Author Topic: -  (Read 3715 times)

loraine_naz

  • Guest
-
« on: May 23, 2018, 04:44:28 pm »
-
« Last Edit: February 11, 2019, 03:26:24 pm by loraine_naz »

amethyst028

  • Guest
^sa situation mo kayo then nagka anak sa iba ang husband mo?
 
I know it?s easier said than done but for me i will not take him back kung ganyan ang situation. If he cheated on me he is out what more kung naanakan pa niya. Medyo magulo kasi iyan sis. Hindi na ba naghahabol yung kabila?

I am a single mom and like you gusto ko rin ng complete family,  i fought very hard for it kaya lang hindi pwedeng puro puso lang ang pairalin na tipong nagiging t*nga na tayo. Kailangan utak din paganahin. In the end common sense and logic won so i broke up with him it turned out to be the best decision i ever made.

Nasa iyo yan kung gusto mo mag stay. Meron naman nagiging happy ending sa ganyan but you have to be very very strong kasi hindi madali iyang pinili mo.

Girltalker2

  • Guest
Hubby or bf, it is not acceptable.
I also wanted a complete family so I tried to stay in the marriage for 10 years.

So I can say I?ve been in your shoes before. My marriage seemed perfect from the outside kasi wala kaming problema financially. At masaya lagi mga anak ko and my ex. Ako naman I tried to forget, pero hindi ko makalimutan. I never had any peace of mind. For 10 years. I diverted my attention to my career, to my kids, to myself. Lagi May shopping ako, spa, salon. Pero temporary stress reliever lang. in the middle of the night, I can?t sleep or if ever makatulog ako dahil sa pagod from activities and previous sleepless nights, I will still wake up in the wee hours and Di na naman makatulog.

Anyway fast forward. When I left, like sis amethyst, I never regretted it. Yes I was alone, pero wala nagb bother sa thoughts ko. Ang sarap mamuhay ng tahimik, so Long as the kids are with me. And when I was ready to meet people, then I started dating.

But dun sa 10 years na experience ko iyan, que horror. Para akong nasa purgatory. Minsan di ako makahinga parang anxiety attacks siguro.
The shame and embarrassment he brought to me. Kahit pa pinilit ko iaccept ang situation (kasi kako marami naman same situation ko at kaya parin nila humarap sa madla). But I can?t. I cannot lie to myself na masaya ako but I?m not. I only have this life, and niloloko nako ng harapan, I have to fight back. And the best revenge is my freedom and peace of mind. Ayoko din ikagisnan ng mga bata na kita nila niloloko nanay nila and yet I will just accept it like that. If ever if happens to them, they shouldn?t just accept crap from anyone.

Una una Isip ko it will go away. Baby pa naman but it didn?t. Habang lumalaki ang bata, natural susustentuhan, pinag aral pa sa reputable school na May mga ka kilala din ako. So talagang di ako mapakali. Then was also thinking of the situation what if my ex pass away, alangan naman magtagpo kami nung bastard at ang kabit Di ba? Marami Pang worries, minsan inattempt pa dalhin mga anak ko to meet them! Grabe di ba.

So there. I decided. Ayoko magulong buhay. And I?m very happy where I am now. No money can ever buy the peace of mind I have.
Looking back, the only thing that I regret is sana I left earlier. At sana Di ako nag antay ng ganun katagal.


iamfoursixnine

  • Guest
Sis loraine_naz were on the same boat. Ang kaibahan lang ng sayo is bumabalik si hubby mo para maayos pa un relationship nyo. Un sakin kasi talagang dead end naanakan na un babae nya at dun pa sya nakatira ngayon. [textspeak!] kung willing si hubby mo maayos pa kayo, then let him prove himself. Kung nagwoworry ka na baka in the future maging problema un anak ni hubby from other woman, let him make it legal na daanin sa court un pagkakasunduan nila when it comes to child support. Swerte ka nalang talaga at un babae na naanakan ni hubby mo ay walang balak manggulo at para dun sa bata talaga un gusto nya. Pero minsan talaga d natin maiaalis parin maging praning na asawa..

plumpolka

  • Guest
sa akin naman bf palang. ex-bf na pala. nalaman ko may anak na sya nung 9 mos old na yung baby nya. hehe. at first okay lang naman sakin, pero hindi pala kasi okay dun sa ex-gf nya. syempre gusto nga naman nya complete yung family nya kasi iniwan na din sila ng tatay nya. what made it hard for me is they both cheated on me. habang akala ko na nagm-meet sila para sa anak nila, nagf-family planting pa pala ulit sila. di pumapayag yung babae na anak lang nya ang hihiramin ng family ng ex ko, kailangan kasama sya and syempre wala naman magagawa yung family ni guy kasi gusto nila makasama yung bata.

anyway, 3 yrs ago na since umalis ng pinas yung ex nya but their cheating still haunted me na wala akong peace of mind until nung nakipagbreak na ako. i think how to cope up is acceptance talaga. pero mahirap lalo na kung may cheating within the relationship and may anak na damay. mali man pero nadadamay yung anak sa galit ko na everytime makikita ko yung pic ng bata, naaalala ko yung panloloko nilang ginawa para sa kanya. Lucky me kasi wala kami anak, hindi kami kasal and i have the option to leave na walang ibang madadamay at masasaktan. sa ngayon happy naman ako, may peace of mind ako. i still love him pero im dont want to rush things lalo na alam ko sa sarili ko na hindi pa ako healed. only  time can tell kung ang dadating sa akin is  acceptance or new life. sobrang dami din namin sacrifices para sa relationship na parang sobrang pinipilit na lang namin kaya ang toxic na din. mahirap din naman kasi ipilit kung hindi naman talaga dapat or pwede.

i think sa ganitong situation, the best is to think about your inner peace, happy mind and soul. may nabasa nga kong quote
"Your kid don't want a perfect mom, they just want a happy one"
https://i.pinimg.com/originals/76/f6/f4/76f6f4ef3c52f1bd593ff688aaf87f9a.jpg
« Last Edit: October 30, 2018, 12:01:29 pm by plumpolka »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close