watch now

Author Topic: Meet the Parents  (Read 15154 times)

annd

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #20 on: September 04, 2017, 09:48:20 pm »
He is 29, im 30. One year lang age gap namin. Actually, sabi ko nga sa kanya, hindi naman na tayo mga bata, may ka, may work ako. Okay naman family mo. Okay din naman family ko. Bakit ayaw mo ipakilala kita sa parents ko? Sabi niya, di pa daw siya ready. Nainis talaga ako kaya sinabi ko sa kanya. Pero sa s3x, lagi kang ready. That time nairita talaga ako. Di narin siya kumibo. At feeling kk, nastress siya dito sakin. Pero after naman nun, nagsorry naman siya kasi nga alam niya nafifeel ko na wala akong assurance. Sad ako sa totoo lang nung first time na may nangyari samin, pero no regrets naman ako. Kasi 30 na ako, and i think, okay naman siya. Wala naman ako panghihinayang..

Sa totoo lang, Lagi kasi siya nagsasabi sakin na yung age niya, yan yung peak niya. Career, love, plans. Lagi niya din ako tinatanong? Ikaw? Anong balak mo? Lagi ko naman sinasabi yung mga plans ko na feeling ko ayaw niya. Lol kasi gusto niya by 35, magstop na siya magwork at full time businessman na.
« Last Edit: September 04, 2017, 10:05:01 pm by annd »

glamorosa_09

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #21 on: September 04, 2017, 11:14:58 pm »
Hindi mo naman sya hihiwalayan dahil dyan siguro. Observe ka na lang. Pero wag sanang dumating sa point na mas importante pa sa kanya ang alagaan ang fragile ego at insecurity nya kaysa sa i-consider yung nararamdaman mo.

Hindi ko nabasa kanina yung sa friends mo na naiinis sya dahil puro travel pinag-uusapan nila (ganyan din kami ng mga friends ko pag nagkikita). Parang it has something to do with his insecurity again. And then same with your parents, ikaw rin ang nag-aadjust by separating your life with your friends and your life with him.

Baka maging ayaw nya ang mga taong mahal mo. Mahirap yan. Some becomes socially isolated from social supports just to keep the peace in the relationship.

simang

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #22 on: September 05, 2017, 12:58:57 am »
Feeling ko hindi lang naman yung meeting the parents ang issue mo sa kanya. Admit it or not mukhang you're not (yet) on the same boat. Mukhang magkaiba kayo ng values.

Ako para sa akin importante mameet ng parents, but only if you two are serious in the relationship. Yung 4 months, mukhang baby relationship pa yun. You're still getting to know each other and meeting the parents can add to the pressure on a budding relationship. Para sa akin, at that point, wag muna ipilit. Maybe you can casually tell your parents about him, it can work depende sa relationship mo sa parents mo. Tutal may timeline naman pala sya sinet. Pero sa totoo lang, medyo insecure and egoistic yung reasoning nya. Alam naman siguro ng boyfriend mo your lifestyle before naging kayo diba? Kung balak nyang maging bilyonaryo muna bago makilala parents mo, sana ginawa na nya yun bago ka nya syinota.

Also, comment na rin ako sa friends mo not liking him and vice versa. Ako personally, I value my friends so much, kasama ko sila lumaki at nagmature even before I met my husband. Kaya it's important for me that they jive with him. Not necessarily na makaki fit in sya sa kanila, but at least makisama man lang. And same din sa friends mo, they at least have to understand that your boyfriend can potentially be a permanent part of your group. So tingin ko important na magkakasundo sila. Tingin ko, one sign that a couple is happy is that if the most significant people in their lives are happy for them.

Girltalker2

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #23 on: September 05, 2017, 05:27:15 am »

TS, pano maging kayo?
It seems nasa getting to know stage palang kayo kasi he is based abroad most of the time.

How about you meeting his family? Napag usapan nyo na ba ito?

Kasi sakin with my ex and current partner, sila yung eager to meet my parents. Naalala ko pa sa ex ko, our family is more well off pa kesa sa kanila. And he didn't mind. Worse, ang bata pa namin din. Kaya ako pa nga ang hesitant ipakilala sya.

He is 29, im 30. One year lang age gap namin. Actually, sabi ko nga sa kanya, hindi naman na tayo mga bata, may ka, may work ako. Okay naman family mo. Okay din naman family ko.


May issues talaga sya and you have to recognize this.


Bakit ayaw mo ipakilala kita sa parents ko? Sabi niya, di pa daw siya ready. Nainis talaga ako kaya sinabi ko sa kanya. Pero sa s3x, lagi kang ready.


This I agree. Feeling ko your relationship is not yet nasa serious stage for you to sleep together.

When you were intimate with him, you didn't feel assured. Before sleeping with someone, iniisip ko dapat kampante ka that this person is for keeps. Sa ngayon, parang may issue sya, to think LDR din kayo. Parang ang hirap Ma stabilise ang relationship nyo with LDR.


Sa totoo lang, Lagi kasi siya nagsasabi sakin na yung age niya, yan yung peak niya. Career, love, plans. Lagi niya din ako tinatanong? Ikaw? Anong balak mo? Lagi ko naman sinasabi yung mga plans ko na feeling ko ayaw niya. Lol kasi gusto niya by 35, magstop na siya magwork at full time businessman na.

Anong plans mo na ayaw nya? Ganun sya ka definite not to even consider?

And gusto nya bigla business nalang by 35? By then 36 ka na? Wedding plans? Kelan?


kaythrielle

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #24 on: September 10, 2017, 10:56:19 pm »
Sorry TS if i were you hiwalayan mo na lang tutal 4-5months pa lang kayo. Don't waste your remaining youth sa kanya. Hanap ka ng ibang mas bagay at kapareho mo na ng plano sa buhay, not to mention the other red flags i see na mga nabanggit na ng mga ibang sis dito.
It's not just about him not wanting to meet your parents. And besides, kung sa ganyang issue nga hindi kayo magkasundo or compromise paano pa pagdating sa ibang bigger issues?

But of course, that's just a suggestion. The final decision is really up to you.

Good luck sis.

Ghell06

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #25 on: September 11, 2017, 02:22:42 pm »
Hello mga sis. Hmmm, Kami din ni bf magpo 4 yrs na. Hindi ko pa namimeet parents nya since sa province sila nakatira though kilala at nakikita naman ako sa mga pictures. And nameet ko naman na yung mga kapatid nya. Kaso minsan naiisip ko bakit hindi nya pa ko ipakilala ng personal sa parents nya since medyo matagal na din naman kami. What to do mga sis? :(

amethyst028

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #26 on: September 11, 2017, 04:55:14 pm »
^umuuwi ba siya sa province madalas? Maybe he doesn't see them often so there's really no way to introduce you in person. Pero kung madalas naman sila magkita you should ask him.

Ghell06

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #27 on: September 11, 2017, 05:29:42 pm »
^ Hi Sis! Madalang lang nama ya umuwi sakanila. Minsan nga kinakausap ko na sya, kailan ko ba makikita ng personal ang parents nya. hehe.

ficklemind

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #28 on: September 11, 2017, 05:56:37 pm »
^ ano sagot niya
natry mo na ba sis sumama sa kanya pag uwi niya province? videocall sis natry na?
Pwede naman kasi sa videocall muna then yun nga sama ka sa kanya minsan paguwi niya ng province. Iplan nyo mabuti like it's a real vacation, explore his hometown ganun.

I lived in abroad for a few year and ang dami kong friends na ganyan, nagkaka bf/gf sila dun and always naman na nagseset sila ng sabay na bakasyon sa Pinas visiting both of their families. Some of them pinapakilala na agad tru videocall bago pa makita ng personal.
Some cases nga Manila then Cebu pa or Mindanao.
« Last Edit: September 11, 2017, 06:00:30 pm by ficklemind »

Ghell06

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #29 on: September 11, 2017, 06:00:44 pm »
Hmmm, hindi naman nya ko sinasama pag umuuwi sya. Ayoko naman na ako yung unang magsabi na isama nya ko pag uuwi sakanila para mameet ko parents nya...

ficklemind

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #30 on: September 11, 2017, 06:06:42 pm »
^ hmm why not?  ;)
Sakin lang, wala naman mawawala kung ikaw maginitiate, 4 years na kayo, wag na magtaguan ng feelings  ;D
then kung aantayin mo siya, goodluck sis.

amethyst028

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #31 on: September 11, 2017, 08:58:09 pm »
^^ if it's important to you then you should tell him na gusto mo ma meet parents niya or something. 4years na kayo that's long enough para ma introduce ka sa family niya. And if you are happy in your relationship there's so no reason why not diba?

Personally magtataka ako and mag a-ask kung mga 1year na kame ni bf tapos hindi pa ko na introduce sa family niya. I just need to know his reason.

Wala man lang ba siyang na mention sayo if his  parents are asking about you? Ako kasi 5months pa lang kame pero yung mom ni bf is asking kung kelan niya daw ako ma meet. Ayoko rin muna ma meet yung mom niya kasi lately lagi rin kame nag aaway so hindi ko sure kung tatagal kame or aabot kame ng christmas man lang hehe. Nasa adjustment period pa kame. Siguro pag mas stable na yung relationship namin i'll want to meet his mom na rin.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #32 on: September 12, 2017, 03:05:01 pm »
4yrs na hindi ka pa rin pinapakilala ang daming special occasion na good timing na ipakilala ka like xmas, bday, new year, fiesta, wedding etc. Kung ako hindi ako makokonteto na ok lang kami at magkasama mahalaga ang family para sa akin na nag eexist ako sa buhay ng anak/kapatid nila. Kaya mahalaga rin sa akin na kasundo ko ang parents ng family ng partner ko bf man or husband kahit pa sabihin nila hindi nila na hindi naman sila ang pakikisamahan kahit papaano may effect pa rin kapag hindi ka gusto or kasundo ng family ng partner mo.

plumpolka

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #33 on: September 12, 2017, 04:42:55 pm »
based from experience, pag hindi ka pinapakilala sa family, may something yan. napakadaling magtago sa isang tao which is you kesa sa buong pamilya.


malamang iba ang kilala ng family nya na gf ng anak nila or iba ang kasama sa mga family gatherings kaya di ka nya mapakilala.


ako, i would never trust a guy na d ako kayang dalhin sa bahay nila at ipakilala. dun mo makikilala ng totoo yung lalaki. basta, isa yan sa red flag ko. yung ayaw ako iharap sa pamilya. ibig sabihin may something. nangyari na sakin yan, and as always, tama talaga palagi ang hinala ng babae.

Ghell06

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #34 on: April 23, 2018, 01:28:26 pm »
Update lang mga sis. Nameet ko na finally yung parents nya last year sinama nya ko sa province nila. And going strong pa din naman kami until now :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close