watch now

Author Topic: BF's first sleepover  (Read 4224 times)

plumpolka

  • Guest
BF's first sleepover
« on: October 06, 2017, 03:55:52 pm »
my bf lives in qc and i live in paranaque and I consider us as LDR. this coming saturday may pupuntahan kaming bday party sa MOA area and need pumunta dun ng maaga. knowing him and his location, hindi sya makakarating on time + ipapagawa pa nya yung car nya so kotse ko gagamitin namin and ayoko din kasi magdrive mag isa papuntang moa.


so pinagpaalam ko sya sa mom ko na matutulog sa bahay fri night since aalis nga kami maaga ng sat. thank you messenger and hindi ko kailangan ipagpaalam ng personal. hahaha! sabi nya i-ask ko daw dad ko. so inask ko dad ko thru messenger din. HAHA! pero mga beshies, yung kaba ko sa pag-type, mga 30 mins ata bago ako nakapagsend. tapos nung nasend ko na gusto ko ipatay kasi baka magreply. HAHAHA! sabi naman ng tatay ko, pwede naman daw sya sa sofa, then sabi nya ask ko daw mama. haha so sinabi ko sa kanya, sabi ni mama itanong ko sa kanya. LOL.


natawa ako na ewan kasi in a world full of 'live in' like hello? its 2017 HAHA! heto ako, kabado na nagpaalam patulugin si bf sa bahay na hanggang sala lang din. im 27, turning 28 in 3 months. btw, ako pala nakakapag-sleepover naman kela bf. hindi na ako nagpapaalam sa kanila kung pwede basta sinasabi ko pag di ako uuwi at sa qc ako matutulog. pero i think eto i need to ask permission kasi kahit papano, bahay parin nila yun. nakakatawa na ewan talaga, 1st time nya makakatulog sa bahay finally! hirap din kasi back and forth from north to south!


kayo anong story nyo?  :)

kaythrielle

  • Guest
Re: BF's first sleepover
« Reply #1 on: October 12, 2017, 06:19:35 am »
Buti pumayag parents mo. Mine were very strict and super conservative, even in my 20s.
Magkalayo din kami ni then-bf (now hubby). Ako sa makati, sya sa laguna. Pero never sya nag-sleepover samin (and vice versa). Kahit past 12midnight na sya nasa amin, or umuulan, talagang kailangan nya umuwi pa rin sa kanila hehe

plumpolka

  • Guest
Re: BF's first sleepover
« Reply #2 on: October 12, 2017, 10:27:56 am »
^i think ayaw nila talaga ako payagan kaya nagturuan sila kung sino ang itatanong ko. kaso nagsabi naman na dad ko na pwede sa sofa so wala na bawian! hahaha!


siguro kahit anong age na natin, basta sa kanila parin tayo nakatira, mahirap magsleepover. sakin din nagsstay sya hanggang mga 2am pero uuwi parin kasi d pwede maabutan ng umaga na nasa bahay parin sya.
« Last Edit: October 12, 2017, 10:30:03 am by plumpolka »

ficklemind

  • Guest
Re: BF's first sleepover
« Reply #3 on: October 12, 2017, 05:33:02 pm »
my husband (then bf), we started dating in College. My very first sleepover sa bahay nila kasama friends.

Yung first sleepover ko sa kanila (technically), still in college, magkasama na kami sa room, magkatabi sa sahig, pero may kasamang kapatid sa room. Hinde ko na lang maalala kung sa room ng sister niya or sa room niya with his younger brother niya. Basta naging ganun na yung setup namin every sleepover. Either sister or brother kasama namin.

Pag si bf naman nakikitulog sa bahay, sa SALA siya kaya inaabot kaming 2 sa sala, pasikat na ang araw tska ako papasok sa kwarto  ;D

Nung working na kami,
Bahay ni BF - kami na lang sa room niya, basta make sure lang namin bago kami makatulog iunlock namin ang door  ;D
Bahay namin - sa room ko na si BF, ako nakikitulog sa room ng  parents or sister ko.


magkalayo din mga bahay namin, both parents ayaw na uuwi pag gabi na, mas delikado yun.

« Last Edit: October 12, 2017, 05:42:17 pm by ficklemind »

airish_2

  • Guest
Re: BF's first sleepover
« Reply #4 on: October 12, 2017, 06:34:36 pm »
Hindi ko alam kung tawag doon sleepover kasi umuuwi din ako pagkagising galing sa kanila. College kami nun, tapos noong working na ako nagbakasyon lahat sa family ko tapos ako lang naiwan sa bahay kasi may work nga ako hindi ako pinayagan mag leave. Si mama pa nagsuggest na patulugin si bf (now hubby) kasi delikado kung ako lang mag-isa tiwala naman si mama kaya kahit mangalabit si bf nun bawal haha! respeto na rin sa bahay ni mama at papa.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: BF's first sleepover
« Reply #5 on: October 13, 2017, 12:09:14 am »
Agree dun sa pag bahay ng parents kelangan pa rin sumunod sa rules nila kahit gano na tayo katanda. Out of respect na din. Tsaka ako kasi feeling ko in the eyes of my parents eh 12 years old pa rin ako para sa kanila lol! Pag nga umuuwi kami sa parents ko for holidays or special occassions, I don?t like doing sexy time dun haha! I find it weird and awkward. So tiis tiis muna siya hehe.

No pda din tsaka pag dun, i call him by his name unlike pag sa ibang lugar or pag dito sa bahay namin mismo, i call him by our term of endearment. Ewan ko ba hehe, kasi pag dun sa house ng parents ko at pag kasama relatives ko Mapang asar kasi mga tao dun, pag sweet sweetan, asar talo sa mga kamag anak at parents ko hehe.

TysLolakins

  • Guest
Re: BF's first sleepover
« Reply #6 on: October 13, 2017, 01:42:06 am »
since i have grown children,  it wasn't even discussed where the bf/gf (for daughter/son) will stay for the night the first time they took them home.  hubs and i just left that decision to our children.  and obviously, both slept in their respective rooms, LOL. 
did hubs and i feel it's an issue?  not really, it will be very hypocritical of us if we told them they cannot be in the same bedroom.   our kids were both in their last years in college by the time they brought home their boyfriend/girlfriend and both kids lived in the dorms then later in apartments near their school , so in a way they've already been living on their own (paid by us, granted, lol) . 
if anyone of them is a minor (below 18),  then yes we will not allow it, the same way that we don't allow underage drinking/smoking in the house.


three8one

  • Guest
Re: BF's first sleepover
« Reply #7 on: October 31, 2017, 03:03:23 pm »
kung anak ko yang nag request na mag sleep over yung bf nya, papayag ako. pero papipiliin ko anak ko sino sa kanilang dalawa ang matutulog sa room at sino ang matutulog sa dog house. hahaha! biro lang... pero sa kultura kasi ng mga Pilipino, my house - my rules. kung pumayag man ang magulang na patulugin ang partner mo sa bahay nyo make sure behave kasi una nirespeto ng magulang mo yung decision mo na patulugin sa bahay nyo ang partner nyo sa pamamagitan ng pagpayag nila so respetuhin din dapat yung sa kanila (magulang).

MayVerona

  • Guest
Re: BF's first sleepover
« Reply #8 on: December 04, 2017, 02:43:21 pm »
first sleepover ng boyfriend ko nung college kami kasi may thesis pero kasama naman namen yung isa namen ka group ayun tabi kami matulog yung isa nameng ka groupo kasama nya rin BF nya bale kanya kanya kaming higaan HAHAHA

 

Latest Stories

Load More Stories
Close