watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)  (Read 101129 times)

Yunacmy03

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #460 on: August 10, 2018, 11:34:21 am »
Si Shek naman, jusko. Si Michelle Dy at Anna Cay lang ang may issue. Nagsalita sya kaya sya inaway ng fans ni Anna tapos ngayon sasabihin nya kailangan nya idefend sarili nya. Bakit hindi nya hayaan si Michelle ang magpasabog. Gusto nya sya magsalita meaning gusto nya talaga sumali. Nandamay pa ng ibang youtuber

bluewingedangel

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #461 on: August 10, 2018, 11:43:05 am »
Grabe naman yung Madam Tsaa na yan, sobrang pagkamuhi sagad hanggang buto galit kay MD.  Sinong matinong tao naman kaya din yan.  Talagang gusto nyang i-trigger both camps for traffic sa feed nya. Hetong fans naman parang rabid na.  Hindi ko din alam kung totoo ba na bayaran sila para i-down yung isang camp.  May mga tweets pa na ipapa-ban nila sa YT yung isa, i-stalk ang mga social media para tuluyan na mabura, etc. etc.

Sana magsalita na yung idol nila na wag na muna pumatol kasi lalong lumalaki lang ang gulo.  Bakit  kaya hindi na lang sila magusap-usap, hindi yung ganito or maybe gusto talaga ng drama, haist! Affected ako kasi I watch YouTube a lot, more than the TV pa nga, kasi at least marami kang pagpipilian na gusto mong panoorin, hehe!

Chikadora101

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #462 on: August 10, 2018, 11:48:47 am »
Grabe naman yung Madam Tsaa na yan, sobrang pagkamuhi sagad hanggang buto galit kay MD.  Sinong matinong tao naman kaya din yan.  Talagang gusto nyang i-trigger both camps for traffic sa feed nya. Hetong fans naman parang rabid na.  Hindi ko din alam kung totoo ba na bayaran sila para i-down yung isang camp.  May mga tweets pa na ipapa-ban nila sa YT yung isa, i-stalk ang mga social media para tuluyan na mabura, etc. etc.

Sana magsalita na yung idol nila na wag na muna pumatol kasi lalong lumalaki lang ang gulo.  Bakit  kaya hindi na lang sila magusap-usap, hindi yung ganito or maybe gusto talaga ng drama, haist! Affected ako kasi I watch YouTube a lot, more than the TV pa nga, kasi at least marami kang pagpipilian na gusto mong panoorin, hehe!


eto na yung proof na laging sina sabi ni Wil Dasovich... more drama for the vlog more views hahahahah

liana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #463 on: August 10, 2018, 11:49:00 am »
I really don't like how Anna is handling this situation. Di ba nya narealize na ang gulo na. A simple statement lang sana to pacify her fans.

I never liked Shek. Iba talaga ang talas ng dila. Nandamay pa ng ibang vloggers. May proof kaya sya na bibadmouth talaga sila ni Anna? Grabe naman yung sinabi nya sa tweet na marami silang matagal ng ginag*g* ni Anna  ::)

I'm not a fan of Rei but I love what she tweeted about giving someone the benefit of the doubt when you meet them hindi yung maniniwala ka agad sa chismis na sabi ni ganito etc.

It's either masama talaga ugali ni Anna (which I don't think naman na super sama nya) or someone is spreading lies about her in the YouTube world.
« Last Edit: August 10, 2018, 04:28:00 pm by liana »

hann-hann

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #464 on: August 10, 2018, 12:15:39 pm »
I think natrigger si Shek sa reply ni AC dun sa nagtweet sa kanya. Binanggit kase nun nagtweet si Shek at Toni. At ang reply ni AC, ?No they are not paid. Hindi ka naman madadamay kung hindi ka makikisawsaw. They have their own minds.? So etong mga faneys kinuyog na yung dalawa.

Seriously sa lahat ng nangyayari ngayon, may mali na kay AC. Halos lahat na ng simpatya sa twitter nasa kanya. Hindi man lang nya pigilan yun mga alipores nya sa sobrang pangbabash. Deadma sya dahil kung titingnan sa twitter, halos lahat dun kampi sa kanya.

kutitapkiss

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #465 on: August 10, 2018, 12:53:12 pm »
^ that kinda makes me think eh, asan supporters ni MD? To think mas madami sha youtube subs. Parang walang nagtatanggol sa kanya sa twitter, mabibilang mo sa kamay. Bayaran na fans, nah. Paano? Ang dami daming tao sa twitter. Yung mga pro AC ibat ibang tao naman. So ang tanong san na mga fans ni michelle dy?

In a way, shek can?t say na wala shang ginawa at bigla shang binash ng fans ni AC. Nag comment kasi sha sa live eh. In a way she sided with MD. Dapat talaga kung hindi mo issue at ayaw mong madamay, be completely neutral nalang. Just like what isha and say did. Eh hindi, walang preno din si shek. So yeah she can?t play completely innosent din. Siguro kasi may something din sha kay AC, hindi na napigilan.
« Last Edit: August 10, 2018, 12:55:57 pm by kutitapkiss »

L6rcaster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #466 on: August 10, 2018, 01:03:48 pm »
Maybe yung mga fans ni md ayaw na lang kumibo kasi wala naman point makipagtalo sa mga haters. Kumbaga mas lalaki pa ang awayan.

bratty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #467 on: August 10, 2018, 01:06:05 pm »
^ayun kinuyog na ng fans ni AC! Walang ligtas sa mga fans ni AC ang lahat ng magtweet ng opinion nila abt this issue.

Yunacmy03

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #468 on: August 10, 2018, 01:16:53 pm »
Sinali ni Shek ang sarili nya. Mas madami pa nga sya sinabi kesa kay Michelle Dy.

athena_rose

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #469 on: August 10, 2018, 01:23:31 pm »
about sa twitter bashers at account na @madamtsaa: to be honest, matagal ng hindi trono ni MD at squad nya ang twitter. casual tweeters hated MD for these reasons: (1) for being a marcos apologist (yknow maraming famous accounts sa twitter na talagang may pinaglalabanan kapag politics ang usapan) (2)  dun sa contradicting statement nya na dapat pag student pa lang eh wag mag make up pero may mga tutorials sya na makeup for teens etc. that's the reason why ang lala ng bashing kay MD sa twitter plus eto pang account na @madamtsaa which i think has a casual tweeter personality since randomly nagttweet din sya about politics, social issues, etc. anyway, that doesn't mean na walang kasalanan si MD porket todo bashing ang natatanggap nya sa twitter. she's being bashed for a reason. malas nya lang na even before the JS, AC issue eh marami na talagang may galit sa kanya sa twitter.

about AC: she's enraged kasi matagal syang nanahimik. ready to payt na si ate girl. kaya dahil din dun eh proned na sya to give out unnecessary comments such as calling toni sia and shek mga nakikisawsaw. yun ang mali nya. pero [textspeak!] giving out a statement para kay MD, tama sya dun. kasi hello si ronan ang dahilan kung bakit naungkat ang issue nila. hindi mapatay patay at nalihis ang MD vs JS sa MD vs AC sa kagagawan din ng mamshies. anyway, it's PUBLICITY FOR ALL. PAREHO SILA NAG TRENDING.

about toni sia, shek's diary: totoo naman na sawsawera sila haha and before sila natauhan eh wala na huli na ang lahat. kaya ayan enraged si ate mo girl shek at gumawa na naman ng bagong isyu. sayang si toni sia, ok sana image nya. si shek ewan ko pero nothing new with her as a youtuber, wala rin sariling persona. lowkey imitating rei germar and anna cay, tbh.

bottomline: walang ok na youtuber hahaha lahat yan may bad attitude parang mga pa artista nag peg at lahat yan uhaw sa publicity. lahat yan gusto na pag-usapan sila ng mga tao. because duh, IN THE FIRST PLACE, BAKIT BA SILA NASA YOUTUBE. PUHUNAN NILA ANG PAG-USAPAN SILA NG MGA TAO. DAHIL YAN SILA KUMIKITA. kung talagang all about expressing themselves, sharing, inspiring ang purpose nila kaya sila gumagawa ng videos sa youtube, wag sila maglagay ng ads or lipat sila ng ibang platform na di sila nagkakapera sa mga views 8)

athena_rose

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #470 on: August 10, 2018, 01:30:22 pm »
Purple Heiress ata yung HP. Baka nga she has an attitude pansin ko wala syang kaclose na youtubers. Palaban pa naman to si shek. Hindi sya uurungan nito if ever.

kung totoong walang uurungan si shek, bakit sya nag-private agad ng twitter nya.

athena_rose

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #471 on: August 10, 2018, 02:07:23 pm »
Kaya ko din nasabi na mukhang passive-aggressive si Anna Cay kasi ganyan ang ugali ng mga kunwari bait-baitan pero behind the scenes magaling mag-manipulate in their favor.  Yung kelangan ang public perception sa kanila ay goody two shoes.  Sa issue nila ni MD, kung totoo man yung sinasabi ni MD, dapat madali lang for her na i-clear name ni MD.  Malaking kawalan ba yun?  So tama kayo na it's either she didn't believe that it wasn't MD or sadyang may attitude nga sya dati pa. 

Feeling ko din karamihan ng so-called fans nya eh mga bata pa, as in high school to college siguro, baby bra warriors nga ika ng isang sis.  Haha.  Natawa ako dun sa comment na yun.  Kasi what sane woman would follow her blindly?  Plus the fact na andaming time ng fans nya mang-troll dba.  Malamang hindi pa career women mga yan.  Kaya no point in having a mature discussion with them.  Hindi nila maiintindihan yun.

With the way she's handling things, yang refusal nya to build a community with her fellow YouTubers, mag-boomerang din yan sa kanya eventually.  Kaya siguro she's coming up with her own products para di nya kelangan makihalubilo sa ibang tao.  Kita naman kahit sa personal life nya, she sticks to the same people.  Nothing wrong with that, but if you're going to be an influencer, kasama na sa package yang pakikisama sa iba.

parang baliktad ata, sis? alam ko si MD ang may fans na baby bra warriors na tinatawag sa twitter. saka sa twitter nga yung puro adult, working na etc that's why madami silang pinaglalaban regarding politics, mental health, social issues na sa tingin ko e hindi naman naiisip ng mga highschool students. saka ayun nga, kaya rin wala masyado nagtatanggol kay MD sa twitter kasi sya ang may mga fans na bagets o baby bra warriors. kung meron man, mga anon account lang. check nyo yung mga twitter na @keiakamatsu, @Punongbayan_ (watdahel marcel) @scorsaguin yan ang mga beks na critics sa twitter. at matagal na nilang na-call out si MD. wala pang JS, AC issue.

yabutize

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #472 on: August 10, 2018, 02:10:15 pm »
Yung fans ni Anna Cay parang fans din ni MR. Damay-damay na lahat. 😂 Anna Cay vs the world. Peg  ba ni Madam Can?t Afford Yung character ni Lindsay Lohan tapos si MD naman si Regina George sa Mean Girls. In the end, ang sympathy ng tao ma pupunta sa ?mean? girl. Ang high school ng away nila!

ReservoirDogs

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #473 on: August 10, 2018, 03:05:18 pm »
Wow ang grabe ang jeje drama sa YT world.  ;D Parang mga fans ni Kathniel or Aldub mga nag-aaway. Akala mo naman mga teenagers itong mga ito. Ilang taon na ba tong si MD and Anna, di ba nasa late 20s na? Alam ko si AC turning 27 this yr, si MD ganung age din ata or a bit younger? I find it funny na mga feeling artista itong mga ito, pero pag katabi naman nila mga totoong artista, ang aawkward naman (see Anna Cay with Maine or MD interviewing Liza S). Stay classy, girls. :p

Buti pa tong si Anne Clutz, di nakikisawsaw and may sariling mundo. :D That's why I love Mimi kasi someone asked her on IG what she thinks of this gulo, and she just posted an emoji ng brokenhearted.



« Last Edit: August 10, 2018, 03:09:02 pm by ReservoirDogs »

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #474 on: August 10, 2018, 03:28:01 pm »
Sana hindi nalang sinama ni Shek yung ibang Youtubers. Oh well ganyan naman din si Shek.  ;D

HP - Isha ito. Binaliktad lang. JM - Martha. Parang FP lang sa juicy.  ;D

Chikadora101

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #475 on: August 10, 2018, 03:35:14 pm »
Sana hindi nalang sinama ni Shek yung ibang Youtubers. Oh well ganyan naman din si Shek.  ;D

HP - Isha ito. Binaliktad lang. JM - Martha. Parang FP lang sa juicy.  ;D

dahil inispluk na lang din ni bagets mga bi na ganito, eto kaya yung ni ig story ni Isha few weeks ago? yung parang super broken hearted sya kase di nya daw inexpect na yung tao na yun ang etc etc?? hahahahha ano naman kaya meron kay AC and martha????? ETO NAMAN E TANONG KO LANG IF EVER TOTOO. kung hindi naman e wala lang ahhahaah

kutitapkiss

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #476 on: August 10, 2018, 03:41:11 pm »
^I hope hindi na magsalita si shek in behalf of other youtubers, lalo na yung mga pinipiling manahimik. Kung si isha nga si HP at si anna nga yung tinutukoy nya sa ig stories, then bilib ako sa kanya for taking the high road at hindi sha nakisawsaw,

cherypop

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #477 on: August 10, 2018, 03:50:57 pm »
Parang mas ok pa yung taklesa ang ugali kesa sa nasa loob pala ang kulo na ugali- referring to Anna C. She changed a lot talaga. Nagrereflect talaga sa idol nila yung mga ugali ng fans. Nga pala, if makikita nyo yung youtube na account na Showbizzzz ata yun, ang laman lang ng account na yun is yung mainit na issue between MD at AC. Feeling ko nga yung account na yun ay mas pabor kay AC. Tsktsk.  >:( Sana mabasa ng mga boss ng Youtube yung nangyayari between MD at AC. Tapos ang gawin ng mga boss eh ifreeze muna yung mga account nila para maayos kase gaya ng sabi nyo sobrang toxic na sa twitter at youtube. Bigyan sila ng leksyon para magtanda. Nakakaloka sila ah. Di na sila nakakatuwa!  >:( >:(

hisana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #478 on: August 10, 2018, 03:56:51 pm »
Agree ako, sis reservoirdogs, jeje din naisip ko habang iniintindi ko yung mga issues na ito, haha. Wala nga akong ma-icomment kung sino sa tingin ko yung nasa tama o mali kasi parang isang malaking gulo lang talaga.

Sasabihin ko nga rin sana na nasaan si anne clutz at vavaeng marangal sa issue na ito, isama na din nila kung gusto nila, LOL.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #479 on: August 10, 2018, 04:03:16 pm »
Correct ang toxic. Saka tinatawag silang influencers panay bagets pa followers nila dapat maging good examples sila. Kasi sa social media at youtube sila walang control at edit di tulad ng mga artista sa tv na pwede macontrol at icensored. Kaya sana be mindful nalang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close