watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 50)  (Read 87342 times)

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #180 on: October 18, 2017, 04:34:49 am »
Kaya nga nagtataka ako pano kaya na-in love at natagalan ni Paul Soriano ang ganyang ugali ni Toni.  Siguro kung once or twice lang nachismis na ganyan sya, pwede pang sabihing hearsay.  Pero kung over the years persistent ang chismis, tapos ngayon may proof na on social media, I therefore conclude na may ugali nga si ate girl.  And it really says a lot about a person how she treats kasambahays and drivers, mga service people kahit sa labas.  Feeling naman nya kinaganda nya yun.

Nakita ko yung video na ginagaya ni Seve si Alex na sumasayaw.  Cute ni Seve pero nairita ako ng slight kay Alex papansin talga eh nasa labas pa naman sila nun.  Si Paul Soriano deadma lang nag-aasikaso yata ng kakainin nila haha.

Btw maganda ba yung movie nila ni Papa P?

kvandenhaak

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #181 on: October 18, 2017, 06:01:14 am »
Baka naman nung buntis or me sakit kasi sobrang off naman ata pati sapatos helper pa magsusuot?

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #182 on: October 18, 2017, 06:13:05 am »
as far as i know naman nag-salita naman ang kathniel about sa issue kay angel. and according to them di naman daw legit na kathniel fans yun nang-bash kay angel.baka ginamit lang daw si kath at DJ sa pang-babash and also nagcomment din si kath and DJ to stop the hate and spread love na lang daw .. 

Palusot.com they should verify from twitter account. :) Pinagtulungan si Angel dun. And when I check the account theyre legit kn fans. :) And it already happened nga sa PSY so dina bago.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #183 on: October 18, 2017, 07:14:32 am »
I never realized na madameng nega stories about Toni Gonzaga. Maldita ba sya? I find her funny in some of her movies particularly Amnesia Girl.

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #184 on: October 18, 2017, 07:15:36 am »
Napanood nyo ba yung bag raid ni Darla kay Toni sa YT? Ganyan din siya. Pati laman ng wallet dapat may nag aayos eh personal na gamit nya naman yun. Nung pinapanood ko yun feeling ko mapapagalitan talaga off cam yung taga ayos. Parang sobra na. Walang kamay? Sinusulit yung pinapasweldo?

Baka may ugali din si Direk Paul kaya magkasundo sila.

drag0nfly

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #185 on: October 18, 2017, 08:49:20 am »
^^Yup madaming sabi-sabi dati pa na hindi maganda ugali ni Toni.  Meron pa ngang binansag na nickname sa kanya sa FP before - Time Giver- kasi she intentionally gives the wrong call time to co-artistas para sila ma-late and sya lang on time, para bida sya.  Kaya mas gusto ko si Mariel kasi alam mong maldita talga harap-harapan.

^Or kung magiging ganyan sya ka-pampered ng mga yaya nya, sana treat them with respect.  Kris is well-loved by her household staff siguro kasi maayos mag-trato despite her kaartehan.

Baka nga same ugali sila ni Direk di lang natin alam.  Mukha kasing mabait si Paul. 

lilyofthevalley

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #186 on: October 18, 2017, 09:22:06 am »
^ kwento ng PA nila masyadong matipid sa food yang family nila Alex/Toni kaya pag nasa set sila, pinakakain siya doon ng ibang alalay ng  mga co-hosts kasi nga naawa sa kanya.  Kaya ayan floppey ang last movie ni Toni (with Piolo) at lalo na yung kay Alex (My Rebound Girl).

- (re:Xander) ang bagong strategy ngayon sa showbiz is to use kathniel to gain traction at yung marketing team behind them ay ang dapat i-pirate ng channel 7.

ms.tj

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #187 on: October 18, 2017, 09:26:35 am »
i have a friend who joined the voice.. pumasok sya sa blinds and he was very disappointed with toni g.. hinabol daw nila to have picture with her pero tinaguan daw sila..then they waited outside then after few minutes pinasbai daw sa PA na hindi na daw makakalabas si toni kasi nakatulog.. pero all praises naman sila kay alex kasi kabalikaran daw ni toni..super bubbly at makwento. maingay lang daw talaga.

ohcmon

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #188 on: October 18, 2017, 11:07:02 am »
Dati medyo torn ako sa mga nega stories kay Toni kasi kung napagtiisan siya ni Direk Paul for 7 years, baka naman may redeeming qualities siya. Pero consistent talaga mga kwento about her 'no? ;D

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #189 on: October 18, 2017, 11:41:37 am »
^^Yup madaming sabi-sabi dati pa na hindi maganda ugali ni Toni.  Meron pa ngang binansag na nickname sa kanya sa FP before - Time Giver- kasi she intentionally gives the wrong call time to co-artistas para sila ma-late and sya lang on time, para bida sya.  Kaya mas gusto ko si Mariel kasi alam mong maldita talga harap-harapan.

Omg, totoo ba yan? What a gross attitude.

 
Napanood nyo ba yung bag raid ni Darla kay Toni sa YT? Ganyan din siya. Pati laman ng wallet dapat may nag aayos eh personal na gamit nya naman yun. Nung pinapanood ko yun feeling ko mapapagalitan talaga off cam yung taga ayos. Parang sobra na. Walang kamay? Sinusulit yung pinapasweldo?

Hahah this is so funny. If this is true, napaka OA naman. Invalid ba sya? May kapansanan? Daig pa nya mga elite talaga. Kadiri ang ganyang attitude.

Miss Taken

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #190 on: October 18, 2017, 11:47:18 am »
Yung lolo ko fight scene director sa ABS CBN and GMA 7 before siya magretire at sabi naman niya saken mabait si Toni Gonzaga, magalang nga daw eh. Maybe because may edad na syempre yung lolo ko and director nila so baka iba ang trato niya?

Ang medyo pasaway daw si Andi Eigenmann.

At ang mabait talaga and very generous sina Piolo Pascual, Jericho and Jose of Eat Bulaga. Nung nahospital yung lolo ko naghelp sila sa financial and si Tirso Cruz naman dumalaw pa talaga :)
« Last Edit: October 18, 2017, 11:48:56 am by Miss Taken »

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #191 on: October 18, 2017, 12:14:56 pm »
Napanood nyo ba yung bag raid ni Darla kay Toni sa YT? Ganyan din siya. Pati laman ng wallet dapat may nag aayos eh personal na gamit nya naman yun. Nung pinapanood ko yun feeling ko mapapagalitan talaga off cam yung taga ayos. Parang sobra na. Walang kamay? Sinusulit yung pinapasweldo?

Baka may ugali din si Direk Paul kaya magkasundo sila.

Actually napanood ko din kay Angel Locsin and ganun din may taga ayos wallet nya. Assistant na daw bahala kahit pagpalit ng wallet. Dun naman sa tagasuot ng shoes mga sis normal lang yan sa mga shoots or backstage talagang most celebs pati shoes sinusuotan, yung iba nga may taga subo pa ng food while minimakeup-an

foxyhauteur

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #192 on: October 18, 2017, 12:27:32 pm »
Napanood ko din yung kay Angel Locsin pero yung pagkakasabi ni Toni iba yung dating. Parang indirectly pinapagalitan nya talaga. Iba-iba din yung sinasabi about her. Mabait madalas hindi. Pala utos pero hindi marunong mag thank you. Yung friend ko nagwork sa isang magazine before at mas mabait pa daw si Marian Rivera dito.

^wala naman siya sa shoot nung sinuot yung shoes (sabi nung iba medyas daw) sa kanya.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #193 on: October 18, 2017, 12:47:00 pm »
Napanood ko din yung video na sinusuotan si Toni ng katulong ng medyas o sapatos.

Nasa FP, nasa unahan nung vid ni alex na nilalaro si Seve.

Nasa bahay sila, wala sila sa shoot kaya medyo nakakainis tignan. Unless may sakit siya sa likod at hindi siya maka bend?

Taga taytay din ako and sabi nung tito ko na ka church nila eh mataray daw talaga si Toni.

Si Alex naman eh kaklase ng kapatid ko nung elementary at ang sabi ni bro eh talaga daw ganyan ka kulit si Alex/Catherine at mabait daw.

Halata naman sa mga vids ni Alex na mataray si Toni G., pero ngayon ko lang napanood na ultimo pala pagsasapatos niya eh kailangan katulong ang gumawa. Senyora lol.

To think hindi naman sila mayaman dati.

Sabagay ganyan daw ang ibang mahirap dati na yumaman, nagiging mapagmata at mayabang.

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #194 on: October 18, 2017, 12:50:15 pm »
Oh akala ko naman nasa shoot yun pala sa bahay lol

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #195 on: October 18, 2017, 12:51:09 pm »
Normal talaga pag sa shoot or pag may show ang inaayusan, binibihisan at sinusubuan habang mine-make up-an para mabilis kasi may time na hinahabol ang mga ganyan di ba. Kahit pag ang bride inaayusan ganyan din.

Pero yung kay toni, wala siyang shoot or show habang sinasapatusan/minemedyasan ng kasambahay. So talagang off tingnan kasi para naman siyang inutil na hindi kayang kumilos mag isa lol! Tanda tanda na eh nagpapasapatos pa. Doesn?t matter kung mayaman ka or afford mo mag yaya ng sandamakmak. Pang medieval ages ang ganyang pagtrato sa kasambahay.
« Last Edit: October 18, 2017, 01:19:56 pm by khaleesiCersei »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #196 on: October 18, 2017, 01:19:02 pm »
^True. Unless si Cersei ka from GOT, dun lang yata acceptable na bihisan ka or lagyan ka ng sapatos. I don't think the monarchs nowadays even do that hahaha

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #197 on: October 18, 2017, 01:59:48 pm »
http://www.fashionpulis.com/2017/10/alex-gonzaga-attempts-to-amuse.html

Susmiyo haha! May tagasuot pa talaga? Pero muka syang may sakit LOL, ampayat, amputla ang weak ng hitsura.  ;D

Miss Taken

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #198 on: October 18, 2017, 02:08:52 pm »
^ Stick thin talaga si Toni sis sa personal. Pero ever since iba din talaga tingin ko sa Gonzaga sisters especially sa ate. Sobrang bait lang siguro ni Paul kaya nag jive yung ugali nila.

ANJFinally

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 50)
« Reply #199 on: October 18, 2017, 02:08:56 pm »
OMG na off din ako sa attitude ni Toni, grabe pati pag sapatos?  :o Dati gusto ko sya, pero nung nakwento sakin ng kuya ko experience nya kay Toni, super mega turn offf ako. Kaloka si ate!

Anyway, my brother was a former fanney of Toni, lalo na nung tambalan nila ni Vhong. Kasi fan kuya ko ni Vhong Navarro, pero major major ang turn off nya kay Toni kasi na experience nya yung kamalditahan years ago.

OT Kwento: My brother was working before in Shangrila, sa isang optical shop and they carry luxury brands. Then nagpunta dun ang mag sisteret na Toni and Alex. Pagpasok palang na-excite kuya ko, kaso yung itsura daw ni Toni poker face. Kuya ko yung nag assist sakanila. Toni was looking for a certain brand ng sun glass, unfortunately hindi nila carried yung brand na yun. As a sales person, yung kuya ko nag offer ng brands nila, so todo sukat naman itong si Toni ng mga glasses. After magsukat, alam mo  yung flat affect daw itsura nya sabay sabi daw sa kuya ko "ANG PANGET, HINDI KO TYPE" sabay walk out daw ng wala man lang pasalamat. Hindi yun makalimutan ng kuya ko tapos kinuwento sakin.

Sabi pa ng kuya ko, who are we to judge? Malay natin baka pagod lang galing sa trabaho pero grabe sobrang na turn off sya kasi ibang iba daw yung nakikitang Toni sa TV na bubbly, tapos ganun ka off ang attitude sa personal.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close