watch now

Author Topic: Korea (Thread 14)  (Read 78333 times)

milkeeway

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #120 on: March 31, 2018, 05:04:31 am »
sisses nung nag-apply ako meron ako alphalist na ipinasa, pinilit ko yung HR namin na magbigay kasi sabi ko di ia-approve kapag wala, kasi since online na ang submission ng ITR sa BIR, walang tatak na ?received? yung ITR ko kaya nagrequest ako ng alphalist.

ang ginawa ng HR binigyan ako ng copy na walang amount, tinakpan siguro ng paper nung ni-photocopy.. basta list lang sya ng names namin, tapos may ?received? ng BIR.. ako na yung naghighlight ng name ko.. approved naman application ko.. 😊

milkeeway

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #121 on: March 31, 2018, 05:11:45 am »
yung pila sa embassy talagang mahaba na daw, naabutan yung friend ko ng cut-off last week, pero sabi niya meron daw siya nakakwentuhan tapos kulang yung documents kaya binigay daw sa kanya yung slot nun, ayun nakapagpasa naman siya..

tanong ko lang din, meron na ba dito nakapagtry magcapsule hotel sa Incheon airport? 10:40pm din kasi dating namin, tapos sa Jongno pa yung hotel namin..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #122 on: March 31, 2018, 06:10:35 am »
^^Sana mapilit ko hr namin na issuehan ako ng alphalist. Napakahigpit pa naman nila.

milkeeway

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #123 on: March 31, 2018, 07:49:03 am »
^ sana mapilit mo sis.. 😊

one more tip, kapag tingin niyo madedeny kayo dahil sa requirement, magcover letter lang.. yung sakin kasi maiden name pa gamit ko kasi bagong kasal lang kami, eh feeling ko maguguluhan sila kaya kahit may marriage cert naman na kasama, nagcover letter pa din ako.

yung sa husband ko naman, walang ADB yung bank cert niya, wala din opening date, pinapabago ko sa bank yung certificate kaso nakadefault na daw yung ganun, kaya nilagyan ko din ng cover letter para alam nila na nagtry naman kami magcomply pero di namin napilit yung bank..

good luck mga sis! 😘

mysterioza_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #124 on: March 31, 2018, 08:50:57 am »
basta list lang sya ng names namin, tapos may ?received? ng BIR.. ako na yung naghighlight ng name ko.. 😊
Sis clarify ko lang. So yung mismong alphalist ang may stamp ng RECEIVED from BIR? Hindi yung ITR?

milkeeway

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #125 on: March 31, 2018, 09:03:46 am »
^ yes sis. kasi yung alphalist ang literal na sinasubmit nila sa BIR, yung mga ITR online na lahat submission niyan.. pero bukod dun sa photocopy ng alphalist, mag-attach ka din sis nung ITR mo..

mysterioza_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #126 on: March 31, 2018, 09:30:23 am »
^Ah ok. Thanks sis. Matagal-tagal pa travel date namin?august pa kami. Sana may maunang employee sa office ang magtry kumuha ng alphalist.  Kelan kaya iimplement yung submission ng requirements via travel agency? Sana wag kami abutan, panibagong gastos pa yun.

milkeeway

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #127 on: March 31, 2018, 10:20:45 am »
^ oo nga, magmamahal lalo singil nila sa visa assistance nyan. meron ako alam 700 lang kaso sayang pa din diba kung pwede naman na ikaw na lang maglakad.. hehe, gastos mo pa sa courier.. hehe

mysterioza_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #128 on: March 31, 2018, 10:39:28 am »
^True sis. Lima pa naman kami na need ng visa, magkano din yun if itotal.

milkeeway

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #129 on: March 31, 2018, 11:41:33 am »
^ ay andami niyo.. hehe, agahan niyo na lang sis pumunta para sureness na pasok sa slot.. 😊

mysterioza_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #130 on: March 31, 2018, 12:12:57 pm »
^Oo bibisitahin kasi namin sis ko and family niya dun kaya family din kami na pupunta. Magsend siya ng invitation sa amin bago kami mag-apply ng visa. 3 kaming first timer and yung parents ko naman galing na dun nung 2014.

milkeeway

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #131 on: March 31, 2018, 06:27:57 pm »
^ sabi nila mas malaki daw chance na ma-approve kapag family kayo na nag-apply, kami din family na nag-apply kahit di naman talaga namin kasabay ng alis yung sister ko.. tsaka sis may invitation pala kayo, ok yan. 😊

mysterioza_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #132 on: March 31, 2018, 11:10:53 pm »
^Sana nga sis maapproved kami, miss na miss na namin 2 pamangkin ko na makukulit.

imnuttz

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #133 on: April 01, 2018, 12:19:28 am »
may pila pa din ba mga sis?

obsessed143

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #134 on: April 01, 2018, 06:51:11 pm »
Hi sis milkeeway, may nagverify pa ba sa HR or office nyo from embassy? Feel ko kaya lalong humigpit sa requirements ang embassy ng korea sa daming applicants at maybe time consuming na to verify sa kanilang part kung tatawagan pa sa company to check na dun talaga nagwowork
(feeling ko lang nman lol)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #135 on: April 01, 2018, 07:00:23 pm »
^Yan din feeling ko sis and may mga nangdodoktor din daw kasi ng itr/coe

milkeeway

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #136 on: April 01, 2018, 11:11:31 pm »
Hi sis milkeeway, may nagverify pa ba sa HR or office nyo from embassy?

yes sis, tumatawag talaga sila sa HR pati sa bank, diba 5 days yung waiting time natin, tumawag sila sa bank at HR nung 4th day na.. sabi nga sa bank ng husband ko, korean embassy lang daw ang tumawag sa kanila, kapag Japan or ibang country daw hindi naman.. hehe

obsessed143

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #137 on: April 02, 2018, 07:46:52 am »
yes sis, tumatawag talaga sila sa HR pati sa bank, diba 5 days yung waiting time natin, tumawag sila sa bank at HR nung 4th day na.. sabi nga sa bank ng husband ko, korean embassy lang daw ang tumawag sa kanila, kapag Japan or ibang country daw hindi naman.. hehe

wew! sila na talaga pinakamahigpit at mabusisi when it comes to requirements. Kulang nlng pati interview lol

ayami

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #138 on: April 03, 2018, 02:06:37 pm »
We just got back from our trip this morning. Nagrebook ako last night ng flight for today kasi inatake ng ubo na na malala yung 4-month old baby ko. Parang weird breathing sounds and the likes. Natakot ako, muntik ko pang dalhin sa ER na malapit, kaso naisip ko mas okay na lang bumalik kami sa Pinas.

Ayun, di na namin napuntahan yung tours supposedly kahapon and today. Parang staycation na naging peg namin di na kami gaanong lumabas sa hotel. Myeongdong lang naikot-- ang PM2.5 levels kasi pagdating namin ay Unhealthy level (read for more info or just Google: https://air.plumelabs.com/en/live/seoul). Babies aren't advised to go out. Di kami aware na ganon kapolluted sa Seoul :( kaya yung Korean na nameet namin nagtataka raw bat dinala namin yung baby namin e hindi advised ang mga bata na lumabas dahil sa smog.

Kala mo lang makulimlim dahil uulan, pero polluted air pala yun. I think from China.

Para hindi na OT:  Wala pa rin ganong blooms sa Seoul. Temperature is so-so. Hindi malamig. Overdressed kami and ang daming dalang unnecessary clothing. Pajama nga suot ko as early as 7AM sa labas, hindi ako gininaw. Nung gabi naka cardigan lang ako wala lang. Hindi siguro kasi mahangin?

Medyo nakakalungkot and nakakapanghinayang, pero safety ng baby namin syempre ang kinonsider namin. We ended up staying for 3D2N lang instead of 5D4N...

chinablue

  • Guest
Re: Korea (Thread 14)
« Reply #139 on: April 03, 2018, 02:21:50 pm »
hi mga sis. nag apply na kanina ang mother ko sa korean embassy. ang haba pa din daw ng pila at according to her may mga nagbabayad pa daw ng 500 pesos para ipila sila tapos babalikan na lang.

ang dami kong iniready na documents pero tinanggal din yung cover letter ko explaining why I don't have ITR and my overseas employment certificate. but kineep naman daw yung copy ko ng prc id and copy of my approved korean visa. sa april 11 malalaman yung result. kinakabahan na daw yung mama ko. keeping my fingers crossed na approved naman.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close