watch now

Author Topic: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)  (Read 116821 times)

alice_alice

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #240 on: June 08, 2018, 07:18:18 am »
Gosh napanood ko yung bagong video ni Kris L na pinipilit niya maggym si Justine kung hinde wala siya sweldo tapos may reward daw si Justine if maglose ng weight ibibili ng shoes.

Paano niya nagagawang maging ganon sa asawa niya, I find it off na parang pinapamukha niya na palamon niya ang asawa niya. Panay sabi na siya ang boss. Siya ang amo.

---

Yung phone ni Jeya is Huawei P20 Pro and yes 45k. Spoiled na bata hinde naman magalang. Siguro, turuan din ni AnneC si Jeya na makipagusap ng mga galang sa kanila ni Kitz.

fifi_girl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #241 on: June 08, 2018, 12:52:29 pm »
^Buti na lang mabait si Justin. Though ako yung nahihiya para sa kanya dahil sa ginagawa ng asawa niya. Parang pinamumukha niya sa lahat na siya ang breadwinner at walang say si Justin when it comes to money matters. Kung ako ang biyenan niyan, hindi pwede sakin yun.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #242 on: June 08, 2018, 03:55:16 pm »
Grabe naka P20 Pro na pala si Jeya. Pangarap ko palang yun eh.  ;D Masaya pa ako sa P9 ko pero sa totoo lang hindi ko pa kaya bumili ng P20 Pro. Naisip ko naman baka dahil maganda ang camera ni P20 eh lalabas na investment sa kanila yun. Char. Baka mag vlog na din si Jeya.

Sis yabutize, gusto ko din si Isha. Saka ayun nga mabait talaga siya. Pero wish ko din since madami naman siyang anda sana mag-invest sila sa education noong dalawang bata. Since sabi nga niya nasa city city na talaga sila.

Wow talaga si Say. Grabehan sa travel vlogs. Ang lakas ng loob.

swim_fatale

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #243 on: June 08, 2018, 04:04:32 pm »
for me hindi masyadong ok na "investment" ang gadget kasi madali mag depreciate; hindi praktikal. and kung gagamitin ni jeya for vlogging, hindi ba pwedeng yung hindi muna ganun ka-high end na phone? jusko bata lang ang gagamit.

i've recently subbed to angel dei. aliw ako sa kanya kahit mej jej siya and hindi kagandahan. may substance naman ang content nya and she's witty!

abangers pa rin ako sa mga vids ni penelope pop and rei germar.

irita to the max pa rin ako sa naka-nga nga lagi na si anna cay. lol

lilu

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #244 on: June 08, 2018, 04:33:01 pm »
Shocks napanuod ko nga yung vlog ni AnneClutz with Anna and Say.. At totoong nakanganga nga! Naisip ko baka sa braces? Pero hindi eh.. Di naman nakakangawit ng husto yun para ngumanganga ka! Ang weird.. Parang may invisible na bagay para pigiliang isara yung bibig. Sana may maglakas loob na magtanong sa kanya why ganun, baka kasi pasukan ng langaw, mygawd..



sportygurl

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #245 on: June 08, 2018, 07:50:21 pm »
^sis, alin vlog tukoy mo. yun ba foundation review nila? parang hindi ko naman napansin na nakanganga siya

lilu

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #246 on: June 08, 2018, 10:25:10 pm »
^ Yes sis yung sa Foundation collab.. napansin kong nakanganga nung nasa gitna si Anna Cay while nakikinig sya kapag nagsasalita si AnneClutz or si Say.. matagal ko na syang di pinapanuod sa YT pero sa Ig, sinisilip ko lang mga photos. Since Feb pa kasi ako nag unsub so nagulat ako parang mannerism or what..


swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #247 on: June 08, 2018, 10:30:55 pm »
May tama ka, swim_fatale  ;D

yabutize

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #248 on: June 08, 2018, 11:45:58 pm »
Sis swtgrl_bee, correct. Sana pakita din nila yun. That's very important. Alam naman ni Isha importansiya ng education. Di ba, nag-wish din siya na makatapos ng college at one point? Sana ituloy nya yun.

I like Angel Dei too. At first, hindi talaga. Then I chanced upon her Q&A video. UP Grad pala si Atey. And meron siya work sa retail industry. Actually, lahat naman ng mga mamshies meron mga established careers (ewan ko lang ngayon because I know Ronan quit his teaching job). May ibubuga talaga sila. Even nung prod number ni Michelle Dy, bongga! Marunong pala sumayaw.

Rei Germar is truly growing on me! Gandang bata and marami din sense ang mga sinasabi. Cringe lang pag kasama si boyfie. Amboy ba yun? Bakit ganun magsalita? Do they have a video na pwede ko mapanood kung san ko siya magugustuhan? Lol.

Grabe si Kris L sa asawa niya. Buti natitiis siya nun. Di naman siya kagandahan. Mukha din naman hindi mabait. Kaloka siya. F na F na pagiging "Most Hated".

Wala pa kayo sis mga bagong discovery? Share naman! I really like those who travel a lot (local man or international). Let me know if you have suggestions. Ok din naman sila Kryz Uy and Nicole Andersson kaso masyado silang rich for my liking. Di ko afford yung mga accommodation nila. Haha

marge070407

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #249 on: June 09, 2018, 12:52:28 am »
Nagcomment si Kris Aquino sa isang post sa IG niya suplada ni Ate girl hindi siya nagreply kay Kris A. Lol

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #250 on: June 09, 2018, 01:14:46 am »
^Oo nga hinahanap pa niya saan daw.  ;D Naks!!! Siya na.

imaginativelad

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #251 on: June 09, 2018, 04:13:42 am »
True. Naka nganga si anna cay. Parang naka rest ang bibig niya ng naka nganga. And kakaiba din [textspeak!] hugis ng bibig niya. Ang panget pala ng ngipin niya. Ngayon ko lang as in napansin. Kahit nag lalagay ng foundation super nganga din.

Si say super jolly and charming. No wonder why ang dami niyang connections and friends. Very friendly siya.

Wrong grammar pa na ?2 of my friend?.
Sa collab nila sana pare pare-has nalang sila ng ginamit na foundation kesa iba iba. Parang ang kawawa kasi na si anne clutz and nakuha nichido at careline while si anna cay ang nakuha medyo mamahalin maybelline and avon. Si say sakto lang nakuha. Tska hindi ko masyado bet reveiw ni anna. Hello? Nag memed siya ng isotret so obviously less oily siya. At sabi nga niya drying ang effect ng isotretinoin. She?s not even oily na. Sana magbago siya ng skin type.


prepster

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #252 on: June 09, 2018, 05:42:30 am »
na curious tuloy ako sa vids ni anne clutz. first time ko panuorin vlogs niya. naalibadbaran ako dun sa bahay nila, ang gulo ng mga gamit at laruan! gusto ko palitan yung carpet at mga kurtina. level up naman sana niya yung interior ng bahay nila. at saka bakit sila naka red solo cups sa bahay?

yung h&m shopping, ok lang naman yung dami pero kung outfits for korea yun, parang di naman pang-korea yung mga binili nila. at nung bumibili sila nung phone, napansin ko pinapakita yung presyo sa ibaba, slight humble brag. and i agree na its too much for a young girl.

watched say's first bali vlog too. ok ang content ng travel vlogs ni say pero eversince i really cringe sa mga expressions niya like yung love it, guuurrrl, cool. i know important part na sa mga vloggers ang OOTD, pero medyo nakaka-airhead ng dating kung parati niyang bukambibig yung mga plano niyang ootd at kung saan perfect kumuha ng ootd photos.

alice_alice

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #253 on: June 09, 2018, 06:35:19 am »
Dati ayaw ko kay Say, pero after watching AnneC, AnnaC and Kris L siguro okay na ako kay Isha, Michelle Fox, Michelle Dy, Lloyd Cadena and Say T.

In fairness kay Say, kahit na urat na urat ako ng kakasabi niya ng Bongga! atsaka Guuuuuurl eh okay naman ang content ng travel vlogs niya.

tempaccount

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #254 on: June 09, 2018, 08:54:13 am »
ang tagal ko ng pinapanood si Say, na-immune na ata ako sa "bongga!" "girrrrl" niya na expressions hahaha

been watching Laurene Uy's videos din. kakaaliw yung Ukay videos niya. and pati personality niya haha, basta parang ang kengkoy niya. GV lang.

tried watching camille co's videos naman, okay naman siya since may sense naman siya magsalita. di ko lang gusto pag nandun boyfriend niya (who seems nice, but di ko keri itsura. actually most "blogger jowa" sobrang irita ako pag nakikita haha) tsaka yung bag collection niya, sorry, pero ang ttacky ng bags niya hahaha I love her room, though!!

drag0nfly

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #255 on: June 09, 2018, 09:42:36 am »
^Nung una off din saken si Joni, pero he kinda grew on me.  Ang patient nya sa kakulitan ni Camille hehe.  I like Camille and Laureen, too.   Sama na din Kryz Uy, though minsan jirits ako sa twang nya.  But she's so cute and parang nice person.  Ang ayaw ko sa blogger jowas based on ichu si Miggy.  Feeling ko talga bading yun  ;D

Na-immune na din ako sa bongga at gurrlll at so cool ni Say.  Si Isha di ko na masyadong pinapanood pero I like her din, simple lang kasi.  Sana hindi sya umarte tulad ni Anne Clutz.

Nakow yang bahay ni Anne Clutz di ko talga matingnan ng matagal.  Di kaaya-aya sa paningin.  Dapat ngayong madam nya sya eh lumipat na sila sa malaki-laking bahay.  Sobrang cluttered ng condo nila. 

nataliaesperon2000

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #256 on: June 09, 2018, 09:54:22 am »
mga sis nakita ko si reimar sa hk tinitigan ko di ako sure kung sya ng yun vblogger kasi nga familliar ang face.ang liit ng mukha grabe papansinin ko sana kaso nahiya ako ang tanda ko na para makilala ko sya. nag msg lang cuz ko na nasa disney hk din si reimar dun ko nalaman na sya nga talaga nakita ko

foxyhauteur

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #257 on: June 09, 2018, 09:43:22 am »
Sa bloggers turned vloggers, si Camille Co din gusto ko. Until now pinafollow ko pa din blog niya kahit hindi na madalas magpost. I tried watching the Enciso sisters kasi from Assumption sila pero parang ang shallow. Sorry. Pansin ko lang sa mga vloggers ang hilig nila idisplay yung mga boyfriends nila kahit na parang wala naman interesado.

swim_fatale

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #258 on: June 09, 2018, 11:48:22 am »
mga sis nakita ko si reimar sa hk tinitigan ko di ako sure kung sya ng yun vblogger kasi nga familliar ang face.ang liit ng mukha grabe papansinin ko sana kaso nahiya ako ang tanda ko na para makilala ko sya. nag msg lang cuz ko na nasa disney hk din si reimar dun ko nalaman na sya nga talaga nakita ko

Wow sis ang swerte mo naman nakita mo na si Rei Germar in person! I really, really want to meet her! Sa umpisa akala mo typical airhead millennial siya pero she has substance! Also, hindi ako naaartehan sa kanya -- she's very genuine. Basta i-overlook mo lang yung PDA nila ni Miggy, oks ka na, hahahaha

ultimatehousewife

  • Guest
Re: All About Local Youtubers/Vloggers (thread 2)
« Reply #259 on: June 09, 2018, 12:01:53 pm »
Did you guys see yung IG story ni Anna cay na may naka caption na The Mask. Naka focus sa mouth niya yung video! So annoying hahahaha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close