watch now

Author Topic: Make up gurus Thread 4  (Read 85721 times)

simang

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #160 on: March 07, 2018, 10:27:55 am »
Si Say mukha ngang marunong sa pera, I remember sabi nya nung nag move out sya she made sure she has enough to maintain her lifestyle, hindi yung pag naubos na pera babalik ulit sa parents, eh ang bata nya pa that time, kakagraduate pa lang. Kakamatay lang pala ng dad nya recently.

^Naeenjoy ko rin si Shek, considering how rich she is, medyo frugal at practical pa rin. Sabi nya dun sa CNY mukbang vid nya, that's one of the Chinese traditions na proud sya and naapply nya talaga, yung pagiging practical and wise pagdating sa pera.

Nakakatawa kung sino pa yung mga single at walang pamilyang binubuhay sila pa yung marunong maghandle ng pera.

fifi_girl

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #161 on: March 07, 2018, 10:29:56 am »
^Kaya ang daming tao ngayon lalo na yung mga bata na gusto sa YouTube nalang magkaroon ng career. Kasi infairness kung monetary lang, sagana talaga.

True sis, andaming may gusto maging YTbers na kabataan. Effortless nga naman kumita sa YT. Look at Anne Clutz and Isha, walang ka-effort effort, kumikita sila. Yung mga PR package nila, ipapakita lang nila sa Viewers kung paano gamitin at magbibigay ng biased comments, anlaki na agad ng kita nila. Not to mention pa na may mga hosting gigs sila at "appearances". Yung sa appearances, bayad kaya yun?

Yung kilay and nose ni Anne Clutz c/o PrettyLooks, libre kaya yun?

Siguro itong mga YTubers eh, ang paniniwala ay aanhin mo ang pera kung hindi mo napakinabangan, infairness si Say Tioco 'yung nakita ko na wise sa pera, yung iba kasi nagbibigay pa ng advice hindi naman inaaply sa sarili like Isha nagpamember sa GYM hindi ginagamit alam niya kaya na hindi asset yun instead liabilities may mapost lang na nagpamember sa GYM.

Yes, si Say yung nakita ko na wise spender talaga. And kita mo na payak lang ang pamumuhay niya. Siguro tsaka lang sila mag aalala sa pera pag naramdaman nila na bumababa na YT earnings nila pati viewers. Though i think kahit malaos na sila, kahit paano eh may kikitain pa din kase meron at meron pa din maliligaw na viewers sa channel nila.

Natawa ako one time sa vlog ni AnneClutz, kasi di ba uso yung sub to sub sa YT, yung mga bagong YTbers. Nainis ata sha kasi ang daming sub to sub sa comments. Sabi ni Anne wala daw yun sa bilang ng subscribers kundi sa content. Natawa ako kasi yung daily vlogs niya wala rin naman sense talaga. Sa main channel niya yes kasi dun sha nagrereview ng mga products, pero yung daily vlogs waley kwenta may ma-upload lang sha para may kita sha.

Nung una nanunuod ako ng vlogs niya, kaya lang lately, paulit ulit na lang. I-o-open nya [textspeak!] vlog pagkagising niya (which is i think lunchtime na), then workout, tapos kakain etc etc. Hindi naman sila lumalabas palagi ng bahay. Naalala ko lang, may kotse sila dati, pero ngayon parang wala na? Kase lagi silang uber at grab.

^Usually tayong mga pinoy wala talaga sa culture natin yung pag iipon. Kaya yung mga ganyan na nagkaron bigla ng pera eh kung gumastos akala mo wala ng bukas. Sana maisip nila na hindi forever ang YT , at hindi araw2x pasko. Daig pa nila gumastos yung totoong may pera.

Daig pa nila gumastos yung totoong may pera kase hindi naman nila pinaghirapan yun.

airish_2

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #162 on: March 07, 2018, 11:23:22 am »
Naalala ko lang din nung tinanong si Anne Clutz kung babalik siya sa pagnanurse halata sa face niya na hindi na pero sabi niya why not. Napaisip tuloy ako bakit hindi na lang niya sabihin ang totoo na hindi na siya magnanurse 😂  siguro feeling niya maooffend yung ibang nurse pero sana sinabi na lang niya ang totoo wala naman masama kung ako tinanong tapos kumikita ako malaki sa youtube sasabihin ko hindi na ako babalik sa pagiging Nurse kasi mahirap sa schedule lalo na shifting tsaka kung sa pilipinas hindi naman kalakihan salary.

lesters_gal

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #163 on: March 07, 2018, 02:40:11 pm »

^Naeenjoy ko rin si Shek, considering how rich she is, medyo frugal at practical pa rin. Sabi nya dun sa CNY mukbang vid nya, that's one of the Chinese traditions na proud sya and naapply nya talaga, yung pagiging practical and wise pagdating sa pera.

Nakakatawa kung sino pa yung mga single at walang pamilyang binubuhay sila pa yung marunong maghandle ng pera.

Di ba sis. One time si Shek nag shopping sa f21. Iniisip niya talaga kung need niya ba talaga yung damit. Kakatuwa lang. Unlike yung iba kahit walang ka kwenta2x  bagay super bili sila. At kung mag dine out dun sa mamahaling resto. Eh yun lang din naman ang kinakain nila. Paulit ulit lang.  Haller magluto nalang kayo sa bahay niyo. Sayang sa pera.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #164 on: March 07, 2018, 03:14:38 pm »
Sis fifi_girl, family car nila yun. Parang kahit sino pwede gumamit sa kanila noong brother niya. Hindi daw nila priority car kasi okay nga daw yung place nila lahat malapit. I think libre talaga yun, tiba tiba na si Pretty Looks doon. Kasi kapag tinignan mo yung ad nila sa Facebook ang daming inquiries kung kahit 10% lang ang magpaggawa dun bawi na sila.

Sis airish_2, non-practicing nurse ako. Pero nag volunteer ako sa public hospital. Grabe ratio namin doon 20-30 isang nurse. Mababa talaga sahod.  :'(

« Last Edit: March 07, 2018, 10:34:39 pm by swtgrl_bee »

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #165 on: March 07, 2018, 07:39:48 pm »
Yes, walang sense talaga yung daily vlogs ni anneclutz. More on chika lang at footages na nasa bahay lang and mga anak niya lang. baka natuto na siya kaya nagdadamit na asawa ni anne. Infairness naman, mukhang masarap maglito asawa niya.

Well i hope maging transparent si Annacay if may pinagawa man siya instead of parang niloloko niya fans niya in believing na hindi siya nagpagawa. Hindi narin ako super abangers sakanya, like yung bagong video niya hindi ko pa napapanuod. Haha

Say nakakabilib ang professionalism. Talagang kapag work, work talaga siya. And masipag siya pumunta sa mga events, kaya siya nakikilala ng mga kumukuha sakanya for endorsments.

Hindi ko bet yung nga millenials na pa cool masyado. Like rei, masyadong bagets. Hindi naman ako oldy, im in my 20?s pero parang hindi ako maka keep up sakanya. Puyaters siya, hang out with friends, flirt sa boyfriend tapos lagi nag cucurse sa camera.

Wakanda_

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #166 on: March 08, 2018, 03:03:27 pm »
Totoo, napansin ko rin ang pag gastos nila parang di nagtitipid at laging namimili. Tulad ng kay Isha palaging may binbili, nag enroll sa gym pero di ginagamit at sa vlog niya madalas nag titingin ng bagong bahay. Malaki talaga siguro kita sa Youtube para maging ganun sila kagastos.

^ Si Annclutz naman sa vlog niya basta may ma upload lang kahit wala ng sense ang videos. Walang content. Exercise, Kain, Kwento. Paulit ulit. Haha.

^^ Okay naman si Shek, pero mas parang totoo at okay si Toni Sia kaysa sakanya.


charizardmommy

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #167 on: March 08, 2018, 03:38:42 pm »
Naturnoff ako kay Toni Sia nung nagsell siya sa carousell, sobrang daming negative reviews di manlang daw inilinis bago iship, tapos ang dami niyang binenta dun na nirave niya sa favorite videos niya, mga must haves ganyan. Kaya mejo di na ako naniniwala. Shek will not always be everyone's cup of tea kasi mataray nga kasi at maldita, pero gusto ko siya kasi she's real to herself, mayaman kung mayaman, maarte kung maarte. Di ako interested sa kanya at first but kada vlogs niya nagiimprove talaga, lalo na nung nagdecide siya na tagalog nalang talaga kasi filipinos naman gusto niya talaga icater na viewers. She's growing on me.

luningning

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #168 on: March 10, 2018, 10:23:04 am »
Well i hope maging transparent si Annacay if may pinagawa man siya instead of parang niloloko niya fans niya in believing na hindi siya nagpagawa. Hindi narin ako super abangers sakanya, like yung bagong video niya hindi ko pa napapanuod. Haha

true  ;D eh halata nman talaga kahit hindi major surgery parang sa may bridge part lang siya nagpagawa hindi yung totally retoke.. i don't know ano tawag don , yung may ininject lang sa part na yon but she keeps on denying it  ;D  eh avid viewer ako ng vlogs niya kaya i really notice improvement sa part ng nose bridge niya. which is okay naman kasi lalo siya gumanda, pero sana diba huwag niya lokohin mga  viewers niya.. ::) :P

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #169 on: March 10, 2018, 12:47:26 pm »
^Kaya dapat be careful sa mga sinasabi nila. Lalo na at recorded yan. With conviction niya sabihin na hindi siya fan ng mga ganyan ganyan eh. Tumaas talaga bridge ng ilong niya eh.  :P Sa US naman yung mga vloggers very open sa ganyan.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #170 on: March 10, 2018, 01:47:01 pm »
Totoo nga ang issue sa nose ni Anna, nagkaron ng bridge, and halatang medyo na-conscious sya. 

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #171 on: March 10, 2018, 09:55:59 pm »
Ang napansin ko kay Anna nareduce yung nostril flare and less bulbous nasal tip.  ;D Notice ko yan before pa nagkapasa or scar sa nose bridge niya.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #172 on: March 10, 2018, 11:31:52 pm »
Sana nga i-post na niya ang experience niya para makapag pa appointment na ako. Char.  ;D

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #173 on: March 11, 2018, 01:51:33 am »
hay nako napaka pretentious talaga ni anna cay. Parang yung pananaw niya sa buhay hindi tugma sa ginagawa niya? Haha sabi niya hindi siya madalas umattend ng mga events kasi magastos daw. Like traffic, sayang sa gas tas kakain sa labas. Sabi niya marami daw magagawa while in traffic. Hello anna cay? Lagi ka ngang nasa labas, kumakain sa labas at bihira mag upload. Sana yung gas na sinayang mo e sa event napunta at least natuto ka pang makipag socialize sa ibang tao. Ngayon ko lang narealize na hindi ganun ka friendly si anna cay tulad ng sinasabi ng iba. Parang more in napipilitan siya kasi kilala siya at dahil mahiyain narin siya. Bakit hindi nalang niya sabihin na hindi niya talaga gusto umattend ng events, parang mas totoo pa yun para sakin kesa mag dadahilan ka at hindi naman tugma sa ginagawa mo? Hahaha lakwatsa ka nga te. Halos gabi gabi bes nasa eastwood ka kumakain at nanunuod ng sine. Hahaha

Aminin mo narin bes yung ilong mo. Wag ka na matakot kasi support naman lahat diyan. Hahaha

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #174 on: March 11, 2018, 11:14:31 am »
^Okay naman sa akin na hindi siya madalas pumunta sa events. Nauuna kasi review niya than most vloggers saka mas unbiased sa tingin ko. Yung iba, personal na buhay niya na yan. Kung ayaw niya maging friends sa iba okay lang kesa makipagplastikan siya. Ayusin niya lang vlogs niya and more product reviews.

gil12

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #175 on: March 11, 2018, 12:06:54 pm »
^ ako rin hindi masyado bothered na hindi siya nag-aattend ng events. Para sakin lang ah, kapag nag attend ka ng event ng isang brand, mapipilitan ka magreview ng products nila and maging "friendly" dun sa brand. Saka kanya-kanyang personality din naman yan, hindi rin naman lahat ng beauty vlogger nagaattend. Buti na rin nga yun kesa makipag plastikan siya sa ibang beauty vlogger, kasi for sure magiging issue na naman yun.  ;D

Ang ganda ng maternity pictures ni Kris Lumagui, in fairness, dati asar ako sa kanya kasi may pagka nega pero lately mas okay na siya. Nanonood na ko ulit ng videos niya.

Cookie_Dough

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #176 on: March 11, 2018, 12:18:12 pm »
On Anna Cay's nose, it's her decision to share or not to share. Anyway, most of us (at some point) bend our own rules or beliefs to accommodate our needs, wants and/or whims  . Miron lang tayo sa buhay nya, she doesn't owe us anything. I must say though that her vlogs lack vigor. Walang buhay. Sa ngayon ang pina-follow ko na lang si Kris Aquino and Tina Yong. 

 

Wakanda_

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #177 on: March 11, 2018, 05:02:04 pm »
Re kay anna cay, di rin ako bothered sa mga di niya pag attend ng events. Baka naman kasi di talaga siya comfortable sa pag attend and socialize instead na makipag plastican siya. Sa pagpapatangos ng ilong, di ko nahahalata eh pero karapatan naman niya yun if aaminin or hindi. Bahala na siya as long okay ang reviews niya at madalas.

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #178 on: March 12, 2018, 05:33:15 am »
I dont mind na hindi siya nag aattend ng events, my point is she doesnt need to give a reason that doesnt reflect her actions. If she doesnt want to to attend, okay lang. pero nag rarason kasi siya na hindi swak sa ginagawa niya that is why i find her insincere. Honestly, i like her a lot before. Pero habang tumatagal, napapansin ko na yung pagiging mayabang niya and puro dahilan.

And base sa pag watch ko ng video niya, naniniwala ako na nagpagawa siya ng nose. Okay lang yun, sana aminin nalang niya para ma share niya yung experience sa viewers niya. Sobrang taas ng nose bridge niya. And base rin sa past videos, yung pasa niya sa ilong dun naglalagay ng fillers.

Asensado na talaga si Anne Clutz. May mga assistants na ata siya and ginawa na ata niyang office yung isa niyang condo. Good for her.

Agree sa photos ni Kris L. Enjoy ako sa gender reveal nila, may help ng fellow youtubers. Super cute and unique. :)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #179 on: March 12, 2018, 06:41:19 am »
True sis gil12, nagbalik loob ako sa channel niya. Baka nagbabasa siya dito.  ;D Ang positive na ulit ng aura niya. Baka dahil nga motherhood na ang peg niya. Wala na masyadong rant.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close