Hello sis hedonista!! I feel you sis. Ganyan din ako 2-3yrs ago. I have 2 kids na magkasunod ang edad at baterya pa ang ugali (girl at boy).indi magkasundo.pag magkasama lagi nagbabangayan. Minsan nagsasakitan. Nagsasabunutan. Nagsusuntukan. Nag-aagawan ng toys at food..Name it hehe..

kaibahan lang natin fulltime ako.. Ganun din ako indi na nakakatingin sa mirror nuon. Laging may pimples. Sobrang itim ng balat dahil laging naiinitan sa paghahatid-sundo sa anak. Anglayo kasi ng skul ng panganay ko nuon at i cant drive hehe

.may kasambahay naman ako nuon pero stay out . ayoko din kasi ng stay in. Nadala na ako nuon na may matagal kami naging kasambahay then parang mas malapit pa mga anak ko sa kasambahay dahil syempre mabait. Ako naman istrikto sa kanila. kaya ayaw ko may kasambahay as much as possible..
One of the challenges i faced bukod sa being far from my husband, depression, sadness, etc ay yung speech delay nung panganay ko. Pina-therapy ko sya at yun hassle talaga hindi biro lalo na pag maulan then sa QC pa kami nanggagaling after his class at yun therapy center nasa Antipolo. Kumusta naman yun? Wala naman kasi sila weekend sked kaya need tyagain.. Less than 1yr lang naman yun therapy kasi tinutor ko din sya sa bahay or while nagbabyahe i taught him lot of things. Basta i never missed the chance na maturuan o matulungan sya na mag-improve ang speech nya. At pati pala ang behavior sis kasali sa problema ko nuon sa kanya dahil indi sya naexpose sa mga tao since infant e nagkaprob sya sa socialization and everything..dami prob aa behavior nya..anglaking problema promise! Haha! Very stressful kasi araw araw ko talaga na goal ay matulungan syang mag-improve.

ang consolation ko na lang ay wala ako prob sa academics sya at achiever sya lagi though may speech problem sya.
Malaking gastos din talaga ang therapy. Bukod sa mamahaling TF din kasi special ang school nya at nahirapan akong ipasok sya sa regular/traditional school. Awa ng Dyos, that problem ended so far, one of our in-laws helped us na maipasok sa regular school ang anak ko though questionnable ang behavior, najustify ko kumbakit sya ganun. So natanggap sya dahil magaling sya sa academics then after 1year anlaki ng improvement nya. Sobrang madaldal na, very friendly at higit sa lahat nag-eexcel sa academics. 6yo din sya sis, tho may episodes pa din ng kakulitan at katigasan ng ulo eh manageable naman. Big help na sa Catholic school ko sya ipinasok dahil iniiterate ang values sa kanila..paulit-ulit yan. Ilang subjects nila mayron about values..kundi ba naman bumabait-bait ang bata hehe...
2 years na ako wala kasambahay ngayon kasi lapit lang skul. At pede ko ibilin mga bata sa in-laws ko if need ko iwan sila..
With regards to being haggard, kapag nasa school yun magkapatid ay rumarampa ako. Magbibihis ako, magmo-mall.. ME time ba hehe. Then isasabay ko na ang errands, grocery, bank transactions, bills, etc then 3pm dapat nasa skul na ako para sumundo. Kaya lang di ako makanuod ng movie sa cinema.pero oks na ako dun.importante wala na ako masyado problema sa mga bata..
Once a year nagtatravel/ family vacation kami para magkasama-sama kaming buong family.. Saka pag nahahalata na ng asawa ko na depressed ako or need na talaga ng vacation ay pinagbabakasyon nya kami mag-iina. Ineexcuse ko na lang sa school ang mga anak ko.pero natataon naman na foundation week or xmas season kaya timing naman.

Hindi ako mahilig magmake-up or mag-ayos ng hair, lagi lang nakapuyod. Bumibili lang ako ng headband na medyo kikay para bumata-bata ng konte hehe..then trinkets, mga bling bling hehe..sa pananamit naman, simple lang din, sa Baclaran ako namimili para mura at makakapakyaw pa ako like leggings at blouses, mas mura kung pakyaw hehe. Para makasunod din sa usong getup ngayon hehe.

Hindi din ako mahilig magpa-pedi or manicure kasi lagi ak naghuhugas ng plato. Saka i always wear sneakers pag umaalis para indi umitim sa init ng araw ang feet ko..

then when it comes to weight, yan ang never ko pinababayaan. Early this year i started my weighloss regime then nagsucceed naman ako at more on maintenance na lang ako ngayon.
Ayaw na ayaw ko nang tumaba ulit kaya panay IF lang ako or fruit diet or no-rice diet..Designer bags lang ang bisyo ko lately pero indi ako bumibili ng uber mahal. On sale items at bangers ako sa good deals/outlet items sa legit at authentic seller sa fb. Sa isang seller lang ako nakikipagtransact kasi proven na authentic ang goods nya. At affordable. At hassle-free.. Ang daldal ko hehe..

paminsan-minsan nakikipag-geto sa old friends or old officemates.. Ok na ako na walang kabarkada. Less hassle, less conflict, walang chismisan, walang payabangan o pabonggahan like before..

Kung ikukumpara ko tsura ko ngayon, i can say na may improvement na ako,mas mukhang babae na tignan hehe.. unlike nuon na talagang matabang-mataba, tapos laging tshirt ang suot hehe

Ang masasabi ko lang sis, maoovercome mo din yan probs mo. Ipagdasal mo lang lagi.. Atsaka minsan need mo talaga mag-observe, mag-analyze at magresearch kung ano ang root cause at solution sa prob mo.. At minsan din you need to take drastic measures or execution to solve your prob..

Yun mga nanay natin minsan need lang na may kumausap na ibang tao para matauhan at magtino.. Ganyan din kasi ang nanay ko tulad sa nanay mo. But that's another story..
