watch now

Author Topic: Make up gurus Thread 4  (Read 85405 times)

fifi_girl

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #20 on: February 15, 2018, 10:48:33 am »
Sana makinig naman si Anne sa mga comments, ang laking factor na laging naka screentime ang bata kaya nagkakaroon ng delays. Kakapatingin palang sa Dev Ped sa next vlog naka screentime na naman si Joo.

Oo nga, pansin ko din madalas nasa youtube si Joo. Parang yun ang ginagawa nilang distraction dun sa bata para mag-behave.

May new bf na pala si Say. long hair na maraming tattoo. Pansin ko di sya mahilig sa gwapo hehe

Yes sis, new BF ni Say yun. Nagulat nga ko na parang ambilis napalitan ni Mark (un ang naalala kong name nung ex nya, correct me if im wrong). After niya mag -Korea yata tsaka lang sila nag-break. Then na-share niya na may dine-date nga daw siya ulit, pero ayaw pa niya ipakilala that time.

Ayaw na rin minsan nung Jeya magpakita sa vlogs, especially nung tinanong ni Anne yung classmate niya to say hi sa vlogs, umayaw si Jeya haha! Kasi nagdadalaga na.

Napanuod ko nga yung vlog niya na yun. Parang nahiya si Jeya sa mga classmates niya kaya hindi siya pumayag. Sa part naman ni Anne, dapat humingi siya ng permission sa parents nung mga batang yun kung okay lang ba lumabas mukha ng mga anak nila sa YT.

keejac21

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #21 on: February 15, 2018, 12:30:44 pm »
May event pala si Patrick Starr for MAC next week, Feb. 24.

einjhel

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #22 on: February 15, 2018, 08:51:08 pm »
dami na palang ganap sa mga local youtubers ngayon, tagal ko na kasi hindi nanonood. dito nalang ako nakikiupdate sa gt

ficklemind

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #23 on: February 15, 2018, 09:24:49 pm »
latest upload ni Mimi is one of the reaskns why siya fave ko! always buying and testing new / hyped/ raved products  ;) (though the concept is not unique dami ng intl ytubers gumawa ng ganun) simple makeup, maganda at wearble para sakin  ;D

Anne Clutz Valentine makeup tutorial is another Maybelline sponsored video  ::)

now ko lang ulit nakita si Say. pumayat siya! mas type ko etong new bf nya (sa kakaunting silip ko kung makcomment ako no haha ) agree ako dun sa isang nabasa ko sa comment na yung dati kasi mukhang pabebe yun ngayon mas matipuno LOL sorry po mga sis  :D mukhang rich din yung guy and matured.

simang

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #24 on: February 15, 2018, 10:21:16 pm »
May new bf na pala si Say. long hair na maraming tattoo. Pansin ko di sya mahilig sa gwapo hehe

Naloka ako sa mga comments about Say's new boyfriend, grabe sobrang harsh! Actually yung si Moe medyo same arrive sila nung ex ni Say before Mark, si Paulo. Parang same sila ng vibe.

Sana makinig naman si Anne sa mga comments, ang laking factor na laging naka screentime ang bata kaya nagkakaroon ng delays. Kakapatingin palang sa Dev Ped sa next vlog naka screentime na naman si Joo. 

Which vlog ito sis? Ilang taon na ba si Joo?

Curious lang ako kay Mikey Bustos, hindi po sya makeup guru but he do vlogs. Gay ba sya? I have a feeling na bf nya run RJ or just his manager. Not a hater but curious lang. Chismosa hehe

Sa pagkakaalam ko he's straight, RJ is his handler. May dinate sya dati na makeup artist nya, but that was 2 or 3 years ago na yata.
« Last Edit: February 15, 2018, 10:22:56 pm by simang »

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #25 on: February 16, 2018, 04:30:43 am »
I think kaya pinapakita ni Anne Clutz lagi si Joo kasi nakakakuha siya ng sponsors for his family. Talagang ginawa na niyang job. Pero sana may content kesa always at home lang. Na notice ko rin since sponsored siya sa vitapack lagi niya pinapakita pero seriously, parang wala namang changes. Yung slimming, parang mas tumaba si Anne ngayon. Yung whitening, napansin ko face lang yung pumiti sakanya.

Toni Sia I missed! Super happy meron na siya bagong video. Nag eenjoy ako sakanya kasi totoo lang siya and abot kamay yung mga hauls niya.

Anna Cay is lost. Haha pero sympre todo promote nanaman siya sa sponsored products. Haha nakakatawa na yung instagram niya. Puro commercial na, lahat sponsored posts nalang. May nag comment nga na puro upo nalang ba yung poses niya. Haha i?m not hating, i really liked her before. Nagbago lang talaga siya for me.

vanitakwek

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #26 on: February 16, 2018, 09:50:40 am »
I love Say, and I think mas better si Moe than her ex. Yung Mark kasi parang malambot. Hehe.

Si Anna Cay- baka nagsawa na sya mag YT kaya wala sya posts. 😂

vinea1985

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #27 on: February 16, 2018, 11:23:42 am »
Before gustong gusto ko si Anne Clutz pero later on medyo naartehan na ako at medyo eye sore si husband eh hehe(sorry). But sis try nyo vlog ni Ms. Lay Candelario (Lay's Vlog), super entertaining though hindi sya make up guru but she vlogs her life in the US. Super entertaining nila, buong family... si Ayen, Reniel, [textspeak!] husband na si Kuya Glen and [textspeak!] Lola na si Mamang hehe. I even downloaded their vlogs so i can watch sa office. Super gaan ng vlog! Both of them are professionals kaya hindi income generating ang  vlogs nya. Very raw and very pinoy! Check it out mga sis

hann-hann

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #28 on: February 16, 2018, 03:11:32 pm »
ayyy may new thread na pala! ;D

re anne clutz: sorry ah pero sobrang iritang-irita ako sa kanila. minsan lang ako manuod ng vlogs nya, di ko alam kung lagi ba nyang sinasama sa vlogs o nattyempo lang sa napapanood ko yung kalaswaan ng asawa nya. sorry pero nakakadiri. ayoko na sabihin dito yung eksaktong mga scenes kase bastos talaga kalalabasan hahaha. i mean girl, ilang segundo o minuto lang yun bakit hindi mo na lang tanggalin sa vlogs mo? tsaka hindi nya ba naiisip na napapanood yung mga vlogs nya ng mga kaklase at teachers ni jeya? baka maging usap usapan pa yang pamilya nila sa school ni jeya lalo na mag highschool na ata yung bata. kawawa naman si jeya. sana magising sa katotohanan tong si anne clutz. isipin nya magiging epekto sa mga anak nya nyang mga pinag a upload nya. sorry sa rant mga sis hahaha iniisip ko kase talaga yung bata bilang nanay din ako.

keejac21

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #29 on: February 16, 2018, 03:08:16 pm »
^Agree sis. Naka unsubscribe na ako actually kay Anne Clutz since last year. Kawawa nga si Jeya at baka maging hot topic sa school.. mabully and like that.

hann-hann

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #30 on: February 16, 2018, 03:32:52 pm »
^dbaaaa sis? napansin mo din ba yung sa asawa nya? grabe lang dba? sa kanya ok lang yung mga hirit nun kasi asawa nya yun pero sa ibang viewers hindi okay un e. kung totoong sinasama nya yung ganun for views lang e mag isip isip sya. ano uunahin nya, pera o anak nya? hay kaloka. hindi ako sa nagmamagaling pero ako ngang ordinaryong tao lahat ng gagawin ko iniisip ko kung makakaapekto sa anak ko. sya pa kaya na feeling celebrity na pinapanood ng libo libo ang buhay nya. ginawa na nga nyang diary yung youtube, magtira naman sana sya ng kahihiyan para sa mga anak nya.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #31 on: February 16, 2018, 05:08:57 pm »
^totoo yan. Pwede naman niya tanggalin yung mga inuendos ng asawa niya pag edit niya pero sinasama niya talaga. May nagcomment pa nga before kung hindi daw ba sila natatakot na mapanood ni Jeya yung vlog nila deadma lang yata siya.

Mas reserved and may kilig pa yung mga international youtuber and their partners. Sa local kundi pagkabatugan, pagkalaswa/bastos naman makikita mo.

gil12

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #32 on: February 16, 2018, 07:23:33 pm »
hann-hann, akala ko ako lang din na awkward sa "sexy time" comments nilang mag-asawa. hindi mo naman maiwasan hindi mapanood kung viewer ka dba kasi bigla na lang susulpot ganung moments nila.. Mag partner naman sila so normal sa relationship pero grabe napanood ko pati yung asawa niya nagmmake face na alam niyo yun.. hindi na appropriate.. tapos may mga subscriber pa na nagccomment na "alam na" baka nga students pa nagccomment ng mga ganun sa videos niya.. pati yung pag red lipstick niya parang may meaning na rin sa followers niya, kasi dba yun daw gusto ng asawa niya.. Sana naman ma-realize nilang mag-asawa na may mga bata silang viewers

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #33 on: February 16, 2018, 09:11:51 pm »
^Plus one sa mga sexy time nila ni KItz. Hindi lang yun eh, yung anak niya mismo si Jeya saka yung binata niyang pamangkin napapanood yun. Kaloka.  ;D Mukhang matalino yung Ate ni Anne niya naka-follow ako sa IG noon eh, sana pagsabihan sila. Baka naman gusto nilang sponsor sa susunod eh alam niyo na. Saka ayaw ko kapag half naked asawa niya. I mean may dalagita ka ng anak, if ikaw wala kang respeto sa sarili mo, respect naman sa right ng anak mong babae.

hann-hann

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #34 on: February 16, 2018, 10:10:09 pm »
Pati nga daw yung parents nya na nasa abroad nanunuod sa vlogs nila. Imagine parents mo mapapanood yung mga ganung antics ng asawa mo? Jusko. Yun nga mga sis sobrang hindi appropriate yung pagmmakeface nung asawa nya at mga gestures. Yun tipong alam mong kalaswaan talaga. Tagal ko ng napapansin yun tapos etong huling dalawang vlogs na napanood ko meron na namang ganun. Antagal na nilang nagvvlog siguro napakarami nang kalaswaan ang andun. I feel bad for Jeya. Sana talaga hindi makaapekto sa kanya lalo na sa school life nya yan. Iba na panahon ngayon e, iba na mga kabataan.

imaginativelad

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #35 on: February 17, 2018, 04:38:43 am »
I agree. Maybe habit ng husband niya ang nakahubad pero Sana iconsider ni Anne na hindi lahat comfortable na nakahubad tung husband niya. Pwede naman icut nalang niya ng part na yun. Haha tska medyo obsess siya sa ilong niya.

Anna Cay?s current reveiw is boring na. Plus ayoko yung sinabi niya na ang problema daw niya sa mga local brands hindi niya alam kung anong meron dun kasi sobrang mura daw. Pano daw sila nakapag produce ng ganung product. Huwag mo naman lahatin ateng. Haha hindi rin naman lahat ng mahal na products safe. Parang ang matapobre niya sa part na yun. For me lang, magaganda naman ang local brands natin. Bakit yung mga mura sa ibang bansa magaganda din naman like colourpop. Kaloka siya. Haha

foxyhauteur

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #36 on: February 17, 2018, 07:44:30 am »
^Di naman ako matapobre pero issue  ko din yan sa local brands natin lalo na sa mga organic at "organic". Di naman kasi strict ang BFAD natin.

Naiirita na ko sa kaka "gurl" ni Anna. Gusto ko na nga magcomment sa vlog niya kaso baka sabihin basher ako. Saka yung pag gain niya ng weight hindi naman alarming (para sa akin). Mukha lang naman yata niya yung tumaba. Kakakain niya yan ng processed, full of preservatives, maalat and unhealthy food.

airish_2

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #37 on: February 17, 2018, 12:33:07 pm »
But yung mga local brands eh pinapatest pa sa ibang bansa kaya mahal. Wala kasing testing center dito sa pinas, and in fairness naman kay FDA masipag din sila kilatisin ang make ups marami nga lang fakes kasi mga pinupuslit iyon o hindi dumadaan sa custom. I rather buy local make ups kesa fake yung mga nasa divisoria grabe lang meron ako nabasa dati na nakabudget daw siya kaya kahit fake na Kylie lipstick okay lang.

At saka hiyangan din talaga 😄 tsaka PR naman yung Ellana ni Anna Cay talagng high end ang mga bet niya which is okay lang. Kanya kanyang trip ako kasi sa local I use Human heart Nature and VMV cosmetics.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #38 on: February 17, 2018, 07:21:55 pm »
International Gurus sino mga type nyo/madalas nyo panuorin? Parang puro tayo local, but yeah love your own hehe!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Make up gurus Thread 4
« Reply #39 on: February 17, 2018, 07:45:15 pm »
^Heart, Bubz, Judy, Liah, Pony  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close