I had my fair share of anxiety and depression a few years back, though hinde ako clinically diagnosed properly, I seriously thought of going to a Psychiatrist nung parang hinde ko na kinakaya talaga to have myself checked and to have medications, I didn't - same reasoning sa normal na Pinoy, mas iniisip yung hassle at magagastos, fear na baka makaapekto sa employment etc and yung normal na "baka mahina lang ako, baka umaarte lang ako, bawal sa Pinoy maging mahina, kilala tayong resilient, bagyo, lindol, kung ano pa yan babangon at kakayanin lahat, laban lang ng laban, pang mayaman nga naman yang sakit na yan sabi nga nila. Ang mahihirap na kagaya ko, wala karapatan madepressed pang Celebrities lang yan, ito ang lagi natin nasa isip noon. Which is maling mali.
Upon research and readings, I think nagkaron ako ng tinatawag na situational depression based din sa pakikipagusap sa ilang taong kilala ko na meron din "sakit" (merong event na nagtrigger sakin), since kusa ko naovercame, after almost 4 years ng pagkalugmok, 1 taon LITERAL na araw araw umiiyak gumaling ako ng kusa. They said, if dying crossed your mind eto na ang best time magpa konsulta, kapag affected na daily activities mo, kapag hinde ka na functional, kapag masyado na matagal, kapag napapabayaan mo na sarrili mo, at apektado na din relationship mo towards other people, iba na yan. I am blessed nalagpasan ko yun and now I am educated too.
Foul tong ginawa ni JDL, pero nung nakita ko yung video, nakita ko sincerity nya. Iba sa usual nyang payabang and know-it-all attitude na parang invincible sya/sila walang mockery at ego. If there's one thing na matatawag na silver lining dito, eh yun nga at least they were able to raise awareness, showing na maski 1 JDL uneducated when it comes to mental health issues.
At kung meron pa ikinabuti to, for JDL to wake up, minsan take a step back to reflect, kumbaga nagising din sya sa nangyari, this is a humbling event, bukod sa na-educate sya, maski papano alam na nya what he says in national TV ay sineseryoso at relevant, hinde pwedeng lagi syang tactless. Baka sakali mabawasan kayabangan nya ngayon, and matuto uli pumreno, hinde laging funny ang slapstick style nya sa comedy. Minsan totoong mayroon na masasaktan at masasagasaan. Lalo na ngayon na he is older and wiser, at isa nang institusyon sa showbiz, mas pinapakinggan na ang opinions nya kumpara nuong unang panahon di pa sya sobrang relevant.