watch now

Author Topic: My break-up story  (Read 19243 times)

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #40 on: April 12, 2018, 10:04:19 am »
^Naranasan ko pa na ayaw ko ng gumising. Alam mo un pillow mo na halos ilang gabi lagi basa ng luha mo. Ayaw mo ng umiyak pero un luha mo di nauubos. Tapos papasok ka need mo maging ok dahil marami ka responsibilities sa work. Tapos naiinis ako sa mga sad song na naririnig ko kasi feeling ko relate ako ayaw ko rin ng mga love song kasi parang puro kalokohan lang un mga promises. Kaya iniwasan ko makinig ng music.  Looking back I can't imagine na nalagpasan ko ang lahat ng sakit. Akala ko dati di na matatapos un sakit pero lahat kaya kapag gusto.

nerddict

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #41 on: April 12, 2018, 10:16:32 am »
^nako sis, check na check! naexperience mo ba yung bigla ka maiiyak sa office kaya takbo ka agad sa cr? hirap magfunction ano? tapos malalaman mo ayos na ayos ex mo, may kadate agad. lol. I also withdrew from friends and family dati. Hindi ako nagpupunta sa mga family gatherings noong time na yun. pero thankful pa rin ako na naexperience ko yun. I learned how strong I can be. Di'ba sis? Yung dating ang sakit sakit, ngayon memories at tinatawanan na lang or dedma to death na. Siguro naman there's this man praying for me to come into his life, too, kagaya ng pinagdadasal ko. hehe.

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #42 on: April 12, 2018, 10:23:27 am »
^apir ka dyan sis ako rin puro ako gala di ako nag stay sa bahay lalo na sa room kasi maalala mo lang lahat ng sakit. Dyan ko naranasan manood ng sine mag isa di ko na maaalala kung ano pinanood ko kasi ang totoo di ko naintindihan ang palabas. Tapos shopping dito shopping doon. Un ikaw ang magsasara ng mall hahaha. Sa dami kong ginawa para malibang. Kaya nagpapasalamat din ako sa mga naging friends ko dito sa GT un mga naka meet up ko na until now nakakausap ko pa rin. Sila un mga nakakasama ko sa gala. Di kasi alam sa circle of friends ko kung anong nangyari ayaw ko kasi mag explain that time sa kanila.
« Last Edit: April 12, 2018, 10:27:06 am by Shadow Angel »

nerddict

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #43 on: April 12, 2018, 10:34:32 am »
ang ginawa ko nun, nagexercise para malabas stress. yun nga lang, sumobra. hehe. buti nabalik ko na yung normal kong weight. what did you do sa mga gamit na bigay ni ex? hehe

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #44 on: April 12, 2018, 10:42:11 am »
Ginagamit ko pa rin until now kahit un mga damit na bigay nya ang tinapon ko lang un singsing na bigay nya wala na ako pake kung ano pa man ang value nun.

nerddict

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #45 on: April 12, 2018, 10:48:38 am »
^ganyan din ako sis. ayoko na magkwento kasi isipin pa ni ex bitter ako. lol. pero wag lang ako iprovoke at talagang ikkwento ko lahat. hahaha. kahit parents nya parang nakikiramdam kung magkkwento ba ako sa kanila. close ka din sa family ni ex before? as in yung parte ka na ng pamilya?

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #46 on: April 12, 2018, 11:09:40 am »
^no sis hindi ako close sa kanila civil lang ako choice ko un kasi observe ko na sa ugali nila. Lalo na dun sa mama nya na nagger.

nerddict

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #47 on: April 12, 2018, 11:18:45 am »
^ako naman very close sa family ni ex. kahit sa mga hipag at bayaw nya, hindi lang sa mismong kapatid nya. his sister and sis-in-law, kahit before sinasabi na hindi ako deserve ni ex, pero at the same time, gusto naman ako maging legal na part ng pamilya nila. dun ako nanghihinayang actually, sa relationship ko sa family nya. pero naiisip ko naman kahit hindi kami nagkatuluyan, pwede ko pa din naman ituloy yung relationship ko sa kanila, pero kumbaga with restrictions na. na atras na ako nang ilang steps.

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #48 on: April 12, 2018, 11:24:32 am »
^mas mahirap ba kapag close sa family? Ako naman kahit mga friends nya tinggal ko lahat ng contact with them totally cut any news from him or sya sa akin. Di nya alam like him nasa Canada rin ako.

nerddict

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #49 on: April 12, 2018, 12:47:50 pm »
^at first sis ang hirap. kasi kailangan ko na hindi kumustahin yung parents at mga kapatid nya na madalas kong ginagawa. every week ko ata kakwentuhan sila. tapos yung bayaw pa nya na kaclose ko din, na lagi nagpapadala ng pics nung pamangkin nya, ngayon e nabati na lang ako kapag mga birthday nila. ganun na lang. pero alam nung babae nya kung gaano ako kamahal ng pamilya nya. lol. sa mga friends naman nya, di ko inunfriend. kasi sya ang inunfriend at blocked sakin. hahaha. gusto ko lang yung alam nya na di ako bitter at okay na okay at happy ako without him. hahaha!

Filipinasadhart

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #50 on: April 12, 2018, 05:33:39 pm »
^Really? Have you met his relatives? Solid ba ang relationship nyo during those 8 years? I find it cold na gaganunin ka after all those years.


yes, nameet ko na... kaso nasa province ang father nya ngayon. Ang mother nya at sya andito sa Manila. Nakakalungkot at sobra sakit pero wala na ko magagawa pa.

@nerddict , close naman ako sa family nya.  Dinaan ako sa drama na gipit sila ngayon.  Yun Tatay nya nastroke at nag 50/50 na sa hospital.  Seperated kase yun parents nya.  Yun mga kapatid nya walang maitulong kase galit sa tatay nila. Kaya ginamit nya magulang nya at mga kapatid nya pa sa pagsisinungaling nya. May nabanggit pa nga sya na mga kapatid nya puro party sya naghahanap ng pera para mahelp ang tatay nya.  Matulungin ako tao alam nya yan ginamit nya ang pagiging matulungin  ko sa tao.  Kaya ang sakit sobra at para bang gusto ko ng isumpa un mga taong humihingi ng tulong yun totoo nanganagilangan. ANg  Laki trauma at depression ang inabot ko dito sa situation eto. SObra sya nagtake advantage kase may help kame tao na  na-accidente sa bahay kaya siguro sa isip nya pagkakataon nya na yun at need nya ng pera that time.  Walang kunsensya.
« Last Edit: April 12, 2018, 08:53:11 pm by Filipinasadhart »

fall2pieces

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #51 on: April 12, 2018, 05:51:31 pm »
Ang mahirap yung magpatawad, kasi itinuring kang hindi ka na nageexist ng hindi mo alam kung bakit at magpanggap na hindi ka apektado sa nangyari. 😢

Ang mahirap ang umasa na meron pa bang tao na magmamahal sayo.

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #52 on: April 12, 2018, 09:45:44 pm »
@nerdict ako naman feeling ko di ako makakamove on kapag may contact pa ako kahit kanino sa kanila. Naging effective naman sa akin. February 2014 magulo na kami Last week ng March kami nag break. April nag cut ako ng all contacts with him. Last week of  June nakipagdate na ako at the same time online chatting. Though di talaga ako serious with them gusto ko lang may iba ako pinagkakaabalahan or may nakakasama kapag gusto ko lumabas. October ako nagserious sa pakikipag date and chatting un pilian na talaga.

Kung titingnan parang ang bilis pero during those time feeling ko dekada na un sakit at hindi na matatapos. Nakakapagod din na gigising ka sa umaga na feeling mo kalaban mo un buong maghapon paano mo nanaman malalagpasan na di ka umiiyak or natutulala or naiisip sya. Natauhan din ako naisip ko this is not me. Masayahin ako tao tapos naiisip ko for sure masya si ex tapos ako ganito lang. Kaya I challenge myself na sabi ko. Magiging masaya ako at sisiguraduhin ko na un kapalit nya ay mas higit sa kanya. Masarap maging masaya ng hindi pilit un gigising ka na alam mo di mo na need magkunwari na ok ang lahat. Un totoong nakikitawa ka sa mga nakapaligid sayo hindi un tumatawa ka pero deep inside gusto mo ng sumigaw at humagulgol ng iyak. Na experience ko yan na tumatawa ako tapos gusto ko naman talaga that time umiyak. People around you will help you a bit pero sa totoo lang ikaw lang talaga makakatulong sa sarili mo. Lalo na mond set or way of thinking mo.

nerddict

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #53 on: April 13, 2018, 08:32:00 am »
^sis Filipinas, awww. hugs. ramdam ko na until now you are hurting. Try mo yung kay sis shadow angel, pinutol lahat ng contacts na connected kay ex. baka useful sa'yo kahit paano. saan mo nilalabas ang stress mo? working out? or with friends? sana yung support group mo, malakas. be strong! kaya mo yan. it will pass. :)

nerddict

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #54 on: April 13, 2018, 08:29:37 am »
Masayahin ako tao tapos naiisip ko for sure masya si ex tapos ako ganito lang. Kaya I challenge myself na sabi ko. Magiging masaya ako at sisiguraduhin ko na un kapalit nya ay mas higit sa kanya.


People around you will help you a bit pero sa totoo lang ikaw lang talaga makakatulong sa sarili mo. Lalo na mond set or way of thinking mo.

^Eto mindset ko ngayon sis! Alam mo yung higit na higit sa kanya in terms of everything? Physically, financially, emotionally, spiritually, basta lahat. hehe. Gusto ko na ako yung lamang sa ipinait nya sa akin. LOL. nakita ko na yung babae actually, waley physically. tapos isip bata daw. nakwento ko lang naman. I do not wish them ill, gusto ko lang marealize nya na diamond ang nawala sa kanya dahil sa kagustuhan nya ng ginto (na tanso pala).

Truelaloo, kung lahat e pinapalakas ka, pero sa sarili mo ayaw mo magmove on, hindi ka magiging okay. Once you decide na ayaw mo na nung ikaw ang naiyak at mahina, naku! Who you talaga ang mga lalaki (ex). haha!

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #55 on: April 13, 2018, 09:03:26 am »
^tama ka dyan. After mo malagapasan ang lahat ng bagay at napabuti ka magpapasalamat ka pa ng sobra dahil nakawala ka sa ex. So totoo lang hindi ako umiyak sa friends ko during those times sinarili ko lang. I make sure nag mag open na ako sa ibang tao un hindi na ako naiiyak. Ang masasabi ko lang di makakatulong sa pag move on un pagbabalik pa sa nakaraan. Lalo na un maghahanap ka pa ng sagot sa lahat ng tanong mo. Kaya ako di na ako nag tanong sa sarili ko ng kung [textspeak!] ano pa kasi iisa lang naman di naman ang ending wala na kami at hindi na maibabalik pa ang dati. Masagot ko man lahat ng tanong ko wala na rin saysay. Sayang lang sa oras at sakit sa ulo lang sa pag iisip. Kaya I make sure na natuto ako sa mga pagkakamali ko dati. Lalo na un kahit alam mo sa sarili mo na may mali sa relationship nyo pero hinayaan mo lang dahil nagtrust ka sa mga promises nya. 

Sana sa mga kasis natin na kakabreak pa lang malagpasan nyo sana un ganyan moment. Hindi madali pero kakayanin para sa future hapiness nyo.

nerddict

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #56 on: April 13, 2018, 09:18:36 am »
^totoo sis. mahirap talaga sa una bitawan ang nakasanayan. Pero kapag nagawa mo na, maisip mo na yun ang pinakatamang desisyon na ginawa mo. why settle for a silver kung merong diamond for you di'ba?

moonandstars

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #57 on: June 14, 2018, 07:01:00 pm »
Lesson?
1. If it's not meant for you, it will never happen kahit gaano kayo katagal.
2. Just because his family loves you so much doesn't mean he feels the same way.
3. Trust your instinct, girlfriend! Gut feelings are guardian angels. :)
4. You have family and friends if you need support. Andyan lang sila palagi at wag ka mahiya lumapit.
5. Cry. it's okay to cry.
6. Love yourself. Pick up the pieces because no one would do it for you other than yourself. Lalo at ikaw lang ang nakakaaalam nasan yung mga pieces na yun nalaglag.
7. lastly, pray. Sobrang laki ng tulong ng prayer. Yung akala mo wala, pero andyan lahat ng signs ni God. iniignore mo lang. Pero trsut Him. He will never take away something na walang kapalit na better. :)

Ayan, natapos na. Mahaba pa yan dapat lalo, pinaikli ko na lang. hehe
Super relate ako dito Sis. I?m going through a heartbreak now. And how I wish malagpasan ko na to

moonandstars

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #58 on: June 14, 2018, 07:02:54 pm »
Can I share my  breakup story?

Shadow Angel

  • Guest
Re: My break-up story
« Reply #59 on: June 19, 2018, 06:16:17 pm »
^post it away sis. Malaking tulong din ang nailalabas mo sya kahit di mo man kami kilala atleast may outlet ka.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close