watch now

Author Topic: Say Anything You Want Thread 8  (Read 52705 times)

three8one

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #640 on: October 01, 2018, 12:24:20 pm »
^ Driving Guru....  8)

bata nyo ko ma'am!

-------------------

nakaka BT panoodin yung post na video sa FB na mga menor de edad na sutil, nanggulo at naghahamon ng away kay kuya guard.. dapat talaga sa mga ganun tinutumba na kung wala rin lang gagabay na magulang o LGU's dadating ang panahon dagdag salot sa lipunan yan.


Evolet027

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #641 on: October 01, 2018, 12:37:57 pm »
^ re mga batang hamog, sarap nga yabugin ng mga yun eh. kakagigil ng mga asal. lalo yung umamba na mansasaksak. Leche, kung ako yung guard at may ari, na yabog ko na agad ng baseball bat ko yun.  ;D ;D ;D

-------------------------------------------------------

Almost done with our analytics project, and today, may bagong project na dumating. It will be a very busy October and I'm happy na maraming projects ang parating. No reason para mag tamad tamadan sa work since this is my bread and butter. I should be thankful at na a afford ko ang lahat according to my lifestyle because of my work. it's a happy Monday! And most importantly, I woke up with a happy heart. Gaan lang! i love my job!!!

three8one

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #642 on: October 01, 2018, 12:52:40 pm »
^ Ah Ah.. katapang naman ng binibining are... nakakasura naman talaga ang mga gayon mga walang modo.  :P

pa absorb naman ng good vibes mo... hehe!

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #643 on: October 01, 2018, 01:14:53 pm »
^nangangareer lang ako boss. Hehe. Basa-basa lang batas sa pagmamaneho pag may time hehe.. Still newbie here. at ayun kinoveran ko car ko ngayon until sunday kasi gusto ng husband ko sya muna magdrive for us. At car nya ang gamit. E di bahala sya.. Tseh!! 😆

Hindi ko pa napanuod yan ha. Baka masira lang araw ko. Problemado din kasi ako sa panganay ko lately. Spoiled na naman ang peg porke andito ang daddy... So ang ginawa ko grounded sya. walang tv for 1week. Then kahapon nagpapabii ng toys. Hindi ko binilhan kahit pakitang-gilas tumutulong sa gawaing-bahay, nagpe-pray bago kumain... Alam ko pakitang-gilas lang yun para lumambot ako at payagan ko manuod ng tv.. I should be firm otherwise, baka isipin nya na kaya nya akong utu-utuin. E di ayun medyo bumait-bait kanina haha! That's better than spanking. Mas lalong tumitigas ang ulo the more na pinapalo hehe...

====
Mahirap din pala gumawa ng xmas bows.. nakakachallenge pero very rewarding pag makagawa ng isa.. So nakaka-tatlo pa lang ako.. More bows to come.. And i need a longer roll of ribbon.. Yung 45meters at least! Hehe.kakaadik din magdecorate ng bahay lalo na ng xmas tree..umaarte na ako ah.  😃

Gabby11

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #644 on: October 01, 2018, 01:53:48 pm »
You are so funny. Para kang si Neri Naig. Know it all and trying hard to be someone you are not. I wonder if true lahat ng sinasabi mo. 🤔

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #645 on: October 01, 2018, 02:03:29 pm »
I can send you my proofs if you are curious, my certificates, photos etc. Name it. Pm lang. Also my PRC license # if you want. kung ikaliligaya mo inday!! 😅😅

mayda_m5c

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #646 on: October 01, 2018, 03:39:08 pm »
Medyo nakakatamad yung Monday na ito  ;D But I don't have a choice, need to work.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #647 on: October 01, 2018, 03:55:46 pm »
Musta naman ang dad mo sis. Naaberya ba? Ilang hours ang tinagal bago naayos? Yung insurance naman ang aayos nun kung sino man ang may kasalanan.. Classified as Reckless driving yung turned off headlight/backlight. Pero pede ka baligtarin ng nakaaberya mo at sabihin nyang nakasindi ilaw nya nun naside swipe mo sya.. Unless may dashcam yun car nyo madali lang iprove kung sino ang maysala..
Di naman sis naaberya ng matagal. Sinettle nalang nila ng sila-sila lang. Tatagal pa kasi if tatawag pa ng pulis and all super traffic na nga sa lugar na yun dahil sa mrt construction. Nagbayad nalang ng 7k si dad para sa damage ng montero. May dashcam kami pero partly may kasalanan din daw daddy ko according to my mom and sis.

Bridgette*

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #648 on: October 01, 2018, 03:57:09 pm »
^^^ Got someone I know personally that fits the thought just perfect.


Let the success make the noise.

three8one

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #649 on: October 01, 2018, 05:54:21 pm »
85 days before Christmas....

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #650 on: October 01, 2018, 07:21:31 pm »
^^^buti naman sis nagkaaregluhan na lang. Di ko lang masabi kung mura o mahal yung 7k .Pero maige na yun kesa punta pa sa police station. Kung idedeclare ng montero owner na na-hit and run sya e baka full coverage din siguro ang sasagutin ng insurance. Kasi ganun ginagawa ng mga kasama namin sa opisina pag ganyang case lalo na kung may dashcam din sya to backup his claim. Hehe. Naaberya na din kasi kami dati .naside swipe naman ng rider..inabot ng 4hrs sa police station. Yun isang door ang nirepair at 10k ang repair cost..ganun kahassle. Papakita ko history ng car at pix ng dents to prove hahaha!.😂

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #651 on: October 01, 2018, 07:27:20 pm »
^Yun nga sis kaya nag-aregluhan nalang kasi kakasundo lang nila sa sis ko from airport. Pagod kapatid ko kaya sabi ayusin nalang para makauwi na. Sabi ng mommy ko mura na daw yung 7k na binigay nila para maayos yung nasirang pintura. Ang haba kasi saka malalim daw.

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #652 on: October 01, 2018, 08:22:22 pm »
^at least paint lang pala ang damage e kung may dent pa na ganun kahaba at malalim.. charge to experience na lang. Mas magiging maingat na si daddy mo nyan. Nakakatrauma kaya yun.. 😨.kumustahin mo din yun daddy mo.. Pag matanda kasi baka dinidibdib na pala..ok lang yun kamo. Buti nga paint lang. Minor damage lang yun. 😊

-------
Angdami talaga rich people dito sa better living. Kanina papuntang mall may nakasalubong kami Jaguar! Tapos pauwi, ferrari naman! Nun isang araw naman limo at nissan premium.. Hehe. yamaners! Alam ko marami celebrity dito eh.. But so far si Nyoy Volante at Wendell Ramos pa lang nakita ko sa skul ng mga anak ko.. May pic ako with Nyoy.. hehe.. 😊😊

simang

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #653 on: October 01, 2018, 09:43:55 pm »
^uy crush ko yang si Nyoy nung college.. hahaha

----

Back to regular programming! So thankful and happy for the weekend that was. My heart and my travel memories are full ❤️

Tapos sinalubong pa ako ng movie date with husband ❤️ and I'm going to be with my daughter in a few days!  Can't wait to see her and hug her and cuddle with her ❤️ 

kvandenhaak

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #654 on: October 01, 2018, 10:11:45 pm »
October na agad, ang bilis ng araw.

Focus, focus, focus!

so.regina@yahoo.com

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #655 on: October 02, 2018, 05:01:58 am »
Ang dami kong gustong gawin, kaso tamad ako. Sa sobrang tamad ko, 2 days or 3 days na ata akong di naliligo. Nasa bahay lang ako. Nauubos ang oras sa pagbabantay ng anak ko na toddler.  Di naman ako dapat kaawaan. Sadyang tamad lang ako.

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #656 on: October 02, 2018, 05:11:06 am »
^^sis simang! Welcome back! Mukhang na-refreshed ka nga sa travel nyo ah. Good for you.. And you also deserve it.aaaw gusto ko din movie date with husband.. Ayain ko nga. Kaya lang matutulog lang yun sa cinema hehe.. 😆

----------
Oct na nga! Maraming excited sa halloween! Lalo na ang malls excited magbenta haha.. Sabi nga nila ang aga pa daw para maglagay ng xmas tree kasi dadaan pa daw ang halloween , trick or treat.. Ako naman, ayoko makicelebrate kami dyan. Ok lang All souls / saints day.. Kasi why glorify the demons? Id rather teach my children to glorify and celebrate goodness. sa mall dami na ngang masks na nakakatakot. Imagine ipasuot mo sa bata yun. Isipin nya it's fun to be a monster... Baka paglaki nyan ugaling monster din..😊

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #657 on: October 02, 2018, 05:42:31 am »
hayyyyyy me sportsfest kami sana hindi matuloy lol maubusan ng poindo sila hahhahhahahaha

mysterioza_me

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #658 on: October 02, 2018, 06:02:04 am »
^^Kami sis after ng All Soul?s Day na nagtatayo ng xmas tree tapos aabutin yun hanggang mga Feb haha. Nakita ko na yung Xmas tree mo. Nakaka-happy tingnan. Yung sa nangyari na minor incident sa sasakyan, wala naman yun. Tatawa-tawa lang daddy ko. Mabait daw si Bridgette di na daw yun mauulit (name ng sasakyan namin)

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #659 on: October 02, 2018, 09:25:31 am »
^nov pa? Now na!! Excited din for you. Patingin sis din ng tree mo.. magshopping ka na sa divi nyan ng decors soon para di mo makasabay yun mga maaaga ang 13rh month pay na ayaw din sumabay sa buhos ng mga shoppers sa nov hehe. im sure once na makashop ka manggigigil ka nang magdecorate bago pa man mag-nov hehe! Lalo na bagets mo kukulitin ka nyan.. 😋
Nagulat ako bridgette pala ang name ng car nyo. May kapangalan GTer hehe!! heheYung sakin pang-boy naman ang name.. 😄
Angmahal nga nun decors mo from.SM. 6k tapos kalahati lang coverage. Yun tree ko, package na yun kinompute ko kasama yun tree at xmas light, 6.5k, sobra sobra pa ang decors..
-------
Whoa! Medyo cloudy ngayon. Plan sana namin mag-star city mamaya.  Wrong timing ata baka bigla umulan.. Di bale ok lang. Indoor rides naman karamihan. May extreme rides din naman sa loob. Angsaya lang kasi naka-metrodeal ulit sila then may kasama nang passes sa Art Alive museum yun ticket. 😊

 

Latest Stories

Load More Stories
Close