Good morning sissses! We will definitely back in Taiwan.. grabe na inlove ako sa place for so many reasons pero eto iyong top and tips na rin:
1. Walang nagkalat na bumbay.. saw few pero hindi katulad sa HK na kahit saang street ka magpunta ay may bumbay selling stuff.
2. Laid back life, noticed that weekdays or weekends people are mostly wearing sneakers rather than boots or quite something formal compared to HK.
3. Food is everywhere halos and cheap.. kahit milk tea sa tabi tabi lang mas masarap kumpara sa Pinas
4. Napaka efficient ng MRT nila or the airport train, you just need to understand first their 5 color coding (mostly we are using blue and red line) then follow the map then okay na.
5. Malinis ang paligid, may discipline ang mga tao and ?mababait? mga taiwanese.. had 1 experience mga 8:30pm ata nagtitingin kami ni hubby sa map kase iniisip namin kung saang night market kami pupunta.. then may lumapit and he noticed daw we might need some help.. bad ko nga eh kase nag isip ako ng di maganda, i thought baka mag request ng money or what.. so sweet oh diba? And nagturo siya sa map ganuon sila ka-acommodating.
6. Medyo unpredictable lang ang weather kase we arrived sunday, parang nasa 6 lang ang temp as in sobrang lamig manunuot talaga sa buto mo, then sunday medyo naging okay na.. better to bring umbrella kase may time nag uulan.. grabe ang fog dito sobrang kapal.
7. Do exchange your money either in php or dollar sa airport pa lang as in, unlike HK na nagkalat ang money changer, dito sa Ximen wala though meron silang mega bank and taiwan bank need lang mahaba ang pila. Pero hassle din nung una kase we thought maglakad lakad lang kami may makikita agad pero wala so we need to go to the bank para magpapalit.
8. Tama iyong isang sis natin here, daming uma hannah bags iyong may mga prints, we saw one sa Shilin market (eto daw ang pinaka malaking night market) madami and promise maganda babalik pa kami to buy some more.. medyo expensive lang siya iyong bags range from NTD 700-1,200. Kahit hubby ko gustong bumili. Wala kaming nakita sa Ximen or Longsham Temple (may 4 na night markets malapit duon sa temple pero wala kaming nakita).
9. Tama iyong isang friend ko, items here expensive kahit nga ata medyas makikita mo lang and marami sa divi hindi ganuon ka extra ganda ng items.. except [textspeak!] siguro the bag kase ang ganda talaga. But food and environment here is superb talaga!
10. We used wifi rental and very convenient talaga 4g to 5g galing
11. We are staying in Diary Hotel sa Wanguo malapit sa Ximen exit station 6 sobrang convenient and maayos ang hotel, malinis.. ang ayaw ko lang carpet ang sahig kase prone to alikabok.
12. Nagustuhan namin mga cup noodles (NTD 25) sa nearby store na 711 we bought some and kasama sa baggage hehe pati iyong milk tea nila na nasa NTD 23 lang ata.. promise ang sarap!
13. Must try pala iyong ice cream na binalot sa lumpia wrapper na may combination ng pineapple, taro and choco flavor then budburan ng scrate na peanuts na mani (parang silang nagkakayod ng yelo), and may konting parang onion leeks, xxl fried chicken, oyster omellete, siyempre milk teas (nasa NTD 40), shirmp, iyong mga dimsun nila xiao long bao, malalaking sausages promise ang laki.
14. Today kami leaving taiwan for the 2:00am flight the ff day, so we will leave our things sa hotel then punta sa bank, stroll sa shilin uli then we target by 9pm to go to MRT for Airport train kase sa immigration pala mahaba ang pila mag allot ka siguro ng 30mins.
For Juifen trip pala, i dont suggest if you come with seniors and mga bata to go here kase mataas iyong aakyatin nila, as in hingal na hingal nga kami and iyong iba hindi na umakyat sayang ang pera.. iyong pag akyat pa lang hindi pa kami umabot sa tuktok ang traffic ha! Inabot ata kami ng 20mins gitna pa lang, pero iyong lantern and waterfalls sa may shifen, this is okay. Iyong juifen lang talaga ang na stress kaming mag asawa kase ang dami talagang tao.
Medyo mahaba na po.. ask lang po if you have some questions. Thanks!