watch now

Author Topic: Make up gurus Thread 4  (Read 85420 times)

drag0nfly

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #560 on: April 17, 2018, 05:24:39 am »
^Agree ako dyan sa Local YTers/Vloggers thread tas ilagay sa Celeb Gabfest na lang tutal parang celebs na din naman sila.  Para pwede din natin pag-usapan ibang local vloggers at dumadami na sila hehe.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #561 on: April 17, 2018, 02:14:18 pm »
10/10 naman ang rating ko sa Vlog ni Shek about Aqua Planet haha nahawa nako sa rating system nya pati adrenaline saka pagbaba mismo ng slide shoot agad sya para fresh yung opinion, wala tatalo sa pagka informative at thorough ng travel vlogs nya. Saka naappreciate ko dedication nya na maski may bitbit syang mga kung ano anong mabibigat at malalaki, hala sige pa din sya sa pag video, and disappointed sya na may areas na di sya pwede mag shoot. Walang katamaran factor, alam mong gusto nya ginagawa nya, walang suya nor bad vibes kay bagets at di mema lang o yun bang napipilitan lang para sa vlog.

Oo nga game ako sa Local Youtubers/Vloggers. Nanalo si Wil sa Shorty's Awards as Vlogger of the year. Amazeballs. (Super OT hehe  ;D)

twinbee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #562 on: April 17, 2018, 02:45:28 pm »
ang di ko lang feel kay Shek, yung way of lambing nya sa loved ones nya, siblings/bf, is may pagkabully... esp sa bf nya.. parang mas sya yung nasusunod like yung nagpunta sila sa venice parang feel mag banca ride ni bf, mas feel naman nyang manood na lang ng sine.. ending sya rin ang nasunod..

gil12

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #563 on: April 17, 2018, 03:18:41 pm »
New thread na lang for local YTers or vloggers. Tutal hindi naman tungkol sa make up review nila napag-uusapan dito madalas ;D

Isha, sa tingin ko, kahit tumira siya sa nanay niya hindi siya talaga makaka ipon lalo na kung ang problema nila is sustento. Naiintindihan ko siya kasi nakatira ako sa in laws ko for years na. Kahit hindi naman financially dependent samin in laws ko, iba pa rin talaga privacy ng family pag naka bukod. Agree ako sa isang comment dito na baka nga viewer niya may ari nung unit na nirerent niya ngayon? Tungkol sa Korean visa na denied sila, napanood ko nga yun sa vlog ni Anna C., hindi kaya na deny siya kasi buong family inapplyan niya ng visa? Sana siya na lang. Baka nakitaan ng Consul na walang capacity to support their trip as family?

Kris L.,hindi ko pa napapanood recent vlogs niya. Naging first time mommy din ako kaya kahit papano naiintindihan ko what she's going through. May times lang talaga nagiging sobra defensive siya. When she was pregnant, nagcomment talaga ako sa video niya, sabi ko hinay sa sweets and pagkain sa labas, nahalata ko kasi madalas sila mag Jollibee. After nun ayoko na magcomment. Parang it's your body, whatever happens nasa sayo na yun. Agree rin ako na dapat hindi muna siya lumabas ng bahay, kaka one month pa lang dba? Recently nagkaron siyang sty. Baka mamaya ma-binat siya. Mahirap din kasi, feeling ko nandun yung burden na kelangan kumita kasi silang dalawa mag-asawa nagrerely sa youtube.

Anne C., nakita niyo ba post niya sa IG and sa IG stories niya tungkol kay Joo saka sa cleft palate? May nag comment kasi sa video niya sa youtube na parang wag na raw sundan si Joo kasi baka raw magkaron ulit cleft palate parang ganun. Hindi ko kasi nabasa comment dahil hindi na ko nanonood ng videos niya.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #564 on: April 17, 2018, 03:26:28 pm »
^^Saka yung pagtawag nya ng Taba or Baboy, haha parang ay ang payat ni bagets! Ang bubrutal eh, tho yeah at least it's how authentic her vlogs are.

To each his own. Tinigilan ko na panunuod kay Anna C. nagkakasala lang ako sa kaka pintas at puna haha.
« Last Edit: April 17, 2018, 03:30:45 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

fifi_girl

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #565 on: April 17, 2018, 03:45:06 pm »
Re Isha's denied Korean Visa. Buong family ba in-apply niya? Nagtataka din ako, kase ilang beses na siya nakapag-Korea tapos ma-de-deny siya ngayon? I think may formal invitation naman siya from the Sponsor. Baka na-inggit kay Anne Clutz kase diba papunta din sila ng Korea.

Re Kris L. Siguro nga nandun yung burden na kelangan nila lalo magsipag sa pag-upload ng videos. Since may baby na din sila. And hindi din biro yung gastos sa baby.

hann-hann

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #566 on: April 17, 2018, 04:12:37 pm »
Kakaupdate lang ni isha mga sis, hindi daw denied ang korean visa nila. Hindi lang daw kasi sila makaabot sa pilahan sa embassy. Nauubusan daw sila ng slots. Kaya nagtatanong sya kung mas okay daw ba kung mag-agency na lang sila. Nung napanood ko din sa vlog ni anna parang ang dating na-deny talaga yung visa. Ang epal naman kasi bakit sinabi nya pa yun. Hahah

o9kristin

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #567 on: April 17, 2018, 06:16:48 pm »
Gumawa na ko ng new thread.. Para hindi na tayo OT dito. =)

https://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=296886.0

Local Youtubers / Vloggers na para we can talk about anything about the growing community sa YT =)

Wakanda_

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #568 on: April 17, 2018, 06:22:21 pm »
Nabasa ko nga ang update ni Isha re Korean Visa. Miscommunication siguro sakanila ni Anna Cay or  pwedeng denied talaga siya at ayaw niya ipaalam kasi alam ko bawal na mag walk in ang applicants at kailangan mag agency na.

Madami din nakapansin na di siya na nag uupload kahit IG stories nitong week na sinabi ni Anna Cay yung sa visa eh, akala tuloy na depress siya.

Chikadora101

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #569 on: April 17, 2018, 06:26:33 pm »
Gumawa na ko ng new thread.. Para hindi na tayo OT dito. =)

https://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=296886.0

Local Youtubers / Vloggers na para we can talk about anything about the growing community sa YT =)

yey! lilipat na ako sa bagong thread kase wala naman talaga ako alm sa Make up thread na to puro OT reply ko dito hahahah

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #570 on: April 17, 2018, 06:40:54 pm »
Ok mabalik sa make up, parang naeenganyo ako sa BLK K Beauty cheek tint, pareho maganda nakita ko kay Raiza C. and Anna Cay. Balitaan nyo naman ako layo ko sa Pinas eh. Hehe TIA!  ;D

Chikadora101

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #571 on: April 17, 2018, 06:59:14 pm »
Ok mabalik sa make up, parang naeenganyo ako sa BLK K Beauty cheek tint, pareho maganda nakita ko kay Raiza C. and Anna Cay. Balitaan nyo naman ako layo ko sa Pinas eh. Hehe TIA!  ;D
ako din sis, yun din gusto ko kaso parang mahal 250+? pero for the cheeks lang... gusto ko kase parang di sya nag bblot and hindi watery yung texture! :o

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #572 on: April 17, 2018, 07:00:44 pm »
^oo nga, pero a little goes a long way na (naks YTer cliche) haha. Andaming cheek tint kasi na ang hirap iblend.

swim_fatale

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #573 on: April 17, 2018, 08:34:47 pm »
^^ Sisses hindi 250+ yung BLK cheek paint -- 349 siya. Then 299 yung liquid eyeshadow. For me mas sulit yung cheek paint kasi pigmented siya and maganda yung peach na color. What I don't like is the HUGE doe foot brush. Pag hindi mo slow-mo tatanggalin from the tube, tatapon ang laman. Ang mahal pa naman, haha. The liquid eyeshadow is just so-so for me. Aside from being super tiny, hindi siya ganun ka pigmented unless you apply a LOT. Ako pinapatungan ko pa ng darker shade na powder eyeshadow for it to show up on my lids.

Sorry OT! Haha

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #574 on: April 17, 2018, 08:44:24 pm »
^oh got it!  :) Thanks!

Chikadora101

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #575 on: April 17, 2018, 08:53:41 pm »
^^ Sisses hindi 250+ yung BLK cheek paint -- 349 siya. Then 299 yung liquid eyeshadow. For me mas sulit yung cheek paint kasi pigmented siya and maganda yung peach na color. What I don't like is the HUGE doe foot brush. Pag hindi mo slow-mo tatanggalin from the tube, tatapon ang laman. Ang mahal pa naman, haha. The liquid eyeshadow is just so-so for me. Aside from being super tiny, hindi siya ganun ka pigmented unless you apply a LOT. Ako pinapatungan ko pa ng darker shade na powder eyeshadow for it to show up on my lids.

Sorry OT! Haha

Sis long lasting naman? Kaloka ang mahala pala 😂😂😂 parang liquid lippy na yung texture na?

o9kristin

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #576 on: April 18, 2018, 10:05:32 am »
I liked the BLK cheek paint in Peach! 349 sya. Long lasting and andali iblend unlike mga water tint na ang dali mag settle tapos may patchi patchi sa pisngi. A little goes a long way din. As in super duper tiny dot lang. Pag ordinary dot, para na kong sinampal. Haha!

OOS madalas yung peach sa stores and online. Sa Lazada na lang yata merong stocks. Nagulat ako kasi wala pang 24 hrs na-deliver na agad.
 

ficklemind

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #577 on: April 18, 2018, 10:27:22 am »
Hinde ko naappreciate si Raiza before, kasi mahilig siya sa transformation looks. Eh parang never naman ako magmamakeup to transform into someone hehe.
Mas gusto ko yung generic like 'Everday look, aatend ng Wedding, Romantic Date night, Office, Simple to Party makeup etc.
But subscribe pa din ako kasi gusto ko naman mga product reviews niya.

swim_fatale

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #578 on: April 18, 2018, 10:42:21 am »
^Sis tawang tawa ako sa linya mong "Eh parang never naman ako magmamakeup to transform into someone hehe." TOTOO! Pero magaling nga si Raisa. And she's also nice in person. I met her [textspeak!] BU bazaar. Nagtataka lang ako bakit ang fail sa kanya nung BYS Lustrous eh kay Michelle Dy ang ganda? Baka dahil magkaiba sila ng skin tone and type.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #579 on: April 18, 2018, 01:33:49 pm »
Any sissy here who follows Martha Jante? Grabe ang sexy na niya. Hindi kasi siya masyadong ma-upload pero pinapanood ko talaga siya. Mahilig din siya bumili sa Divi ng mga make-up tools.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close