watch now

Author Topic: Make up gurus Thread 4  (Read 85558 times)

drag0nfly

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #400 on: April 05, 2018, 06:21:28 am »
^Ah dyan pala makikita yang maraming guards na nabanggit dito haha.  Sige check out ko din kahit alam kong waley. 

Agree din ako kay Say and Shek na maraming details.  PInakita na ba ni Isha yung new condo nila? 

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #401 on: April 05, 2018, 07:45:09 am »
Boring kasi talaga si Anna samahan mo pa ng boring boyfriend. Yung mga ginagawa nila sa travel trips nila pwedeng-pwede na nila gawin sa mga bahay nila. Hindi pa sila malilate at maghahabol ng breakfast or flight. Mas informative pa yung youtuber friend niya na si Raych Ramos kahit hindi magaling sa beauty related reviews. Mukhang okay din BF ni Raych.

swim_fatale

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #402 on: April 05, 2018, 09:45:39 am »
^True! at pinag vlog din ang BF na si Geloy na wala rin naman laman! HAHAHA

sofiameredith

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #403 on: April 05, 2018, 09:52:59 am »
PInakita na ba ni Isha yung new condo nila? 

antay ko nga din itsura nung condo ni Donya Isha haha...

Alam niya sa kabuhayan nila kailangan ng internet, eh ayun waiting pa na makabitan. Andami namang paraan pwede siya mag upload sa coffeeshop or bumili ng pansamantalang pocket wifi tutal gastador naman siya. Hindi siya dapat nagdedelay ng uploads baka mabawasan datung niya ;D or baka kampante naman si Ateng sa flow ng income through sponsors?! :P ;D

keejac21

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #404 on: April 05, 2018, 10:11:11 am »
May nabasa ako sa Twitter.. meron ongoing poll for The Most Influential Youtuber of 2018.
Nakita ko si Michelle Dy yung nangunguna. I think the poll was started by Social Media Clash, not sure who are the people behind it.

Wakanda_

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #405 on: April 05, 2018, 11:41:56 am »
^ Hinihintay ko rin ang vlogs ni Isha regarding sa new condo at kung saan. Haha. Curious ako kung ilang BR ba talaga at kung gaano kalaki. Lol. Continous pa rin ang flow ng pera dahil sa mga old videos for sure kaya di siya natatakot matagalan mag upload. Napapansin ko nga na di na siya ganun kadalas mag upload, if mag upload naman puro shopping or kain sa labas na vlogs din. Haha.

Nawawalan na ng mga sense ang ibang vlogs nila. Mabuti pa si Rai Contawi eh, puro reviews talaga ng beauty products kahit IG live pa yan. Pak!

Chikadora101

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #406 on: April 05, 2018, 12:01:39 pm »
Nakita nyo latest IG live ni Anna mga sis?? (I-attach nya daw sa next vlog nya if di nyo napanuod) KALOKA YUNG STY LASH NA SALON ATA. Mejo di maganda mga feedback natin kay Anna recently pero my gosh grabe naman services nung threading salon kaloka ng bongga, gigil si madam anna.

Si Raiza and super na aappreciate ko lately when it comes to makeup tutorials, effort kung effort si ate 😁

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #407 on: April 05, 2018, 12:24:41 pm »
^Yan na lang i-vlog niya. Parang ako maiiyak din sa nangyari sa kanya.

Makikita na lang natin yung new place nila Isha pag puro purple na.  ;D

airish_2

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #408 on: April 05, 2018, 12:42:30 pm »
^Actually mabait pa nga siya kasi bga may kasama siyang bata so, tama lang na hindi siya nagwarla pero tatakutin ko yung babae talaga sasabihan ko na kung hindi siya masaya sa trabaho niyang threading mag resign na lang siya. Takutan lang, next time mag lay bare or Brow lounge na lang siya.

gil12

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #409 on: April 05, 2018, 01:43:14 pm »
^ napanood ko sa IG stories niya tungkol sa experience niya sa eyebrow threading and isasama niya yata sa vlog yun. hassle ginawa sa kanya, isang kilay lang pinagawa niya dahil dumugo tapos kelangan pa niya paayos yung isa sa ibang place na.

May iba pa bang beauty vlogger nagreview ng make up line ni Nadine Lustre? Parang wala na ko nakitang iba after Raiza? Kakatakot naman kasi talaga gawan ng review, kukuyugin ka ng fans

fifi_girl

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #410 on: April 05, 2018, 01:51:47 pm »
^hinanap ko [textspeak!] FB ng stylash metroeast. OMG! panay comment na yung mga followers ni Anna dun sa FB page.

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #411 on: April 05, 2018, 02:08:01 pm »
For me very wrong move and unprofessional ginawa ni anna cay. I mean, yes traumatic experience pero influencer siya dapat nag complain siya sa owner through fb or sa email. Alam niya dapat consequences ng ginagawa niya. Oo mali talaga na nagka ganun yung kilay niya, kahit ako naman. Pero dapat hindi ganun ang approach niya. Yes, madaminag reklamo din sa shop na yun so sabihin niya sa owner, kasi iba ang nagagawa ng social media. Think before you click. Tignan mo yung fans niya todo comment na. Hindi ko pa natry sa store na yan kasi sa laybare ako nagpapagawa. I guess kawawa yung owner at di naisip ni anna cay na it could be a downfall for the owner. She could have helped if she went straight to the owner and tska siya nag social media after getting the response of the owner.

sofiameredith

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #412 on: April 05, 2018, 02:28:52 pm »
Come to think of it pag negative yung pangyayari nagagawa niyang magsabi ng details, na-i-she-share niya sa public. Eh pag maganda yung output ayaw na ayaw niya matatanong siya di siya magshare ng information katwiran niya wag na siyang tanungin.

Grabe nga yung naging experience niya sa kilay niya but she should have handled it in a mature and professional way kesa kumuda sa IG niya at umiyak na parang bata. Taray taray niyang mag tweet tapos kung kelan dapat siya magtaray di niya ginawa.

fifi_girl

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #413 on: April 05, 2018, 02:32:04 pm »
^sobrang fina-flood talaga ng followers niya yung page. Ni-re-rate nila as 1 star. Kawawa din yung owner in a way.

Re: Isha, curious ako kung saan yung condo yung nilipatan niya. Sobrang dalang na nga niya mag-upload ng videos. Parang more of vlogs na lang at kwento sa about sa mga gig at endorsements. Pero beauty reviews, waley na. For sure puro Purple na yung condo pag nakita natin. Kahit gaano ka-ganda un unit, once na lumabas na yung obsession niya sa purple, baduy na itsura nun

Wakanda_

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #414 on: April 05, 2018, 03:11:41 pm »
Pinanood ko yung IG live ni AnnaCay at may sugat talaga yung ilalim ng kilay niya ah, kahit ako siguro maiiyak pag nangyari yun.

Ngayon yung fb page ng stylash ay pinagbibigyan ng 1 star ng mga followers ni Anna.

Magmumukha ako basher pero sana kinausap niya yung manager at di siya umalis ng di siya naliliwanagan sa mga bagay bagay, karapatan niya yun as customer eh.  Masyado siya nagpa apekto sa damdamin niya at nag rant sa IG.

simang

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #415 on: April 05, 2018, 03:27:18 pm »
Hala pano ba yung threading na ginawa kay Anna, pano kaya sya nasugat ng ganon?

Pero sa page nila marami na ring nega reviews prior to this. Talagang chaka siguro ang service

itsmeheiress

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #416 on: April 05, 2018, 03:34:44 pm »
Ang bilis niya mag ig live at ig stories para i-rant yung nangyari sa kanya pero hindi niya magawa na mag reklamo sa manager. Alam naman niya magiging negative effect niyan kapag nireklamo sa social media. Pwede naman niya kausapin na wala ng pagra-rant sa soc med.

Sorry pero hindi ako naaawa sa kanya.

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #417 on: April 05, 2018, 03:39:12 pm »
She should have known better. May business din sila, alam niya dapat yung mga ganyang bagay. Kung kinausap niya owner or kinuha niya number ng owner baka mas okay pa. Kasi kung nag reklamo ka sa social media, wala namang magagawa kundi masira yung store and sumikat ka. So now, another example siya na kapag may nakitang mali post agad sa social media. Maging example dapat siya kung ano ang dapat gawin. 

Uplift business by letting them know how to improve instead of dragging them down without giving a chance. So wrong Anna Cay. Gigil mo ko ha. Hahaha

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #418 on: April 05, 2018, 03:41:50 pm »
Ka-trauma naman talaga, at kaiyak pag may sumablay na procedure, lalo na kung painful na eh di pa maayos yung Staff mag address sa issue, ni wala ata sya Manager na nakausap.

Pero nawindang ako sa ayaw nya ng eksena, tapos bwelta naman sya sa socmed. Eh mas matinding eksena ang naganap. :o Parang wala silang business, di nya alam ano dapat gawin sa dissatisfied na
Client/Customer or anong protocol sa ganyan unfortunate instance?

Di nako nangahas manuod ng CDO vlog nya, I went straight sa 2nd Boracay vlog ni Shek, and as usual very entertaining and informative.

sk8rboyswife

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #419 on: April 05, 2018, 03:46:45 pm »

May iba pa bang beauty vlogger nagreview ng make up line ni Nadine Lustre? Parang wala na ko nakitang iba after Raiza? Kakatakot naman kasi talaga gawan ng review, kukuyugin ka ng fans

Meron akong napanood from Yssa Pressman ba yun? Sister ni Yassi, mukang okay naman sa kanya kasi morena siya? Pero may ibang products na di niya din recommended eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close