watch now

Author Topic: NEED ADVICE  (Read 4685 times)

regine.cabarda@yahoo.com

  • Guest
NEED ADVICE
« on: February 01, 2018, 10:53:06 am »
Hello sa lahat. I just need advice.
Meron akong ex, naging kami for 4yrs. Sa 3yrs ng relasyon namin, okay na okay kami kaso 7 months before kami  mag 4yrs sobrang gumulo yung sitwasyon. He hide things from me, ultimong close friend niya na babae na nakita niya ulit at na-contact after so many years eh itinago niya sa akin. Selosa daw kasi ako at alam niya magagalit ako, so, gaano niya katagal itatago diba? Yung girl na yun ang naging root ng kaguluhan sa relasyon namin. Mas pinili niyang makipag-contact dun sa babae, he even asked for cool off coz he need space daw. Pinuntahan niya si girl to say sorry daw kasi nga nagalit ako nung nalaman ko coz I even asked the girl to stop texting him as of that moment kasi nga toxic eh so dapat man lang bilang babae din siya at may bf din eh naintindihan niya ako. Kaso hindi eh, nirereplyan niya bawat text nung bf ko.  They talked as if wala silang nasasagasaan. For that 7 months, nagpakatang* ako kakahabol, kakaasa na maaayos pa. Nagkabalikan kami pero yung issue andun parin. And so after our 4th year anniversary, he ended our relationship. Ansakit sobra pero kailangan ko tanggapin kasi kahit ako nahihirapan na. Then after 2 months, nagkita kami, yung parang kami parin ganun. Pero walang clear na usapan na may label kami which is magulo. Then, may nagustuhan akong lalaki, he courted me, ayoko magpaka-hipokrita pero sinagot ko siya, he?s from our neighborhood. Matagal na daw niya ako gustong ligawan kaso daw may bf ako then nung napansin daw niya na di na nagpupunta sa bahay bf ko dun na siya nagtanog sakin. Sa totoo lang childhood crush ko talaga siya. Ngayon inamin ko naman dun kay ex na may iba na, kahit wala na kaming dalawa dahil nga walang clear na usapan na nagbalikan kami, nakipaghiwalay ako. Pero ang sinabi ko lang eh may iba akong nagugustuhan, di ko pa sinabi na sinagot ko na. Ang reason ko, parang feeling ko masasaktan siya. :( Bakit ganun, di ko kayang saktan yung taong paulit ulit akong sinaktan noon? Close ako sa family niya, di ko alam kung nanghihinayang nalang ba ako o ano eh. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang makitang may iba. Ewan ko, natatakot ako, di ko alam kung tama ba yung naging desisyon ko. Umpisa palang ayaw na ng family and friends ko dito kay ex, lalo ng mama ko dahil nga sa mga ginawa niya sakin. Yung ngayon naman super boto sila. Kapag kasama ko yung bago masaya naman ako, saka alam kong mahal ko siya. Siguro hindi kagaya nung pagmamahal ko sa dati kasi syempre simula palang naman eh. Any piece of advice? Thank you guys .

airish_2

  • Guest
Re: NEED ADVICE
« Reply #1 on: February 01, 2018, 02:13:04 pm »
Hi TS medyo hindi ko getsing yung problem mo. Ang problema mo ba eh nakokonsensya ka dahil baka masaktan mo si ex-bf mo dahil may nagugustuhan ka ng iba? Ang tanong
Bakit?
Alam mo kung sigurado ka na sa bago mong BF hindi ka na magaalinlangan kung anong mararamdaman ng ex mo kasi ano ba papel niya sa buhay mo? Siya nga hindi nakonsensya sa ginawa niya eh, ikaw din if you want more conflict wag mong putulin communication nyo ni ex-bf.

Pero kung masaya ka na sa bago mo mag focus ka sa kaniya 'teh, life is to short para gawin complicated ang mga bagay bagay.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: NEED ADVICE
« Reply #2 on: February 01, 2018, 02:12:02 pm »
Hi ts! Sorry for being blunt ha pero parang wala ka naman dapat prinoproblema. Ikaw lang gumagawa ng ikaka problema mo. Move on na sa next one, iwan mo na yang ex mo. Tapos na kayo. Give chance to others hehe para maging masaya ka. Hindi ka magiging masaya kung ayaw mong bumitaw sa past. Tapos na yun, sira na at hindi na mababalik sa dati. Period. Kaya tuldukan mo na. Focus na sa next chapter ng buhay mo. All the best sis!

sassy_gal18

  • Guest
Re: NEED ADVICE
« Reply #3 on: February 01, 2018, 04:32:36 pm »
Hi sis as for me na kagagaling lang sa break up and may someone new na rin na umaaligid. Ang payo ko lang sayo, give time for yourself muna to heal and maging ready para sa bago.

Don?t jump into new relationship dahil lang crush mo si guy before at nanghihinayang ka sa chance or dahil lang malungkot ka or for whatever reason hangga?t may gumugulo sa isip at puso mo.  Kasi if the guy truly wants or loves you he?ll wait patiently for that right moment to come. Oo nga right moment na nya kasi single kana. Pero untimely pa, kasi may gumugulo pa sa isip mo.

Yes it is unfair sa side mo na isipin pa yung ex mo dahil sinaktan ka naman nya at hindi inisip before sa mga kalokohan nya. And naiisip mo ngayon na bakit iniisip mo sya or nagguilty ka. Don?t dwell on that issue.

Focus ka sa sarili mo sis. Wait mo na maging ok ka and ready bago mag entertain na bago. Kasi dun ka mas magiging masaya. You?ll end up feeling guilty and troubled pag pumasok ka sa bago mo ng may dalahin pa. Magiging unfair ka sa sarili mo at dun sa guy.

three8one

  • Guest
Re: NEED ADVICE
« Reply #4 on: February 01, 2018, 06:08:36 pm »
ngayon mo I apply TS yung sinasabi mong sana ginawa ng ex mo at nun friend nya na girl. you want them to stop their communication kasi nga sabi mo may gf na ex mo. now that you have new bf, stop communicating na sa ex mo. palagay ko base sa kwento mo at pagkakaintindi ko masyado ka lang nag overreact dun sa friendship ng ex mo at long time friend nya. siguro kung di mo ginawa yun at nagtimpi ka sa selos mo baka hindi kayo nagkahiwalay. move on na lang may bago ka na naman eh. matuto ka na lang sa previous relationship mo para tumagal na ang present relationship mo.

Apple1230

  • Guest
Re: NEED ADVICE
« Reply #5 on: February 02, 2018, 08:03:07 am »
@TS stop over thinking. Tapos na kayo ng ex mo, yung nagkita kayo ulit na parang kayo pa rin kasi nasanay lang kayo na ganun treatment towards each other pero the fact na walang label means the feelings are not strong enough para mag commit kayo ulit.

So may bago na. Ang bilis, hindi mo muna hinayaan yung sarili mo na mag heal and now you keep comparing this new guy to your ex. That?s what you call rebound my dear. Give this new guy a chance pero start clean meaning do not bring the baggage from your old relationship to the new one. Or else you will get the same ending.

Regarding your family, give them time to adjust. Syempre for 4yrs si ex ang nakikita nila at nakakausap tapos ngayon ibang guy na. Panibagong pakikisama on their part. Pabayaan mo na lang they are entitled to their own opinion and feelings.

apocryphos

  • Guest
Re: NEED ADVICE
« Reply #6 on: February 03, 2018, 09:12:48 pm »
so masaya kana sa bago mong bf, ang tanong masaya ka nga ba? or mahal mo pa ex mo? nag-aalinlangan ka sa sarili mo ngayon at iniisip na nasaktan sya sa ginawa mo na hindi mo kayang saktan ang ex mo? ikaw din kc mismo, hndi mo sure kung gusto bang makipagbalikan sayo ng ex mo nung nakakasama mo sya dahil nga hndi clear dba, so feeling ko, umaasa ka parin na magkakaayos kayo at magkakabalikan sa where it used to be. Your new bf is crush mo dati pa at gusto rin ng parents / relatives mo, ang tanong, mahal mo nga ba talaga or mas mahal mo parin ex mo? and you're just trying to move on and magkaroon ng bagong buhay together with your new bf with lingering feelings to your ex kya you cut your no labelled relationship with your ex.

Natanong mo na ba ex mo if gusto nya bang maging kayo ulit? if he said no, then move on already and tama lahat ng ginagawa mo ngayon. Just be sure na mahal mo nga yung new bf mo na kahit na makipagbalikan pa ex mo ay idedecline mo dahil sa you found the one that destined for you.

Sometimes, yung pagkakaroon ng new bf can help you to fully move on. Tama rin naman yung sinasabi ng iba na give yourself space to heal but I suggest na huwag na makipaghiwalay sa present bf mo ngayon for that because he can help, bka kc mawala pa sya hehe. He's willingly helping you naman; if lang naman yan kung ayaw na mkipagbalikan sayo ng ex mo. Just be happy with your life now and put out all the concerns with your ex already. tapos na kayong dalawa.
« Last Edit: February 03, 2018, 09:21:17 pm by apocryphos »

clouds_1028

  • Guest
Re: NEED ADVICE
« Reply #7 on: February 23, 2018, 05:57:32 pm »
Hi sis  :)

Unang una wag ka makonsensya or mfeel bad ke ex that you're dating someone new. Wala naman na kayo and you have the right to date and be happy. Ngayon kung masaktan siya or whatever, hayaan mo siya. Hindi dahil sa you want revenge but its your right to be happy.

I had an experienced with my ex then. Tinapon ko yung necklace na binigay niya sakin and when I said it to him he got mad. Tapos syempre nalungkot ako and I even said sorry. Pero afterwards I realized why would I be sorry? Matagal na kaming tapos and if throwing something he gave would make me feel free or light, then I'll do it. Buti nga ako material thing lang yung tinapon ko pero siya he threw away our relationship. Hindi ako bitter pero I'm just stating facts.

Kaya don't feel bad if he'll find out. Instead be proud of your new guy.  :) Okay lang yan na hindi mo mafeel agad na super love mo siya like what you felt with your ex. Ganun talaga pa bago lang. Just appreciate and enjoy it. And sis don't compare. Magkaibang tao sila pareho kaya 'wag mo hanapin yung dati sa bago mo. Start fresh and enjoy moments with your new guy.

Good luck sis!  ;)

1234_abcd

  • Guest
Re: NEED ADVICE
« Reply #8 on: January 31, 2019, 07:44:03 pm »
Masasabi ko lang po bakit po after niyo po maghiwalay ni ex mo eh 2 months pa lang po ay nagkita na po kayo tapos po para pong wala pong nangyari? Bakit po ganun? Dapat po di ganun. Masyado pong mabilis ang 2 months po. Kung sakin po yun mangyayari po nakakabaliw po yun, 2 months pa lang po na naghihiwalay kami po ni 4yrs relationship tapos po magkikita na agad and friends na agad po. Di po pwede yun. Prang mali po yun. I think I will need more time na dumistansya muna po kay ex.

Pero anyway, nandiyan ka na po sa sitwasyon na yan. PARA PO FAIR pero wala naman talagang fair, mas okay po kung dumistansya ka po muna kay ex and even po kay crush mo na sinagot mo na. Give time po muna sa sarili mo, minimum ng 3 months. Magpaka-single ka po muna, friends and family po muna, no comms muna kay ex po at kay crush - super minimal comms lang. Kaya ko po nasabi na no comms kay ex kasi po matindi po pinagsamahan niyo po, 4 yrs po. U really need time po na away from each other and zero comms sa kanya para po ma-assess mo po ng maayos.

Pero kung sure ka na po kay crush mo and since kayo naman na. Be honest po kay ex mo, alam mo po pakiramdam ng pinaglihiman more than anyone else. Your ex may be an *censored* but you are not. And being *censored* to him won't make things right. Be honest, tell him "ex sinagot ko na po si crush i dont think po na crush would appreciate na parang tayo pa din po na walang label and parang malandi naman po ang peg ko na dalawa po kayo. di pa po ako sure if masaya ako makita ka na may iba na pero  po makakatulong kung didistansya muna tayo sa isat isa habang ninamnam ko si crush at ang new relationship ko. unfair po kasi na ulitin ko po ang nakaraan natin.. feeling ko kasi pinagsabay mo kami nun ni friend mo na girl tapos nagcool off pa tayo and eventually naging toxic and look at where we are right now. Ex minahal kita and marami po ako natutunan sayo.. siguro love pa po kita pero po we really need time away from each other. i hope u have a good life."

 

Latest Stories

Load More Stories
Close