kuya Ceasar, highly recommended ko siya, spot on mga nakita niya most especially when it comes to my current concerns. Dami niyang hits though me onting miss when it comes to reading my personality which are very minor lang naman. Overall, I can say na magaling at gifted talaga siya. Sulit ang P500 consultation fee niya.
Aside from kuya Ceasar, nag consult din ako sa isa pang psychic from cavite din at same sila ng reading when it comes to my main concern which is about my ex. Pareho sila nagsabi na si ex na nga daw ang "The One" at babalik daw si ex, wait ko lang daw. Something na hindi malabo mangyari kasi right now we're good friends ni ex at na fifeel kong mahal niya pa ko, something na na-confirm ni kuya Ceasar sa reading niya sa'kin.
Going back to Bro George, though isa siya sa highly recomemmended dito, dahil nag-kaka-totoo nga daw mga hula niya, good & bad. Hindi ko na sana siya i-ta-try since satisfied nako sa reading sakin ng 2 psychics from Cavite kaso since pumunta ako ng Quiapo kahapon, naisip kong i-try si Bro George, sakto andun siya kahit black Saturday at onti lang ang pila saka P200 lang naman so I gave it a try.
Mukhang ok naman siya, more on general reading, may hits & miss din siya when it comes to reading my personality which he based on my zodiac sign & numerology.
Nakita niya din na babalik si ex at mahal pa nga daw ako tulad ng nakita ni kuya Ceasar, ang kaso, wag ko na daw tanggapin dahil masasaktan lang ako, ang makaka tuluyan ko daw ay may edad na na foreigner na may isang anak na.
Hindi ko pinangarap na mag-asawa ng foreigner. At since mahal ko pa si ex, for sure tatanggapin ko uli siya pag bumalik siya kahit me possibility na masaktan niya uli ako.
For me ok naman siya sa halagang P200, general reading then me 5 questions.
Balitaan ko kayo pag me nagkatotoo na sa hula niya sa'kin na hopefully eh yung magaganda lang ang mag-ka-totoo hehe.
Ang hindi lang naman magandang hula niya eh yung masasaktan lang uli ako ke ex at matandang foreigner daw na me 1 anak daw na hindi ko mahal ang makaka-tuluyan ko, contrary kina kuya ceasar at isa pang psychic from cavite na si ex na daw ang "the one" for me.
Hindi naman issue sa'kin kung matandang foreigner na me anak ang makaka-tuluyan ko as long as mahal ko pero yung sinabi niya na pag aaralan ko lang daw mahalin, that's just way out of my personality. Me mga nanligaw nga sakin dati na mababait at mayaman, tipong kayang kaya ako buhayin kahit hindi ako mag-work, pero diko sila sinagot kasi hindi ako na-inlove sa kanila, walang "spark" & "connection". Mga bagay na big deal sa'kin when it comes to love & relationship.
Sa mga nagpahula ke Bro George, 100% bang nag-ka-totoo ang hula niya senyo?