watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 51)  (Read 173197 times)

mommynin8

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #540 on: December 18, 2017, 12:38:45 pm »
Siya yung 17-year old na mukhang nagyayabang na 35-year-old-na-nagkukunwaring-magdedebut 👿

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #541 on: December 18, 2017, 03:05:13 pm »
Keber ko talaga sa pictorial sa Malacanang pero kasi di ako makapaniwala na debutante yun e. Yun lang naman issue ko haha.

Maalala ko pala yung Cathy Valencia (skin car specialist) ba single yun? Alam ko nabasa ko na dati na benefactor daw yun ni Deither Ocampo pero dedma lang. Tapos recently nabalita na niregaluhan daw si Diet ng bahay ata or car, di ko matandaan kung alin sa 2.

marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #542 on: December 18, 2017, 04:30:05 pm »
Si diether mahilig talaga sa cars madalas ko siya makita sa car shows suplado hehe. Akala ko nga naka-based na siya abroad.

MS_JanDel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #543 on: December 18, 2017, 04:43:34 pm »
Keber ko talaga sa pictorial sa Malacanang pero kasi di ako makapaniwala na debutante yun e. Yun lang naman issue ko haha.

HAHAHAHAAHAHHAAH!!!Hindi ba siya mukhang 18 sis?? Per mature na nga siya, siguro kasi maarte masyado kaya nagmumukhang matanda.. HAHAHAAH

marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #544 on: December 18, 2017, 08:11:29 pm »
yes mukha mga maarte siguro sa make up kaya nagmukhang matured. I checked her IG panay travel abroad din. Now ko lang nalaman na muslim pala ang mommy niya. Mas nagagandahan ako
kay Kitty.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #545 on: December 18, 2017, 09:24:22 pm »
Kikay din si Kitty pero alam mong batang bata hindi pamature effect

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #546 on: December 18, 2017, 11:01:21 pm »
Nagmadaling magdalaga yung Isabella.

Re Diet and Cathy V alam ko din nasa abroad na si Diet pero di pa din pala namamatay ang issue sa kanila.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #547 on: December 18, 2017, 11:30:05 pm »
Walang issue sa Malacanang. Yung mga netizens naman sobra maka-comment na ganito at ganyan. Hindi lang mga Duterte nagpa-pictorial sa palasyo. Mga Aquino din naman. Si Leni nga, pati yung Yoga instructor me picture sa office nya. Now, kung sa apperance ng apo, yun pa siguro pwede.

patchiislove

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #548 on: December 19, 2017, 11:54:07 am »
^ Pinalaki na lang nila yun issue, hinaluan na lang din ng politika ... pati age ni isabelle, malaking issue sa kanila?  15 or 17? kaloka! hindi pwede typo error ? :D

https://www.raissarobles.com/2017/12/17/how-old-is-isabelle-duterte/

Gaysha

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #549 on: December 19, 2017, 02:19:03 pm »
^^So true. Mas Toxic kasi ang politics dito. Super partisan at daming opinion ng bawat isa satin. Not much respect on the opinion of others and tend to resort to personal attacks, in order to ram their beliefs on others. Anyway, pinalaki talaga. It's nothing really kasi meron pa ngang Malaca?ang weddings like in FVR time, kinasal kay Lloyd Samartino yung anak nya. Si Kris din sari sari ginawa nyan sa Malaca?ang nung panahon ni  Cory. Meron pa nga na nagsuntukan si Richard Gomez at Robin or Gabby near Cory's private quarters.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #550 on: December 19, 2017, 02:21:29 pm »
^I also remember yung pag gamit ni Kris ng helicopter ng Gobyerno.  ;D

fleurdelys

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #551 on: December 19, 2017, 02:46:05 pm »
ang problema kasi, sabi nila sa kampanya, mahirap lang sila, natutulog na nakakulambo, tumatanggap ng donasyon sa mahirap na bata, tapos yun pala may ganyan kadaming PERA?
Kung libre man yun, anong kapalit? Bawal yun kasi parang bribery yun.

MS_JanDel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #552 on: December 19, 2017, 03:24:29 pm »
^TRUE sis and sabi nila "CHANGE IS COMING", so supposedly dapat iba sila sa dating mga first family. Kaya naging issue kasi super baliktad nung pinalabas nila nung campaign period. And besides, I'm pretty sure na kung anak ni Leni ang gumawa niyan, umuusok na ilong ng mga bloggers ngayon. So what the Duterte family is experiencing is only a reflection of what their supporters are doing to the "dilawans". Gantihan lang yan.

And I agree na mas pretty si Kitty at hindi siya pa-famous. Natutuwa nga ako dati sa IG niya, yung sa mga videos. Hindi din siya maluho unlike Isabelle.

Anyways, kawawa lang yung mga bata kasi nadadawit sa mga ganito, sobrang dumi na kasi ng politics sa atin. Damay damay na.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #553 on: December 19, 2017, 03:56:57 pm »
Ah talaga nagkaroon ng suntukan incident sa Malacanang before? Bakit?

******

^^Isa pa yan sa pinagmaktol ng mga tao. Extreme display of grandiosity din kasi. Kung yun ngang mga artista naba-bash kapag pinagmamalaki yung mga katas ng pinaghirapan nila ano pa kaya yung ganyan na pinaghihinalaan na sangkot sa droga ang ama. And yes di dapat tumanggap ng mga pabor/regalo/bigay ang pulitiko kasi di malayong humingi ng kapalit ang nagbigay.

mommynin8

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #554 on: December 19, 2017, 04:28:20 pm »
^ Pinalaki na lang nila yun issue, hinaluan na lang din ng politika ... pati age ni isabelle, malaking issue sa kanila?  15 or 17? kaloka! hindi pwede typo error ? :D

https://www.raissarobles.com/2017/12/17/how-old-is-isabelle-duterte/

Si Raissa Robles yung naglabas ng ?wrong age? ni Isabelle Duterte - https://www.raissarobles.com/2017/12/17/how-old-is-isabelle-duterte/.  According to her, ?If the city government website is correct, then I suspect that the recent Palace pictorial and her ?debut? next year are really intended to launch her career as a movie star.?

patchiislove

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #555 on: December 19, 2017, 05:30:02 pm »
^ naku sis, waley ako sinabi na si Raissa Robles ang naglabas ng wrong age ni Isabelle, ang pino-point out ko lang is pati yun age niya ay issue sa kanila? Keber kung ano totoong age niya 15 or 17? According to who? Sa post ni Isabelle sa twitter na she?s 17 or sa post sa govt website and indicating na shes 15 pa lang? the fact na open book ang buhay nila, hindi naman siguro magpost si isabelle ng wrong information about herself? Or maybe typo error yun nakapost sa govt website na pinatulan naman ni Raissa Robles. Alin ang totoo di ba?

Nang dahil debut pictorial na yan andami lumabas na issue. Parang hindi din ba ginawa ng mga family ng mga past admin? Tsssk

sunday01

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #556 on: December 19, 2017, 05:43:26 pm »
I am glad umamin Si Miho sa kanyang pagpaparetoke naging honest siya at derecho sumagot. Di kamukha ni Arci lahat ng palusot  gagawin na kesyo di siya mahilig sa social media  kulang nalang pandilatan ang nagtatanong sa  Kanya. Okay na kasi yun mukha niya ayun di nasatisfy kaya embes na maenhance naging disaster. Kaya ang mga tao di siya tinitigilan.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #557 on: December 19, 2017, 06:58:56 pm »
I'm so disappointed kay Duterte isa rin sya sa wala rin naman significant na nagawa maingay lang wala naman gawa. Kahit supporter nya ako nun hindi ako bulag hindi katulad ng mga die hard supporter nya walang gamot sa mga taong nagbulagbulagan at nagbibingibinghan.

marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #558 on: December 19, 2017, 07:36:56 pm »
ang bilis makarecover ni miho. Kasi nung bench fashion show lang di pa siya retokada nun and hindi pa siya maputi nun. Si Xander ford halata pa din stitches kahit takpan ng make up Siguro masyado kasing rapid ang changes sa kanya kaya mabilis nahalata at pinag-usapan. Unlike ibang artist na gradual ang changes kaya hindi nahahalata.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #559 on: December 19, 2017, 09:13:37 pm »
Na curious ako mga sis, bakit kaya dinelete ni Georgina Wilson yung picture niya with their group?

May masama ba dun sa pic na nasa FP?


 

Latest Stories

Load More Stories
Close