watch now

Author Topic: My break-up story  (Read 19242 times)

sweet21

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #60 on: June 27, 2018, 11:05:16 pm »
Akala ko naka move on na ako sa mokong na yon, hindi pa pala haha. It's been 6 months, at ngayon natatanggap ko na na wala na talaga. Iniwan na nga ako at pinagpalit, dati kasi may hope pa ako na babalikan nya ako e, pero ngayon nilalagay ko na sa isip ko na tapos na talaga. Ang problema ko naman ngayon takot ako mag open up sa iba. Yung pag may nagpaparamdam o gusto makipag kilala ok naman ako na maging friends sila pero pag yung next step na para wala na akong gana. Ngayon naman gusto ko pa maging single, pero sabi nila papano ko nga naman malalalaman kung hindi ko ittry. Kaya lang parang takot na ako na magtiwala ulit. Ngayon naman may dumating na ok na ok major upgrade kay ex, kaso magiging ldr naman kami, kaya hindi ko alam kung worth the risk. Pero tuloy lang ang buhay. Hehe.

preciousjulia

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #61 on: June 28, 2018, 01:59:06 pm »
^ hayaan mo lang sis, wag ka magmadali..  ;)
Kung natuto ka talaga sa mga pinagdaanan mo alam mo na dapat this time kung ano gusto at deserve mo.  Mapi-feel mo din kung sino ang deserving at yung willing ka i-take yung risk na mag try ulit. :)
In my case nga..single dad pa yung dumating. Pero whenever i'm with him I feel secured and loved. Nakuha nya talaga yung trust ko and i'm always looking forward na makasama sya ulit na hindi ko na-feel sa ibang suitors/nag-iinvite ng date noon sakin, hindi ko sila ine-entertain kasi hindi ko makita talaga sarili ko na makakasama ko sila ng matagal or magte-take ako ng risk para pumasok sa relasyon.. pero kay hubby iba eh..and now we are 3 years married with 18 months old baby girl.

Enjoyt ka lang muna sis..dadating sya. :)

sweet21

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #62 on: June 29, 2018, 04:31:18 am »
^thank you sis. Yun din sinabi ng friend ko. Sabi nya mararamdaman ko daw talaga yung tao worth the risk. At sa sobrang sakit na dinaanan ko sa break up haha sana naman yung sunod yun na talaga.

preciousjulia

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #63 on: June 29, 2018, 03:57:40 pm »
Tama sila sis.. :) ako 3 years bago sya dumating. Ganyan din ako sayo nun dumaan ako sa pangit na break up..Dumating din kasi ako sa point na baka kasi hindi ako nagta-try or nag-e-entertain kaya akala ko wala. :D Pero wala talaga!  :P Hindi ko makita sarili ko na part sila ng ng fututre ko..haha
Pero nung si hubby dumating, yun na! sya na! :)
Dumaan din ako sa part na my doubt ako nung una..pero mas malaki yung part na hinahanap hanap ko na sya, na masaya ko kasama sya, na feeling ko secured ako pag nasa tabi ko sya..
Hanggang sa yung doubt na yun tuluyan ng nawala..
at narealize ko tong tao na'to mahal ko na..  ;D

sweet21

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #64 on: July 01, 2018, 07:46:14 am »
Aww nakakatuwa naman sis. Sana ako rin. 😊😊 Malaking lesson talaga ang break up. Kaya I'm really praying na God will send me the right man for me.

kaoru_himura

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #65 on: September 11, 2018, 09:44:07 pm »
After a couple of years of not being active here, I can't believe na ang una kong pupuntahan is itong break up story thread.

Allow me to share my story.

We were together for almost 7 years, we didn't get married kasi I just got my birth certificate fixed last year lang and all the while I thought okay baka next year makaipon lang kami okay na.

In our almost 7 years, we had two sons and I got ligated na dun sa youngest namin because of complications during birth. In essence, when he signed those papers I thought okay kami na talaga. And then last year was a very difficult year for me at work and I got so busy with sidelines kasi we need to pay for a house we got and I shoulder half of the amount. He felt pressured sa bahay na yun and we are having money issues. I was working a lot para matanggal sa kanya yung burden.

And then, April came in one of our bouts inask ko sya bakit ka ganyan, mahal mo pa ba ko? Bigla syang sumagot ng hindi na, wala na yung love na tinatawag. I was devastated that I told him, maybe we need to cool off muna I need to love myself. I never meant it to be sending him away, but he did. He went away immediately that night and never came back home.

We tried to talk pumunta pa kami ng Sagada ako pa nagbayad para lang makapag usap kami ng matino alone time and going up I saw him texting another girl. He lied pa and said nililigawan nya pa lang, gusto nya pa lang wala pang nangyayari sa kanila so naniwala naman akong si t****.

Needless to say, hiniwalayan nya ko but we had certain arrangements for our kids. I thought magiging okay na kami pero wala syang natupad dun sa mga bagay na sinet namin. Nagthank you pa ko sa babae kasi sabi nya yung girl ang reason kung bakit sya andun kasi pinakiusapan lang syang sumama at bigyan ako ng chance.

A couple weeks later, I found out he was signed in sa isa naming ipad and it dawned on me. He was having an affair, it started as an emotional affair kasi they shared things about me and then about the girl's ex. Until nakita ko na dun sya pumunta nung night na I sent him away. May nangyayari na sa kanila even before we broke up.

It continued. The girl's ex is a married man. Umaasa sya sa partner ko kai we are not married may chance sila. Iniwan kami ng partner ko including the kids for her. In the almost 7 years we were together, I would like to note na hindi naman perfect ang samahan namin, ako ang first gf nya which I think medyo insecure sya kasi nga I already have a kid when we met.

But we never separated not once. Pag nagaaway kami umuuwi din sya sa bahay nagpapalamig lang sya sa office or somewhere. Not like this. Sobrang sakit talaga pag iniwan ka because of a third party. Most of all, yung sinabi nyang naalala kasi nya ikaw dun sa babae. Like bakit sa kanya mo ko hinanap? Bakit hindi mo na lang ako inalagaan?

Nangialam pa yung girl na yun sa affairs ng kids namin like yung sustento and all. Same office sila nagwowork and yung partner ko na yung 2nd guy na nasira ang pamilya dahil sa kanya.

It sucks. Having three kids and not knowing kung anong mangyayari especially kung hindi ko kakayanin magisa yung expenses or bigla na lang sya mawala at hindi magbigay ng sustento. It has been 5 months since the incident and hindi pa ko fully healed kasi we have kids and seeing him is inevitable pati yung usapan tungkol sa kids and what nots.

It's so difficult kasi you can't just cut contact and focus on moving on. I still need to talk to him about the kids kahit madalas eh he's not paying attention or not exactly interested. And if he does seem interested, you get confused especially  pag sinama ka sa lakad or nagreach out sayo about you and not about the kids.

Plus the fact na it would be very difficult to date na because I have 3 kids in tow. Not that I am looking for a partner right away, I guess part yun ng fear of being alone which I have to get accustomed to.

helloanneb

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #66 on: September 11, 2018, 10:08:13 pm »
Broke up with me the night after we came home from SIngapore. While in SG, he made everything seem okay but he was slowly harboring resentment inside without telling me.

amethyst028

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #67 on: September 11, 2018, 10:33:02 pm »
^hi sis. Take the healing process one day at a time. He already checked out before the relationship actually ended and that was the sad part. Pero wala ka na magagawa dun.

The best thing now is for you to get it together para sa 3kids mo. Pick up the pieces and keep going for them. As for finding a guy, that should be the least of your concerns. Sometimes we make bad choices out of fear. In your case fear of ending up alone.

If ever you ended up alone what's the worst that could happen to you? You have your kids. They will get married and have children of their own. You will never be alone. Maybe it is not exactly the love you have in mind but it is the love you will get. And do you really want to grow old with a guy who bails on you when the going gets tough? Who breaks at the sign of pressure?

I used to have this fear of ending up alone. Of not getting married. my relationships keep failing coz i was always in it for the wrong reasons. I was only in it out of fear. One day i grew tired of it. I said to myself i'm done. no more dating and having a bf. I'll just make something of myself. I will focus all my energy on becoming the best version of me in all aspects of my life. As for growing old alone i have it all figured out, i have it mapped out in my head. Then i met my fiance, when i was ok just by myself. When i don't need anyone. What is meant for you will be for you. No one can take that away. Remember that.

TomHansen

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #68 on: September 15, 2018, 08:57:54 pm »
oh sh*t @kaoru :(
Since 7 years kayo hindi mo talaga mafoforce ang sarili mong makapagmove on agad, marami na kayong happy memories na pwedeng mong balikan kapag naaalala mo siya. Everytime mamimiss mo siya isipin mo na lang panloloko niya at lahat ng negative na ginawa niya sa iyo, cheating is enough na nga to lose respect sa taong minahal mo. Huwag ka na lang makipagmeet sa kanya kung kailangan niyong mag-usap and be civil na lang sa text, wag rereplyan yung pangungumusta niya. Also sis wag mong ibblame ang sarili mo na may mali ka or kulang na hindi nagawa, siya ang nagkasala, siya ang nagkamali wala kang kasalanan at hindi rin reason yang insecurity niya.. He failed as a partner, he failed as a person, he failed as a father, hindi siya worth it sis and those are enough reasons para wag siyang tanggapin kapag bumalik siya.

Normal lang matakot ka sa possibility na maging alone ka pero hindi yan sis kasi kung mahal ka talaga ng taong magkakagusto sayo he will accept you kahit ilan pa anak mo. I know gasgas na yan but it's true. My gf already has a daughter nung nakilala ko siya at sa maniwala ka or hindi mamahalin ko pa rin siya kung nagkataong 3 anak niya.

Baby steps lang sis. How old are your kids na ba at papaano mo sinabi sa kanila na di na uuwi papa nila? :(

TomHansen

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #69 on: September 15, 2018, 09:02:03 pm »
Broke up with me the night after we came home from SIngapore. While in SG, he made everything seem okay but he was slowly harboring resentment inside without telling me.

Sorry to say this pero baka matagal na niyang gustong makipagbreak nanghinayang lang sa ticket at reservations niyo sa sg. :(

annmitch

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #70 on: October 17, 2018, 10:01:02 pm »
Hello mga sis. Gaano katagal bago kayo naka move on? My mga moments ba while nag move move on kayo nagtetext si ex para mangamusta? Tapos magugulo at mapapaisip ka nanaman kahit ayaw mo umasa? 11 years kami ng ex bf ko. Last year nahuli ko siya my babae. Katext sa phone. Pero hindi ko nabasa yung messages and all pero naconfirm ko padin na kalandian niya.

Humingi ako ng space kasi sobra na. Dunno kasi if yun din yung nahuli ng pinsan ko nun 2014 na kasama naman niya. Kaya siguro nagkalakas loob na ako humingi ng space. Kasi sobra na.  Eversince kasi takot ako maghiwalay kami. Cool off kami oct last yr. But nag out of the country kami ng december pero hindi padin naayos. Well, hindi din naman kasi talaga siya nageffort. Yun lang inaantay ko. Yung japan lang na yun effort niya. So naghiwalay na kami after nun. Galit kami pareho. Kasi my problem naman kami before ko siya nahuli kasi madalas kami mag away. Kaya daw hindi na siya nageffort humabol dahil na fed up daw siya sa mga away ko. After months of silence. Nagkakatext na kami ng maayos, kwentuhan, april 2018 til now.

Nagtetext siya. Ako naman nagrereply kasi i thought para magbuild ulit ng rapport kasi willing padin naman ako bumalik basta siya ang maghahabol. But wala, puro kamusta lang once in a while.sinasabi niya mahal padin niya ako, pero hindi pa daw ngayon since dami niya problem sa business, emotionally and mentally stress din siya. Dapat stop na ako magreply nun ayaw padin niya. Pero hindi ko mapigilan hindi magreply pag nangangamusta siya.

Ngayon mag 1 year na kami hiwalay. Ganon padin texts namin puro kamusta. Mali ko nahayaan ko magtext kami even if wala assurance na bumabalik siya. Puro lang siya iniisp daw niya bumalik. 1 year isip padin? Sinayang ko yung 1 year na sana baka ok na ako kung hindi ko siya entertain lalo na nalaman ko sa kanya na baka kinakausap padin niya at nakakasama un last babae na nahuli ko kaya ko nakipaghiwalay. Siguro baka tumigil lang sila nuon then balik landian nanaman.


Hay.. Bumalik yung sakit. Bakit ganon? Ang labo niya. Tapos nun nag away kami kagabi, sinasabi niya na dapat hindi na kami umasa na magkakabalikan pa etc. Kasi kesho ganon padin daw ako, nagdrama nanaman, siyempre nasaktan ako if totoo man naguusap ulit sila nun. Kesho lage daw niya iniisp bawat month na pano na sya, pano na ko, tumatanda na kami. Sabi ko naglalandi kana nga e. Tapos naiisp mo pa yan? Ang gulo niya. Before nga nalaman niya punta ko states next year, gusto pa sumama. Naglalandi na sa iba tapos ganito?

Ang mali ko lang minessage ko yung babae kagabi. Baka pinagtatawanan lang ako nun lalo kung alam niya wala na kami na muka akong t****.  Pero kasi hindi ko mapigilan kasi wala din respect yung babae sa kapwa babae niya if totoo na nagkakasama sila now e. Kasi alam naman niya nakasira siya ng relationship. Haay ang sakit. I?m so lost.

Parang bumalik yung feeling nun nadiscover ko siya nakikipaglandian before. Alam ko madami ako pagkukulang din sa relationship namin, pero masakit padin yung ginawa niya. Lalo na after ko mahuli last year. Hindi man lang nageffort hangng ngayon. Kasi nga daw ayaw na daw niya ng away ng relasyon. Sakit lang. Kasi kung kelan kelangan ko siya nun since niloko niya ko, dun pa siya gumive up. Ni mafeel ko man lang na naghabol, nagmakaawa, pinaintindi sakin. Wala e. Kasi nga daw gumive up na siya.
 
Sorry ang haba and medyo madrama.

annmitch

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #71 on: October 17, 2018, 10:08:28 pm »
Btw,,Seenzoned lang ako nun girl sa iba ko messages. I know mali, nakakahiya. Pero hindi ko napigilan kasi ang sakit sakit. Dibale sana if ibang bagong babae e. Mas matindi kasi yung sakit since bakit yun pa.   So siguro nga totoo na naglalandian sila diba? Kasi if hindi totoo, edi sana minura na niya ako na kung ano ano binibintang ko na naglalandian naman sila ulit diba???

annmitch

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #72 on: October 17, 2018, 10:33:25 pm »
Kesho my mga hirit pa siya before na araw araw iniisp bumalik. Iniisp kung kaya pa etc. Tapos naglalandi pala. Kesho mahal pa pero not now kasi dami problema sa negosyo.  Ayaw pa makipagbalikan pero gusto sumama sa states next year sakin if my chance. Ano ba yun? Alam ko my mga texts din siya sakin na nagguilty lang siya, bored or simply nagcacare padin daw.

Pero magulo padin siya dba? Then kagabi after away,  Sinabi na this time wag na cgro kami umasa na baka magkabalikan kasi nag away nanaman. Seriously? Iniisp pa pala niya yun na kung magkakabalikan pa??!! E bakit siya nakikipag landian? Bakit ganon? Hay.  Nagiging low pa ako dahil minessage ko pa yung girl kagabi and kanina. Sobra. Bakit ganito? Sorry ang dami. Sobrang lost lang tlaga ulit ako

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #73 on: October 18, 2018, 02:18:15 am »
^di ka makaka move on kung hindi ka naman ready mag move on. Umaasa ka magkakabalikan kayo? 1year na nasayang hindi naman kayo nagkabalikan. Isa pa willing kang magkabalikan kayo kahit may history sya ng cheating? Feeling mo ba magbabago sya pag nagkabalikan kayo? Isipin mo na lang dapat maging masaya ka nakawala ka sa kanya at hindi ka nakasal sa taong niloko ka. Nanghihinayang ka sa 11 years mas manghinayang ka sa additional years na makakasama sya tapos ganyan pa rin sya. Naging pagkakamali ko rin yan na magstay sa relatioship kahit na may redflag na. Good thing di ako natali sa kanya at nakakita pa ako ng mas higit sa kanya overall.

I never look back after namin mag break ni ex as in cut all ties with common friends and his relatives. Makakaya mo yan kung gugustuhin mo. Madaming way para di na kayo magkaroon ng communications.

Isipin mo na lang until now miserable ka pa pero si ex mo di mo alam masaya na sa feeling ng iba or nagpapakasaya maka meet ng iba.


Bridgette*

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #74 on: October 18, 2018, 09:21:44 am »
^^ Kung okay lang sayo na you're being taken advantage of edi sige reply ka pa.  ::) Sarap din tuktukan yang ex mo feel na feel mamangka sa dalawang ilog eh noh. Di pa sya ready in that one year span? Come on! Come in to your senses! Ang lalaki pag mahal ka, pag seryoso sayo, they will do anything - everything! Playing safe yang ex mo. Nakakainis. Ikaw naman entertain pa. He's not even sorry for his infidelity. Aynako nakoooo sarap lunurin nyang ex mo. Maybe a good way to start is to focus on yourself and start loving yourself more my dear.
« Last Edit: October 18, 2018, 09:23:49 am by Bridgette* »

annmitch

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #75 on: October 18, 2018, 12:15:55 pm »
Thank you sa reply. Yup, tigil na ako. 1 year na nabigay ko pero hindi naman bumalik at paasa lang. Nagsasabi pa siya nun na mahal ako, mahal padin ako. Pero wala daw ako mapapala muna sa kanya nun dahil sa dami ng problem niya. Pero nagagawa naman lumandi nanaman pala sa kabit niya. Tama na. Sinabi ko sa kanya after namin mag away 2 nights ago na wag na niya ako itext kahit kelan. Na hindi ko kelangan ng awa niya.  Nakakatawa pa pala,  nun nag away kami, iniisp daw niya minsan ibigay sakin yung isa sa napagawa niyang bahay, yun kasi business niya. kasi alam niya naging dream namin yun,na makabawi man lang, pero hindi pala daw magwwork out samin, seriously??! Naiisip pa pala niya yun tapos sasabihin mo yun after ko magalit dahil nabangit mo na lumalandi ka pa din sa kabit mo? Na kesho baka wake up call na daw yung ayaw namin 2 nights ago, kasi ayan nanaman daw ako hindi nagbago at drama nanaman. Away nanaman.


Nakakagago mga sinasabi niya minsan. After lahat nun, in the end, Nagsorry siya, na nag away pa daw kami, na my right daw ako magalit, na hindi daw niya naiimagine ganito kami mag pa part ways. Hindi nako nagreply. Kagabi nagtext siya ulit, tigilan ko na daw awayin yung girl. Hindi rincako nagreply.  alam ko mali, hindi ko lang naiwasan i message yung kabit niya. Pero stop na ako, ako lang din magmuka t****. Kasi wala din ako magagawa kung wala sila decency and delikadesa. Pero alam naman ng ex ko na my point ako bakit ako nagalit nun nalaman ko naglandian nanaman sila. puro paasa na nga tapos doble sakit pa na bakit yun pang kabit nanaman na yun.

Yup sis, tama ka naman. Dapat maging thankful ako na nawala ako sa kanya, kasi alam ko naman marami pa siya naging babae sa tagal ba naman namin, ilan lang alam ko. Ang tagal pa mag grow up, immature kasi. E 35 yrs old na. Yun sa babae lang talaga yung hindi ko kinaya, Eto lang yung pinaka masakit yun huli babae kaya til now nagkakaganito ako nun nalaman ko landian ulit nila ngayon.  Alam ko madami ako pagkukulang, nag aaway kami. Na natural magbreak kung away lang madalas.  Pero sana hindi nalang siya nang chi chicks. Diyan kasi ako wasak na wasak.

Tigilan ko nadin siya. Hindi nako aasa. Hindi na ako magrereply if ever man magtext siya. Sobrang dami nasayang na panahon. Pero ngayon magsimula na ako mag move on ng totoo. Ng aalisin ko na talaga siya sa life ko. Na wag na siya ientertain pa. Puro paasa lang naman at pinapa confuse lang ako sa loob ng 1 year. Sana makaya ko to. Mas sad pa ako ngayon kesa nun nagbreak kami last year e. Dko maintindihan. Pero Siguro bumalik yung feeling nun nahuli ko siya sa babae na yun. Tapos ngayon yung babae padin na yun kalandian niya. Kaya siguro mas masakit. Pinaka masakit. Sorry sa drama at haba ng messages. Sana lang talaga makaya ko lahat ng pain na to. Thank you ulit.

airish_2

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #76 on: October 18, 2018, 01:51:31 pm »
^Actually kahit hindi mo na siya sabihan na 'wag na mag text automatic i-block mo na yung number niya , kung friend sa mga social media block mo din, lagi naman mahirap sa umpisa pero kaya mo 'yan. nakaka-stress ang ganiyan kaya bitaw na lahat ng mabigat bitawan mo at isa na 'yang ex mo :) Kaya I don't believe sa cool-off, break agad kasi ganoon din 'yun. Magdadalawang isip ka pa na bigyan ng chance tsk! nevah!

Kung ayaw mo i-block palit ka number girl, basta pray kaya mo yan :)

annmitch

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #77 on: October 20, 2018, 02:06:30 pm »
Thank you sis. Yup tigil na. Tama na. Nabigay ko nadin pwede itry sa 1 year nun nahayaan ko siya magtetext sakin. Pero wala. Pagod nako isipin paglaban niya ako. Maglandi sya, fine. Kahit dun sa kabit niya nun. Sobra Masakit. Nakakawasak for me kung sa babae na un.  Pero wala ko magagawa dun e. Pero tigilan na niya ako. Kasi nakakagago. Insensitive niya.

Oo hindi naman siya directly nagsasabi babalik. Pero paasa padin siya. Nagpapa padin confuse ng isip. Kaya hindi ko na siya kinakausap. Hindi ko kelangn ng friendly text niya, awa niya or kung ano man reason niya. Maglandi nalang siya, magdate. Pero wag na niya ko guluhin kung hindi rin lang niya ko kayang ipaglaban. Wala na siya maririnig na kahit ano sakin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close