re question:
"Question lang po bakit po may mga tao na nangungulam nagawa ng masama pero pinagpapala ng Diyos.
Nang aapi ng kapwa pero sinuswerte sa buhay pati pamilya nila.
Curious lang po ako salamat po sa sasagot"
--------
OT
Share ko lang po, anumang manggaling sa Diyos ay mabuti, pero kung nabanggit mong nangungulam, masama at nang-aapi, hindi ito galing sa Diyos. Kung sa ganun, hindi and Diyos ang nagkaloob ng kanilang inaakalang pagpapala at hindi galing sa Diyos ang swerte nila.
Sa mga gumagamit ng kapangyarihan, pisikal man o spiritual ay merong tinatawag na PAKTO o pact. Pag ginamit mo sa kabutihan ang kapangyarihan mong spiritual o pisikal ay nakikipagpakto ka sa Diyos at Siya ang bahala sa iyo pagkatapos ng buhay mo dito sa mundo.
Pero pag ginamit mo sa kasamaan ang kapangyarihan mong spiritual o pisikal ay nakikipagpakto ka sa demonyo at sila ang bahala sa iyo pagkatapos ng buhay mo dito sa mundo. Susunod sila sa kasamaan mo at pagbibigyan ka nila pero pag namatay ka na ay alipin ka na nila.
Kaya huwag kainggitan ang yaman at swerte na galing sa masama bagkus ay kaawaan. Dahil mas nakakatakot ang mga mangyayari sa kanila pag-alis nila dito sa mundo kaysa sa mga pinakakinatatakutan mo o nila dito sa mundo. At alinsunod dito, ang kaparusahan ay aabot mula ikatlo hanggang ikaapat na henerasyon mula sa taong gumawa ng kasamaan (refer to Old Testament). This is why, kung iyong iba ay nagtataka na mabait naman silang tao pero bakit iyong swerte ay mailap sa kanila. Dahil ang mga anak o descendants ng gumawa ng kasamaan o mismong taong gumawa ng kasamaan ang daranas ng mga kaparusahan o mga pagkakautang sa Diyos at sa tao at sa kapaligiran. Lahat ay hahabulin ayun sa kanyang nagawa.
Ngayon ang pagbayad sa mga utang (bad karma) ay binabanggit na nila Sir CH & Akthung...

Its a long method but tama iyon pero meron ding shortcut:
Matthew 19:21
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.
Matthew 19:21
Jesus answered, "If you want to be perfect, go, sell your possessions and give to the poor, and you will have treasure in heaven. Then come, follow me."
Take note:
you must give it to the poor or to the poorest of the poor.
best kung makakahanap ka ng tunay na alagad ng Diyos na hindi mayaman o yumaman at araw-araw na tumutulong sa mga pulubi, ay sa kanila mo ibigay upang mapunta sa karapat-dapat at ang iyong alay ay matanggap ng lubusan (Job 42:

.
Hope this helps
