watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 51)  (Read 173396 times)

simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #480 on: December 13, 2017, 12:15:42 am »
Curious Lang

Saab magalona- sikat ba siya bukod sa anak ni ano at kapatid nila ano me nagawa ba siyang significant sa industry?

Saab is in an indie band called Cheats. Ang alam ko may iba pa syang banda prior to that. And blogger din sya since early 2000s

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #481 on: December 13, 2017, 12:22:36 am »
^Mukhang di lang mata and ilong. Total overhaul ginawa. Ibang tao na kinalabasan. Mukhang lumaklak ng gluta at nagbabad sa glutadrip sa puti. Nagpa-skinpeel din siguro kasi ambilis ng pagputi niya.

tischarmedlife

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #482 on: December 13, 2017, 01:12:38 am »
Nagulat nga ako sa transformation ni Miho. I liked her a lot nung PBB days nya. Pretty and charming na sya kaso anyare? Parang bukod sa mata at ilong, nagabawas din sya ng jaw?  Dati mejo pangahan sya, ngayon di na. Sila pa ba ni Tommy?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #483 on: December 13, 2017, 01:58:48 am »
^Matagal na silang break

pandalicious

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #484 on: December 13, 2017, 08:39:35 am »
For me mas may dating yung dating mukha ni miho. Yes maganda naman siya ngayon pero parang nawalan ng charm, naging kamukha niya pa si jackie rice :P

brandi

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #485 on: December 13, 2017, 09:01:35 am »
Baka akala ni Miho hindi siya maganda kasi napapalibutan siya ng mga naliligo din sa gluta at nasa environment siya na may standard ang beauty kaya kaliwa't kanan din ang surgery. Hindi niya alam or na realize na yung beauty niya ang mag stand out dahil exotic at pinay beauty. Parang si vina morales, ang ganda ganda pagka morena niya, ngayon ang puti na.  :'(

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #486 on: December 13, 2017, 09:15:17 am »
According nga sa interview niya na-boost daw confidence level niya ngayon so baka nga insecure siya kaya nagparetoke siya. Need niya na magrenew ng passport baka ma-hold siya sa immigration dahil ibang-iba na talaga mukha niya. Sobrang nakakapanibago.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #487 on: December 13, 2017, 09:32:10 am »
Sayang yung dati nyang mukha. Hindi naman magandang-maganda pero lalong hindi naman pangit. Parehas nga sila ng beauty ni Maja Salvador eh. Baka lalo siyang mawalan ng chance sa Showbiz nyan.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #488 on: December 13, 2017, 09:39:40 am »
Hindi ako nagagandahan kay Miho kahit dati pa tapos ngayon ang weird naman ng tingin ko sa kanya kasi ang layo talaga ng face niya sa dati. Hindi ako sanay talaga.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #489 on: December 13, 2017, 11:26:47 am »
IMO there's nothing wrong mag pa enchance as in improvement lang talaga pero overhaul or ibang mukha na naiisip ko lang sobrang low esteem sila as hindi nila mahal kung anong meron sila or sarili nila lalo na kung ok naman ang mukha nila dati at hindi naman talaga sobrang pangit. Isa pa sa over surgery habang tumatagal nagiging magkakamukha na sila.

patchiislove

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #490 on: December 13, 2017, 11:36:40 am »
Agree, ibang iba talaga aura ni Miho ngayon parang wala ng bakas ng dati niyang itsura. Kung ano man reason dahilan ng pagpaparetoke niya either as a career move or to boost her self confidence, good luck na lang sa mga magiging project niya.

Parang si Arci Munoz lang din, maganda naman na siya before but still hindi sila makuntento kung ano meron sila. Naweirdohan ako sa lips niya kapag nakikita ko siya ... lol  ;D

omneecka

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #491 on: December 13, 2017, 01:12:54 pm »
i wonder ano naging initial reaction ni aimi (tama ba spelling?), yung anak nya na smart. nakilala kaya agad sya? as in iba na kasi itsura nya. palit mukha nangyari.

lesters_gal

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #492 on: December 13, 2017, 07:08:23 pm »
Pero hindi naman awkward tingnan si Aiai and her husband unlike kay Vicki and Hayden na kitang-kita na yung agwat ng edad. Haha

Pogi kasi si Hayden. Lol

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #493 on: December 13, 2017, 11:02:27 pm »
Ano kaya ang effect sa bata kapag ang mama mo nagpalit na ng mukha na hindi mo na makilala?

iampennylane

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #494 on: December 14, 2017, 02:40:46 am »
Di ko din nakilala si Miho! Nagagandahan na ako sa kanya dati, saka yung kulay nya pantay, ang ganda, ngayon wala na magkakamukha na silang lahat :D


marge070407

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #495 on: December 14, 2017, 03:20:38 am »
kamukha na ni Miho yung anak ni jessa at dingdong.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #496 on: December 14, 2017, 01:54:34 pm »
Nananawagan si Ai Ai baka daw may nakakita sa Papal Medal niya na suot niya nung kasal niya. Bakit kasi magsusuot ng Papal Medal sa kasal?

And what?s the big deal kung marunong maghugas ng dishes si Gretchen B? Hindi naman siya pinanganak na super rich di ba?!

simang

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #497 on: December 14, 2017, 04:21:30 pm »
Di ko din nakilala si Miho! Nagagandahan na ako sa kanya dati, saka yung kulay nya pantay, ang ganda, ngayon wala na magkakamukha na silang lahat :D

Same thoughts, yung mukha ni Miho may edge, not the usual pretty pero may character yung mukha nya. Then ngayon, wala, naging typical na, kamukha na sya ng lahat.

janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #498 on: December 14, 2017, 11:11:12 pm »
^^ Nasa LA luna pala sya noon.. Hindi na unique ang mukha, yung tipong madali na lang kalimutan ang face.

Hiwalay na ba sila ng bf?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 51)
« Reply #499 on: December 14, 2017, 11:47:05 pm »
^Si Miho ba sis? Oo hiwalay na sila ni Tommy.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close