Author Topic: What are your plans for 2018?  (Read 842 times)

Ms. Undecided

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 284
What are your plans for 2018?
« on: December 05, 2017, 03:28:56 pm »
Hi mga sis :)
So ayun nga, 2018 is approaching. Advance merry Christmas and Prosperous New year sa lahat :D

Since malapit na magpalit ang taon, what are your plans next year?
Ako kasi after 7 years of being in a relationship, andami kong mga bagay na hindi nagawa kasi yung taong yun eh ginawa kong mundo hehe. At dahil single na ako, marami akong gustong i-achieve next year, kasama na yung maliliit na bagay na hindi ko nabili o nagawa noon :)

Here?s mine:

*Maipaayos ang bahay - Number one syempre. Though nasimulan na naman kaya lang natigil kasi binugbog ako ng sakit nitong 2016-2017 kaya naubos sa gamot ang ipon :( Dalawa nalang kasi kami ng ate ko ang inaasahan samin, eh ang ate ko nitong taon lang nakaalis ng bansa papuntang Saudi kaya nag-uumpisa pa rin sa pag iipon. In God?s will, matatapos din namin ?to :D

*Tattoo ♥ - Tagal ko na gusto kaso takot ako sa needle :( Pero next year I swear kahit maliit lang na tatts :D

*Travel at least once a month - never pa ako nag-travel :( Naiiinggit ako sa mga friend ko sa Fb na panay ang pamumundok at paglangoy pati pagliliwaliw. So next year, top 3 yan sa bucket list ko :D

*Buy new laptop - see Sa sobrang busy ko sa lovelife nun, pati laptop ko na nagpapapalit na, di ko napansin haha

*OOTD mirror - hahaha alam ko hindi ito ang tawag dito pero ganun ko siya tawagin. Yung pang whole body. Di kasi ako makabili dahil baka mabasag, maraming makukulit na aso sa bahay namin haha. But this year. Lalaban na din ako sa OOTD in front of that mirror xD

*Be fit & healthy - sino bang ayaw? Taon taon nalang diba? Hahah pero next year binabalak ko sumali sa Mona Solis Fitness Challenge. Hmm..

*Makapag Out of the country - ipagpupursige ko ?to.

*Buy guitar ? Marunong ako pero basic lang kaya ayoko bumili kasi baka ma-stock lang. Pero since single na ako, marami na akong oras para pag-aralan ?to :D

*Matutong mag motor - Gusto ko lang hahaha

*Bumili ng motor - syempre need ko muna matuto bago ako bumili hahaha

*Vlogging Camera - Para kapag travel may magagandang picture si mayora :D

So far, ayan ang mga plans ko next year, In God's guidance, I declare na matutupad lahat yan :D

Share yours, sorry napahaba hahaha


« Last Edit: December 05, 2017, 03:31:18 pm by Ms. Undecided »
Live each day as if it is your last ♥

nessy

  • the drama queen
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 401
Re: What are your plans for 2018?
« Reply #1 on: December 06, 2017, 06:41:17 am »
Diploma- i-push ang online education. Matagal ko ng gusto ko kaso di natutuloy kase iba ang priority ko these past few years.

Certification- Six Sigma training gustong guto ko talaga kahit maumpisahan lang yung Yellow Belt keri na.

Mutual funds- Mag- invest dito kesa savings sa bank mas mataas ang interest.

Pay-off debt- Kelangan talaga ito para makapg ipon ng maayos.

Be healthy- push ko ang herbalife kase nahinto ako these last few months. Di ako bumabata kaya kelanga ko alagaan sarili ko.

Bike- Gusto ko talaga yung folding bike. Para maging healthy na rin hehe

Sa love life naman, hay naku! Di na ako magaaksaya ng panahon sa taong di naman ako kayang pahalagahan.

At saka, travel more!!!
Sure God created man before woman.  But then you always make a rough draft before the final masterpiece.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close