Author Topic: hanggang kelan... =(  (Read 1657 times)

parityrights

  • Guest
hanggang kelan... =(
« on: December 18, 2017, 05:06:50 pm »
need some advise..
Responsibility ba ng mga anak na bilhan ng house and lot ang mga magulang kung wala silang matitirhan after mabili yung bahay na tinitirhan nila? Ganito kasi yun.. weve been married for 4 years na pero wala pa kaming anak kasi ang priority namin mag-abroad muna. Pero recently sumama loob ko kasi pagkatapos na tulong na ginagawa ng husband ko may nasasabi parin ang ibang relatives na dapat daw mag abroad.  Sa totoo lang ok lang naman kaya lang minsan naiisip ko kung hanggang kelan ako maghihintay. Gusto ko nadin magkaanak pero hindi ko masabi kasi iba ang goal ni hubby (sa ngayon). Actually gusto na talaga namin bumuo ng pamilya pero naiisip din ng asawa ko parents nya. Sa totoo lang kaya naman nila kasi may income sila. Kaya lang minsan napepressure na kami mag asawa. Wala pa kami privacy parang lahat ng galaw namin kelangan alam nila. Minsan naikwento pa problem ng family ko ang masakit pa nun mali pa ng kwento. At yung iba nilang relatives alam na din. Ok lang naman ipamalita kung magandang balita eh pero hindi kaya masama ang loob ko. Gusto ko ng bumukod pero hindi namin alam panu gagawin kasi baka sumama loob nila. I am so sad talaga mga sisses..  :(

Advise please

ficklemind

  • Guest
Re: hanggang kelan... =(
« Reply #1 on: December 18, 2017, 06:33:55 pm »
YOU and your future kids na ang top priority ng hubby mo. Ok lang tumulong pero yung naapektuhan na yung mismong family mo (you and hubby) eh parang mali na.
Sa totoo lang, parang yung hubby mo ang nakakainis kasi siya etong nagpapacontrol sa family niya eh may asawa na siya.
Yung pagaabroad, sino talaga may gusto nun? kayo ng hubby mo or inlaws mo?


Len0523

  • Guest
Re: hanggang kelan... =(
« Reply #2 on: December 18, 2017, 07:57:24 pm »
Kung pwede ko lang i-share yung nakita ko sa fb na saktong sakto sa paniniwala ng husband ko.
Nung una kase nag aaway kami ako yung mahilig tumulong sa magulang kapatid. Pareho kaming nagwowork parehong malaki kinikita namin ang pagkakaiba marami syang nainvest para sa pamilyang binubuo namin. Nung nagkababy na kami may sarili na kaming bahay.

Para sa kanya, help yourself first. Invest, work save. Pag financially stable and secured ka na pwede ka ng tumulong.

Pero kung hindi pa at tumutulong ka pa sa pamilya, pare pareho lang kayong naghihilahan pababa.  Culture kase.

Hindi sa kung alin ang tama pero ano ba ang dapat.
Di sana hindi sya nag asawa muna para nakafocus sya sa pamilya nya.

Take note, hindi yan natatapos kung may bahay na, sunod, pang kuryente, pang grocery, pang medical etc.

Mahirap nyan, hindi mo masasabi hanggang kelan kayo may kakayahan magtrabaho?
Wag naman sana nagkasakit siya, hindi na sya magkapagwork,
o kaya bang isustain yung hospital na gastos?
mawawalan na kayo back to zero na, pare pareho na kayong wala.
paano magiging anak nyo? kanino aasa?
kaya kelangan isecured muna sarili.
Hindi naman investment ng magulang nya ang asawa mo.
na pagkakakitaan pag lumaki na.


    https://www.facebook.com/teeradio/videos/1651132211622595/

eto pala.

drinveilside

  • Guest
Re: hanggang kelan... =(
« Reply #3 on: December 18, 2017, 11:20:46 pm »
from a guys POV here,

There is nothing wrong with helping but you have to make your husband realize ang priority nyo is kayo. dont want to say anything else but when he married you ikaw na dapat ang mundo nya although we still need our parents when you get settled its your wife first even if you dont have kids yet.

I wish you the best

glamorosa_09

  • Guest
Re: hanggang kelan... =(
« Reply #4 on: December 18, 2017, 11:28:39 pm »
You mentioned relatives, sino ba ang may demand at expectations, yung parents nya ba mismo o relatives lang nya?

Baka naman walang mataas na expectations ang parents nya, yung mga relatives lang nya at nagpapaapekto ang husband mo?

Kung parents nya mismo ang nagdedemand at marami pang drama with his relatives, ang problem ba dito ay mas priority nya ang parents/relatives nya over you OR pareho naman kayo ng goal to build and support a family kaya lang your husband cannot assert himself and build personal boundaries?

Shadow Angel

  • Guest
Re: hanggang kelan... =(
« Reply #5 on: December 19, 2017, 05:53:34 am »
Mukha hindi pa ready magfamily ang husband mo. Since naging husband and wife kayo ikaw na dapat ang priority nya. Hindi ako favor sa mag abroad just because of them. Hindi ko kaya ganyan set up. Dati ok lang sa akin if kasama ang biyenan kasi mabait sila pero sa ngayon nakabuti talaga na never kami nagkasama sa isang bubong. We only just stay 1-2 nights lang. Naisip ko kaya siguro maganda rin ang relationship ko with them. After ko manganak medyo naging hot temper ako at hindi ko gugustuhin na makita nila un. Isa pa ok lang tumulong kung hindi kayo naapektuhan kaso affected kayo kaya di maganda. Mahirap kumawala sa normal norm sa pinas na may obligasyon ang anak sa magulang. Mas mabuting bumukod kayo habang wala pa kayo anak. Hindi lang kasi ang family/relatives ni husband mo ang problema kundi mismong sya hindi nya alam kung sino/ano ang priorities nya. Before mo sya pinakasalan hindi mo alam na ganyan magiging set up nyo? Kasi kung ako parang hindi ko kaya magpakasal sa taong kailangan pa ng pamilya nya at alam ko magiging second priority lang ako. Mahirap kasi kalaban ang family ng kapartner important sa akin na kasunod ko sila kahit hindi naman sila pakikisamahan ko.

krispygreen

  • Guest
Re: hanggang kelan... =(
« Reply #6 on: December 19, 2017, 06:10:56 pm »
Agree ako dun sa walang masamang tumulong and totoo na nasa culture natin yun. Like kung paanong nasa culture din natin na hindi natin dinadala mga magulang natin sa nursing homes pag matanda na sila. Naka embed na sa whole being natin yan bilang mga Pilipino and for me din mas masarap sa pakiramdam na nakakaulong ka kesa ikaw maayos pero yung pamilya mo naghihikahos. PERO there's always limitation sa pagtulong and naka depende yan sa mga tinutulungan. Kung abuso na and affected na kayo, medyo hindi na talaga nakakatuwa yun. Your husband needs to draw the line kung hanggang ano yung maximum na mabibigay nia sa parents nia may it be financially or through his service. Try nio mag set ng budget sa bahay and allowance for each other. Like kami ng husband ko we follow the 70-30 rule.  70% of our individual income goes to our budget and savings and 30% allowance namin. Dun sa 30% ng husband mo, bahala sya gastusin kung papano nia gusto and kung ibigay nia sa parents nia lahat un bahala na din sya in that way you will both have  financial freedom and hindi nag hahalo yung money na para sa inyo lang dapat.

shinies

  • Guest
Re: hanggang kelan... =(
« Reply #7 on: December 19, 2017, 07:19:55 pm »
need some advise..
Responsibility ba ng mga anak na bilhan ng house and lot ang mga magulang kung wala silang matitirhan after mabili yung bahay na tinitirhan nila? Ganito kasi yun.. weve been married for 4 years na pero wala pa kaming anak kasi ang priority namin mag-abroad muna. Pero recently sumama loob ko kasi pagkatapos na tulong na ginagawa ng husband ko may nasasabi parin ang ibang relatives na dapat daw mag abroad.  Sa totoo lang ok lang naman kaya lang minsan naiisip ko kung hanggang kelan ako maghihintay. Gusto ko nadin magkaanak pero hindi ko masabi kasi iba ang goal ni hubby (sa ngayon). Actually gusto na talaga namin bumuo ng pamilya pero naiisip din ng asawa ko parents nya. Sa totoo lang kaya naman nila kasi may income sila. Kaya lang minsan napepressure na kami mag asawa. Wala pa kami privacy parang lahat ng galaw namin kelangan alam nila. Minsan naikwento pa problem ng family ko ang masakit pa nun mali pa ng kwento. At yung iba nilang relatives alam na din. Ok lang naman ipamalita kung magandang balita eh pero hindi kaya masama ang loob ko. Gusto ko ng bumukod pero hindi namin alam panu gagawin kasi baka sumama loob nila. I am so sad talaga mga sisses..  :(

Advise please

Nako sis, life is too short para lang hayaan ang ibang tao na magdikta paano kayo mabuhay.

Hindi niyo dapat sila bilhan ng bahay kung kaya naman nila. Kayo nga walang property eh bakit kailangan bilhan sila?
Dapat magets ni mister ano responsibilidad niya bilang mister - ikaw ang priority. Hanggang di ito isabuhay ng asawa mo, di matatapos problema niyo.

Ang mga kamag-anak (o kung sino man) di matatapos may masabi yan. Madali kasi mangelam sa buhay ng ibang tao ::) Kailangan din marating yung point sa buhay na wala ka na pakialam sa sinasabi ng ibang tao kung wala naman silang naidudulot sa inyo kundi stress.

Yung sa problema, kung problema yan ng family mo, paano nakaabot sa inlaws mo? Ngayon alam mo na may chismisang nangyayari, wag ka na magkwento ng kahit ano.

Bakit sasama loob nila kung bubukod kayo? Baka kailangan din maintindihan na kaya kinakasal mga anak eh dahil magsasarili na sila. Di ba kaya nga umiiyak mga magulang sa kasal kasi letting go ::)

Mag heart to heart talk kayo ni mister. Oras na para angkinin niyo buhay niyo.

three8one

  • Guest
Re: hanggang kelan... =(
« Reply #8 on: December 19, 2017, 08:19:01 pm »
palagay ko husband mo ang may problema at dapat kausapin mo. okay lang naman tumulong but make sure capable syang tumulong. kung ma compromise yung para sa future nyo hindi na okay yun.. know his limitations para hindi magsuffer yung para sa pamilya nyo. wala rin masama tumanaw ng utang na loob ang masama eh yung pag hindi na nakakatanggi yung husband mo sa parents nya nagkakameron na ng negative effect. nagiging dependent na yung parents nya sa husband mo. talk to your husband, sabihin mo yung mga plano mo para sa pamilya nyo at sabihin mo gusto mo sana kasama sya para matupad yun. mag bigay ka ng time frame sa husband mo kung till when na lang sya dapat tumulong at kelan mo plan talaga simulan yung mga plano mo sa inyo dalawa.

kung mag refuse sya sabihin mo sa husband mo ang plano mo ay firm na. itutuloy mo yun with or without him... lalo na ang pagkakaron ng anak... hahaha! biro lang. tingnan ko lang kung di mapabalikwas husband mo. hehe! siempre echos lamang.

 ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close