watch now

Author Topic: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?  (Read 14627 times)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #40 on: January 16, 2018, 08:56:04 pm »
^lalo tayo OFW pati charges sa Remittance shoulder natin saka bank charge sa Pinas. Epic!  ;D

three8one

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #41 on: January 17, 2018, 02:12:54 pm »
^ ay oo nga isa pa yan. haha! nakakatawa na lang. di ka pa man nababayadan lugi ka na.

---------------

may kaibigan ako dito mahilig siya manghiram pero nagbabayad naman. kaya lang ang trip naman nya pag pabakasyon ka sasabayan nya ng hiram at sasabihin sayo na ipapadala sa peso account mo yung hiniram, never ako pumayag kasi may time na mababa palitan pag sa pinas na eh. feeling ko nang iisa kasi halimbawa today nag usap kayo magbabayad sya at ito yung palitan into peso, hindi muna yun magpapadala aantayin nya tumaas pa palitan in a few days para pag mataas yung palitan lesser sa amount na hiniram nya ang maibabayad nya pero yung napagusaspan nyong amount sa peso yun ang napadala. kaya pag ganun hirit nya sinasabi ko pag balik ko na kukunin bayad mo. hehe

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #42 on: January 17, 2018, 03:00:46 pm »
^Lol wais

bratty

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #43 on: January 17, 2018, 03:24:32 pm »
Relate ako sa mamomroblema ka pa pano makukuha ang hinihiram at nakakatawag pa. Nung nangungutang halos ipangako sayo lahat mapahiram mo lang, nung nakuha na, lahat ng dahilan naman sasabihin sayo para lang hindi agad bayaran! Though nagpaparamdam naman, ang usapan ay usapan. Just last Friday may pinahiram ako, sa Sabado daw ibabalik. Sabado ng umaga, nagtext sa Lunes na daw. Lunes ng hapon, bukas na lang daw, which is Tuesday, aagahan daw nya. Diniretsa ko na, hindi kako pwede at magpapagas ako, aabutan ako ng oil price hike, kahit itanong nya sa gas station na nasa tapat ng subdivision nila, 6am ng Tuesday ang oil price hike nila. Kaya nagkita kami sa gas station that evening. Di humingi ng pasensya for the inconvenience at wala kahit thank you! Di na talaga makakaulit ito. 2nd time na nya humiram and both instances di tumupad sa usapan. Kapal!

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #44 on: January 17, 2018, 03:50:58 pm »
^Grabe diba, haha! Yung 1 kakilala (noon kaibigan, pero kakilala nalang ngayon hehe) na ipinangutang yung roomate nya dahil wala pambayad ng rent and utilities sa flat namin, eh same, the usual. Humiram, agad agad pinahiram, nangako ng date ng bayad, hinde natupad, ni ha ni ho wala pasabi, sabi after 10 days ibabalik, dumating 12 days wala pa din ako narinig, nung kinamusta ko iaabot nalang daw sa sweldo, edi wow. Tapos nung sweldo, ako pa din nagtanong, at nangamusta, ok na daw iabot nalang daw. Haha! Nasa iisang bahay lang kami partida. Yung mismo nangailangan ayaw iabot, ewan bakit, yung nanghiram para sakanya nung minessage ko kuhain ko na kako dahil kailangan ko, pasuya pa inabot dahil naistobo ata sya, siguro nainis sya na bakit sya ang sinisingil or nakulitan, eh sya nanghiram eh, tapos ni wala thank you pagbayad or hinde ng pasenya na nadelay, haha asawa ko pa nag thank you, sabi ko talaga ng malakas, AY BAKIT IKAW PA NAG THANK YOU IKAW NA NGA NAGPAHIRAM. Haha mula non sira na sila samin sa pera.

Nanghiram uli si kakilala nalang di na friend, lol, same hihiram ibabalik sa sweldo, maski may pera ako di ko na pinahiram, sabi ko wala. Guess what parang disappointed pa haha tagal namin di nagkibuan. Haha tao nga naman.

bratty

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #45 on: January 17, 2018, 09:02:49 pm »
^ay grabe naman yan. Ang awkward kasi same place pala kayo.

Good luck na lang sa susunod nilang mabibiktima. Baka makahanap sila ng katapat at ipahiya pa sila dahil sa utang!

lyrahs

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #46 on: February 20, 2018, 02:47:22 pm »
Di naman masasabing utang ang sa akin, pero may pera pa din na invloved. Sosyo kami ng schoolmate ko ng lending (sanla ATM). Sya ang may contact ng mga hihiram, ako naman magpapaluwal pero sabi nya maglalagay din sya ng puhunan. Ang nangyari, lagay ako ng lagay, sya ang kuha ng kuha. Usapan namin na Dec2016 solian na ng puhunan kasama ang kinita, after 2yrs walang bumalik na pera sa akin. Nung minemessage ko na sya at tinatanong kung asan na ang pera, andami na nyang alibi. Mukhang sya lang ang nakinabang sa perang paluwal ko. Nung december nag-issue ng cheke, tumalbog. Papalitan daw ng cash...nag deposit sa account ko ng 2k. Jusko, kulang pa sa multa ng tumalbog nyang cheke. Hanggang ngayon puro pangako pa din at wala ng paramdam. Ang kapal ng mukha

three8one

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #47 on: February 20, 2018, 03:24:05 pm »
^ saklap naman nun..

----------

yung mga may intro na "kmusta na" sa messanger.. nakakatrauma na!

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #48 on: February 20, 2018, 03:25:15 pm »
Lately nabawasan na nanghihiram sakin, pero mga nanghihinge tuloy pa din. Emotional blackmail on my part lalo sa kamag-anak kasi ako yung nagdadala ng guilt na di ako nakatulong. I swear Im generous, baka nga kaya sila sakin lumalapit lagi haha. Now Im learning to say no na.

For instance I have an Uncle na biglang sumulpot out of nowhere after so many years being in hiatus, may sakit daw, critical (nagdadrugs, inom, super pabaya sa katawan) so I've sent help naman, twice pa nga since mayat maya message, tapos nagmessage uli mga anak and step daughter seeking help uli the other day. Ang weird pa na part is, saming magpipinsan sakin lang sila ata lumapit. Hays. Hinde ko na binuksan message, pero eto nakakaramdam pa din ako ng guilt, maski twice nako nagsend ng money, parang when will this stop kaya? Then another Uncle from the same side of the family din, brother nung may sakit, nag ask din last week, thru their daughter, I politely declined talaga, kasi hello 3 anak ng Tito ko malalakas at mas bata pa kesa sakin, bakit umabot pa sakin ang paghinge ng tulong, kesyo wala daw matrabaho sa Bicol dahil nga sa Mayon. Sinabihan ko pinsan ko na dapat silang 3 naman siblings umeffort matulungan parents nila. Kasi kako I have parents too that I support financially.

Filipino culture, sometimes yung pag bigay bigay at tulong, lalong ginagawang tamad other people.
« Last Edit: February 20, 2018, 03:35:06 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

lyrahs

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #49 on: February 20, 2018, 03:40:00 pm »
^^sobra sis. Ang ayos pa ng usapan namin nyan at sinabi ko sa kanyang gagamitin ko sa panganganak ko ang pera. Panay oo naman sya na sure na sure daw yun, bago daw ako manganak masosoli na ang pera. 1yr and 3mos na anak ko, waleeeey!!!

^Sis don't feel guilty. Di mo naman sila obligasyon

hushush

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #50 on: February 20, 2018, 03:48:28 pm »
Sa ngayon so far wala akong nakakahighblood na experience kasi wala naman nanghihiram ng pera sakin hehe. Nobody dares kasi alam nilang fulltime mom ako.walang anda hehe..
But before may nanghiram sakin officemate. Kumare ko pa. Notorious na din kasi sa pangungutang kasi walang work ang asawa tapos panay anak pa grabe... Pag maningil ako mangangako na sa gantong date bayaran pero pag pumatak na yun date either absent ot super late or halfday ang pasok. Then pag naningil ka e dadramahan ka na yung byenan inatake daw naospital. Laging ganun eh. Nung una nauto pa ako pero nung mga sumunod e nakipagmatigasan na ako, sabi ko indi hingi ang usapan namin. Utang nya yun na dapat bayaran.
Kaya hindi ko na talaga pinautang pa kahit mangulit.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #51 on: February 20, 2018, 03:49:33 pm »
^steering clear also from notorious utangero/ra.

^^yun na nga eh! Btw, yang sa kasosyo mo wala ba kayo black and white?

lyrahs

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #52 on: February 21, 2018, 09:50:06 am »
^sadly sis, wala. Sobrang tiwala ko kasi schoolmate ko yun at same faith pa kami. Nito na lang naniningil ako sa kanya gumawa ng sulat na babayaran ako ng March2018. Syempre inaasahan ko yan, di naman birong pera yun. Pinaghirapan ko yun sa pag-aabroad tas sya ang nakinabang. Di na ako naniniwala na ginamit nya sa lending yun, malamang sya na din ang gumamit ng pera yun at nagpaka-hayahay.

mysterioza_me

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #53 on: February 21, 2018, 11:59:07 am »
Nagpautang ako ng almost 30k nung Dec. Pinautang ko kasi di naman ibang tao. Usapan naman March magbabayad. Kanina kinausap ko sabi ko sa July ko na kukunin ng buo. Sinagot ako na di daw niya alam saan kukuha ng pera, pambayad pa kaya ng utang sa akin. Tama ba na sagutin ako ng ganyan? Di siya nagdalawang-salita nung manghiram tapos problema ko pa na wala siyang pambayad ng utang. Kulang pa ba yung kalahating taon na binigay ko. Gigil na gigil ako. Mabayaran lang to di na siya makakaulit. Madamot na kung madamot pero nakakadala yung ganito.

lyrahs

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #54 on: February 21, 2018, 02:31:20 pm »
^ang kakapal ng mukha, ang titigas ng apog at ang wawalang hiya pag singilan na di ba sis? Kakarmahin din yang mga yan

AprilGal26

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #55 on: February 21, 2018, 02:48:12 pm »
Hay, ako, umabot pa ng barangayan kasi nagpautang ako ng 30k. Ang una pa ngang inuutang sakin was 100k, buti na lang at 30k lang.
Naka-dalawang meetings pa kami sa barangay, na I have to file as halfday justso I can attend the sesh.
Ayun, nag-start naman nang maghulog ng 5k per month.
Take note, nung April 2017 pa yung utang ha? And as usual, sya pa ang galit at malakas ang loob.
kaloka

mysterioza_me

  • Guest
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #56 on: February 21, 2018, 05:59:38 pm »
Kainis. Until now gigil na gigil ako. Di ako maka-move on. Yan pinakaayaw ko yung hulugan ang bayad. Buo ko binigay kaya buo ibalik

marssie

  • Guest
Deadma! Pag nangungutang kala mo maamong tupa magpaliwanag, pag nabigay mo na di na nakakaalala. Ni kahit isang paramdam o paliwanag bat di pa makabayad wala. Minessage ko nga minsan ng musta, sagot okay lang. end na  ;D

three8one

  • Guest
may utang na sayo, pati yung bayad ng isa pang may utang sayo na pinapakisuyo na iabot sakin uutangin pa. ang pinaka worst pa dun ginamit  na without my permission na kung pwede nya utangin.  :-\

bhmomma

  • Guest
Ang tagal kong hindi nag log in dito sa GT. ito agad ang topic na hinanap ko, tungkol sa utang.
I have this dilemma right now. Kung sisingilin ko na ba yung high school friend ko na pinautang ko. It's been almost 4 months. Walang malinaw na usapan nun kung kelan babayaran. I just have the impression na babayaran agad pag nagka pera. I need the money now due to financial commitments in 'pinas at ako pa itong nahihiyang maningil kaloka.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close