watch now

Author Topic: Say Anything You Want Thread 8  (Read 53174 times)

simang

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #320 on: August 17, 2018, 08:19:19 pm »
Lomi craving satisfied

Gabby11

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #321 on: August 18, 2018, 12:06:42 am »
Bakit may mga guys na gusto ka makita ng kaka gising mo lang??? Hahaha

kutitapkiss

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #322 on: August 18, 2018, 03:31:54 am »
^ trust issues. Kasalanan ng mga magagaling mag makeover sa IG  ;D

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #323 on: August 18, 2018, 07:58:16 am »
^^Marahil ay nais lamang nilang matunghayan ang natatangi mong anyo at kariktan, dahil ika nga ng mga dalubhasa at pantas, ang wagas na panlabas na kagandahan ng isang dilag ay nakikita pagkagising na pagkagising sa umaga. kayat ginagawa ito ng karamihan upang hindi mapaglalangan ng mapanlinlang na makabagong pagmamanipula sa mukha.

Maging si Donya Victorina de de Espedanya ay naitala at inilarawan sa Noli Me Tangere na nagpanggap na isang Mestiza,  nagsuot at naglagay ng napakaraming kolorete sa mukha upang makapangasawa ng isang Don Tiburcio sa kabila ng katotohanan na ang gusto talaga nya ay si Kapitan Tyago.

*Anlakas maka-Francisco Balagtas ng Buwan ng Wika. 😊

kaythrielle

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #324 on: August 18, 2018, 08:51:32 am »
Kaaliw listening to hubby singing along the songs, nahawa na rin sa amin hehe.

*****
Hay salamat lumipas na rin and we can move on. Thank you lord

*****
Malapit na ba mag-fall? Nag-uumpisa na mag-iba kulay ng nga dahon sa mga puno sa paligid....noooooo....parang ang bilis naman ng summer....wag muna...
I like fall season pero saglit lang winter na naman....huhuhu....parang kakatapos lang ng winter eh.....huhuhu



Edit:
ang galing sis hushhush! kaaliw 😊
actually maganda yung sariling wika natin eh. i think meron politician nakakaaliw pakinggan magsalita kasi parang nakikipagbaligtasan lagi. i forgot lang sino.
« Last Edit: August 18, 2018, 09:01:07 am by kaythrielle »

kvandenhaak

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #325 on: August 18, 2018, 09:20:00 am »
Gusto ko ulit basahin yung novels ni Jose Rizal. Hindi ko na matandaan ang storya...lol!

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #326 on: August 18, 2018, 09:29:59 am »
Sa labo ng mata ko, naka-zoom na yung monitor ng PC ng 125%. Partida may salamin pa ko nyan. Hayyy buhay!

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #327 on: August 18, 2018, 12:27:08 pm »
^^go! Go! Basahin mo tapos feedback.mo samin sino ang fave character mo hehe..

^^^si sen.chiz escudero ata yun sis? kaaliw nga din sya pero wala na sya sa limelight lately. ☺

Naalala ko lang ang mga stories sa Noli me Tangere kasi isang subject sya nung 3rd at 4th year HS kami.. kaaliw sya kesa sa El Filibusterismo kasi agresibo at probokatibo na ang pagkakasulat. Sa Noli maraming nakakarelate na estudyante.. at mairerelate mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.. Yun mga teachers namin binabansagan naming "Donya Victorina" or "Donya Consolacion" sila kasi yung magkaribal eh.. Nagpapabonggahan. Parang Kris Aquino lang or Sharon Cuneta hehe...
Malas mo lang pag nabansagan kang "Sisa" sa classroom nyo hehe. 😂
Minsan kahit yun mga scenes dun mairerelate mo talaga like pag tinolang manok ang ulam namin at nakakita ako ng leeg ng manok magkocomment ako na "bakit leeg ng manok ang natira sakin? Si Padre Damaso ba ako?" 😂

At bukod dun, kapag naman mapagawi ka sa bandang Pasig at habang binabagtas mo ang kahabaan tulay, dun mo maalala ang makabagbag-damdaming paglalarawan ni Rizal tungkol sa Ilog Pasig habang sya ay nakasakay sa Bapor Tabo.. Dun ka malulungkot na hindi na natin maibabalik sa dati ang Ilog Pasig..Parang angsarap lang mag-time travel hehe.. 😁

Anyways, nauuso naman ngayon ang tinatawag na Spoken Poetry sa mga students. Medyo awkward sa umpisa kasi pag ang nagdeliver nyan e hindi masyado tugma ang gestures at boses, cringy ang dating at parang nagra-rap lang.

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #328 on: August 18, 2018, 07:28:36 pm »
Napakahirap pala ng night driving.. Tapos sinabayan  pa ng malakas na ulan...😥

Shadow Angel

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #329 on: August 18, 2018, 08:43:54 pm »
Kahit un asawa ko na napaka haba ng pasensya stress na rin sayo.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #330 on: August 19, 2018, 12:56:10 am »
^^^Si Quiroga lang ata natatandaan kong character sa Fili/Noli...lol! Minor character lang sya so I am not sure kung bakit ko natandaan.

adrianne1

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #331 on: August 19, 2018, 10:19:42 am »
Kumusta? I remember you peddling vitamins a few years back.

Boss, I quit.  ;D

I'm so tempted to have our broadband subscription discontinued. Ang useless ng mga tao dito sa bahay. Nakatutok lagi  sa gadgets. Wala nang naitulong sa gawaing bahay.
« Last Edit: August 19, 2018, 10:25:39 am by adrianne1 »

three8one

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #332 on: August 19, 2018, 03:49:40 pm »
yun! mahaba habang pahinga.... 6 days beybi! o yeah!

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #333 on: August 19, 2018, 05:16:57 pm »
^kainggit.. Wala din pasok mga anak ko til wed. Angkaso ako meron pasok.. Sa driving school... Di bale.. Tiis-tiis na lang at matatapos din ang training hehe.

three8one

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #334 on: August 19, 2018, 05:31:02 pm »
^ atlis ma'am yung pinapasok mo na eenjoy mo at di ka na I-stress. hehe.

-----------

kelan kaya papalabas yung Mulan movie si Lliu Yifei bida? ::)

adrianne1

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #335 on: August 19, 2018, 06:40:24 pm »
Anak ng tinapay naman oh.

May kailangan nga akong tapusin. Ano ba naman yung pansinin mo siya ng ilang oras?! Wala ka na ngang ginawa kundi matulog at mag-cellphone. Ni hindi mo nga maayos yung kama pagkabangon mo.

Ako pa yung tatawagin mong burara kapag iniwan mong hindi ayos yung kama? Ako yung susungitan mo kasi may kailangan akong tapusin? Ako yung tatanungin mo kung anong kakainin, eh marunong ka naman magluto?

Ano yun, your weekends are devoted to sleeping, eating, gaming, and sulking? Lagi na lang ako yung may kasalanan, ganoon?

FML.




hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #336 on: August 19, 2018, 07:02:33 pm »
^^naku minsan nasstress din ako kapag naiihi na ako at ubod ng trapik. Tulad kagabi haha! 😆

Abangers din ako dyan sa movie na yan. Ang ganda-ganda kasi ni Yifei eh. Parang dyosa sa kagandahan.. Yun nga lang ang eyes nya parang medyo banlag yun isa..

-------
Ayan angtigas kasi ng ulo ng pamangkin ko.. Ako panay paalala sa kanya na wag maghahawak ng pusa. Ayun naghawak ng pusang-gala ang bata. Nakagat tuloy ang kawawang bata sa braso. Laking abala tuloy at gastos pa. Gabing gabi na isugod sa animal bite center. mabuti na lang may magdrive para sa kanila. E wala pa ako linsensya kaya di ako pede.. even so, di ko din alam yun way papunta dun lalo na kung gabi... Useless driver... Hehe. 😁

simang

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #337 on: August 19, 2018, 11:00:30 pm »
Such a long day, nakakapagod pero super thankful for many things today.
- walang aberya sa flight nina kuya
- nakabalik na kami sa bahay after 3 weeks
- nakapamalengke at grocery na rin
- nakapaglinis na ng bahay
- nakapaglaba kahit half lang ng naiwang laundry
- and syempre finally makukuha ko na yung pinagawa kong wedding guestbook for my friend

Monday na ulit bukas! :)

Bridgette*

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #338 on: August 20, 2018, 07:37:36 am »
Ouch, sakit mo naman magsalita beshie.

Yesss. Ang pretentious kasi but if only I can send that message to her directly kaya lang blocked pa kami sa messenger e lol. Nakaka awa na more on nakaka asar.


Sayang talaga yung Aug 22 may pasok *siiiigh. Nakakasuya na rito saka yung muka ninyong lahat  ;D

hushush

  • Guest
Re: Say Anything You Want Thread 8
« Reply #339 on: August 20, 2018, 11:56:26 am »
Hay nako. maiiwasan sana ang ganyang disgrasya kung di masyadong kampante at tiwala na "street smart" yun bata.e nakakailang disgrasya na ba ang bata na yan. Yun lang nabanlian ng scalding coffee yun dibdib nyan, at nabagok ang ulo sa sahig, kung ako ang nanay nyan, mas iingatan ko yan.. Hay nako ewan ko sayo ate. Masyado kang kampante kasi. Kaya ayan sunud sunod na problema at gastos. Minsan parang gusto kong tanungin ka, anong klaseng nanay ka ba. Toddler pa yan eh, dapat bantay sarado ka pa dyan. Wag mo ipagkatiwala sa isang bata din ang pagbabantay dyan. Hindi porke ilang anak na ang napalaki mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close