watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 50)  (Read 87270 times)

Aftergl0w

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #520 on: November 14, 2017, 09:39:33 pm »
Re Mariel De Leon wow she didn't even place in Miss International. In my observation lang naman, maraming ayaw sa kanya because she's too opinionated and outspoken in Twitter and not in a  neutral lets-just-promote-peace-and-understanding kind of way, which most people want and expect from beauty queens. I mean okay lang naman if you have an advocacy or stance against certain issues but her tone sort of left a bad taste on the mouth.

ArfMeow0101

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #521 on: November 14, 2017, 09:54:01 pm »
Late reaction na ko pero super duper ganda ng wedding ni anne and erwan!  :) It makes you want to get married as well. Very raw yung feelings, it reflects on their pictures. Ang gandaaaaa po ni Anne! Simpleng dyosa sya  ;D

Re: Jessy, obvious naman na loner sya nung kasal kasi yung mga pics nya, sila lang ni luis ang magkasama  ;D Wala man lang ni isa na nakimingle sya sa ibang guest. Siguro awkward rin kasi andun yung ex ng present bf and karamihan dun eh friends kay Angel. Dapat kasi di na lang sya nageexplain sa ig sa mga bashers. Lalo tuloy syang dinudumog.


janachen

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #522 on: November 14, 2017, 10:18:14 pm »
yup masyadong opinionated..pero wala naman akong masasabi sa kanya. Ganun talaga ang contest.

Anyway, si yael sobrang tawa ako ng tawa. SI Anne nga daw kasi super kuripot, namana nya siguro sa nanay na Ilokana. Hehe  Kaya ganoon siguro ang wedding super simple. Gumastos naman pero hindi 'yong bonggang bongga.

Kaya din siguro pinili sa NZ para iwas media, mas ok at mas solemn nga naman.


Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #524 on: November 14, 2017, 11:38:32 pm »
I think so. well I admire her for doing that kase it means hindi talaga sya nagtotolerate ng bashing and bullying. While yung kabilang side di ko nakita na sinaway nya yung manrich143 ig account na mademonyo na pag uutak kase mula kay heart, asawa, anak ni chiz, nanay tatay kapatid, make up artists, at mga kaibigan nalait lait na ng nga tao sa likod mga account yun. di ako makapaniwala may ganung tao pala talaga. hangang anit, paa, sakong, likod, kuko, pe*pe* hindi pinatawad. hahaha.

re: jessy diba may close din sya dun, yung ex nya si Matteo. hahaha.
Si Angel iba din e, pinost lahat e groupie ouch yun kung nagstalk si jessy kase nga loner sya,

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #525 on: November 15, 2017, 12:01:47 am »
LOL, paano mo makikita eh hindi ka naman fan at pumupunta sa IG ni Marian? Tahimik lang kasi si Marian at never nagsalita against Heart and her followers pero pag may bashers na nag po post against Heart or any other celebrities sa IG niya, delete niya agad immediately, pati yung mga comments na nagtatanggol sa kanya. She does not tolerate it. Sinabihan din niya ang fans na huwag nang papatol at lagi lang good vibes. On the other hand, pag may nag ba bash kay Marian sa IG ni Heart ni la like pa niya and pina follow pa niya. She does not delete the bad comments against Marian, that is the main difference. Mahilig lang siya magparinig and mag play victim lagi. Pareho lang na may bashers on BOTH sides. Mas marami lang ang Marian fans kaya nagmumukhang pinagtutulugan siya kasi si Marian never nagparinig or nag pa interview about Heart, while siya puro parinig and pang po provoke.  With regards to manrich, hindi na niya control kung ano ang pino post ng supporters niya sa personal accounts niya. At may mga katulad din ni manrich sa camp ni Heart. Mas masahol pa nga kasi may kasamang death threats  pa even against little Zia. Hindi na niya kasalanan kung may mga pasaway na fans  like Manrich na di na lang tumulad sa kanya na tahimik lang.
« Last Edit: November 15, 2017, 12:05:24 am by miyam210 »

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #526 on: November 15, 2017, 12:00:37 am »
Si Marian lang naman ang nabalitang nagkulong at nagthreaten kay Heart.

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #527 on: November 15, 2017, 12:07:54 am »
Ang alam ko nabalita rin si Bela tapos recently diba Andrea Torres..

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #528 on: November 15, 2017, 12:17:34 am »
^yeah, I meant kay Heart.. Si Marian probably yung tinutukoy nya since siya lang naman yung nabalitang nagkulong kay Heart at sa iba pa. MO ni Marian yan eh. Haha

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #529 on: November 15, 2017, 12:17:10 am »
^Yung pagkulong issue ba sis? Yup si Marian nga tinutukoy niya. Pangalanan niya kasi hilig magparinig e obvious naman sino tinutukoy niya. Ewan ko sa 2 yan. Di ko bet si Marian pero mas walang credibility for me si Heart. Maski nanay niya inilalabas baho ng anak niya kaya paano ko paniniwalaan si Heart mismo.

For me gumastos din ng todo sila Anne. Simple ang kasal pero hindi tinipid. Mahal ng mga suppliers nila (TF pa lang ni Jason Magbanua baka wedding budget na ng ibang couple ang ibinayad nila) and mahal din sa New Zealand. Naghelicopter pa sila ni Erwan papunta sa venue habang nagcruise naman ang mga guests. May lahing Ilocana si Anne pero hindi siya nagkuripot sa kasalan na ito. Nagkataon lang na simple and laidback setup lang ang pinili nila kaya hindi naghuhumiyaw na ?expensive? ang event.

ArfMeow0101

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #530 on: November 15, 2017, 12:21:58 am »
Re: Marian, what's new dyan sa kulong issue. Assuming na sya nga talaga yun, andami na nyang nakulong ha?  ;D


foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #531 on: November 15, 2017, 12:27:29 am »
^^Hindi rin ako fan ng kahit sino sa kanilang dalawa pero mas hirap ako paniwalaan si Marian. Feeling ko bait-baitan lang yan eh. Positive-positive kuno. Sorry sa fans nya.  ;D

Matatapos pa kaya yang kacheapan ng fans nila?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #532 on: November 15, 2017, 01:08:11 am »
^May point ka din naman dyan sis pero ang di maganda sa ginawa ni heart inawat nga niya ang fans sa pagpatol sa mga bashers niya pero inungkat na naman niya ang ?kulungan? issue nila ni Marian. So umawat siya pero gumawa din siya ng panibagong issue na pagsisimulan ng pag-alma ng fantards ni Marian. Nagi-instigate talaga ng gulo statement niya.

Anyway, mabalik tayo sa issue,  sa totoo lang napakaconsistent ng kulungan kwento na yan ni Marian so posibleng totoo. But on the other hand kung totoo nga yan bakit hindi magsalita at magfile ng reklamo about dun ang victim kesa naman paulit-ulit na kinukwento sa socmed. Totoo ba na kinulong sila or nagjoin nalang sa bandwagon?!

Hindi na matatapos gulo ng 2 yan hangga?t may pumapatol. Magbati na kasi sila tutal parehas naman silang may abortion issue haha

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #533 on: November 15, 2017, 01:16:34 am »
^Yung kay Bela Padilla feeling ko totoo talaga yun kasi pati nanay ni Robin Padilla nagsalita about that issue eh.

http://www.pep.ph/news/26750/first-read-on-pep-eva-cario-padilla-tells-marian-riverato-apologize-to-her-granddaughter-bela-padill

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #534 on: November 15, 2017, 01:23:18 am »
^Ay yan sis naniniwala ako dyan, i think yan ang first instance na lumabas ang kulungan issues.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #535 on: November 15, 2017, 01:27:42 am »
Heart and marian. I dont like them both, pero parang imbento na lang yung kay heart na kinulong siya ni marian hehe.. feeling ko tinarayan siguro siya pero not to the point na kinulong siya kasi parang si marian naman eh bully lang sa mga baguhan or yung feeling niya eh mas angat siya. Eh si heart naman medyo pantay niya ng kasikatan 6 years ago since star magic si heart at mas matagal na nakilala siya bilang artista. Bongga nga yung welcome chenezz kay heart nun sa gma nung lumipat siya eh. Just my two cente hehe

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #536 on: November 15, 2017, 04:58:19 am »
Hindi na matatapos gulo ng 2 yan hangga?t may pumapatol. Magbati na kasi sila tutal parehas naman silang may abortion issue haha

May abortion issue dati si Marian and Heart?

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #537 on: November 15, 2017, 06:06:19 am »
Ang point ko lang diyan ay kung may problema siya sa bashers eh di pa trace na lang niya sa NBI at idemanda, at huwag nang idamay yung nananahimik na. Lagi na lang siyang nagpaparinig kaya di na matapos tapos ang away nila. Di naman lahat ng fans niya eh santa santita. Kaya nga nagsulputan ang mga katulad ni Manrich kasi sobra na ang pangaapi nila sa kalaban nila, di naman sila pinapatulan. And believe me, marami ding "manrich" sa side nila, mas grabe pa nga. Saan ka nakakita ng artistang walang bashers?

And bakit parang nadagdagan na ang version niya? Di ba nagpatawag pa nga siya ng press con ng mother niya, complete with lawyers, pero never na binanggit na kinulong kuno siya? Di ba sila pa nga ng nanay niya ang nanugod with goons and bodyguards sa airport kay Marian? Di ba pinagtatawanan pa nilang magkakaibigan si Marian dahil hindi magaling mag English pero sila naman ang high school dropouts? Di ba kaya nga naging "hack" ang nickname niya ay siniraan niya si Marian at inunsulto sa social media account niya tapos sinabi niya na na hack lang yun?  Kung may kasalanan talaga si Marian sa kanya, idemanda na lang niya, hindi yung puro pa victim at paawa effect pa siya. Sinasabihan niya fans niya na huwag pumatol pero siya itong ungkat nang ungkat sa version niya ng nakaraan, therefore, lalong tumatagal ang gulo.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #538 on: November 15, 2017, 06:08:59 am »
^Allegedly nagpa-abort daw ang 2 yan. May biruan nga na Urban Legend na sa showbiz ang abortion issue nilang 2. Kung natatandaan mo sis nung kakahiwalay lang ni K and DD nagkapilay yan si Marian. Ang totoo nagpa-abort daw at nagpilay-pilayan lang daw para maka-rest muna. Yan din yung time na tinanong si K if true ba na preggy si (or nagpa-abort) si Marian pero smile lang ng makahalugan ang sagot ni K. At nagwala si Marian dahil sa ngiti na yun.

Si Heart naman sabi ng pinsan ko makati pa daw sa higad, di daw mabubuhay ng walang lalake kaya kapag nagbreak sa bf may new bf agad. And yes pinaabort daw baby nila ni Echo and may mga sumunod pa daw dun.

Magbati na lang sila at magtayo ng foundation for unwed mothers para iwas abortion na. Choz.

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #539 on: November 15, 2017, 06:20:46 am »
May abortion issue dati si Marian and Heart?

Ang alam ko diyan eh nung pinagpalit siya ni DD kay Marian, natanong si Karylle sa talk show kung totoong buntis si Marian and nag smile lang siya as if to confirm na totoo, tapos nung hindi lumaki ang tiyan, na chismis na nag pa abort daw, which I do not think is true considering that mahilig si Marian sa kids and kung totoong siya ang patay na patay kay DD,eh di sana way na niya ito para di na makawala si DD. Ang totoo niyan, si DD ang unang nagka crush sa kanya. Last weekend lang sa speech niya pagtanggap ng award, sabi ni DD, "pinakasalan na niya ang crush niya". 2009 pa lang nagpatattoo na si DD ng MGD which stands for Marian Gracia Dantes sa leg niya, that means hinintay niya ng 5 years si Marian, not the other way around.

And hindi pa naman kasal or engaged si DD and Karylle noong time na iyon, so pwede pa talagang magbago ang isip. According to Direk Joyce, sinigurado muna ni Marian na hiwalay na sila bago siya nagpaligaw.  Kayo ba lahat ng naging bf ninyo nagkatuluyan? Alangan naman na pakasalan mo ang hindi mo mahal. 


 

Latest Stories

Load More Stories
Close