Author Topic: Mga Haggard na Wifey  (Read 11566 times)

sherolf

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #20 on: October 24, 2017, 04:00:56 pm »
Ganyan din ako nong una sis. Naiinis ako pag makalat sa bahay, feeling mo walang paki mga kasama mo, pero ikaw pagod ka na at wala ka pang time sa sarili mo. Kaya sinubukan ko di gano pagurin sarili ko, kung ano lang matapos ko. Di naman nagrereklamo si hubby, kaya ayon, di ako stress. Good thing kay hubby, di mareklamo sa ulam at bahay.

lonely_dad

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #21 on: October 25, 2017, 07:55:47 am »
To Lonely_dad nasabi mo na ba sa kaniya yan in a nice way? Paano niya malalaman kung hindi mo sasabihin atleast tell her what you feel, baka naman pagalit ka pag sinabi mo sa kaniya anyway OT na 😊

mahirap makipagtalo sa taong feeling laging tama kaya silent treatment na lang ako  ::)

^^What's your relationship like in front of the kids?

normal naman except no intimacy

lonely_dad

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #22 on: October 25, 2017, 08:00:33 am »
Naiinis ako pag makalat sa bahay, feeling mo walang paki mga kasama mo, pero ikaw pagod ka na at wala ka pang time sa sarili mo.

ganyan nararamdaman ko pag nasa bahay

Shadow Angel

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #23 on: October 25, 2017, 08:03:09 am »
Nakakahaggard talaga pag may baby na ibang level. Sa baby pa lang ubos na time ko. Hindi ko inaalala mga linisin sa bahay dahil mastress lang ako kung ano lang makaya ko un lang ginagawa ko.

neenah

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #24 on: October 25, 2017, 11:57:07 am »
thank you sisses.. ilang beses na rin ipinayo yan sakin..
lower my standards talaga para malessen ang stress..

minsan ginagawa ko rin yan lalo na kapag hindi ko na talaga kaya at pagod na pagod na ako physically..
o kapag masama loob ko kay mister tinatamad talaga ako maglinis..
pero balik uli sa dati.. palagi ko naiisip magaaccumulate yung mga gawain ko kapag may nilagpasan ako..
or magaaccumulate yung dumi kapag hindi ko nilinis ng maayos.. paranoid lang..
i know medyo OA talaga ako..  how to let go ba? hahaha..
di ko kasi kayang dalasan ang pag let go dahil sa son kong ultimo floor mat eh sinusubo..  ;D
« Last Edit: October 25, 2017, 12:00:31 pm by neenah »

simang

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #25 on: October 25, 2017, 12:46:15 pm »
Lonely_dad reading from your other posts bakit parang gumive up ka na sa asawa mo. Ni ayaw mo na kausapin. Wala kayong intimacy. Nag uusap pa ba kayo at all?

lonely_dad

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #26 on: October 25, 2017, 12:50:25 pm »
@simang, oo kinakausap ako niyan pag me kelangan lang siya, or pag kelangan na magbayad ng tuition  ::)

anne071379

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #27 on: October 25, 2017, 03:00:36 pm »
Hi mga sis,

Struggle talaga to have time for yourself lalo na kung baby pa ang mga anak, walang helper, at hindi rin tumutulong ang husband mo.

Ganyan ang experience ko, except that I had my mother in law nung maliit pa ang panganay ko. She was a great help in watching my daughter while i do my own stuff (household duties, date with my friends and ME time).
 
Ngayon na andito na kami sa province at malayo na sa mother-in-law ko, we live naman with my parents. Dito na dumating ang bunso ko. Luckily my eldest is in school the whole day and my mom sometimes watches my youngest daughter pag meron akong pupuntahan which is mostly errands for our small business. My mom also doesn't realize how important it is for moms to have time for ourselves kasi old school pa ang mga moms natin, it that made sense.

TIPS INTO GETTING THAT EVASIVE "ME" TIME:


1) If you can afford a helper, get one maski part time lang.
2) Ask your in-laws to watch your kids for a while, after all mga apo naman nila yan, they will really take care of them.
3) Do something that you really love like pedicure / manicure, watch a movie, go to the salon and the like. Do this even at least 1 - 2x a month basta marecharge ka uli.
4) Do a hobby that you love like baking, books, cross stitching and the like.
5) Write down your thoughts. Pouring out your thoughts on a piece of paper helps in relieving stress levels. There is no one to edit what you say on that paper maski bad words pa lahat yan or full of exclamation points. Then you have the option to tear it afterwards or keep (careful lang na walang makakabasa). You can keep a journal or diary if you want and unleash that creative side in you.
6) Meet up with your friends. Have coffee or movie date or just eat out and chat for hours. Female friends are the best in supporting you and can understand what you're going through.
7) Watch a funny movie at home. Laughter relieves that tension not just on your neck, but also in your mind.
8) Exercise. Household chores are not part of this exercise. Go to the gym, attend zumba classes o yoga sessions if you have the budget. For those with tight budget, running is free as well as exercise videos in YouTube.

Bottomline, just really FIND TIME to go out and DO something that you think will refresh your mind. Your mom or mother-in-law or other people may not understand what you're going through and the importance of "ME" time, but just do it anyway. It doesn't have to be fancy, expensive or it would take too much of your time. Spend at least 2 hours by yourself or with your trusted friend as long as this would make your mood better so you can fulfill your wifey and motherly duties once again.


meowskitty07

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #28 on: October 25, 2017, 05:40:28 pm »
nakakatulong kapag si hubby aware na iba na ngayon na hindi kaya ng mga babae na magtrabaho, maging ina, maging kasambahay at butihing asawa at the same time. wag nyo ko ijudge mga sis. feeling ko kasi yan ang dahilan kung bakit nagkakacancer yung mom ko dahil kinakaya nya lahat. shempre hanga ako sa kanya pero hindi kailangan gawin natin lahat para mapatunayan mabuti tayong ina or asawa :)

simang

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #29 on: October 25, 2017, 08:38:54 pm »
@simang, oo kinakausap ako niyan pag me kelangan lang siya, or pag kelangan na magbayad ng tuition  ::)

Sana marinig din namin ang side ng wife mo.. idk but i don't there's any point in the marriage kung ni sumubok na makipag usap eh ayaw mo na

kvandenhaak

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #30 on: October 25, 2017, 09:46:34 pm »
Mas haggard ako nung kami pa ng ex ko, as in. Ang taba ko, ang pangit ko...as in ang tanda kong tingnan. When I moved out, nagpapayat ako, mas relax ako kahit ako lahat gumagawa, everyone noticed I looked younger and fresher. As in sobrang liberating being just by myself where I can do whatever I want.

Going back to the topic. Just don't sweat the small stuff. It's the period of adjustment but eventually you will get your groove back.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #31 on: October 26, 2017, 04:00:46 pm »
lonely_dad Grabe syaaaa, lahat ng thread puro sama ng loob posts mo Kuya haha! Anubey! Bugbog na si Wife and kids mo dito sa GT, judged na sila without them knowing.  :'( Di na kayo masaya, di ka masaya, ewan kung masaya wife mo and kids, Im sure hinde, why stay? Maghiwalay nalang kayo. Madaming separated na mas sumasaya pa and nawowork out naman sitwasyon with the kids, try mo, regalo mo na sa sarili mo, since mukang sukang suka na sa marriage mo especially sa wife mo.  ;D

-----

Anyways, we have no kids pa so ewan kung may say ako dito but Im a wife already, based abroad no helper lahat ng chores kami plus 12 hrs mostly nasa work, or byahe papunta and pauwe with 1 day off, and Im always made up, and dolled up lalo na kung may lakad. Sinusundo ako around 7:15, wakes up at 6 AM, shower and bihis, make up, fix my hair hanggang umalis, coffee lang sa work, or bread, pastries, oats for breakfast, pero IF + 2MAD ako so less hassle sa food preps.

- kailangan talaga tag team, kanya kanyang toka, swerte ako napakasipag and loving ng asawa ko
- kumuha ng helper, kung di afford, mag allot talaga ng time gawin mga gusto and kailangan to pamper oneself ke DIY yan, isama mo na date nights, ask someone to look after the kid/s
- tama yung iba sa lower your standards, kung ano lang kaya iaccomplish wag papressure
- don't sweat the small stuff, wag masyado OC
- kung di kaya magluto daily, padeliver or bili sa labas
- kung di kaya maglaba, magpalaba or laundromats uso na din dyan
- magplantsa lang ng uniform ng kids and husband, ako personally clothes ko di na kailangan
   plantsahin or hire a weekend lady to do that
- maglinis lang once a week habang tulog pa/na kids when you are well rested
- kumuha ng service para di na maghatid sundo sa mga bata

Wala din kami plano mag-anak ng madami, I guess maximum na 2, less stress sa pera, sa pagod, sa time. Mas tahimik pa, and minimum 4-5 yrs gap sana.
« Last Edit: October 26, 2017, 04:24:20 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

jelai424

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #32 on: October 26, 2017, 04:36:57 pm »
I am sorry, but this is quite out of topic, what is TS?

sherolf

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #33 on: October 26, 2017, 04:36:20 pm »
^sis true ang DIY na pagpamper sa sarili. Hair mask, affordable body scrub, paglabas ng CR feeling ko na-recharge ako. Malaking tulong na din, na-train ko paunti onte mga anak ko magluto at maghugas ng plato.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #34 on: October 26, 2017, 05:03:33 pm »
I am sorry, but this is quite out of topic, what is TS?

Not sure, pero sa tingin ko Thread Starter hehe.

hushush

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #35 on: October 26, 2017, 05:34:57 pm »
lonely_dad Grabe syaaaa, lahat ng thread puro sama ng loob posts mo Kuya haha! Anubey! Bugbog na si Wife and kids mo dito sa GT, judged na sila without them knowing.  :'( Di na kayo masaya, di ka masaya, ewan kung masaya wife mo and kids, Im sure hinde, why stay? Maghiwalay nalang kayo. Madaming separated na mas sumasaya pa and nawowork out naman sitwasyon with the kids, try mo, regalo mo na sa sarili mo, since mukang sukang suka na sa marriage mo especially sa wife mo

I totally agree with you sis Rory. Akala ko ako lang ang nakakapansin. Matagal ko na nga din gusto ganyanin si lonely_dad eh but im still giving him chance na maayos yun situation nya.. Pero sa pagkakatanda ko ay february (or earlier) pa sya huma-hanash ng ganyan. At halos karamihan naman ng GTalkers dito nagbigay na ng advice sa kanya. But seems like wala naman ienexecute..O parang gusto lang nya magplay victim.. So ano ba talaga ang purpose mo at andito ka sir lonely_dad?

Makes me wonder, nagpunta ka na ba sa thread forum like tipidpc.com wherein puro barako ang mga contributors.. Try mo sir para makakuha ka ng mas "objective" na advices. Kung palaging ganyan kasi nababasa namin about your wife, unfair din talaga at kahit siguro sino would want to hear the other side of the coin.. Atsaka to be honest, nakakaumay na din po.. :)

Ano kaya kung yung misis mo din nagsasalita ng ganyan against you, ano kaya ang mararamdaman mo? just a thought.. :)

lonely_dad

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #36 on: October 26, 2017, 10:46:20 pm »
lonely_dad Grabe syaaaa, lahat ng thread puro sama ng loob posts mo Kuya haha! Anubey! Bugbog na si Wife and kids mo dito sa GT, judged na sila without them knowing.  :'( Di na kayo masaya, di ka masaya, ewan kung masaya wife mo and kids, Im sure hinde, why stay? Maghiwalay nalang kayo. Madaming separated na mas sumasaya pa and nawowork out naman sitwasyon with the kids, try mo, regalo mo na sa sarili mo, since mukang sukang suka na sa marriage mo especially sa wife mo.  ;D

di na kelangan mag hiwalay kasi di na rin ako magtatagal sa mundong ito. di ko rin sinasabi sa kanila me karamdaman ako. pag di na ako nagpopost dito alam nyo na siguro kung ano nangyari sakin
sorry if meron na offend sa inyo, nilalabas ko lang yung sama ng loob ko.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #37 on: October 27, 2017, 02:51:43 am »
^Uy, nagtampo tuloy sya. Uy, don't hurt yourself. Parang meron kang gagawing hindi maganda.

Naglalabas lang sya ng hinaing. Mahirap din naman kasi yung walang outlet. Baka depressed sya.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #38 on: October 27, 2017, 10:26:23 am »
@lonely dad ako rin dito sa GT outlet ko mapahappy or sad moments ko kaya I know isa to sa outlet mo.

angeljolie

  • Guest
Re: Mga Haggard na Wifey
« Reply #39 on: October 27, 2017, 11:21:01 am »
lonely_dad bakit di mo sabihin sa kanila na may sakit ka? Malay mo kelangan lang pala ng eye opener ng asawa mo.  Saka kung mawawala ka din pala ng maaga, better prepare your kids (sorry kung morbid!).  They deserve the truth about your health and your relationship with their mom.  Baka mas maging happy kayo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close