watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 52)  (Read 96462 times)

itzzmeeh

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #300 on: January 26, 2018, 11:10:03 pm »
Stopped watching after niya sabihin na hindi nag trust then emphasize on 'trust' kaya bibili ng gamit ng bata then make face siya. Haha for sure bitter hanggang ending bukas ko na ituloy 😂 It's for the movie nga siguro para may ingay pero sumasama lang siya sa mata ng viewers.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #301 on: January 26, 2018, 11:30:55 pm »
Hay ampanget naman na publicity stunt na gawin desperada at bitter ang sarili.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #302 on: January 26, 2018, 11:38:04 pm »
Hay ampanget naman na publicity stunt na gawin desperada at bitter ang sarili.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #303 on: January 26, 2018, 11:45:55 pm »
It sounds to me that she's just kidding. I am sure alam naman nya na hindi naman naagaw ang ka-relasyon. JL chose the other girl over her. At the later part of the video, sabi naman nya kapag meron ng iba eh lumayo ka na.

lesters_gal

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #304 on: January 27, 2018, 03:17:14 am »
Ano kaya ang say ni Ellen about pang aagaw. Naku mukhang nakahanap na si Angelica ng katapat. Parehas silang palaban. Popcorn please.🙃😆

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #305 on: January 27, 2018, 04:04:06 am »
Siguro si Angge sobrang pagod na magmahal.  Taon din ang binibilang ng relationships nya dba, tas laging masaklap ang ending.  31 na din pala sya.  Sana dumating na ang para sa kanya.  Pero yah, kairita na din yung pagiging bitter nya on social media.  Onting self-preservation naman dyan, girl. 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #306 on: January 27, 2018, 04:28:51 am »
May agawan ba talagang nangyari? Ang alam ko kasi talaga si Bea ang ka-fling ni Jlc nung magkalabuan sila ni AP. Naalala ko nagkwento pa si AP sa GGV na habang nagmomove on siya sa HK e nakasalubong niya ex niya na may kasamang girl. Base sa kwento parang si Jlc and Bea ang kinukwento niya. Tapos parang biglang naging ok sila ni Jlc pero hindi naman nagkaayos. Di ba ang press release pa nga ni AP bestfriends lang sila ni Jlc. Baka naman nag-assume lang si AP na nagkabalikan na sila.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #307 on: January 27, 2018, 04:39:23 am »
Nabasa nyo ba post ni Jay Sonza about Kris and Bimby? Over naman pati bata dinamay. Kaya better na mga kids hindi talaga  dapat iniinvolve sa social media kahit posting ng mga photos nila. Ang bastos pala ng newscaster na to. 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #308 on: January 27, 2018, 05:27:01 am »
^Ay oo sis nabasa ko yan yesterday, tumatandang paurong si Jay Sonza.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #309 on: January 27, 2018, 05:52:33 am »
Wag dapat idamay ang bata. I understand his point but name calling is kind of low especially kung bata ang involved. Not cool, Jay!

pretty empress

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #310 on: January 27, 2018, 07:54:22 am »
^^Eto sis yung youtube vid ni Angelica P, na inagaw lang daw sa kanya si JLC:

https://youtu.be/1v3mu1H4ibA

Mapakla pa sa ampalaya ang lola mo.



Thanks sis. Tbh naaliw ako sa pinanood ko hahaha. Totoo bang bitter pa o baka sinasakyan nalang nya ang mga viewers lol. May mga parinig pa syang ginawa ha. Para kay ellen ba yun o kay bea? For ellen kasi swak ang parinig kasi diba before kay jlc inahas nya din si baste na may kalive in.

 

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #311 on: January 27, 2018, 08:01:06 am »
Hindi ko malaman kung kanino ba talaga nagmomove on si Angelica, kay John Lloyd ba o kay Derek pa rin. Yung iba kasing kwento nya sa MB at GGV parang pertaining to Derek eh. ;D

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #312 on: January 27, 2018, 02:31:49 pm »
twelvth_goddess anong sagot ni Ellen kay Angelica?

Eh may movie kasi, ano pa ba asahan natin haha.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #313 on: January 27, 2018, 02:44:15 pm »
Sa lahat ata ng naging exes ni AP bitter pa din siya haha.

Ngayon ko lang napagmasdan ang tattoo ni Jessy Mendiola sa wrist. Ang ganda sana ng color pero ampanget ng drawing, mukhang sperm cell.

pretty empress

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #314 on: January 27, 2018, 06:32:46 pm »
Bokya ang angel- carlo lt, sinagot na ni carlo kung si angge ba ang tinutukoy nya sa tweet, kala ko masasalba na ni carlo heart ni angel. Bagay pa naman sila.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #315 on: January 27, 2018, 11:03:13 pm »
Kung bitter pa si Angelica... keri lang. Kasi mukhang intense din talaga yung ganap sa hiwalayan nila ni JLC - hindi kasing-simple lang ng 'pinili nya si Ellen'. Knowing her though, ganyan naman talaga siya magpatawa. Kung pumatol man si Ellen...ehhhh baka guilty. :D Ang gusto ko lang eh hindi sya nagpapanggap na anything else, kung bitter sya, e di bitter. Glad to see she's actually human and not putting up a front to be more 'pleasant'. :)

Re Angelica and Carlo, kinikilig ako! There really seems to be something there! Pero I'm glad they both seem to be taking things one step at a time. Kasi nga naman yung kay Angge, fresh na fresh pa. Definitely needs healing pa. Yung kay Carlo naman, 7 years din sila nung girl - so siguro respeto na lang niya dun sa babae not to jump into a relationship or courtship agad. 


MisCalculus

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #316 on: January 28, 2018, 09:44:43 am »
Hindi na nakakatuwa si Angelica P., binanatan na naman pala niya si Ellen A. na kesyo inagawan lang daw siya nito ng BF.

As if naman walang sariling isip si JLC...para sisihin lang niya yung babae.

Walang mang aagaw kung walang magpapaagaw.

Angelica P., move on ko na teh, napaka bitter mo. Mahiya ka naman para sa sarili mo.

Si JLC eh na kay Ellen dahil ayaw na ni JLC sayo. Truth hurts pero tanggapin mo.

Kakaloka ka.

Hindi mo pa naman asawa, nagkaka ganyan ka na. sus.

Nabasa ko din yan. Hayy nung una medyo may awa pa ko kay AP. Pero dito sa interview sinabi nya na si Ellen sinisisi nya kasi inagaw sa kanya si JL. Sarap lang hampasin.
Lols! So ang lagay abswelto pa sa kanya si JL nyan. Kaines :D



----

On the other news:

Nakita ko lang sa twitter kanina, Direk Mario J. delos Reyes passed away this morning. :(

R.I.P :(


SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #317 on: January 28, 2018, 11:46:56 am »
RE: ANGELICA P.

IMO, Hindi pagiging totoong tao ang ilabas mo sa public ang kagaspangan ng ugali, at ilabas mo sa public ang hindi mo pagpapahalaga sa iyong sarili.

Kaya for me, gasgas na yang sinasabi ni Angelica na "nagpapakatotoo" lang siya, dapat sa pagpapakatotoo niya eh nandun pa din ang respeto niya sa kanyang sarili.

Kung dahil lang sa meron siyang movie kaya siya naggagaganyan eh mas di hamak na mas hindi maganda.

Lalo siyang naging pathetic sa mata ko kung para lang sa kanyang movie binabastos niya sarili niya.



RIP kay Direk Maryo J. Delos Reyes.




mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #318 on: January 28, 2018, 12:07:02 pm »
Re angelica panganiban.. i think it?s her coping mechanism. Right now, it?s like she isnt thinking straight. Ginagawa nya lang all of that to cope. When she looks back at it after sometime she will realize how embarrassing it was. But then sino ba naman sa atin ang hindi nakagawa ng kahiya hiyang bagay because of LOVE😆

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 52)
« Reply #319 on: January 28, 2018, 01:30:27 pm »
^^True. Napaka-pathetic niya. Ang tagal na nilang hiwalay, kung bago pa lang ang hiwalayan at nageemote siya maiintindihan ko siya pero matagal na silang break, overdue na ang emote niya. Di ako na naniniwala na joke lang yun at walang ibang kahulugan. Masyadong OA at wala na sa lugar ang pagpapakatotoo niya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close