watch now

Author Topic: Meet the Parents  (Read 15162 times)

annd

  • Guest
Meet the Parents
« on: September 04, 2017, 12:07:08 am »
My boyfriend doesnt want to meet my parents. And i feel sad that i have to lie to my parents na lalabas ako. Sasabihin ko na kasama ko friends ko when in fact, kasama ko boyfriend ko. My boyfriend is an ofw. So lately, napapansin ng parents ko na palagi ako lumalabas at ginagabi. Sinasabi ko naman kung nasaan ako. Its just that, minsan nakokonsensya ako na nangsisinungaling ako sa kanila. Yung boyfriend ko, gusto magbakasyon ng 4 days sa tagaytay. Gamit kotse ko. Pero sabi ko di ata ako papayagan kasi masyado matagal ang 4 days sa tagaytay.. sabi ko overnight na lang. Sabi niya sayang naman ang 4 days off ko. Sabi ko pwede naman yung 2 days e whole day magkasama. Nag ask ako sa kanya bakit ayaw niya pa sabihin both to our parents na kami na. Sabi niya gusto niya muna mag ipon at may mukha na maiharap sa parents ko kasi now, medyo konti pa lang ipon niya at gusto niya by the time na magkakilala na sila ng parents ko, kasal na pag uusapan. Sabi ko ayaw ko ng ganun. At hindi naman parents ko ang hihingi ng kasal. Ang sakin lang, gusto ko lang maging legal lahat. Alam ng parents ko kung nasaan ako at sino kasama ko. Medyo war kami ngayon kasi yan yung pinagtalunan namin.

amethyst028

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #1 on: September 04, 2017, 07:31:17 am »
^how long have you two been together? Well if that is non negotiable to you then tell him that you require it. Understand too that guys have big egos, maybe he thinks he is not good enough and baka maliitin lang siya ng parents mo. don't give him a hard time over it kasi lalo lang niya maaayaw ma meet yung parents mo kung aawayin mo siya. Just wait a few more months if bago pa lang kayo.

My bf and i are together for 5months we haven't met each other's parents. For me what's important is we are happy and we are both growing more in love with each other everyday. Madali na yung introduction sa family. It will happen eventually. And kusa kasi dapat yan e hindi pinipilit or pinag aawayan.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #2 on: September 04, 2017, 09:07:28 am »
For me naman mahalaga sa akin na kilala ng family ko lalo na parents hindi naman kayo teenager or sobrang bata pa. So pagpinakilala mo kasalan na agad? Same din siguro ang gagawin ko if ganyan bf ko magiging issue sa akin.

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #3 on: September 04, 2017, 10:04:03 am »
Iba iba tayo ng visions when meeting each others parents. For me kasi, mahalaga yun. Parang assurance ko na din kasi yun.

First, gaano na kayo katagal sis? Kung sobrang tagal niyo na tapos di ka pa pinapakilala eh baka may iba ng pinakilala, hehe charot lang. Hindi na okay yun kapag sobrang tagal niyo na tapos wala pang pa-meet and greet si mayor sa parents ng isa't-isa.

Ako kasi 1 year bago ako nakilala ng angkan niya, personally. Kilala na nila ako pero sa name at picture lang before. Siya naman 2 months palang naging kami, dinala ko na siya sa bahay.

Kausapin mo siya na hindi ka comfortable sa ganong set up.

annd

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #4 on: September 04, 2017, 10:35:37 am »
Actually, going 4 months na kami. Medyo big deal sa akin yung makilala siya ng parents ko. Medyo bago pa lang kami. Ang point ko kasi kaya ko siya gusto ipakilala kasi 3 weeks lang siya dito sa phils. Uuwi na rin ng ibang bansa after. Hindi naman ako nagdududa na meron siyang iba kasi ramdam ko naman na wala. Ang sabi lang niya sakin, gusto nya na kaming dalawa na muna. Ienjoy muna na yung isat isa bago kami magpasok ng ibang tao. Sabi ko naman, hindi naman ibang tao yung parents ko. Kalungkot lang.

Faina

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #5 on: September 04, 2017, 12:02:24 pm »
Actually, going 4 months na kami. Medyo big deal sa akin yung makilala siya ng parents ko. Medyo bago pa lang kami. Ang point ko kasi kaya ko siya gusto ipakilala kasi 3 weeks lang siya dito sa phils. Uuwi na rin ng ibang bansa after. Hindi naman ako nagdududa na meron siyang iba kasi ramdam ko naman na wala. Ang sabi lang niya sakin, gusto nya na kaming dalawa na muna. Ienjoy muna na yung isat isa bago kami magpasok ng ibang tao. Sabi ko naman, hindi naman ibang tao yung parents ko. Kalungkot lang.

Hello! I'll probably have a different advice than what others will advise you, pero I think na since 4 months palang, it's still okay not to meet each other's parents. How old are your parents? I feel kasi na sa point of view nung guy, if ipapakilala mo siya at wala siyang pinanghahawakan, e magigisa talaga siya. This is especially true to parents of the older generation, sa kanila kasi, relationships are for long term. If may ipapakilala ka, they will expect that it will be for good. There's no harm to your partner being conscious about this, pero even I think that waiting until just before marriage is too much. He should be able to present himself once he is comfortable with his savings, yun nga lang, mukhang mataas ang bar na sinet niya for it.

My parents didn't formally meet my partner until we were together for 2 years already. It took us that long to finally establish na our relationship really is that serious. Sometimes you just feel that about a certain person. I've gone through relationships where we did have feelings for each other, but when the thought of the future comes, alam mo yung hindi namin maimagine? And even then kabado talaga yung partner ko, since alam niyang mataas ang standards ng parents ko. Kabado siya, but he was ready. Maybe he is partially going through this as well, since 4 months palang kayo and wala pa talagang assurance. Since he's from abroad din, 4 months is not enough to really get to know each other. Speaking of abroad, during those 2 years that we were together, I was still living in a different country. Talagang long distance. I visited him twice over those 2 years. When I finally decided to stay here in the Philippines to be with him on our third year together, doon palang naglabasan ang mga natatagong ugali.

Don't be hasty lang, if he's not ready and you force him to do things he is still uncomfortable with, it will surely backfire in the long run. Madadala niyo yan hanggang sa future niyo. I say, give it a few more months up to a year.

annd

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #6 on: September 04, 2017, 01:26:36 pm »
Medyo kinukulit ko kasi nung mga first two months namin. Lagi lang nya sinasabi, ang kulit ng gf ko ah. Gusto na ata magpakasal. Medyo kasi nagtatanong yung parents ko na saan ako pumupunta. Bakit lagi ako may overnight stay. Lagi ako ginagabi. So parang medyo nakokonsensya ako na nagsisinungaling ako na kasama ko friends ko pero di naman talaga. Last weekend nung lumabas kami, di ko na binanggit. Hindi naman siya naka silent treatment sakin. Pero di ko na binanggit pa ulit. Tapos now lang, sinabi niya sakin na next year, uuwi siya ulit. Pero gusto nya, iset na namin kung kelan kami pupunta sa parents ng isat isa. Ayun. Medyo nahimasmasan ako, Ng konti. Big deal kasi talaga sakin. Sabi niya "pasensya na.. medyo hindi pa kasi ako ready sa status ko ngayon. Pero next year, promise. Uuwi ako dyan ng summer. Sabay tayo umuwi sa inyo." Sabi ko na lang thank you. Alam ko walang assurance yung sinabi niya pero nagpathank you na lang ako. Ayoko din naman mag expect.

lonely_dad

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #7 on: September 04, 2017, 02:14:20 pm »
ang purpose mo lang naman para sa pagpapakilala sa parents is para alam nila kung sino ang kasama mo
hindi naman pamamanhikan ang ibig sabihin ng pag papakilala

dati ganyan din ako pinakilala ako ni wifey sa parents niya
iba pa siyempre yung namanhikan ako sa kanila

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #8 on: September 04, 2017, 02:52:20 pm »
^ Onga naman hehe.


TS, gaya nga ng sinabi ko, iba-iba tayo ng pananaw with regards jan sa meet and greet (haha)
gets ko naman na di pa siya ready and so on and so forth, pero kung nakokonsensya ka na diba sa pagsisinungaling sa parents mo which is nakakakonsensya naman talaga kasi imagine kada aalis ka expected nila you're with your friends yun pala hindi, eh sabihin mo sa bf mo yun reasons mo diba. Alam ba niya na nagsisinungaling ka sa parents mo everytime na ime-meet mo siya?

lonely_dad

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #9 on: September 04, 2017, 03:10:01 pm »
sa part nung guy, isa rin way yan para makuha niya tiwala nung parents ng gf niya
kaya kung ako yan at seryoso ako sa gf ko, gusto ko ipakilala niya ako sa parents niya

luckysiete

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #10 on: September 04, 2017, 04:13:13 pm »
sis bakit kaylangan mo magsinungaling sa parents mo tuwing lalabas kayo ng bf mo. Bakit hindi mo sabihin sa parents mo na kasama mo ang b.f mo. Hindi ba nila alam na may bf ka na?

Atsaka sis sa tingin ko kaya ka nagsisinungaling hindi dahil sa hindi nila alam na may b.f ka kundi ayaw mo malaman nila na nag oovernight ka kasama b.f mo. Sis, kahit sinong magulang hindi papayag na makipag overnight ang anak nila kasama ang b.f.


annd

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #11 on: September 04, 2017, 04:43:05 pm »
^ kasi hindi pa nila alam na may boyfriend ako. Ayaw ko naman magsabi na may boyfriend na ako pero di nila nakikita pa. Kaya syempre, nag ask ako sa boyfriend ko kung pwede ipakilala ko na siya sa parents ko which is ayaw naman niya. Ang feeling niya kasi, for now, hindi pa siya 100percent settled. Ang gusto niya by the time na makilala na siya ng parents ko, ok na siya. Kumbaga may narating na daw siya. Sinabi niya kasi sakin na medyo insecure pa siya sa ganung bagay lalo na nakikita niya kung anong estado ko sa buhay. Sabi ko wala naman sakin yun. Sabi niya, big deal kasi sa kanya yun na may kaya kami sa buhay at siya, simple lang ang buhay nila. May sasakyan din naman sila pero hindi kasing dami ng sasakyan namin. Actually, nung tinuro ko yung bahay namin sa kanya, sabi niya "laki ng bahay niyo. Baka need ko pa magwork ng mas maigi." Di na lang ako kumibo. I asked kung gusto niya pumasok, sabi niya next time na lang.

Isang beses pa lang naman kami nagovernight stay. Yun yung sinundo ko siya sa airport at sabi niya, na down siya ng konti. Sabi ko bakit? Sabi niya "binili ka na naman ng daddy mo ng bagong sasakyan.." sabi ko "e kasi matagal na yung isang sasakyan.. safety lang iniisip ng papa ko." Lagi niya sinasabi sakin na mas need niya mag ipon ng mabuti para mabigyan ako ng magandang kasal at buhay. Pero ako, hinihingi ko lang naman, imeet mo parents ko para naman magtiwala sila sayo diba. Feeling ko sobrang insecure sya. At pansin ko din, everytime na magoffer ako to pay our bills, lagi siya nagagalit. Sabi niya kaya naman daw niya ako ilibre. Sabi ko naman, nung nasa ibang bansa ka, sabi mo ayaw mo masyado gumastos. Sabi ko kasi sa kanya ako na muna bahala pagkauwi niya. Wag niya isipin yung gastos. Pero sabi niya everytime na nakikita niya kung anong meron ako at buhay na binigay ng parents ko, mas lalo daw niya gusto patunayan na he will be a good provider. Basta wag lang muna ngayon daw. Pero he promised, next year, gagawin namin legal. Its just that, enjoy na lang namin kung ano kami now. Yung kami lang dalawa.

shinies

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #12 on: September 04, 2017, 05:13:35 pm »
Galawang high school lang  ::)

Kung ayaw ipakilala, bakit ayaw din ipaalam na may BF na?
Parang kulang ng respeto sayo BF mo at sa magulang mo. Ikaw din parang di mo din nirerespeto sarili mo at magulang mo.

Cliche thinking ito pero paano nga naman kung may nangyari sayo tapos iba ang alam ng magulang mo na ipinaalam mo? May nagawa ba sila sayo para madeserve ang ganung heartache?

Hindi sapat na rason ang "walang maipakita". Pag nakaipon ba, mas may mukha na siyang maihaharap na inoovernight overnight ang anak noon ng hindi alam ng magulang?

Ienjoy muna na yung isat isa bago kami magpasok ng ibang tao.
Asawa lang pwede mangibabaw sa magulang. Hanggat BF pa lang, priority mo magulang mo.

Big deal kasi talaga sakin.
Yun na nga, importante sayo pero mas importante insecurity niya..


Sis, kung pangmatagalan kayo, you would both do it the right way. Mukhang ok naman mga magulang mo. Please do right by them too.

naizlabonita

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #13 on: September 04, 2017, 05:19:54 pm »
To TS,
 Pero alam naman ba ng friends mo na may bf ka or siya yung bf mo?
Kasi ang sakin lang if alam ng mga ka close mo except sa parents keri lang naman baka nga di pa ready si bf mo in terms of meeting the parents. Pero kung walang nakakakilala sa kanya kahit na sino at ayaw nya din ipakilala mo siya kahit sa friends mo lang eh medyo nakakapag taka na diba. hehe

annd

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #14 on: September 04, 2017, 05:32:48 pm »
^ ang alam ng friends ko , nanliligaw siya. Hate niya friends ko kasi lagi niya sinasabi na masyado daw kami pasosyal. At puro travel pinag uusapan. So ayaw na niya masyado sumasama pag may dinner kami ng friends ko. Tsaka di ko narin siya kinikwento sa friends ko kasi nga parang di rin nila feel.. pero kasi, nainlove ako kasi nakita ko naman kung gaano siya kaseryoso sa buhay. Responsible at gusto din umasenso. Pero bottomline, bothered pa rin ako na nagsisinungaling ako sa parents ko. Kaya now, sinabi ko na ayaw ko mag overnight stay. Di ko alam kung nagalit siya, pero sabi lang niya okay..

glamorosa_09

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #15 on: September 04, 2017, 05:37:37 pm »
Sabi naman nya, next year gagawin nang legal di ba? Sige, intindihin mo na lang sya. Give a date na lang kamo para naman may reference point ka sa pag hihintay mo.

Pero in a good relationship, maganda nag-mimeet kayo half-way, you exert effort to allay each other's negative/irrational feelings. Yung irrational feeling nya ay yung insecurity nya, yung negative feeling mo naman ay ayaw mo nang magsinungaling. Dapat both of your feelings binibigyan ng tuon. Kapag tungkol sa feelings na lang nya palagi, ikaw na lang palagi umuunawa, ay mag-isip isip ka na. Kapag nagkatuluyan kayo, habang buhay puro sya, sya, sya, sya. Palagi na lang sya. One-way relationship.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #16 on: September 04, 2017, 05:42:22 pm »
^how old are you? Red flag sa akin ang ganyan bagay hindi gusto ng mga friends mo. Meaning may nakikita sila o na fefeel sila na hindi mo nakikita kasi nga mahal mo. Pwera na lang kung matapobre mga friends mo. Tapos pakilala sa parents ayaw pa. May friend ako ganyan dati unang meet ko pa Lang ayaw ko na dahil mayabang kilos pa lang halatang babaero. Hindi nakinig si friend until naging asawa nya sinabihan ko pa sya na mag isip mabuti Before magpakasal. Now iniwan sya sumama ex nya sa kabit. Now nya nakikita mga kayabangan ng ex nya.

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #17 on: September 04, 2017, 05:55:53 pm »
ayaw sabihin ni TS sa parents niya na lalabas siya with her bf eh kasi baka mas lalong sabihin ng parentss niya na 'ipakilala mo naman sa amin yang bf mo', which is ayaw pa nga ni bf magpakilala diba? hehe :)

Oo nga sis if you don't mind, ilan taon kana pati si bf mo? kasi parang masyadong seryoso naman siya sa buhay. Like kapag pinakilala mo ba siya dapat settle na siya or ready para sa pagpapamilya and stuff? Andun na tayo sa kaya nga tayo pumapasok sa relasyon eh nasa POV na natin na sila na talaga, na you guys are meant to be, pero parang masyado pang maaga para sa settle settle thingy hehe. IMO :D

Ms. Undecided

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #18 on: September 04, 2017, 05:58:51 pm »
^how old are you? Red flag sa akin ang ganyan bagay hindi gusto ng mga friends mo. Meaning may nakikita sila o na fefeel sila na hindi mo nakikita kasi nga mahal mo.

Yung guy daw ang me ayaw sa mga friends niya sis. Hehe.
Parang masyadong seryoso 'tong bf ni TS eh hehe

Shadow Angel

  • Guest
Re: Meet the Parents
« Reply #19 on: September 04, 2017, 08:25:08 pm »
^i think pareho kasi sabi nya hindi feel ng mga friends nya kaya hindi nya kinikwento at ang alam manliligaw pa lang hindi bf.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close