watch now

Author Topic: My dad and his kabit  (Read 10538 times)

Miss Taken

  • Guest
My dad and his kabit
« on: February 13, 2018, 07:07:03 pm »
Update: https://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=296712.msg8358900#msg8358900

***
I just need to let this all out kasi nakakastress na talaga yung family ng dad ko at yung kabit niya. Just to give you a background, hindi na namin siya kasama for more than 5 years at bihirang bihira yung pagbibigay niya ng pera para sa youngest brother ko kaya as the eldest in our family, ako naging breadwinner.

Aside from that, my dad is a chronic cheater and he physically/emotionally abused my mom nung hindi pa sila naghihiwalay.

Here's the story, he had another stroke two days ago at nalaman ko yun sa cousin ko kasi nag message sa kanya yung kabit thru messenger about sa dad ko na nahospital daw. Kailagan lagyan na ng tubo at ayaw daw magdesisyon nung kabit magisa. I told my cousin na sila na bahala dahil matagal naman na kaming iniwan at pinagpalit ng daddy ko. When he first had a stroke nung college ako, yung mom ko ang nagpakahirap magalaga sa kanya hanggang sa umayos ulit yung health niya. Pero after that, nagbalik alindog program siya at sinimulan na naman ang pambababae.

Ngayon contact ng contact yung mga kapatid at pinsan ng dad ko sa mom ko na kesyo walang magbabantay sa hospital. Grabe lang di ba? Nung time na nagloloko yung dad ko, todo tanggol sila na hindi daw totoo yun at pinagtatakpan pa. Sabay ngayon sila nanghihingi ng tulong at ayaw tigilan yung mom ko.

So sabi ng mom ko sa tita ko na bakit hindi yung kabit ang magalaga at ano yun sa sarap lang siya nandyan pero pag sa hirap hindi na maaasahan. Yun pala buntis yung kabit at hindi daw maaalagaan ng maayos yung dad ko. Sabi ko nga hindi na namin problema yun, sila ang dapat gumawa ng paraan dyan.

I'm still praying na he would recover but my dad is now suffering the consequences of his decisions. I'm torn between contacting my dad's relatives na tigilan na yung mom ko or hayaan ko na lang muna sa ngayon.
« Last Edit: February 18, 2018, 06:56:54 pm by Miss Taken »

kvandenhaak

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #1 on: February 13, 2018, 11:27:19 pm »
^I would just block them para hindi makapang-harass. I would probably visit him, if I were you but to put your mom in that stress?Wag na. They are not together anymore so that's not your mom's responsibility. Kasal na lang sila sa papel.

BicuriousGS

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #2 on: February 14, 2018, 12:03:36 am »
Visit your dad after all di ka mabubuhay kundi dahil sa kanya. Regarding sa relatives naman tell them na PLEASE lang hindi obligasyon ng nanay ko yan...obligasyon yan ng kabit! Wag na wag nyo ng guguluhin pa ang nanay ko. Sorry carried away ako sis. Alala ko lang kasi mga other woman. My father is also a numero uno womanizer. I remember may time na sinama nya ako 6y.o ako siguro nun may i-meet kami dad ko sa plaza samahan nya ako maglaro and i tell my mom na yun babae yun meet namin is babae ng dad ko at my early age gigil na ako. haha Mom ko pina galitan ako, at my age dami ko na daw alam. Pero syempre nalaman nya na tama sinabi ko. May time na muntik ko ng sagasaan yun babae ng dad ko. Laglag sya sa imburnal pinatamaan ko sya ng sasakyan ko. Up to now ganun pa din dad ko hangang sa mawala mom ko. Cool lang mommy ko pero ako palagi ang affected siguro dahil bunso ako. Pero good thing naman sa amin sya umuuwi. Kaso bata pa ako ganun na sya till ngayon matanda na ako nasanay na ako. Kahit ganun pa man ginawa nya naging mabait naman sya tatay sa akin...di lang sya naging mabait na asawa. Kaya nandun pa din respeto ko sa tatay ko. Always protect yung feelings ng mother mo and kayo na lang ng siblings mo dumalaw sa father mo ng wala masabi relatives ng father mo. Stay cool in dealing the situation kasi it might affect ur dads health condition. And PRAY!

airish_2

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #3 on: February 14, 2018, 12:19:31 am »
Maybe pwede mo sabihan si Mom mo na iblock muna yung mga text message or sa chat para hindi na rin ganoon magka problema ang mom mo, then bisitahin nyo na lang ng kapatid mo yung dad mo sa hospital, kasi nakakagigil nga naman yan sa hirap yung mommy mo sa ginhawa yung kabit. Basta wag kayo pumayag na magbantay mommy nyo.
« Last Edit: February 14, 2018, 11:39:21 am by airish_2 »

khaleesiCersei

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #4 on: February 14, 2018, 01:05:18 am »
Block and ignore the relatives, my god bat ba kayo ang pinipilit mag alaga? Eh di sila kung gusto nila. Then nasa sayo pa rin naman kung gusto mo bisitahin dad mo or not. Pero tama yung ibang sis, spare your mom the stress. Di niya kelangan bantayan dad mo at alagaan kasi hiwalay na sila.

mimiku

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #5 on: February 14, 2018, 02:20:04 am »
^If I were you huwag niyo na lang pansinin yung messages ng side ng Daddy niyo. Ignore. And huwag niyo na lang bisitahin Dad niyo. Maistress lang kayo. To think sinaktan niya physically and emotionally mom niyo and iniwan kayo for another woman, that is a no no for me. Kahit tatay niyo siya, I think he had already severed his ties with you when he decided to leave your family. Ganyan naman usually ang mga cheaters, sa sarap kinakalimutan ang pamilya pag sa hirap bumabalik. Meron naman na siyang pamilyang bago, kung buntis di naman siguro incapacitated para hindi siya ang magbantay sa hospital. Or kumuha sila ng katulong. Spare yourselves the agony, some bridges are meant to be burned.
« Last Edit: February 14, 2018, 02:22:56 am by mimiku »

tischarmedlife

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #6 on: February 14, 2018, 06:08:48 am »
Same as the others din ang view ko dito..

Hindi na nga responsibility ng mom mo ang magbantay sa dad mo. problema yun nung kabit. As for your relatives, edi sila magbantay kung gusto nila. You can probably visit him kase tatay nyo pa rin sya pero wag mo na isama mom mo para di na sya ma-stress.

kvandenhaak

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #7 on: February 14, 2018, 06:40:35 am »
Just imagine naman how awkward it would be for everyone especially the mom if she gets involved? Tapos bibisita si kabit? Babalik ang sakit na naramdaman nya. Seriously, the nerves of the dad's relatives to even ask the mom to take care of him. Nakakairita sila, sa totoo lang!

amethyst028

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #8 on: February 14, 2018, 09:04:39 am »
@Miss Taken napaka insensitive naman ng mga relatives mo sis at pati ng kabit niya. pinabayaan kayo ng dad mo then they are expecting na mag malasakit kayo sa kanya ngayon.

if it were me deadma na lang. i would probably go visit kasi baka yun na yung last, i mean you will never know diba? and para lang no regrets later on. but i would leave my mom out of it.

Girltalker2

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #9 on: February 14, 2018, 09:47:03 am »
.

Ngayon contact ng contact yung mga kapatid at pinsan ng dad ko sa mom ko na kesyo walang magbabantay sa hospital. Grabe lang di ba? Nung time na nagloloko yung dad ko, todo tanggol sila na hindi daw totoo yun at pinagtatakpan pa. Sabay ngayon sila nanghihingi ng tulong at ayaw tigilan yung mom ko.

Bakit ayaw nila magbantay?

If I?m your mom - will just tell them off. Sabihin lang ng mom mo na wala sya sa Lugar para pumunta.

And if ever, magsama na sya ng pari! 😂. Kidding aside....kainis sila ah

Shadow Angel

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #10 on: February 14, 2018, 10:07:15 am »
If ang relatives nila ay ang mama ml masasabi pa rin kaya nila na alagaan un ex kahit na physically and emotionally abused sya nung ex? Di na problema ng mother mo kung walang magbantay naputol na ang kung ano man meron sila nun iwan kayo.

hisana

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #11 on: February 14, 2018, 10:44:54 am »
Napakakapal naman ng mga mukha. Yan ang first thought ko talaga!

Ito yung isa sa mga ayaw ko talaga sa atin, yung ibang mga kamag-anak napaka-abusado. They feel that if you're family, you have to help them out of any situation no matter what. Feeling entitled. Tapos kapag hindi ka tumulong, ikaw pa ang masama, di ba.

Don't give in, sis. Protect yourselves from any more stress. Your dad is sick, yes, nakakalungkot nga yan, but just keep in mind that your mom doesn't deserve this kind of treatment din naman.


plumpolka

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #12 on: February 14, 2018, 11:29:05 am »
so ang tingin nila sa mama mo is caregiver? tapos pag magaling na ulit, balik na naman pasarap sa kabit. once na tinalikuran na yong family niyo, he should be contented sa pinili nyang bagong family. kayo masaya na, yes, tatay mo siya. di mo kasalanan na dahil sa kanya nabuhay ka. ginusto nila yun so wala kang responsibility sa kanya lalo na di naman sya naging mabuting ama. for me kasi hindi mo utang na loob na nabuhay ka dahil sa magulang mo. utang na loob mo yun sa diyos dahil pinili nya na mabuo kayo through your parents. ang utang na loob, meron dapat reason para magka utang na loob ka sa tao. and bringing you into this world is not enough (for me), what comes after is what's important for me. binuhay mo nga ko, puro pahirap lang ang dinulot mo sakin. nothing to be grateful for. kay god tayo magpasalamat na binuhay tayo at talagang hindi tayo pinapabayaan.

mimiku

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #13 on: February 14, 2018, 12:50:35 pm »
so ang tingin nila sa mama mo is caregiver? tapos pag magaling na ulit, balik na naman pasarap sa kabit. once na tinalikuran na yong family niyo, he should be contented sa pinili nyang bagong family. kayo masaya na, yes, tatay mo siya. di mo kasalanan na dahil sa kanya nabuhay ka. ginusto nila yun so wala kang responsibility sa kanya lalo na di naman sya naging mabuting ama. for me kasi hindi mo utang na loob na nabuhay ka dahil sa magulang mo. utang na loob mo yun sa diyos dahil pinili nya na mabuo kayo through your parents. ang utang na loob, meron dapat reason para magka utang na loob ka sa tao. and bringing you into this world is not enough (for me), what comes after is what's important for me. binuhay mo nga ko, puro pahirap lang ang dinulot mo sakin. nothing to be grateful for. kay god tayo magpasalamat na binuhay tayo at talagang hindi tayo pinapabayaan.
My thoughts exactly. Naisip ba ng tatay niya noong sinasaktan and iwan kayo yung mga pamilya connection na yan. Merong case na ganyan dati sa amin. Yung bestfriend ni mama. Iniwan ang nanay nung malilit pa yung mga anak.  Magisang tinaguyod ang mga anak and by the time na malalaki and successful sila sa abroad tsaka naman gustong bumalik ng tatay dahil may sakit. Aba, sabi ng mga anak doon siya sa kabit niya. Tinuring na nilang patay ang tatay nila. t**** na lang daw nanay nila kapag papayag p siyang alagaan ang tatay nila.

Miss Taken

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #14 on: February 14, 2018, 01:13:52 pm »
Thank you for all your advises and support mga sis.

As much as I want to visit my dad, nandito ako ngayon sa abroad at yung sumunod kong kapatid matindi pa ang galit sa dad ko kaya hindi niya talaga kayang bumisita. Our youngest sibling naman is only 13 years old. Kagabi hindi ako makatulog ng maayos kakaisip sa mom ko sabay makikita ko pa yung post ng lolo (dad's side) ko na kesyo magpatawad daw sa mga taong nagkasala at mahalin pa rin. Inis na inis ako, gusto ko ng sumagot na iba ang pagmamahal sa pagkukunsinti na ginawa nila ng ilang taon kaya ang lakas lalo ng loob ng daddy ko na mambabae.

Hanggang ngayon tinatawagan pa rin ng tita ko yung mommy ko pero never niyang sinagot dahil na rin sa advice ko sa kanya. Sabi ng cousin ko hindi daw nila macontact yung kabit pero hindi ako naniniwala dahil alam nga nila yung bahay at napakalapit lang sa kanila.

Ngayon yung mommy ko na naman ang masama sa ibang tao. Grabe makapag judge porket kaming family eh never nagsalita laban sa daddy ko. Nanahimik kami at nagawa naming mag survive ng wala siya. Ni hindi nga nila alam na totoong may kabit at buntis na yung babae na yun. Ayoko lang kasi talagang mag post sa social media dahil for me unethical yun pero hindi ko na alam kung paano ko ba mapagtatanggol yung mom ko since malayo ako sa kanila.

Hindi nila alam yung paghihirap namin ng mom at mga siblings ko nung iniwan kami. Kahit ganyan yung ginawa samen ng dad ko, nagpadala pa din ako sa kanya nung humingi siya ng tulong last month para sa medical niya, never ko siyang pinagsalitaan ng masama at sinusubukan ko pa din maging mabuting anak. Ang hirap lang maging hindi affected sa mga sinasabi ng ibang tao.

three8one

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #15 on: February 14, 2018, 02:35:40 pm »
For TS, palagay ko, kung I aabandon nyo yung father nyo sa current situation nya parang wala na rin kayong pinagkaiba sa maling nagawa ng father nyo sa inyo.

iniwan nya kayo noon, ngayon naman na kailangan nya ang tulong nyo kayo naman ang mang iiwan. diba walang pinag kaiba? kung bibigyan nyo lang ng pagkakataon, kung maging okay ang father mo pwedeng yung gagawin nyo ay ma I twist yung mga maling nangyari noon. kahit simpleng sympathy lang sa kalagayan ng father mo malaking tulong na siguro yun.

opinion ko lang naman ito..

latte

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #16 on: February 14, 2018, 02:54:13 pm »
May karma talaga sa huli.

Whatever you feel you want to do sis is valid. Kung feel mo na mahalin at tulungan pa din sya as your dad ok yun dahil in the end sayo din babalik yung fruits ng pagiging mabuting anak. And kung feel mo naman na dedmahin na lang sya ayos din yun dahil hindi birong sakit ang ibinigay nya sa iyo at sa mom mo. Pero learn to forgive kasi when you forgive you are freeing yourself from negativity which is may maganda ding idudulot sa buhay mo.

Miss Taken

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #17 on: February 14, 2018, 02:59:33 pm »
For TS, palagay ko, kung I aabandon nyo yung father nyo sa current situation nya parang wala na rin kayong pinagkaiba sa maling nagawa ng father nyo sa inyo.

iniwan nya kayo noon, ngayon naman na kailangan nya ang tulong nyo kayo naman ang mang iiwan. diba walang pinag kaiba? kung bibigyan nyo lang ng pagkakataon, kung maging okay ang father mo pwedeng yung gagawin nyo ay ma I twist yung mga maling nangyari noon. kahit simpleng sympathy lang sa kalagayan ng father mo malaking tulong na siguro yun.

opinion ko lang naman ito..
Ilang stroke ba ang kailangan mangyari? Kasi dun sa dalawang beses na nagpaka pagod yung mommy ko at tinanggap namin siya eh nambababe pa din.

This is his third stroke.

And I'm not sure kung nabasa mo yung buo kong message na dun na siya sa kabit niya umuuwi. May sarili silang bahay na nire-rent at buntis pa ngayon yung babae.
« Last Edit: February 14, 2018, 03:01:53 pm by Miss Taken »

khaleesiCersei

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #18 on: February 14, 2018, 03:10:56 pm »
Imo naman sis.. Hindi ka pedeng pilitin or konsensyahin kapag hindi ka pa ready gawin ang ang isang bagay. For me kasi, you reap what you sow. So yan ang consequence ng ginawa niya.

hisana

  • Guest
Re: My dad and his kabit
« Reply #19 on: February 14, 2018, 03:21:07 pm »
^^
Yeah, I agree. It's not about revenge or being spiteful, it's about avoiding more suffering and looking after their mom. She deserves a decent life also.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close