watch now

Author Topic: My dad and his kabit  (Read 10500 times)

lesters_gal

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #40 on: February 15, 2018, 10:55:29 pm »
To TS: Sis kung ano yung totoong nararamdaman niyo yun ang gawin niyo. Wag kayo magpadala sa sinasabi ng mga relatives ng Tatay mo kasi kayo ang nakaramdam ng pain. And they have to respect that.  Shinare ko lang yung nangyari sa Tito ko, even us relatives hindi namin kinausap yung family niya na tanggapin sha uli and alagaan sha. Kasi alam namin yung pain na naramdaman ng family niya nung time na nagloko sha. Dahil ang forgiveness hindi mo yun pwede impose sa tao kasi hindi mo alam kung anong klaseng pain ang naramdaman nila nung time na yun. Madali lang magsalita na magpatawad, kasi hindi sila ang nasaktan. Pero for sure kung sila yung nasa situation ninyo baka ganun din gawin nila.
« Last Edit: February 16, 2018, 02:26:43 am by lesters_gal »

kvandenhaak

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #41 on: February 15, 2018, 11:12:39 pm »
Parang ganyan din yung lolo ko dati na babaero. My grandma suffered until she died. Tapos sya pa yung nag-aruga sa mga anak sa kung sinu-sinong babae? It's not only painful to my grandma herself, pati kaming mga apo na ang babata pa that time, affected.

It's not about revenge. It's about protecting the TS's mom from further abuse.  It's totally unfair! Mga selfish na relatives yan!

lesters_gal

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #42 on: February 16, 2018, 12:57:50 am »


Parang marami din cases nga na tumitigil mambabae kapag bedridden na. At yun ang silbi ng wife, alagaan yung babaerong asawa?! 🙄

Sis for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do us part daw kasi. Ganern. Lol😂
« Last Edit: February 16, 2018, 01:00:55 am by lesters_gal »

Shadow Angel

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #43 on: February 16, 2018, 02:00:17 am »
Ang malala pa dun sa father ni TS sinasaktan pa mama nya physically tapos ngayon may sakit aalagan naku kahit ako mabwibwiset sa ganyan.

mysterioza_me

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #44 on: February 16, 2018, 03:11:10 am »
^Kukunin ko siya sis tapos bibili ako ng tabo para ipukpok ko sa ulo niya everyday, makabawi man lang sa pambabalasubas niya haha.

Miss Taken

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #45 on: February 18, 2018, 06:56:14 pm »
Hi mga sis. First of all, gusto ko lang ulit magpasalamat sa lahat ng inputs at words of encouragement/support niyo. Ilang beses akong nag try na magcompose ng reply pero hinayaan ko muna na maging kalmado na yung sarili ko sa mga nangyari these past few days.

My dad and his kabit LIED. Oo nahospital at na confine yung father ko pero hindi dahil sa stroke kundi dahil sa high blood pressure.

Thank God naalala ko na may friend akong nagwo-work sa hospital na yun although matagal na kaming hindi nakakapagusap (she's from a different church then naging magkakilala kami thru youth camp). So nag message ako sa kanya last Thursday morning para mangamusta at sabihin na naka confine yung dad ko. Then she said na wala daw yung dad ko sa ICU since dun siya naka assign kaya ask daw niya pagpasok niya sa shift niya sa gabi baka nalipat na ng room.

Around 8PM, nag message siya tapos ang sabi niya saken huwag na daw akong magalala kasi due to high bp kaya daw nahospital yung dad ko pero okay na at nakalabas na nung Wednesday. Feeling ko binuhusan ako ng malamig na tubig nung time na yun. Kaya nag pm ako sa cousin ko at bago ko pa masend yung message ko eh nagsabi na siya agad na may aaminin daw siya dahil ayaw niya na madamay siya sa kalokohan ng father ko at nung kabit. Walang stroke na nangyari, yun lang ang sinabi nung kabit para pag nakarating saken eh sure na mas malaking pera yung ipadala ko. Kaya pala pati tita ko at ibang relatives nanahimik dahil nung pagdalaw niya nalaman niya din yung totoo at sila sila ngayon ang nagaway at nagkagulo.

Kung ano ano agad pinagsasabi nila sa mom ko eh lahat ng update galing lang naman pala dun sa kabit at ayan kasinungalingan lang. Yung father ko ang sabi lang saken pasensya na daw sa abala at kapos lang kasi talaga sila. Mga relatives sa side nila ang nagpo-post sa facebook ng mga patama about sa mga manloloko at kabit, na huwag na huwag na daw papaniwalaan. Then yung tita ko nag sorry naman saken.

Honestly I felt relieved now, nawala yung stress at burden because truly God is a merciful God but He is also a just God.

Shadow Angel

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #46 on: February 18, 2018, 07:26:08 pm »
^sa kapal din ng mukha ng kabit ng tatay mo para sayo kumuha ng pera. Ano para may pera sila pag nanganak un kabit? Naku sis ang bait mo.

kvandenhaak

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #47 on: February 18, 2018, 08:13:55 pm »
THIS! Emotional blackmail to manipulate you. Na ospital na sya ng lagay na yan ha? Instead of asking you the nice way, nanloko pa. So, next time may duda ka na. Accessory to the crime pa ang relatives.

airish_2

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #48 on: February 18, 2018, 09:06:24 pm »
Wow! Hanep kapalmuks ng kabit! Buti hindi kayo pumunta sis, grabe yung sakit ginagamit sa kasinungalingan aba matinde!

khaleesiCersei

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #49 on: February 18, 2018, 09:31:34 pm »
Kapal grabe! Kaya sis alam mo na, next time na nagsabi sila na nasa hospital dad mo, confirm mo muna hehe. At kung manghihingi ng pera sabihin mo kakausapin mo muna ang doctor o ang hospital to make sure lol!

Kung sakin yan i will cut ties muna. Blocked sila lahat sa socmed ko pati dad ko. I will even tell my mom and siblings to do the same. Hindi namin  kelangan ng mga ganyang tao sa buhay ko. Kung sumbatan man ako ng iba at palabasin na masama wa na ako care. Hindi ako tatablan ng mga melodramatic na  salita like kung wala ang tatay ko hindi ako magiging tao etc.. excuse me, kung walang dyos hindi ako magiging tao, sa dyos ko lang utang na loob ang buhay ko. Hindi ko naman siya pinili para maging tatay. At kung tutuusin obligasyon naman ng magulang na buhayin ang anak. Responsibilidad nila yun.

Meron pa nga quote di ba na anyone can be a father, its a biological thing but not everyone can be a dad. It takes love.

mysterioza_me

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #50 on: February 18, 2018, 09:43:57 pm »
kapos lang kasi talaga sila.
Eto talaga nagdala. Kainis. Nang-iwan na ng pamilya nakuha pa manloko uli.

AsunaYuuki

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #51 on: February 19, 2018, 12:28:21 pm »
Napakawalang kwentang ama. Kalimutan na ang mga ganyang tao because they will only drag you down sis. Hindi ba nila alam kung gano kahirap magisa sa abroad at hindi biro yung pera na pinaghihirapan mo lalo na ikaw ang nagsu-support sa mom at siblings mo.

I agree with khaleesiCersei na wala akong pakialam kung may sasabihin na naman yung ibang tao. Kung gusto nila eh di sila ang magsustento sa tatay at kabit di ba. Puro salita, hindi ginagamit ang utak.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #52 on: February 19, 2018, 02:39:41 pm »
Boom!  :-X

lesters_gal

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #53 on: February 19, 2018, 03:20:21 pm »
Kaloka Father mo sis.🤦🏽‍♀️ For me magsinungaling ka na sa ibang bagay pero yung health wag na wag. Kasi baka mamaya magkatotoo at mas grabe pa ang mangyari sayo dahil sa pagsisinungaling mo. Iba ang karma gumanti.

plumpolka

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #54 on: February 19, 2018, 06:57:08 pm »
kung ako sayo, #NEVERAGAIN


never again na maniniwala ka sa situation ng dad mo, lalo na hindi mo nakita yung totoong kondisyon. and ngayon na naloko ka na, magpapa-uto ka pa ba ulit. bahala na sila. mamatay sila kung mamatay, the boy who cried wolf sila ngayon. kaka-gigil yang kabit na yan. aanak-anak wala naman pera pambuhay.



lesters_gal

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #55 on: February 19, 2018, 07:03:04 pm »
^True. Bad na kung bad pero if ever magkatotoo man yun sis naku wag mo na sila tutulungan. For me that?s the last straw. Ibang level sila sis. Gagawin ang lahat makahingi lang ng pera sayo, tapos kung ano2x pa ang pinag sasabi sa FB na hindi maganda sa inyo lalo na sa mom mo ng mga relatives niya.

hisana

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #56 on: February 21, 2018, 04:03:35 pm »
It happens all the time talaga, that the guy goes back or contacts his wife or gf after being with his kabit kapag may problema na sila. Kaya hesitant ako magbigay ng second chance, para bang babalik ka lang sa akin kapag may kailangan o kaya hindi na kayo okay ng kabit nyo or whatever. Syempre they will say na they want to give the relationship another try di ba, pero ano ba talaga nangyari? Ano ang totoong dahilan? Nakakagulat talaga ang selfishness ng mga ibang cheaters. Kayang gaguhin ang sariling asawa at mga anak, sorry for the harsh language.

plumpolka

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #57 on: February 21, 2018, 06:22:27 pm »
^TRUE. i think yung mga lalaki na ganyan na bumababalik tapos pag ok na, sa kabit na naman. yan yung mga lalaki na when things get sour, they want out & ang escape nila is yung bumalik sa asawa nila na willing sila tanggapin. tapos pag ok na sila ng kabit nila, balik ligaya na naman. pero pwede rin naman na natuto sila and narealize nila na di worth it ang sakit sa ulo sa kabit. hahaha! kaya minsan 2nd chances, pwede pa, pero pag naulit pa ulit, wag na uy! hanap naman ng ibang lolokohin, quota na plis.

Girltalker2

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #58 on: February 21, 2018, 08:41:34 pm »
TS, so sorry to hear about the lies the kabit and your dad concocted. Parang Dama ko Ang sakit ng ginawa nila, eh taga basa lang ako dito, ano pa kaya sa shoes nyo na mga anak.

Pano ka naman ba di magagalit or Di kaya paano mo Kaya magpatawad. (Sorry adding more here...) hindi ka naman nagkulang at nagbibigay ka naman, and yet they still want more at gugulangan pa kayo, damay pa mom mo.
 
Best talaga to avoid them entirely.
« Last Edit: February 22, 2018, 09:34:55 pm by Girltalker2 »

kvandenhaak

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #59 on: February 21, 2018, 11:00:40 pm »
I believe everyone deserves a second chance. Pero hanggang second lang dapat. In the case of the TS, it was a continous and prolonged abuse of her mom. We should protect the abused, not the abuser. There are a lot of abused wife especially in the Christian community. Kasi nga yung wife pa ang feeling guilty even after all the abuse kesa kelangan magpatawad chorvakels. Fortunately, church leaders and congregations are now waking up. I mean, the Bible even says, "I am sending you out like a sheep among the wolves. Be wise as a serpent and meek like a dove." Be wise first before being kind. Ibig sabihin wag daw tayong tatangatanga...LOL!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close