watch now

Author Topic: Laging hinihiram baby ko  (Read 1738 times)

Mommy Tin

  • Guest
Laging hinihiram baby ko
« on: July 19, 2018, 04:17:00 am »
Yung toddler ko laging hinihiram ng ninang nya. Nakaka stressed na kasi kaisa-isang anak ko lang nga tapos may nakikihati pa ng attention. Nag hint na ako na ayaw ko laging hinihiram baby ko at alam nya rin na kapag bumabalik anak ko sa bahay, hindi ko na pinababalik sa kanila. Medyo nabawasan na ang paghiram kay baby pero kahapon lang binuhat na naman anak ko papunta sa kanila. Nakaka stressed kasi masasanay na naman nyan si baby mangapitbahay. Please help me. Ano bang magandang approach? Thanks.
« Last Edit: July 19, 2018, 04:19:26 am by Mommy Tin »

hushush

  • Guest
Re: Laging hinihiram baby ko
« Reply #1 on: July 19, 2018, 07:30:56 am »
^best approach sis? Hawakan mo lagi ang baby mo. Walang-walang makakaagaw ng baby mo kung lagi mong binabantayan. E ano kung laging nakadikit sayo. Paglaki nyan ikaw na magmamakaawa na sumama sayo yan. Kaya wag na wag mo ipapahiram sa iba. Kasi pano kung di mo napansin na nasa kalsada na pala at ibang tao /kidnapper na ang kumuha sa kanya? Hindi sya sisigaw o iiyak kasi nasanay sya na kinukuha sya ng ibang tao...

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Laging hinihiram baby ko
« Reply #2 on: July 19, 2018, 09:32:54 am »
Pag kinuha, kunin mo agad sis. Lock mo bahay nyo para di agad may makakapasok na ibang tao

kvandenhaak

  • Guest
Re: Laging hinihiram baby ko
« Reply #3 on: July 19, 2018, 09:55:15 am »
[textspeak!] yon, kinukuha na lang ng walang permiso? Just tell her, gusto mo munang i-train about safety at hindi kamo matututo kung palaging wala sa tabi mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close