watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)  (Read 101423 times)

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #260 on: August 03, 2018, 05:51:21 pm »
Medyo hindi ko feel ngayon si shek though like ko padin siya. Kaya skip ako sa videos niya. May something na di ko bet sakanya ngayon kaya pahinga muna ako sakanya. Haha

Tried watching collab ni anna cay at VM. Hindi ko pa natapos kasi medyo nagsawa ako, naboringan ganun. Mas feel ko si VM lang magisa. Aliw talaga pag siya lang at nasakanya lang ang spotlight. Haha

Still waiting sa announcement ni madam anna cay. Feeling ko its her beauty skincare brand. Kasi nabanggit niya rin before yun.

Wala madyado paramdam si MD. Wish ko lang hindi siya madepress because of this. Grabe din fans ni anna cay. Todo bash kay MD. Sana pagsabihan din ni anna cay na leave MD alone. Move on na lahat.

prepster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #261 on: August 03, 2018, 06:47:42 pm »
ilang taon na ba si shek? di ko kasi pinapanuod videos niya eh. nakakaloka naman yung sinabi ng sis natin dito na sinabi ni shek na dedma siya kung smuggled or di taxpayer yung pinagbilhan niya ng laptop. sige i-promote pa ang ilegal at dishonest business practices sa viewers niya. idgaf as long as makuha yung gusto niya. ang privileged masyado.

Chikadora101

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #262 on: August 03, 2018, 06:52:52 pm »
ilang taon na ba si shek? di ko kasi pinapanuod videos niya eh. nakakaloka naman yung sinabi ng sis natin dito na sinabi ni shek na dedma siya kung smuggled or di taxpayer yung pinagbilhan niya ng laptop. sige i-promote pa ang ilegal at dishonest business practices sa viewers niya. idgaf as long as makuha yung gusto niya. ang privileged masyado.

Diba sis, kaya after that dislike vid and unsubscribe ako sa kanya. Kelangan pa ba ipag sigawan sa mundo mga ganyang bagay, kakahiya and lumalabas pagiging insensitive and ignorant. Basta makuha lang mga gusto nila sa buhay e, now i wonder tuloy ganya  din palakad ng business nya /nila.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #263 on: August 03, 2018, 07:44:51 pm »
Awww sinabi niya yun? To think na ex-mayor ang mother niya? Tama ba? ex-politician ang isa sa parent niya? Mga sensitive na ganyan dapat hindi na siguro i-broadcast pa.

twinbee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #264 on: August 03, 2018, 07:51:31 pm »
Di ko na rin feel lately si hek.
ewan lang kung bakit tinatawag pa na bagets yun...

anmar

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #265 on: August 04, 2018, 12:30:39 am »
I watched sheks video tama sis dapat sinabi nlng niya na dun siya bumili ng laptop kasi mura period. Pero bilib ako ha ang taas ng views ng mga videos nya simula nung surgery.

twinbee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #266 on: August 04, 2018, 12:41:52 am »
mukhang nasubsob na naman sa espasol make up ni shek ha
high blood na naman si ate.. sa mga ayaw sa kanya..
magkapalayo layo na daw sa kanya.. tarush.. ithumb down nyo na lang hehe

uy napasama sa PR si KL ha... with Alex G and Melay..
sorry, mejo loyal ako now sa SURF eh :D

april08

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #267 on: August 04, 2018, 12:47:12 am »
Curious lang po mga sis anong year kayo nag start mag watch sa youtube? And sino yung mga first youtuber na napanood nio? Ako kasi mga 2008-2009 mga ganung year ako nag start, michelle phan, xteeener then bubzbeauty mga unang youtuber na na watch ko. Then 2010 ko [textspeak!] na discover sila Say, miss corry potts, oh its andee tska sila bestofsoylatteandme tska si jessilicious.

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #268 on: August 04, 2018, 01:37:11 am »
Saan nagkwento si KL na hindi na siya kasali sa PR list? Hinahanap ko di ko makita hehe.

gil12

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #269 on: August 04, 2018, 06:40:03 pm »
Awww sinabi niya yun? To think na ex-mayor ang mother niya? Tama ba? ex-politician ang isa sa parent niya? Mga sensitive na ganyan dapat hindi na siguro i-broadcast pa.

Ang alam ko nga nasa politics family niya sa province. I haven't watched Shek's vlog after surgery, actually kahit naman noon hindi masyado. She's only 22 dba? hindi na nga siya bagets pero bata pa siya. Sana first and last plastic surgery na niya yun. A lot can still change sa face niya lalo na pag nag lose pa siya ng weight.

Meron bang local/Pinay youtuber who does fitness videos? As in puro about fitness? Haven't found one na Pinay. Minsan hindi ako maka relate sa mga foreign fitness youtubers, ang tatangkad kasi nila.   ;D

bratty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #270 on: August 04, 2018, 07:11:18 pm »
Insensitive nga para i-mention pa ni Shek yung about tax, ika nga Ted Failon, dapat may pakialam ka! Pinapanood ko pa din vlogs nya, keri ko pa yung pagka-GGSS nya, kasi appreciate na appreciate nya yung transformation ng face nya... Parang nung una ako nagka-relo na maganda, maya't maya check ako ng time, lol!

binkeydm

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #271 on: August 05, 2018, 07:26:31 am »
Ang dami palang haters ni Anna Cay. Haha fave ko pa naman siya. Ang napansin ko lang sa kanya is parang ayaw nya mag upload ng vids na may kacollaborate sya. Magugulat na lang ako sa ibang channel magkakasama pala sila on the same event na di mo makita sa vlogs nya. Then iba rin ugali nya sa vlogs ng bf nya. Then yung sa q+a about why di sya nagpa surgery. Kasi wala naman daw abnormal sa muka nya. Medyo off lang ang dating kahit may padisclaimer pa sya na wala naman masama sa ganun, ano nalang mafefeel ni Shek pag nakiya nya yun. Sana she left that part to herself nalang. But I'll just give her the benefit of the doubt like ko padin sya.

Isa pang di ko gets bat maraming may ayaw kay Michelle Dy although halata namang mga bully sila ng mga kaibigan nyang mamshies. But wala pa naman akong napanood na vid nya na may parinigan like sa mga nababasa ko here.

Likes ko:

Wil Dasovich - older vlogs nya nung single pa sya. Super aliw talaga yun

Daniel Marsch - travel vlogs and nakakatuwa sya pag nagbisaya

Lloyd Cadena - nung una ayoko sya panoorin kasi parang ang dumi tignan (sorry :D) Pero nung tinry ko madumi padin :D pero super aliw ako at minarathon ko yung lc learns series nya. Tawa lang ako ng tawa. Relateable kasi mga contents nya

Technoclast - old yt na to mga kasabayan ng Jamich. Mas bet ko talaga manood ng gadget review kesa make up

The Hungry Syrian Wanderer - gusto ko yung mga travel vlogs nya. I feel bad for him dun sa vid nya ng Why I moved to the Philippines. Grabe lang nangyari sa buhay nila sa Syria. Pero daily vlogs nya not much. Cutie pa nya

Anna Cay, Shek, Rei G., -lifestyle and travel vlogs lang pinapanood ko. Nabobored talaga ako pag usapang make up na

Alodia Gosiengfiao - kakaiba content nya compared sa ibang pinoy youtuber. Matagal na rin channel nya, sya ata pinakaunang pinoy youtuber na nadiscover ko. Hs palang ata ako napapanood ko na sya <3

Michelle Dy - sa lahat ng make up vlogs, sa kanya lang ako di nabobored. Dahil sa kanya napabili na ako ng basic make up kit. Lagi ko ginagaya yung estudyante make up para pang everyday.

alice_alice

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #272 on: August 05, 2018, 08:10:19 am »
Well according sa isang video na napanood ko about MD and JS. Yung trademark na sinasabi niya ay wala naman and prolly ang covered lang naman nung copyright is the merch. Don't quote me on this as I am also unsure but yun ang pagkakaininti ko. JS is a bully though love ko pa rin siya. Naawa naman ako kay MD. Kahit na ba sabihin ng iba na nakarma siya kasi she is a bully herself but when do bashers stop? Muntanga na lang din. So much hate.

hisana

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #273 on: August 05, 2018, 09:33:16 am »
Never really warmed up to michelle even before, and now after reading these past issues about her, I like her even less.

Nagulat naman ako na shek actually said that on video, yung feeling nya towards smuggling/tax evasion. Why would she even broadcast that. Well anyway, ngayon ko lang nakita yung pic nya dun sa plastic surgery center, mukha na syang koreana, may template yata silang finofollow for all clients, haha. Maganda naman.

alice_alice

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #274 on: August 05, 2018, 09:49:45 am »
Natatabangan na nga ako kay Shek eh kasi, yun nga GGSS na siya before lumala naman ngayon. The only thing siguro that I find tolerable is atleast siya, hinde hypocrite na di afford yung ganito ganyan. Afford niya kung afford bibilhin niya kung bibilhin niya haha.


imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #275 on: August 05, 2018, 12:51:57 pm »
Medyo na off din ako sa sinabi ni shek. Kumbaga wala siyang paki kung nabili niya is smuggled. Government?s job daw to find out kung smuggled or illegal yung items na nabili niya basta makuha at maka mura siya. Parang hindi naman ata tama na bumili siya sa ganun. If ever man, sana hindi nalang niya vinideo and kept to herself.

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #276 on: August 05, 2018, 12:58:40 pm »
RE SHEK: kawawa naman yung mga business na nageeffort kumuha ng mga business licenses, ang dami pa naman nanonood na mga bata sa kaniya na parang ok lang na bumili sa  mga katulad nila basta makamura.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #277 on: August 05, 2018, 02:21:47 pm »
^Isa sa mga papers na mahirap ilakad dito sa Pinas yan.

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #278 on: August 05, 2018, 11:20:05 pm »
May own makeup line na si Madam Humblebrag. Infairness, sariling gawa niya ha. Korean inspired daw. Curious ako haha.

Nicon888

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #279 on: August 06, 2018, 12:49:11 am »
Ayan! Yabang time! Singapore Haul!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close