Author Topic: Mga Haggard na Wifey  (Read 11532 times)

hedonista

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #40 on: October 28, 2017, 01:04:55 am »
Hello All
Ang dami nang reply. At kaka-log in ko lang ulit dito sa sobrang busy.

I will take the suggestions and everything na tingin ko kaya ko naman. Maraming responses na may mga di ko narealize kasi nga naoverwhelm ako. So delegation is mostly the top response. Dont sweat the small stuff  din - I just bought a book yung Omnibus ng Dont Sweat. Helped me a lot this last 2 weeks.

I am re-reading other responses para makasunod ako sa story ng ilan lalo na nung kay lonely_dad -- hope everything goes well for him and that his situation gets better.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #41 on: October 28, 2017, 03:40:30 pm »
^Mga Sis, lahat naman tayo outlet ang GT, pero kasi sa totoo lang ang rampant ng hate posts ni lonely_dad about his life, wife and kids, so mas ok ata i-acknowledge at i call out sya, lalong lalo na maski dito sa threads na pang babae nagpaparticipate sya only to badmouth his wife and kids, kesa hayaan lang everyday ganon ang posts nya, na parang he hates his life so much and his family. Parang more of mas nakakatulong pa nga na "pansinin" sya kesa naman ganon na sya ka devastated tapos kebs lang tayo diba? Anyways opinion ko lang naman 'to. And ni Sis hushhush.  ;)

lonely_dad I hope maging maayos na sitwasyon mo/nyo one way or another. Madami-dami na din nagadvise sayo and it seems na sarado ka naman lagi ka may sagot and may pang block sa opinions ng iba, sabagay di ka naman talaga nagpapatulong, so I guess gusto mo nga lang din talaga ilabas sama ng loob mo. I wish you well.


hushush

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #42 on: October 28, 2017, 05:15:36 pm »
Life is too short. Kanina lang nakareceive ako ng news na inatake sa puso yung kababata namin. Napakabata pa nya para mamatay @age of 34 (mas bata sya sakin ng 2yrs). Kung may taning na ang buhay ko, maswerte pa ako at may time pa ako and much more na need ko iresolve ang probs ko at imbes na rants against my love ones e araw araw kong ipapakita sa kanila ang pagmamahal ko kesa panay masasakit na salita or hinanakit.. Atsaka kung totoo mang may taning na buhay ko eh mas mag-eexert ako ng effort magpagamot at baka sakali naman na ma-extend ang buhay ko para sa mga anak ko..

Yun pagtatanim din kasi ng galit, sama ng loob or hinanakit din kasi ang dahilan bakit tayo nagkakasakit... Nangyari yan sa Nanay ko lately, nagkasakit sya for 3weeks nang malala, never pa sya nagkasakit nang ganun eversince dahil alaga sya sa kinakain at nag-eexercise. Though never pa sya naospital sa tanang buhay nya @age of 60..Pano kasi ay panay galit sya sa kapatid ko at di sila nagkakaunawaan, so ginawa ko kahit ayaw ko makisawsaw sa gulo nila ay nagkusa ako at kinausap ko Nanay ko dahil napapansin ko na lumalala na ang alitan nila..inexplain ko yun side ng ate ko kahit alam kong di sya makikinig kasi alam kong mataas ang pride nya at sya palagi ang tama (ganon naman talaga ang mga matatanda).... Pero guess what, para syang biglang natauhan at bigla syang lumambot at nagpakumbaba. Nagkabati sila ng ate ko at bigla syang sumigla dahil naging masaya na sya at nabunutan ng tinik sa dibdib.. Panay pasalamat sakin ang ate ko kasi ako daw naging daan at nagkabati sila..ako naman ay hindi rin makapaniwala na nakinig sya sakin.. :)

OT. I know..Just a realization. :)

airish_2

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #43 on: October 28, 2017, 06:37:08 pm »
I agree sis, yung sama ng loob nakakacause din yan ng sakit. Ako kasi pag may sama ng loob sinasabi ko vinovoice out ko hindi yung bahala na tatahimik na lang sa gilid. Motto ko kasi yung 'it's now or never'. Siguro relate pa rin ito sa thread nakakahaggard ang may sama ng loob 😂 Kaya kalma lang at kaya tayo may boses para gamitin at ilabas ang saloobin natin 'wag ikimkim lahat.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #44 on: October 28, 2017, 06:49:32 pm »
^Lalo na kung i-voice out mo sa tamang platform or pinaka the best sa tamang tao that can help you out, or resolve the matter. Or else futile. :D

---------------
Mabalik sa thread, another solution pala para makaiwas sa kahaggard-an aside from being genuinely happy and taking care of yourself physically, eh yung mga supplements that can literally help you maging blooming, i.e. Vitamin E, fish oils, glutha and collagen tablet/drinks. For those na sa tingin nila kailangan na talaga ng tulong, CONSULT YOUR PHYSICIAN FIRST OF COURSE.

hushush

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #45 on: October 28, 2017, 06:51:24 pm »
^ang style ko naman sis kapag may sama ako ng loob sa husband ko ay di ko muna bino-voice out agad agad. Lalo na kung sa skype ko lang ioopen yun issue. Pinag-iisipan ko muna kung worth bang pag-usapan or sabihin sa kanya. Pag after few days ganun pa rin ako masama pa rin loob eh saka ko na inoopen sa kanya. May time na 1wk di ko sya kinakausap pag tumatawag sa phone dahil baka kung ano lang ang masabi kong di maganda. Iba kasi ang actual na lumalabas sa bibig ko minsan kesa sa isinusulat ko hehe. :D :D :D

Shadow Angel

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #46 on: October 28, 2017, 10:04:58 pm »
Kahit happy tayo sa buhay may mga moments talaga na nakakahaggard. Lalo na pag busy. Masarap at masaya ang may baby pero minsan talaga pareho kami exhausted ni hubby.

cupcakejane

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #47 on: October 29, 2017, 01:29:39 am »
Share ko lang, I used to be haggardo versoza (corny! ;) ) , then my husband did something that pushed me to challenge myself. I lose weight, got a new hair color and highlights, and recently got a totally new haircut.  I'm gearing towards younger looking outfits too.  wala lang, it pays to pay attention sa looks natin :)

^ And true, take supplements.  For the longest time I have been feeling tired all the time.  And taking vitamin b, iron supplements, helped big time.
« Last Edit: November 16, 2017, 08:59:50 pm by cupcakejane »

rannastillero

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #48 on: November 06, 2017, 06:04:21 pm »
Mommy for 7 years here,
Working for 9 hours sa umaga,  full time mom sa gabi at madaling araw.
byenan ko yung nagaasikaso sa baby ko pagkauwe nya from school kc nasa work kame both.
4 am gigising na ako para magluto ng breakfast,
5 am gigisingin ko na si baby to eat,
6 am papaliguan ko na at aayusan,
6;30 am ihahatid ko na sa school.
7 am gigisingin ko na si hubby for breakfast
8 am maliligo na  at magaayos para sa pagpasok sa office
8:30 papasok na sa office with hubby.
9 to 6 working hours
pag uwe sa bahay magluluto ng dinner magliligpit 10pm na makakatulog
Nakakapagod at losyang diba?
pero dahil masaya ako sa ginagawa ko kahit nakakapagod pa, palagi pa rin akong nakasmile every day kaya siguro kahit na malapit ng mawala age ko sa calendaryo feeling ko ang ganda ganda ko pa rin hahaha.

Me and my husband loves to sleep, yes sat and sunday mas bet naming matulog kesa gumala, we go out naman pero mga ilang hours lang yun. then balik sa kama hilata ulit.
Day off ko nga pala sa gawaing bahay ang sat and sun, nag papalaundry na lang din ako.
every weekends bahala na si hubby magisip at gumawa ng pagkain, pero madalas takeout ahahha.

Compliments from my husband and colleagues helps a lot. sobrang confident ako na maganda pa rin ako.  always think positive girls. we are beautiful inside and out.

AnneMP

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #49 on: November 15, 2017, 07:43:27 am »
I am haggard inside but I  try my best that it doesn't show on the outside. 

We don't have a maid for almost three years now.  Ever since my daughter is big enough to be a little more independent, we didn't contact the agency for helpers any more.  My husband does all the cooking and laundry.  I do the dishes etc plus making sure my daughter is not failing in school.  Nakaka haggard pa rin but not as much if pinabayaan lang ako ng husband ko to be in-charge of all the things to do around the house.

shinies

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #50 on: November 16, 2017, 12:01:56 pm »
lonely_dad, alam ko outlet mo ang GT kaso gaya ng sabi ko dati nung kakajoin mo lang, mas maiintidihan at matutulungan ka ng mga tao dito kung masasabi mo buong storya niyo.
Sorry to hear about your sickness.. Kung sasabihin mo yan kay misis, baka maging silver lining na magkaayos kayo kahit pano?



On topic, sa akin nakatulong yung "don't sweat the small stuff" and "art of wapakels" ::)
For health pursposes, kailangan din anti-stress akaya kahit na pagod, shift mindset na lang.

Hindi kami nagvivitamins pwera na lang kung ireseta ng doctor (sobrang minsan lang pag may kung anong sakit tapos ilang linggo lang). Sabi din kasi sa amin ng doctor, basta balanced ang diet, di kailangan vitamins. Sabi din ng kakilala namin sa pharmaceuticals companies na marketing ad lang yun ???

Nakakatulong din yung magayos pero mabilis lang gawin. Eto mga tips nakuha ko dun sa mga busy wife pero mukhang hindi naman:
Haircut-feminine na easy to maintain tipong shampoo airdry pwede na ;D
Makeup-yung mga dual-purpose at easy application
Clothing-mga tela na ok lang di plantsahin hahaha! Feminine but comfortable cuts ganon
Shoes-comfort footwear brands feminine din naman

free0910

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #51 on: February 01, 2018, 03:45:09 am »
I have four kids at ang age range nila is 7, 5, 3, and 1 (Please don't judge  ;D) So maha-haggard at mahahaggard talaga. 

-I have dark eyebags kakapuyat dahil sa work at pagasikaso
-Laging nakapony. Rough and frizzy ang hair
-Tipid time pag maliligo, in 10 to 15 minutes tapos na.  ;D
- No time for facial products and lotion kaya rough ang skin.
-Minsan gusto ko magpaspa and salon pero wala talaga akong time.

Hati naman kami ng trabaho sa bahay ng hubby ko since home based freelancer din sya. So sya sa nagluluto. Yung house help namin yung sa ibang chores and pagasikaso sa mga bata. Tapos ako I run the errands, bayad bills, grocery, asikaso ng mga papers. And then ako nagaalaga sa 3 yr old and 1 year ko kasi breastfed sila. Hay. Nagagalit yung mga in-laws ko kasi bakit daw makalat bahay namin, dapat daw maglaan ako ng panahon sa chores. Ha! Easy for them to say kasi puro mga tambay sila. I have a full time work at kahit may yaya ako ang kinukulit ng mga kids. So I prioritize and I don't sweat the small stuff na lang.

-pwedeng ihuli ang hugasan kasi hindi naman mawawala sa lababo yan LOL  :P
-since naglalaro ang mga bata sa bedrooms the whole day, I only clean it before they go to sleep.
-I ask my children nicely if they can help. Sumusunod naman sila. They clean up after themselves minsan :)
-pag di makapagluto, bili na lang ng ulam sa labas or takeout food.
-yung mga damit na hindi ko maitupi, I put it in a basket. And then I'll fold it pag may time na.
-My family always comes first.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #52 on: February 01, 2018, 03:42:20 pm »
^kudos!  :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #53 on: February 05, 2018, 11:43:25 am »
I am a full time working mom to a 7 year old girl and we've not had a yaya for the past 4 years. Buhay pa naman kameng mag asawa hahaha. I credit it to time management and my husband's full participation in household chores (including caring for our daughter).

Sabe nila, you can't love anyone else fully unless you love yourself. At madame akong self love :D I love taking care of myself because I don't expect anyone to do that for me. I allot time to workout every day for at least 30 minutes -- this is so important for me not just to stay fit but also to  keep my skin healthy and to give me happy hormones.

Other things are:

1. Sleep -- matakaw ako sa sleep; dibale ng magutom ako wag lang kulang sa sleep
2. Water -- I drink about 4-5 liters of water per day. I think this is why a lot of people say I look much younger than my age
3. Skincare -- I get monthly peels and facials
4. Time management -- even with a full time job and no yaya, I can still make time for myself and my friends. nakakalabas pa din ako and I even join bootcamps on Sundays. My husband is very cooperative and hands on sa house chores and our daughter kaya malaking bagay talaga to

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #54 on: February 06, 2018, 09:00:34 am »
I have a four year old son and a full time mom. I get overwhelmed with all the things that needs to get done. Pero reading this thread, nainspire ako to see other moms na mas madaming anak pero super cool lang.

I like to fix myself especially pag lumalabas and I am glad that my husband gives me time to do that. Siya na magbibihis sa bata pag aalis kaming tatlo para may time ako mag mag ayos.

Para di masyadong haggard, i take care of my skin. I dont have a perfect skin and i dont have time for facial cleaning. Pero I do use facial brush, BHA, jade roller para medyo maging glowing ang skin kahit pano.


Kapag naaalala ko din, i spritz cologne at bed time and napapa smile naman ako pag sinasabi ni husband na ambango ko daw.😊

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #55 on: February 06, 2018, 04:04:14 pm »
Not yet a mom, pero it works for me so might work for those na di naman nag breastfeed and wala health concern, vitamin e capsule, collagen tablet or powder, glutha capsules and vitamin c and fish oil. In a week ang fresh ko agad.  :)

hushush

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #56 on: February 06, 2018, 05:48:29 pm »
^ waw andami mo pala tinetake na supplements.. Ako tamad magtake ng vitamins. Magtake lang ako ng gamot oag may sakit hehe!
Atsaka lumalakas kasi kain ko pag nagba-vitamins ako kaya ayaw ko magsupplement.. :)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #57 on: February 06, 2018, 06:27:54 pm »
^haha sis hushush not at the moment, in fact wala ako tinetake ngayon. Puro natural lang like lemon water sa umaga, or apple cider vinegar sa gabi.

Ginagawa ko yan pag umuuwe ako sa Pinas ng bakasyon dahil araw araw puyat, pagod, inom and kain. :D
« Last Edit: February 06, 2018, 06:30:13 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

cupcakejane

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #58 on: February 09, 2018, 06:26:39 pm »
^ I do agree with taking supplements.  Even without the gluta drip that I'm a fan of, my skin is not so bad parin.

preciousjulia

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #59 on: March 16, 2018, 12:22:44 pm »
Haggard na wifey? Akong ako to ngayon..end of the week + monthly period + doing some status report sa office + sleep deprivation = i need my sanity back!  >:(
But having my adorable baby when I get home later  + my ever supportive and loving hubby who makes  me kulit and lambing = one happy mommy and wifey. Yun na lang nilu-look forward ko para kahit papano bumalik energy ko plus weekend is family bonding. Lakas maka-energize pag kasama ko yung family ko.
Sa house chores naman may helper naman kami so hindi masyadong overwhelming ang trabaho and like ibang sissies dito kung ano lang din matapos kong gawain sa bahay ok na muna yun.
Masaya na kong hinahayaan ako ni hubby mag shower ng matagal tagal pag nandyan sya para sya mag-alaga kay baby, tapos massage din nya ko minsan pag hindi sya pagod.
Wala din kasi time para lumabas para magpa-salon o spa and concern ko din kasi yung budget.
Sa savings na lang kung may extra and kung hindi pa naman kailangan na kailangan magpa-salon.
Isa pang pampatanggal stress ko is mag coffee habang kwentuhan kami ni hubby kahit sa house lang o kaya grocery or simpleng stroll lang. Ayain ko lang si hubby and ikot ikot lang kami around the city.
And I agree na most helpfull advice dito is "don't sweat the small stuff".  ;) ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close