watch now

Author Topic: Ito Ang Unang Araw Na Wala Na Siya.  (Read 2643 times)

ButHonestly

  • Guest
Ito Ang Unang Araw Na Wala Na Siya.
« on: December 12, 2017, 11:08:15 pm »
Kahit nandiyan pa.

ButHonestly

  • Guest
Re: Ito Ang Unang Araw Na Wala Na Siya.
« Reply #1 on: December 12, 2017, 11:08:27 pm »
Lampas tatlong dekadang nanahan yung pakiramdam na may kung sinong inaantay or hinahanap ako na di ko alam. Finally, nahanap ko na, dumating na. 11 Abril 2017, nagtagpo and dalawang mundo sa isang mundong nilikha ng tao.

Simpleng interaksiyon lang naman talaga ang binalak ko, ang ginusto ko noon. OK. Okay naman. Pero may kakaiba agad. Parang kakaibang kaba, kakaibang nginig na di mo mapinpoint kung saan galing. Parang kuryente pag namali ka ng palit ng bombilya, parang yung huling segundo bago ka mahilo. Parang amoy ng parating na bagyo; parang may multo sa kuwarto. Parang sikat ng araw sa umaga pagkatapos ng ulan sa gabi. Halo-halo, sabay sabay. Hindi naman pag-ibig or kilig. At least pinaniwala ko sarili kong hindi pa, noon. Pero alam ko na kong iba ito.

Nagsimula ang palitan ng mga kuwento, halakhak at mga sikreto. Nagpatuloy hanggang sa nagsimulang tubuan ng ugat ang bawat isa sa isa't isa. Hanggang sa mamulaklak ang aming mga mata at tenga; hanggang mamunga ng sariling wika, ng sariling mundo, ng sariling mga araw at bituin -- ng sariling sansinukob.

Syempre sa tanda kong ito, kung libog lang eh di libog na lang. Di ko lolokohin sarili ko magpa-cute at mambola pa. Baka libog lang ito. Ulit. Baka. Natutunan kong imbes na yakapin mo o ariin ang isang bagay, labanan mo muna  ito. Libog lang ito malamang. Well, it turns out, hindi.

Sa kabila ng komplikasyon ng buhay, ng kaniya-kaniyang nasulat nang mga kwento na kailangan ipagpatuloy, ng ikot ng mundo sa kanya-kaniyang araw; umikot pa din ang aming mga mundo sa isa?t isa.

"Pansamantalang / Iikot ang araw ko / Sa mundo mo."

Unang haiku na binigay ko sa'yo, sa unang linggo nating magkausap.

Sabi pa niya, little infinities araw-araw. Fault In Our Stars. Utang ko sa kaniyang dapat ko pa panoorin.

(Malalim na hinga)

Kagabi, ito na raw yung time na need na niya umalis. Need. Kailangan. Kahit apaw na apaw pa pagmamahalan.

Naiintindihan ko at di ko naiintindihan at the same time, parang naglalabang tulak at hila ng mga alon sa dalampasigan.

Sa mundo at panahong ang tama at ang mga mali ang nagbibigay meaning sa ating buhay, madaling maging mambato ng kapwa.

Gusto ko sana kahit nasa sidelines lang, basta parte pa din ng buhay nya. Hanggang maubos ang mga natitirang araw ng buhay ko? Or buhay niya.

My soulmate has stage 2 Cancer. She?s pregnant.

Do I stay? I plan on staying (Yun yung sabi sa Dapit-hapon ni Ebe Dancel) Or do submit to her request and let her leave (the) us?

Wala sa manual lahat ng ito.
« Last Edit: December 13, 2017, 03:25:32 pm by ButHonestly »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close