watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)  (Read 116892 times)

swim_fatale

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #320 on: June 16, 2018, 06:45:13 pm »
^^yung bagong vlog ni anna cay puro kayabangan na naman. Binanggit nya pa kung magkano per head dun sa buffet na kinuha nila, bumili ng ipad pro tapos pinakita yung pera na ibinayad nya habang binibilang ng cashier, tapos binanggit din kung magkano yung apple pencil na binili nya. Ok lang sana kung sineshare nya sa viewers kaya nya binanggit, pero binanggit nya yun habang casual silang nag uusap ng friends nya at isinama nya pa sa vlog. Lol gustung gusto yatang nasasabihan na rich kid. Hahahah.

True sis. Puro kayabangan. Pag need ng viewers ng legit na info, madamot, pero sa pagyayabang naku ambilis! Haha

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #321 on: June 16, 2018, 09:16:35 pm »
Mas masarap manood vlog ni ACTV, informative, hindi naman ako ganoon kabaliw sa mga KPOP at Kdrama pero sobrang naapreciate ko yung mga filming location and history ng lugar, sana ganoon din sa Pilipinas i-preserve yung mga makalumang bahay at ipromote yung history ng Philippines.

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #322 on: June 17, 2018, 12:44:04 am »
I think yung horrible na pimples na sinasabi ni anna cay e yung paisa isa or 3 niyang pimples. Ever since naman hindi ko nakitang malala yung acne niya. Sadyang OA lang siya.

Truth! Omg! Akala ko ako lang nakapansin dun sa pag uusap ng friends niya. Na may pa VIP pa tas sinabi kung magkano per head. Sobrang ang boastful niyang tao. Sobrang obvious na gusto niya lang ipagyabang sa ibang tao. Kapatid niyang si menchie hindi nagyabang ever. Simpleng tao lang. Pero siya kabaliktaran. Bukod sa gown niya na i find inappropriate since 60th bday ng nanay niya yun, hindi naman gala. Kaya na hate ko na siya kasi ang yabang pala niya.

And sinasabi niya na dahil may braces kuno? Dapat nga mas naglessen yung pagiging makapal ng bibig niya kasi naka adjust na yung ngipin niya. Kumbaga pumasok na yung ngipin. At siya rin mismo nagsabi na ang sapphire or ceramic braces mas less ang mouth sores or singaw unlike sa metal braces. Ako may braces nga din sa una talaga kumapal bibig ko, pero after ilang adjustments hindi na masyado. Napaka defensive lang ni anna cay pagdating sa mga flaws niya.

Nakita ko rin sa ig post niya wayway back, pati size 00 na shorts pinost pa niya. Nagwowork out siya kahit hindi siya mataba. Tas mag ggrab siya ang post niyang pic yung bago niyang mamahaling bag. Sorry pero i super dont like her attitude na mayabang. Tapos sasabhin humble siya? Nasan te? Nasan? Haha


hann-hann

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #323 on: June 17, 2018, 12:59:59 am »
Apir mga sis! Umaalingasaw talaga kayabangan e no? Hindi na ko nanunuod ng vids nya, eto lang ulit pinanood ko kase curious ako kung may kayabangan na naman syang sasabihin, at hindi naman ako nabigo. Lol

Yung sa braces nya nasagot nya ng mabilisan pero yung ilong nya bakit di nya maexplain kung bakit biglang tumangos? Lol

sofiameredith

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #324 on: June 17, 2018, 09:09:25 am »
Apir mga sis! Umaalingasaw talaga kayabangan e no? Hindi na ko nanunuod ng vids nya, eto lang ulit pinanood ko kase curious ako kung may kayabangan na naman syang sasabihin, at hindi naman ako nabigo. Lol


True!!!! Ang "SIMPLENG HANDAAN" daw for Inay😁 para sa mga CAN'T AFFORD.

Pag gusto mo makanood ng pretentious na tao punta ka lang sa channel niya. She never FAILS...LOL😊🤣

gil12

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #325 on: June 17, 2018, 10:39:03 am »
ex- porn star daw ata si vavaeng marangal. pero ang talagang gusto ko sa kanya kahit sino all walks of life very pleasant sya.. [textspeak!] sa grab rides nya, inaalok nya lagi [textspeak!] driver. kakaaliw sya.

totoo bang ex porn star? sa Pinas? hehe. na curious ako kasi trans siya. hindi ko pa napapanood videos niya.

sayang nga si Ana V. maganda siya tapos may skill talaga sa make up. naka subscribe ako kay Noe Mae, color is my weapon name ng channel niya. para sakin, galing din niya magmake up, ang linis, pulido gumawa. Sayang nga mga naunang make up gurus na biglang nawala tapos bumalik.

medyo na off din ako sa bagong vlog ni Anna Cay pero I'm happy for her mother. Feeling ko deserve naman ng nanay niya talaga yung party.


hann-hann

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #326 on: June 17, 2018, 01:48:46 pm »
Nakita nyo ba yung IG stories ni anne clutz kagabi? Yung post nya kasama laptop tapos nahagip yung planner sa harap nya. Nacurious ako dun sa nakasulat sa planner kasi mukhang pera, kaya iniscreenshot ko at zoom. Kalurks kung yun nga ang kita nya sa YT vids with brands! Anlaki! Kaya pala naafford nya yung daming travels ng pamilya nya this summer. Wala pa yata dun yung sa views at yung sa brushes nya pa. Kaya pala pinagstop na ng mga youtubers yung mga asawa nila magwork. Yung sahod na nakukuha sa regular na trabaho nakukuha lang ni anne clutz sa isang brand! E andaming brands yung nakalista nya dun!

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #327 on: June 17, 2018, 02:04:15 pm »
Nabasa ko lang to kay Say tioco. So may bayad din pala kapag magpost sila sa IG. Grabe saya naman nun.

"When I post something on Instagram, sometimes that has a fee as well. If it?s a video naman, the more natural the ad is, the better. Naka-package lahat ng deals. Iba-iba 'yung income ko per month kasi depende talaga sa output na gusto ng brands. The smallest package is around 3 months, but that can go up to a year. Some events are also paid, especially if I have to vlog about them"

caterpillar-girl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #328 on: June 17, 2018, 02:21:41 pm »
^^how much yung figure nung kay AnneC? Curious ako!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #329 on: June 17, 2018, 02:33:57 pm »
^^^ ako din.  ;D

yabutize

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #330 on: June 17, 2018, 03:05:09 pm »
Ang legible lang sa mata ko is Pink Sugar, 20K :) Carousell - 30K. Bongga ng life! Eh daming nakalista!

lilu

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #331 on: June 17, 2018, 04:21:47 pm »
Zinoom ko din! May nakita ako 157,500 haha baka namalik-mata lang ako..

Ot: kasi may yter din pinapanuod ang anak ko si "Blippi", at may new uploads sya and may new car na Lambo. Sikat sya sa mga bata at ang mga views nya pinakamababa ay 1-2m. Yayaman ka talaga sa Youtube! Whew!


fifi_girl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #332 on: June 17, 2018, 05:00:41 pm »
Feeling ko yung naka-itemize na brands is yung collaboration niya. So most likely isang review niya is nasa 20k++! No wonder maganda lagi ang review niya pag sponsored brands. I can?t help but think na parang sinadya niya na ?mahagip? ng camera yung notes niya.

drag0nfly

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #333 on: June 17, 2018, 06:34:20 pm »
Mas masarap manood vlog ni ACTV, informative, hindi naman ako ganoon kabaliw sa mga KPOP at Kdrama pero sobrang naapreciate ko yung mga filming location and history ng lugar, sana ganoon din sa Pilipinas i-preserve yung mga makalumang bahay at ipromote yung history ng Philippines.

K-drama fan ako, sis, and natuwa ako sa latest vlog ni AC kasi pinuntahan nya yung film location ng Scarlet Heart Ryeo/Moon Lovers, which is my all-time favorite drama.  Nakakainggit talaga ang mga solo travels nila ni Say.  Hay to be in your 20s again, single and just aimlessly wandering.  Pati yung Taipei vlog nya na pinuntahan nya Ying Dai University sa Meteor Garden naman.  Pati mismong locker ni Sancai alam nya haha.  Kulit din ni baks.

hann-hann

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #334 on: June 17, 2018, 08:23:32 pm »
March yung 157,500 nya, yung April parang 262,500 yata, hindi ko na maaninag yung sa May hahaha. Mukhang total nga yun ng mga brand collabs nya per month. Kaya pala di mahilig pumunta sa mga events, sa videos pa lang tiba tiba na sya. Grabe. Para naman silang sinwerte sa buhay noh. Tapos di pa natin alam kung nagbabayad ba ng tax yang mga yan or what.

Kaya pala yung ibang youtubers mega parinig sa mga brands para makuha sila noh, at kaya pala donyang donya si isha! Haha! Naalala ko nung nakaraan lang pinaguusapan natin dito yung mamahalin nyang condo. E kayang kaya naman pala talaga dahil isa or dalawang brands lang may ipambabayad na sya dun sa condo nya.

ultimatehousewife

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #335 on: June 17, 2018, 09:14:24 pm »
I stopped watching Anne clutz. Nasasabawan ako sa contents niya. Sorry fans. I used to like her tutorials pero lately, wala na paano napupulot. Or maybe di lang align trip ko sa videos niya.

Anna cay as usual, swollen fish lips. A bit yabang hahaha.promote lagi ng benta niya.

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #336 on: June 17, 2018, 09:52:01 pm »
Tapos bebentahan pa nila viewers nila ng makeup/skincare na natanggap nila for free dahil din sa viewers nila. Buti sana kung yung proceeds sa charity man lang napunta. Kaya I stopped watching these beauty gurus na rin. Panoorin ko nga si ACTV.

Cookie_Dough

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #337 on: June 17, 2018, 10:42:06 pm »
I've stopped watching local youtubers. Naging materialistic karamihan sa kanila. Nakalimutan ata nila na kaya sila tinanggap ng mga viewers nila kasi "relatable" sila (dati). I still cringe whenever I think on how most of them spend their money tapos di mo naman nakikitaan ng mga long-term plans sa buhay .  Sobrang obvious din na inaabuso nila yung pagkahumaling sa kanila ng fans nila.

Aftergl0w

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #338 on: June 18, 2018, 12:10:16 am »
Nakita nyo ba yung IG stories ni anne clutz kagabi? Yung post nya kasama laptop tapos nahagip yung planner sa harap nya. Nacurious ako dun sa nakasulat sa planner kasi mukhang pera, kaya iniscreenshot ko at zoom. Kalurks kung yun nga ang kita nya sa YT vids with brands! Anlaki! Kaya pala naafford nya yung daming travels ng pamilya nya this summer. Wala pa yata dun yung sa views at yung sa brushes nya pa. Kaya pala pinagstop na ng mga youtubers yung mga asawa nila magwork. Yung sahod na nakukuha sa regular na trabaho nakukuha lang ni anne clutz sa isang brand! E andaming brands yung nakalista nya dun!

Oh my gosh THIS! Nakita ko rin to and I was shocked, not because of how much she earns but for the fact that she allowed that kind of information to be viewed by the public. Impossible naman na hindi niya nakita yung notes when she took or posted the photo. I don't want to judge pero ang yabang lang. For me, how much you earn (no matter how big or small) is not something that you just nonchalantly post on social media. I find it sooo off. I used to like her because I can relate as a mom, but lately I find her and her videos so materially centered. Shopping here, haul that, brushes update, travel, kain, blah blah blah. Nothing substantial or meaningful anymore. On the other hand, Nina Rayos is growing on me. I've mentioned here that I didn't like them before because of the Anna Cay issue, but they seem really real. Yung video ni Nina addressing the person who wished her baby dead, naku, it really hit me as a mom. And nakakainspire ang mag-asawang to. They're both masipag. Not to mention ang gandang nanay ni Nina ha! You can see in their family life that it's more than just money (without dismissing the fact that they do need it) but they have something more meaningful.
« Last Edit: June 18, 2018, 12:14:28 am by Aftergl0w »

airish_2

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #339 on: June 18, 2018, 12:35:34 am »
K-drama fan ako, sis, and natuwa ako sa latest vlog ni AC kasi pinuntahan nya yung film location ng Scarlet Heart Ryeo/Moon Lovers, which is my all-time favorite drama.  Nakakainggit talaga ang mga solo travels nila ni Say.  Hay to be in your 20s again, single and just aimlessly wandering.  Pati yung Taipei vlog nya na pinuntahan nya Ying Dai University sa Meteor Garden naman.  Pati mismong locker ni Sancai alam nya haha.  Kulit din ni baks.

Sobrang love ko yung isang vlog niya na pumunta siya sa DMZ North Korea kasi ang hilig ko manood ng documentary about North korea and yung inaasam na reunification.

RE Vlogger: Nakakalungkot nga na nagmumukha ng superficial yung life nila sa harap ng youtube, tapos yung fan sasabihin karapatan nila sumaya kyeme. Tapos wag na daw tanungin sa mga investment nila dahil meron naman sila at hindi na nila kailangan sabihin.

Bakit kaya hindi nila i-share ng maging financially aware ang kabataan, tutal may means sila yung Channel nila malawak yung sakop.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close