watch now

Author Topic: Is it worth it?  (Read 9119 times)

three8one

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #20 on: October 18, 2017, 12:58:37 pm »
wala naman problema magkaroon ng ka relasyon na ofw o seaman. wala ring problema kung ldr. ang problema eh yung commitment ng bawat isa. kung hindi nasusunod yun maraming area ang naaapektuhan. wag mong sisihin kung ldr kayo. kasi kung mali ang ldr wala ka sanang mababalitaan man lang na naging successful ang relasyon kahit ldr.

amethyst028

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #21 on: October 18, 2017, 02:33:22 pm »
@Ts get a life you enjoy. Learn a new skill, get a hobby, expand your social circle meet new people. Mag gym ka, get a masters degree. Anything to get your mind off of him. If you really want it to work.

I?m in the same situation as you now. My bf had a lot of projects he needs to complete until the end of the year. We rarely communicate kasi pagod na siya at the end of the day, pag weekends pumapasok pa din siya sa office. I see him twice a month na lang then kasama pa palagi yung anak niya na 6yrs. Old so most of his attention goes to the kid.

I can?t do it anymore so i told him that he needs to let me go. Ang sa akin, i don?t want to stay kasi madaming guys out there na magbibigay sakin ng oras bakit ako mag tiya-tiyaga sa kanya. He already accepted his life na ganyan talaga wala na siya pwede gawin about it so it?s up to me to stay or leave.

Be confident. Don?t settle for someone who can?t make you happy. A relationship is suppose to be give and take. Lots of compromise. Hindi pwede parati ikaw lang mag give ng mag give or parati umintinde sa kanya. And don?t expct him to change, kung ano issue mo sa kanya in the beginnig yan pa rin palagi niyo pag aawayan.

angeljolie

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #22 on: October 18, 2017, 04:36:18 pm »
^I agree. Kung anong issue mo sa una, yun ang magiging persistent na issue. And I agree you should broaden your horizons. Don't make him the center of your life.

You can't ask someone to change his life for you. I mean of course you can, but you don't expect him to oblige. So, pag isipan mo mabuti kung kaya mo tanggapin yung issues mo sa kanya.

Kung ang worry mo yung wala ka na makikilalang iba, try online dating. Hehe. Madami ka makikilala. Overwhelming actually.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #23 on: October 18, 2017, 08:42:31 pm »
@mysterioza_me same pala tayo sis.. sana nga maging kagaya nyo rin kami.. siguro nga hindi pa ako sanay sa ganito...
Halos pareho tayo sis kaya naka-relate ako sa issues mo.

Lahat sila may point sa sinabi nila. Hit or missed ang ldr relationship since hindi joke ang commitment and effort ang dapat ibuhos. If you think ldr is a dealbreaker for you when having a relationship dapat itigil mo na, baka nagsasayang ka lang ng oras. But if you think you can survive naman then go, just learn to love and accept the fact na ganyan talaga ang magiging buhay ninyo. Saka sis hindi lahat ng nag-aabroad babaero.

fall2pieces

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #24 on: October 22, 2017, 07:33:33 am »
I know, hindi lahat babaero.. I know din na ganon talaga yung sitwasyon at ganon na talaga magiging sitwasyon namin in the future. Confused between being me committed to him but still keeping my options open.. right now I'm confused if I'm willing to continue. Maybe I'll just wait and see before I make a decision..

amethyst028

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #25 on: October 22, 2017, 01:53:37 pm »
^while waiting why don?t you focus on being the best version of yourself sis. Get the life you?ve always dream of having, that way you will feel so much better and happier.  You won?t notice when he doesn?t have time for you.

I do this and kahit na ilang beses nako makipag break ayaw pa rin ako hiwalayan ng bf ko. A relationship is not suppose to make you happy. It is not your partner?s job to make you happy. Sabi nga ?happiness is an inside job?.

Life is too short to wait for someone to give you the time of day. Get busy living your life. If he is there then good, if not good pa din. You?ll be okay no matter what.

fall2pieces

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #26 on: October 23, 2017, 10:49:26 am »

Be confident. Don?t settle for someone who can?t make you happy. A relationship is suppose to be give and take. Lots of compromise. Hindi pwede parati ikaw lang mag give ng mag give or parati umintinde sa kanya. And don?t expct him to change, kung ano issue mo sa kanya in the beginnig yan pa rin palagi niyo pag aawayan.

I've compromised things for him and I'm willing to compromise for him but sya hindi ko alam kung willing sya especially with his job. Kahit mag-update lang sya about his everyday life ayaw nya kasi hindi daw pala sya sanay ng ganun.

fall2pieces

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #27 on: October 23, 2017, 10:53:24 am »
^while waiting why don?t you focus on being the best version of yourself sis. Get the life you?ve always dream of having, that way you will feel so much better and happier.  You won?t notice when he doesn?t have time for you.

I do this and kahit na ilang beses nako makipag break ayaw pa rin ako hiwalayan ng bf ko. A relationship is not suppose to make you happy. It is not your partner?s job to make you happy. Sabi nga ?happiness is an inside job?.

Life is too short to wait for someone to give you the time of day. Get busy living your life. If he is there then good, if not good pa din. You?ll be okay no matter what.

Thank you sis.. Life is indeed short for someone who won't bother with his time & effort for me.. Hindi ko kasi maimagine na ganoon sya ka-busy as in walang time... Lahat naman tayo may idle time no matter how busy.. Kung kaya nyang i-seen yung messages ko why not reply it won't take 5 minutes to do it.

angeljolie

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #28 on: October 23, 2017, 11:09:32 am »
^Oh so he's putting you on "seen zone" pala? Now that's a different story. How often does he do it to you?

fall2pieces

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #29 on: October 23, 2017, 11:16:47 am »
Minsan seenzoned nya lang messages ko kasi seenzoned lang daw magagawa nya kasi busy sa work.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #30 on: October 23, 2017, 11:31:40 am »
^Sis  totoo yan and most of the time we don?t understand bakit na-seen lang pero di man lang naka-reply maski ?hello?. My sister is a cruise ship crew and may instances na kapag magmessage kami seenzoned lang niya. She explained kasi na intermittent ang signal, nabasa niya but they are having trouble sending replies lalo na kapag nasa laot sila. Or most of the time pagod na pagod na siya para makipagkwentuhan pa via pm?s kaya at later time na siya magrereply. Because of unstable signal connection she can?t make a call. Mahal din naman if maglong distance siya. Ang importante hindi siya nakakalimot.

Nasa sa iyo sis kung matatagalan mo ang ganyan na sitwasyon na hindi every day at hindi every hour ang update ng bf mo. If you think you can?t and as early as now issue na siya for you then you have to cut your relationship na.

fall2pieces

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #31 on: October 23, 2017, 11:38:05 am »
Does you BF seenzone you? Hindi ko lang talaga ma-imagine yung day-to-day nya sa work at hindi nya kayang magreply. Nakikita ko naman syang nakaonline minutes ago lang. Kaya minsan ayaw kong magoopen ng messenger kasi naprapraning lang ako katitingin ng last online nya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #32 on: October 23, 2017, 03:01:14 pm »
^Ako sis na si-seenzoned ng bf ko hehe. Nakikita ko nabasa niya pero di siya agad magrereply lalo na kapag working hours. Magrereply siya after shift niya na or madalas kapag nakahiga na siya sa kama. Minsan nakakatulugan na lang din niya na magka-pm kami. Ako naman ang nasa work kapag oras na ng sleep niya. Madalas din na si-seenzoned ko siya lalo na kapag naalimpungatan lang ako sa pagtulog. Babasahin ko lang message niya then balik sleep na ako. Masisira kasi sleep ko kapah nagreply ako. Magrereply lang ako kapag nasa byahe na ako papuntang work or nasa work na ako mismo. Madalas nga nalilimutan ko pa mag-pm sa kanya na nasa work na ako. Ganito set up namin pero alam ko na mahal ko siya at mahal niya ako.

Magpaka-busy ka din sis para di mo siya lagi naiisip.

fall2pieces

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #33 on: October 24, 2017, 04:50:18 pm »
^ Oo nga sis.. siguro nga dapat libangin ko sarili ko kapag di kami magkausap, para hindi ako nagiisip ng kung ano ano. Sabi nya naseseen nga lang daw nya pero di sya makareply kasi walang signal.. Siguro konting pasensya pa at adjustment sa part ko...
Kasi minsan, akala ko hindi talaga sya nagrereply kahit online sya. 

Pareho yata tayo ng set-up sis, pag-off nya, ako naman papasok na ng work.. So matutulog na sya, gigising pa lang ako.

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #34 on: October 28, 2017, 03:45:09 pm »
Medyo medyo relate lang ako.hindi naman kami LDR, asa province siya 2-3 hours away from Manila. Since September umuwi na siya dun dahil endo siya. 4 years na kami bukas, pero mag-usap kami mamaya, baka tapusin na namin. Ang lungkot. Di ko alam paano ako magsisimula. Sinagot ko kasi siya before andito siya sa Manila,dito siya nag-college tapos nagkakilala kaming nung graduating na ako. Dalawa nanligaw sakin nun, parehas ko sila gusto Taga-Laguna tas ito ngang taga Nueva Ecija, sinagot ko yung bf ko ngayon since malapit siya sa akin kasi nga andito siya sa Manila magwowork that time kahit mas bet ko yung taga Laguna, kasi kilala ko sarili ko, mahina ako sa ganyang bagay, di ko kaya na malayo sakin ang bf ko :( pero as time goes by sobrang minahal ko ?tong bf ko na ?to. Super opposite kami, pero sabi nila diba opposite attracts. Nagkaroon kami ng issue before parang emotional cheating siya sa akin. Taga province yung girl. We fixed things, pero ngayon na andun na siya, madalas na away namin.

Can?t blame me, malapit nalang siya dun sa babaeng naging dahilan kaya nagkalamat ang relasyon namin. Wala siayang work pero di na siya makapaglaan ng oras para makapagtxt kami ng matagal. Magttx kami pero maya maya ssbihin niya inaantok na siya :( Everytime na nagagalit ako, wala nalang sa kanya. Lalo pa ngayon, pinagkakaabalahan niya yung motor niya. Sabi ko nga msaya naman siya dun at masaya ako na masaya siya pero ang sakit lang sakin, ang sakit na hindi ko siya mabitawan kasi di ko alam kung paano ako magsisimula :( Dati kapag galit ako nakakandarapa na yan tawagan ako, ngayon hindi na :( Hindi ko alam paano magsisimula kapag naghiwalay na kami :(( napapagod na ako kakaisip

Girltalker2

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #35 on: October 28, 2017, 05:12:28 pm »
^ eh sis before kayo nagkakilala may life ka naman without him di ba?

Right now parang ganun din naman at lagi wala sya sa Tabi mo. Parang label Lang na bf mo sya, pero sa kwento mo parang di rin naman nya magampanan expectations mo. So pareho lang din.

Kung kayo o hindi, he is not there for you. Yun nga lang, feeling mo lang may bf ka pero di Karin naman masaya.

So if wala ka bf, you know naman siguro mamuhay like before. You had your studies before. Now you have your job naman so you can go out with friends and enjoy 'me' time.
Dami puede gawin pag heart broken. Esp Kung may work ka. Parlor, salon, shopping, before u know it, nakalimutan mo na sya.

Ako kasi personally I don't believe in ldr. Pag naghihikahos na ang relationship kasi bumitiw ang Isa, tapos ldr pa, feeling ko there's no hope to revive it. Kesa magsayang ng oras, if I have a choice, (ie Not married naman), walang sabi sabi, I will definitely walk out.

« Last Edit: October 28, 2017, 05:16:25 pm by Girltalker2 »

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #36 on: October 28, 2017, 05:34:33 pm »
Bago ko siya nakilala, may bf ako for 3 years kaso OTR kami that time. NAg-cool off kami then nung nakilala ko ?tong bf ko now, tinapos ko na yung relationship namin ng bf ko that time.

Yun na na nga mahirap, wala ako malapitan. Kapag mag-isa ako nalulungkot lang ako, naiisip ko na siya sana kasama ko :( pakiramdam ko nababaliw na ako. Lalo pa na naiisip kong wala siyang pake kahit na nag-iiiyak at nasasaktan na ako :(

Girltalker2

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #37 on: October 28, 2017, 07:19:22 pm »
Bago ko siya nakilala, may bf ako for 3 years kaso OTR kami that time. NAg-cool off kami then nung nakilala ko ?tong bf ko now, tinapos ko na yung relationship namin ng bf ko that time.

So are you saying di mo kaya mabuhay pag walang bf?
Others survive naman or even happier without a bf. So that means, something is wrong with you and This is your chance to reflect on how YoY can improve on yourself without being too needy to find a bf.


Yun na na nga mahirap, wala ako malapitan. Kapag mag-isa ako nalulungkot lang ako, naiisip ko na siya sana kasama ko :( pakiramdam ko nababaliw na ako. Lalo pa na naiisip kong wala siyang pake kahit na nag-iiiyak at nasasaktan na ako :(

Di ba ngayon ito na Yung situation?
So kahit na may bf ka o wala, same din naman. Di ba Mas mabuti pa wala kayo ng bf mo para less expectations. Tapos kung may mameet ka pa na better guy, mas free ka pa at walang sabit.

amethyst028

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #38 on: October 28, 2017, 11:59:02 pm »
^^sorry to hear that sis. Pero you need to let him go. Sa ngayon hindi niya na appreciate yung worth mo siguro kasi alam niya lagi ka lang andiyan. When you remove yourself from the situation baka maisip niya na mahalaga ka sa kanya and he needs to pay more attention to what matters to him most which is you. Pabayaan mo na lang muna siya. Kasi kahit ituloy mo tapos ganyan naman lagi ka lang malungkot or umiiyak what?s the point?

Take this opportunity para improve mo sarili mo. Gawin mo yung mga hindi mo magawa before. Gawa ka ng bucket list, then check them off one by one. Find yourself again, get a new lease in life. Think of it as a new beginning not an ending.

There?s a life after a failed relationship you just need to be strong. Think of all the negative things your bf did and his negative traits para mas mabilis ka maka move on.


Shadow Angel

  • Guest
Re: Is it worth it?
« Reply #39 on: October 29, 2017, 12:32:33 am »
Tutal lahat ng payo nila tama magtatanong na lang ako baka mapaisip ka rin. TS 5 months pa lang kayo hindi mo na kaya lalo pa pagtagal or maging asawa mo na? Tama ba ako pagkaintindi hindi pakayo nag kikita so bf chatmate mo? Hmm bakit naman parang super attached ka kung minsan lang kayo magkausap hindi pa kayo nagkakasama mahal mo ba talaga or gusto mo lang na may so called bf? Kung kausap or kakiligan sa text ang hanap mo mukha hindi tamang tao nakuha mo. Besides ikaw may sabi iba ang gusto mo pag nagpamilya ka someone na makakasama mo. So bakit ka nagtitiis? Hwag mo ng patagalin pareho lang ang sakit ng break up matagal man o hindi. Hindi mo dapat ireason ang age mo sa paghahanap ng new bf or kasama sa buhay. Madami pang iba akala mo lang wala na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close