watch now

Author Topic: My dad and his kabit  (Read 10518 times)

plumpolka

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #20 on: February 14, 2018, 03:28:28 pm »
may point naman yung isang sis natin. you can forgive your father kasi tatay niyo parin siya pero if now is not the time, wag mo pilitin. time will come na mapapatawad mo din sya. its ok to feel hurt sa ginawa ng daddy nyo sa inyo, tao lang din naman kayo. may magsabi man ng masama about you na ingrata kayo or kung ano man sinasabi sa side ng daddy mo, hayaan mo lang sila. they dont know what you guys are feeling kasi wala sila sa shoes niyo.


always decide sa ikaka-peace of mind niyo. people may think mali yung decision niyo pero kung yun ang magbibigay sa inyo ng peace of mind at magpapatahimik sa inyo, yun ang gawin nyo. napakadaling magsabi ng masama sa kapwa lalo na kung wala naman sila sa situation niyo. its your life, so its your choice.

three8one

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #21 on: February 14, 2018, 03:58:40 pm »
Ilang stroke ba ang kailangan mangyari? Kasi dun sa dalawang beses na nagpaka pagod yung mommy ko at tinanggap namin siya eh nambababe pa din.

This is his third stroke.

And I'm not sure kung nabasa mo yung buo kong message na dun na siya sa kabit niya umuuwi. May sarili silang bahay na nire-rent at buntis pa ngayon yung babae.

again opinion ko lang to sis taken ah..

how many stroke??? hanggang magbago father mo. hanggang makahingi sya ng forgiveness sa inyo. sa mother mo sa lahat ng kasalanan na nagawa nya. kasi kung walang mag ki care sa tatay mo, baka ma expire na sya na hindi man lang nakakahingi ng tawad sa inyo. miracle na yan kung maka survive father mo sa pangatlo baka this time ito na yung inaasahan mo pagbabago.

nakatira nga sya sa kabit pero sabi mo rin diba, buntis at hirap mag bantay. kung pipilitin magbantay ni kabit sa kabila ng kalagayan nya, baka hindi rin mabantayan ng ayos father mo, worst case might happen baka mapahamak pa lalo tatay mo at yung magiging kapatid mo.

binasa ko hanggang sa kahuli hulihan tuldok ts. naalala ko lang din kasi, nagkapalitan din tayo ng pov sa isang thread dito about religious faith.. and ang alam ko, correct me if im wrong, forgiveness ang isa sa mga pinapraktis ng isang pagiging Kristiyano. madaming sample sa Bible na mas worst pa na nagyari sa current situation nyo ngayon but still forgiveness pa rin sinasabi.

tama naman yung iba dito na binibigay ang kapatawaran sa mga taong humingi ng tawad at kusang binibigay din to sa tamang panahon. tama yon, pero sa tingin mo masisimulan ma activate yung process ng pagpapatawad kung wala magsisimula? it doesn't matter kung sino magsimula o kanino magmumula ang mahalaga yung masimulan.

sorry kung na offend man kita. wala akong intention.  ;)

Miss Taken

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #22 on: February 14, 2018, 04:21:15 pm »
^ We already forgave him kahit na hindi siya nag apologize. Kaya nga tumutulong pa din ako sa kanya kahit na alam kong may kabit siya di ba. My point is, my mom suffered enough. Hindi siya ang dapat mag-alaga lalo na ngayon na kakatapos lang din ng opera sa kanya dahil sa matres niya and she's not also capable of taking care of my dad. Bawal siya ma stress dahil my sakit din yung mom ko sa puso. At hindi ko kayang mawala siya nang dahil sa pagpapahirap na dulot ulit ng dad ko.

Yung kabit ang dapat gumawa ng paraan na maghanap ng magbabantay. I already gave them money, kumilos din naman sila.

My dad is not a good person madami siyang nilokong tao sa pera until now na ako pa nga nagbayad sa iba dun, he's not a good provider, na trauma kami ng mga kapatid ko kasi nakita namin kung pano niya bugbugin yung mom ko. My dad already chose the kabit.

And as of now, he's stable as per my cousin at nakakasalita at kilos na ng konti. Iba talaga fighting spirit ng dad ko.

HAYLEELOVE

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #23 on: February 14, 2018, 04:46:00 pm »
^Sis huwag kang papaapekto sa mga nagsasabing di ka marunong magpatawad or kapag wala kang ginawa eh kasing sama mo na ang Dad mo. Wala sila sa mismong kalagayan mo. Napakadali lang kasi ang magsabing patawarin mo dahil kapag hindi masama ka nang tao. Ikaw lang ang makakaintindi ng nararamdaman mo. Hayaan mo silang magjudge. For now, what is important is your peace of mind. Your father reaped what he sow. And I think hindi ka masamang anak to think nagbibigay ka pa ng money for your Dad. Sobra sobra na nga yun. Forgiveness should be given freely not because it?s your duty to do so because you were once a part of his sperm before. Let it be. Kung di mo pa kaya ibigay yun, it does not mean na masama kang tao. It means tao ka rin na nasasaktan. Hindi ka santo, please lang.
« Last Edit: February 15, 2018, 02:35:19 am by HAYLEELOVE »

AsunaYuuki

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #24 on: February 14, 2018, 05:24:52 pm »
Wow sis Miss Taken napakabait mo! We almost have the same situation pagdating sa father na manloloko din. Pinatawad namin siya pero dun na siya talaga nagstay sa other woman. We gave him forgiveness at ibigay naman nya samen ang peace of mind na hindi naman naranasan nung nasa iisang bubong pa sila ng mother ko. YOU CAN ONLY DO SO MUCH FOR A PERSON. Hindi lang naman pala yan first time na nagkasakit yung father mo at yung mom mo ang nagpakahirap magalaga pero ang ending eh nagloko pa din. Wala kayong kasalanan.

Sabi nga sa bible na laging nakakalimutan ng mga tao:
Ephesians 6:4 "Fathers, do not provoke your children to anger; instead, bring them up in the discipline and instruction of the Lord."

I disagree dun sa isang comment na kumakampi pa sa kabit at sa kasamaan ng father mo. Hayaan mo sila sis, hindi alam ng mga ganyang tao ang pinagdadaanan mo. Tandaan, IBA ANG PAGMAMAHAL AT PAGPAPATAWAD SA PAGKUKUNSINTI SA ISANG TAO NA PAULIT ULIT GUMAGAWA NG MALI.

kvandenhaak

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #25 on: February 15, 2018, 12:17:34 am »
Sus, kahit naman ang Dios hindi nagpapatawad unless forgiveness is asked. Emotional blackmail, yan ang gagamitin nila para mapilitan kayong alagaan ang tatay mo. Sabi ng relatives ng dad, walang magbabantay. Eh ano ginagawa nila? The fact that you didn't say do or say anything at all despite of the crap he did is enough. Just keep the silence and keep your mom away from the stress. Pwede syang dumalaw pero para sya pa ang ma-stress sa pag-aalaga? It's totally unfair for you and your mom.

TysLolakins

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #26 on: February 15, 2018, 12:34:40 am »
do what you feel is right by you and your mom,  not by what others say nor think about you. 
people give advice from a general standpoint, their own experiences and observation of other people,  but those things may not apply to you.  they will not know exactly how you were affected by the pain and anguish of the past. 
you have given already the financial assistance needed with this hospitalization and it seems you've given more as you've been supporting them even before this current situation.
and based on your other posts here,  you're not in the country to visit him anyway even if you want to or were forced to do so.


nobody and i mean nobody should make you feel bad or call you a bad person just because you go against the grain of what they think you should do.  and this is not a soap opera nor a movie where the ending is predictable and everybody acts according to the script.


i had to deal with something similar in the past and all i can say is,  it's not the aggrieved who should be carrying the burden forever,  the aggressor has to own up to his actions and be taught a lesson for his own good.


the one thing i personally hate is being given melodramatic advices on anything.







swtgrl_bee

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #27 on: February 15, 2018, 01:22:38 am »
Laki ng issue ko sa mga kabit kabit na yan. Ang payo ko din katulad ng ibang mga sisses natin dito. Yung family ni Daddy mo ang mag-alaga. Kaya nga ang pagpapakasal talaga sa hirap at ginhawa hindi pwede kapag sa ginhawa sa iba ka kapag naghihirap na sa pamilya ka.

Ito talaga ang para sa akin biggest sin kapag may pamilya ka na. Iba talaga ang balik/karma ng pambababae or panglalalaki. I've seen it numerous times. Kaya ako sa asawa ko grabe ang reminder ko, Sa side ko at sa side niya na-witnessed namin pareho yan.

The best thing you can do kung maayos naman ang financial status mo, magpadala ka nalang sis para sa hospital expenses ng Daddy mo.

HAYLEELOVE

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #28 on: February 15, 2018, 02:33:38 am »
Tama silang lahat. I also experienced being betrayed by a close family member. And to tell you honestly I have not forgiven her yet. I just couldn?t no matter how I tried. Yung extent ng betrayal was something I could not pass up. I am not proud but one thing I learned from this is that tama yung ibang sisses natin dito- there are really some bridges that need to be burned in order to move on and have a peace of mind. Healing can start when you distance yourself from all negativity and drama. She hasn?t expressed any remorse and even too proud to admit her mistakes. Hindi naman pwedeng ikaw na lang take ng take. For some people siguro kaya nilang magpatawad instantly, well and good, hands down for them, but for me, hindi ko kaya. Siguro in the near future or who knows when. Pero I, not even once, has viewed myself as a masamang tao or was pressured by society?s expectation to forgive and forget kunu, hindi ako santo and I was not the one who should own up for the shortcomings of other people. One thing good I knew I?ve done is never kong kinalat ang kabalbalang ginawa niya, like TS I shut my mouth up. Hindi ako gumawa ng revenge or what. Never ko siyang inaway in person or in social media. I Let God deal with her. Kaya TS, never let the judgement of others ruin your mind. Ikaw lang ang nakakaalam ng ikakabuti ng pamilya mo.
« Last Edit: February 15, 2018, 02:45:50 am by HAYLEELOVE »

mysterioza_me

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #29 on: February 15, 2018, 05:30:41 am »
For me pwedeng magpatawad (kung ready na) pero hanggang dun nalang. Patatawarin pero di ibig sabihin e aarugain mo pa yung taong nanakit sa iyo para maipakita na pinatawad mo na talaga siya. Kung tutuusin siya nga ang higit na dapat magpakita na karapat-dapat siya kapatawaran ninyo. Dun na lang siya sa higit na nakinabang sa kanya nung kalakasan niya. Bakit di mga kamag-anak niya ang mag-alaga at idadaan pa sa pangongonsensyang post? Ang sagot kasi ayaw din nilang alagaan kaya ipinapasa sa iba. Di pwede ikatwiran na tatay pa din yun kaya dapat alagaan. Kung may choice ba si TS pipiliin ba niyang maging tatay yun? Or kung alam mo naman na ganun kahihinatnan ng buhay mo gugustuhin mo pa bang ipanganak? Sino bang tao may gusto na dumanas ng hardship? Kung sa akin yan neknek niya no. Dun siya sa kabit paalaga at sa mga kamag-anak niya. Anong tingin niya sa nanay ni TS caregiver?! Blocked ninyo yang mga kamag-anak na yan. Masama na kayo kung masama pero consequence lang naman yan ng previous actions niya. Kung nagtanim sana siya ng mabuti e di sin sana may pamilya siya na dumadamay sa kanya.

lesters_gal

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #30 on: February 15, 2018, 03:50:55 pm »
This story is similar to the story of my Tito brother of my Mom. Super babaero din. Nung natapos ang contract sa Saudi dun sa kabit dumerecho hindi sa pamilya niya. Tapos after 8months umuwi. Then on and off na ang uwi sa pamilya niya. Walang sustento. Walang work ang asawa niya so dumating yung point na wala talaga silang pera pang kain at yung pinsan ko naglalakad nalang papunta ng school at pauwi. So tumulong na ang Mom ko sa kanila kasi sobrang nakaawa na sila. Sha ang support sa family niya at pinag aral yung pinsan ko.

Nung nagkasakit na sha sa kidney dun lang sha tuluyang umuwi sa sarili niyang pamilya. Hangga nga kami dun sa asawa niya kasi  Tinanggap Pa rin sha at ng mga anak niya despite of everything na ginawa niya pagpahihirap sa pamilya niya.

One time nga nagtxt daw yung kabit ng tito ko at gusto daw makita yung Tito ko. Pumayag yung Tita ko pinapunta sa hospital at pinagbantay. Medyo masakit daw nung nakita niya yung dalawa. Pero wala na daw sha magagawa.

Mabuti nakatapos yung pinsan ko at maganda yung work kaya nasuportahan yung pagpapagamot ng Tito ko. Until he passed away last year. Sabi ng asawa niya pinatawad niya daw yung Tito ko at kahit ganun daw yung ginawa sa kanila mahal daw niya yun.

glamorosa_09

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #31 on: February 15, 2018, 04:04:07 pm »
^Hmmm... mukhang mabait din kasi yung side ng tito mo sis (which is kayo, especially your mom). Tumulong yung mother mo, at di nyo sila pinabayaan when they hit rock bottom. So kahit papaano, yung kabutihang pinakita niyo ay na-buffer yung pain/anger na naidulot ng tito mo sa tita mo. Unlike sa case ni TS, mukhang makaiba yung nature niyo sa nature ng paternal side ni TS.

I know you're only sharing and not implying anything... I'm just thinking out loud...


lesters_gal

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #32 on: February 15, 2018, 05:18:17 pm »
^Yes sis i?m just sharing. My mom even said kung sa kanya nangyari yun hindi daw niya aalagaan yung Tito ko dahil hindi talaga biro yung  ginawa niya sa pamilya niya. Pagkatapos magpakasarap, uuwi nalang kasi may sakit na at kailangan niya ng tulong ng tunay niyang pamilya.

hisana

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #33 on: February 15, 2018, 05:33:48 pm »
^^As in tinanggap lang nila uli agad with no hard feelings? No conditions? Grabe, kaya siguro ang lakas ng loob mambabae nung lalaki. Sorry if ang bitter nung sinabi ko. Alam ko naman na iba iba ang mga pinagdaanan natin and I dont know their whole story and I also know that we have different capacities for forgiveness. I just personally cannot tolerate this kind of behavior. The hate will probably fade in time, pero I wont let anyone like this back into my life anymore.

Shadow Angel

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #34 on: February 15, 2018, 05:45:29 pm »
^sis tama ka dyan. Kahit sabihan ako masama ang ugali dahil di marunong magpatawad wala ako pakialam. Para sa akin may mga bagay na walang kapatawaran. Hindi ako kabilang sa mga taong kailangan magpatawad para mabuhay ng tahimik or masaya mas tahimik ang buhay ko nun pinutol ko connection sa akin ng mga taong nanakit sa akin/amin.

plumpolka

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #35 on: February 15, 2018, 05:39:50 pm »
siguro kung supportive din side ng dad nya sa kanila, it would be different. iba parin kasi pag alam mong ikaw yung kinampihan ng other side e. tsaka mukhang moved on naman na si mother ni TS at hindi na siguro nya mahal unlike dun sa isang sis natin na talagang alam mong mahal pa rin nya para tanggapin. and who knows baka humingi ng tawad yung dad nila sa mom nila kaya talagang inalagaan.


iba talaga pag nagloko yung guy tapos hindi kayo ang kakampihan ng side ng family nya. FO na, family over na yun para sakin. kahit pa mamatay sa harap ko anak nila, deadma ako. hahaha

lesters_gal

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #36 on: February 15, 2018, 07:07:58 pm »
^^As in tinanggap lang nila uli agad with no hard feelings? No conditions? Grabe, kaya siguro ang lakas ng loob mambabae nung lalaki. Sorry if ang bitter nung sinabi ko. Alam ko naman na iba iba ang mga pinagdaanan natin and I dont know their whole story and I also know that we have different capacities for forgiveness. I just personally cannot tolerate this kind of behavior. The hate will probably fade in time, pero I wont let anyone like this back into my life anymore.

Yes sis as in walang conditions or what so ever. Umuwi nalang tapos ayun na.  Ang sabi kasi nila wala ng magagawa. Andyan na yan. Sino daw mag aalaga dun. Dahil nasa abroad naman kaming lahat na relatives niya.  Sila lang ang nasa pinas. Makapal din talaga mukha ng Tito ko eh. Imagine yung pera na nakuha niya sa Saudi sa kabit lang lahat napunta yun.

Sinuportahan nalang namin yung family niya. Kasi hindi namin ma take na yung dalawang anak niya asin nalang ang inuulam nung time na walang wala sila. As in ganun sila naghirap. Kaya yung nagkasakit din Tito ko naghirap din sha. Kaya kinausap ng mom ko yung dalawang pinsan ko  at asawa niya na kausapin bed ridden na yung tito ko na patawarin nalang daw kasi baka kaya hindi makaalis kasi nga inaantay yung forgiveness ng family niya.  Ang galit daw talaga is yung bunsong anak kaya after kausapin ng mom ko yung pinsan ko ayun after a few days namatay na sha.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #37 on: February 15, 2018, 07:59:39 pm »
TS I kennat!!! Di ko alam kung kanino ako maloloka muna, or ok sige sakanila nalang lahat sabay sabay - tatay mo, kabit nya, mga kamaganakan nila.

TS di nyo sila obligasyon - di obligasyon ng mama mo alagaan papa mo, di nyo obligasyon magkakapatid dalawin papa mo, di nyo obligasyon saluhin ang responsibilidad ng kabit nya na pagaalga, di nyo din obligasyon iplease mga kamaganakan ng tatay mo ke lolo mo pa yan or tita. Natapos yang obligasyon na yan, the moment iniwan nya kayo at sumama sa kabit nya.

Magalit na sila kung magalit, ang lagay feelings at well being nila kailangan nyo isipin pero yung sainyo wala sila lahat pakialam, ganon? Saang universe yan fair? Wala. Pakatotoo tayo. Ang kakapal ng muka nilang lahat, period. Ok fine sa patawaran and all that crap, pero para naman akuin nyo pa pagaalaga at isipin nyo pa feelings nila at welfare eh kalokohan na yan. Dapat nga yan, magkalimutan na eh. Tatay at Asawa nalang sya sa papel.
« Last Edit: February 15, 2018, 08:04:35 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

Shadow Angel

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #38 on: February 15, 2018, 08:01:32 pm »
^paano natitiis ng isang magulang/ama ang kanyang mga anak habang sya nagpapakasarap kasama ng kabit un mga anak wala ng makain. Matapos pa un pahirap na ginawa sila pa pahihirapan na mag alaga sa kanya.

Girltalker2

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #39 on: February 15, 2018, 08:03:12 pm »

 Until he passed away last year.

Sa totoo lang, ito ang reason kaya naging happy ending. The philandering Husband died. May peace of mind na yung totoong asawa na di na sya magloloko o magkakasala. Everyone is at peace narin at mas madali makapagpatawad ang mga nasaktan kasi alam nila di na sila ulit masasaktan nung taong patay na.

Kaya lesson din nga ito satin. Habang wala pa tayo sa retiring age, Kung sobra mambabae ang asawa at alam na May kabit at mga anak sa labas, gulo lang iyan later. Not only forever walang peace of mind yun Wife, hanggang sa mga ganyang situation eh mas lalong nagdudulot pa ng problema.

Parang marami din cases nga na tumitigil mambabae kapag bedridden na. At yun ang silbi ng wife, alagaan yung babaerong asawa?! 🙄
« Last Edit: February 15, 2018, 08:16:10 pm by Girltalker2 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close