watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)  (Read 100904 times)

drag0nfly

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #60 on: July 24, 2018, 02:57:27 am »
Laki nga ng new house ni Bretman.  Bongga.  Ang aliwalas at lawak.  Lumusog na din sya hehe.  Cute.

I unfollowed Say on IG today dahil sa OA nyang pagmumura.  Na-realize ko din na tama yung isang sis na nagsabi na puro OOTD inaatupag nya haha.  Kasawa na nga.  Saka ewan ko, maybe it's just me, pero feeling ko hindi naman nya kayang sabihin yung mga pa-cool mura nya in real life LOL.  I'll still watch her YT videos though. 

prepster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #61 on: July 24, 2018, 03:42:06 am »
napanuod ko na yung home tour ni elle uy nung house niya and apartment ni laureen. dun ako nagandahan talaga sa gawa niya, especially her home.

panigurado talagang nakaka good vibes yung vids ni vavaeng marangal. kakatawa yung new video niyang nag make up siya nang nakahiga. ngalay ang braso ni vev! saka maski di ako mahilig sa gulay, natakam ako doon sa green veggie mukbang nila. gusto ko i-try yung bagoong sawsawan na ginawa niya.

bratty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #62 on: July 24, 2018, 11:27:35 am »
Na-appreciate ko din yung gulay mukbang ni VM, nakakatakam nga. Pero di ko keri yung green bell pepper, hala!

Nacurious ako kay SayTioco, maayos at hindi naman sya bina-bash ng commenter pero grabe yung reply nya, @$$ho*e agad, talaga lang!

Kay Elle Uy naman, gusto ko yung simple lang sya mag-explain at maikli lang ang videos nya.

yellowminion

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #63 on: July 24, 2018, 11:35:39 am »
Same pa rin ang mga pinapanood ko.

But more on Vavaeng Marangal ang binge-watch ko ngayon for good vibes

o9kristin

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #64 on: July 24, 2018, 11:54:47 am »
Ang bongga naman pala talga ni Bret! I think mahal yung property kasi katabi ng golf course. Kahit di ako nakasub sa kanya pinapanood ko videos nila ng sister nya. Tawang tawa ko sa okrayan nila.

Si Shek, I dont see her as humble brag kasi never naman nya sinabi na wala syang pera or simple lang sila etc. More of show off si bagets. But that's ok at least never ko narinig sa kanya na "wala syang pera".


iamklarisse

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #65 on: July 24, 2018, 12:20:31 pm »
avelovin is my new girl crush :)

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #66 on: July 24, 2018, 12:42:59 pm »
Rent ba house ni Bretman or binili niya? Ang laki siguro ng kita niya ang ganda din ng mga cars niya.

Sinabihan ni Say na a**holes at stupid mga commenters niya. Commenters kasi hindi sila bashers nagbigay lang ng opinion and respectful pa din. Maiintindihan ko pa pagpatol niya kung binash siya or trolls kaya lang mga fans/followers niya talaga nagcomment na mukhang concern lang naman.

kutitapkiss

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #67 on: July 24, 2018, 12:46:56 pm »
Na-appreciate ko din yung gulay mukbang ni VM, nakakatakam nga. Pero di ko keri yung green bell pepper, hala!

ang hindi ko kinaya, yung sibuyas na puti sis... ginawa nyang apple kaloka hahaha!!

pansin ko lang, daming natuwa sa mukbang nya, pero ang ingay nya din ngumuya... tho mas maingay si anna cay, maingay din eh. mejo na off din ako. iba kasi yung maingay na naririnig mo lang yung crunch ng kinakain sa maingay na naririnig mo yung tama ng dila sa loob ng bibig ahaha ang hirap iexplain basta  ;D pero sa comments section walang nangbash sa kanya. love talaga sha ng mga tao.


I think ang criticism ko lang naman sa kanya is magulo talaga ang bahay. Kung ako malaki na ang sahod sa YouTube at afford ko naman, I will seek professional services na like interior design or kahit yung mga professional organizers. Puhunan niya ang bahay niya where she shoots her videos, sana gawin niya to make it easier on the eyes. And with that mae-encourage pa nya yung viewers na maging masinop sa gamit. I'm OC kaya nase-stress ako when I watch her videos at maraming kalat. Iniisip ko palagi pano siya nakakakilos.

i agree, ang problema kasi, daming laruan ni joo. maliit ang space nila, tas daming toys. halos yun naman ang kalat sa bahay nila mga toys. yung amount ng toys ni joo, para sa may malaking space like may play room ganern. and well, sabi nga nila pag may bata sa bahay, mahirap talaga imaintain na uncluttered. pero yun factor yung sobrang daming toys.


Si Shek, I dont see her as humble brag kasi never naman nya sinabi na wala syang pera or simple lang sila etc. More of show off si bagets. But that's ok at least never ko narinig sa kanya na "wala syang pera".


ang hilig nya kasi mag disclaimer minsan, like sasabihin nya, hindi naman sa pag aano guys ha, pero we have 4 cars sa bahay and ang hirap minsan lumabas ng parking kasi ang daming sasakyan, something like that? ahaha parang, okey kailangan pa ba sabihin yun, kitang kita naman namin sa vlogs gurl hehe. madalas shang ganun, lalo na if magkkwento sha about material stuff, may disclaimer lagi. maybe it's just me pero parang mas mayabang sha pakinggan. sakin lang naman. but then again, natotolerate ko naman hehe so keri lang.

minsan kasi pag sinabing walang pera, doesn't really mean walang pera. baka walang pera for a certain stuff like short sa travel fund, shopping fund, luho fund ganern. pero doesn't necessarily mean broke na walang pera. diba.


bratty

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #68 on: July 24, 2018, 01:40:51 pm »
ang hindi ko kinaya, yung sibuyas na puti sis... ginawa nyang apple kaloka hahaha!!

pansin ko lang, daming natuwa sa mukbang nya, pero ang ingay nya din ngumuya... tho mas maingay si anna cay, maingay din eh. mejo na off din ako. iba kasi yung maingay na naririnig mo lang yung crunch ng kinakain sa maingay na naririnig mo yung tama ng dila sa loob ng bibig ahaha ang hirap iexplain basta  ;D pero sa comments section walang nangbash sa kanya. love talaga sha ng mga tao.

Oo nga yung puting sibuyas pa pala 😱

Napansin ko, mas may manners si VM at LM kumain kasi nakatikom bibig nila habang nagchew ng food. Tapos dba si LM naka-sahod yung isang kamay nya sa may chin kasi may nalalaglag na food. Medyo mahirap nga i-explain at tama ka sis, dahil love si VM ng tao, deadma na sa ganung detail 😊

cherypop

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #69 on: July 24, 2018, 01:48:45 pm »
At dahil sa mukbang ni Vavaeng Marangal napabaon din ako for lunch ng mga ini steam na gulay except sa buong sibuyas na ginawa niyang apple atsaka bell pepper. Haha! Tapos may kasamang bagoong alamang. Sarap! Haha! Napanuod ko yung mukbang ni Madam Anna C. yung santol mangga at lanzones. Grabe hilig nya talaga sa maasim, naubos nya yung mangga madami din yata yun. Mejo off lang ako dun sa get up nya nung nag mukbang sha full makeup kung full makeup hehe.  ;D ;D

L6rcaster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #70 on: July 24, 2018, 01:53:51 pm »
Maiba lang, may nakapanood na ba kay sir paul maynard? Nakikita ko siya dati sa channel ni anne clutz, isha and anna cay. I checked out his channel, nag makeup makeup siya, vlogs,  but never gained lots of subscribers. Something about the way he talk or content maybe?

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #71 on: July 24, 2018, 02:23:07 pm »
Mapanood nga si VM para ma-inspire naman akong kumain ng greens, lalo na kapag mukbang nakakatakam eh.  ;D

Grabe si Bretman ang bongga bongga ng house niya. At ayaw niya ipakita mga kapit bahay niya. Dapat lang.  ;D I think binili na niya yun. Pero nagulat ako kasi talagang in the future may balak pa siya to move in a bigger or new house kaya daw hindi niya pinatibag yung sa may faucet area kasi bababa ang value. True ito talaga yung rags to riches. Akala ko nga okay na siya sa previous house niya kasi malaki na din para sa isang tao, pero noooo. Bigger mas bonggang house.  ;D

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #72 on: July 24, 2018, 03:48:03 pm »
^^Si Paul ang tingin ko nakikisakay lang sa popularity ng local youtubers. Minsan I tried watching one of his vlogs pero di ko natagalan. Wala naman sense.

I'm so happy for Bretman. I don't think entirely youtube income yung pinambili niya ng house kasi di ba sa snapchat siya nagsimula sumikat? Tapos bukod sa views niya sa YT, millions din ang views and likes niya on instagram. May bayad din yun right? Lagi ko inaabangan videos niya with his sister, Princess. Saka hindi niya kinakahiya na Filipino siya unlike yung isang youtuber na napag-usapan din dito.

lilu

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #73 on: July 24, 2018, 04:01:05 pm »
^ Natuwa din ako kay Bretman lalo na yung nagpalaki na sya ng katawan.. bumagay infairness! At kilay nya from one-liner, naging bushy na! Napanuod ko nga yung nag guest sya sa Showtime, wrong timing kasi wala sila Vice at Anne Curtis nun, sayang kasi gusto nya makita.. Sorry kung Ot ah pinoy naman eh! 😅

Comparing Shek vs Anna Cay, mas humble brag si Anna, kasi si Shek madami nga sya pinamiling branded things, pero kasi gusto nya magwaldas ng pera hahaha at honest naman sya na meron syang pambili.



simang

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #74 on: July 24, 2018, 04:15:37 pm »
Siguro yung kay Anna Cay legit na humble bragging, kay Shek literal na bragging lang. Lols.


imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #75 on: July 24, 2018, 04:27:56 pm »
Medyo na off din ako sa mukhang ni madame anna. Naka full on plakadi makeup with matching eyeshadow. Mas okay sana kung fresh lang makeup tas kumakain siya. Naka tingin kasi ako sa mukap ni ateng. Nakaka distract. Haha

True. Mas okay sakin pagiging bragging ni shek. May disclaimer din si anna like her, pero mas honest lang for me si shek na in your face ipagyayabang niya talaga. Kesa kay anna cay na pinagyabang na nga tas binawi pa. Hahaha

Tuwa din ako na maraming reviews si anne clutz. Okay siya sa ganun, daily vlogs di nman ako nanunuod.

Super funny ni vavaeng marangal. Sorry pero ito talaga yung kahit anong gawin hindi nakakainis. Matutuwa ka pa at matatawa. Napaka totoo niya lang guys. Like to personalidad niya. :)

L6rcaster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #76 on: July 24, 2018, 04:52:38 pm »
TRue kay shek. No apologies sa pagbili ng designer goods. Basta binila nya, may pambili siya so why not. Haha.

cherypop

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #77 on: July 24, 2018, 04:59:13 pm »
May nag comment sa latest IG post ni Madam A. eto yung sabi: Saw you yesterday, ang sungit medyo nakakasad kase didnt saw that coming.  ;D naku nako madam

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #78 on: July 24, 2018, 05:26:59 pm »
^Mukha naman talaga siyang masungit. Ito yung tipong mahihiya kang lumapit. Kasi alam mo sa umpisa palang eh ang taray na.

Good thing din talaga na nabura yung threads niya. Kasi mas madaming dapat may "own thread" na Youtubers. Mas bet ko pa si Menchie.  :P

Super proud of Bretman din. Oo nga hindi siya madalas mag post sa YouTube unlike sa iba na everyday or 3 times a week. Pero sa madalas siya mag post. Isa pa mahal na mahal niya family niya.

ReservoirDogs

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 3)
« Reply #79 on: July 24, 2018, 05:57:12 pm »
I got curious and checked out Say's IG.  Well to be fair to Say, I think she was grieving and there was  this follower who commented na parang nagmamarunong and ang subtext parang si Say ang may kasalanan. The commenter deleted her posts kaya it was hard to follow the thread. Kaya siguro na-trigger si Say and kapatid nya, which for me, naintindihan ko since they're both grieving.  I don't know anything about neutering dogs, but siguro ang dapat na may responsibility nun yung vet na nagneuter dun sa aso nya, hindi si Say.  Yun nga lang Say really has to choose her battles kasi di maganda tignan na patolera sya sa mga followers nya.

Si Shek, puro selfie nya sa IG stories, parang ang vain na nya. I bet that won't be her last surgery.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close