watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 49)  (Read 77331 times)

samtorini

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #420 on: September 24, 2017, 07:26:02 pm »
I cringe sa mga pa-pro-po-proposal na yan. Harhar!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #421 on: September 24, 2017, 07:29:54 pm »
^True. Paartehan naman sa reaction ang mga girls. Nakakainis hahaha. Sino ba nag-umpisa ng gimmick na yan?!

Nakanood pala ako ng ilang vidclips ng bagong palabas ni Heart sa gma. Bakit ganun magsalita yun? Nasobrahan sa arte. Di naman ganun magsalita yun dati.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #422 on: September 24, 2017, 07:58:46 pm »
^ oo nga! anong kakornihan nanaman yang ball proposal na yan?  yung kay julia akala mo pang wedding proposal ang level! haha

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #423 on: September 24, 2017, 08:20:34 pm »
^Yung reaction e no sis akala mo kasalan na haha.

Truebam ba ni si Sarah G humiwalay na sa family niya? Saka wala akong kamalay-malay si Geoff Eigenmann may gf pala at nanganak na. Parang ang tagal na walang balita kay Geoff, wala ba siyang project?

ANJFinally

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #424 on: September 24, 2017, 08:49:01 pm »
Speaking of proposals, naiyak ako sa proposal video na ito ni Rachelle Ann Go.
Sobrang heartfelt saka feel na feel ko yung love and sincerity kahit hindi kami close. Haaayyy ♥

https://vimeo.com/234455152
« Last Edit: September 25, 2017, 01:42:51 pm by ANJFinally »

Maple19

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #425 on: September 24, 2017, 09:34:58 pm »
Awww ang sweet ng proposal vid ni Martin and Shin. Naiyak din ako. Thanks for sharing sis. I never watch proposal vids  kasi minsan parang pabongga/pasikat lang and not about the proposal, but heartfelt and simple sa kanila.

Di ko na inattempt panuorin sa joshlia, malamang for hype/publicity lang. Haha


Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #426 on: September 24, 2017, 09:57:30 pm »
^Nice, bet ko din yung kay Solenn and Ane, simple lang, pero heartfelt. dapat naman kasi kayo lang muna. Bakit kailangan ng viewers, sabagay 10 % ang audience impact hahaha! 

Ako din I chose not to watch yang kela Joshlia, hirap na hirap ABS ibuild up sila ah.

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #427 on: September 24, 2017, 11:54:46 pm »
I cried. Although feeling ko na may idea na si Shin and she kinda expecting it.
Pero nakakaiyak pa rin.
Yung kay anne kase talagang sephe was not expecting at all ata.

sunday01

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #428 on: September 25, 2017, 12:03:52 am »

So serious na si JLC ke Ellen based sa post niya. Ang daming fantard ang nanggagalaiti for sure. Napakapsycho ng mga fantard nag comment sa post ni Panotski gumawa talaga ng account na at nagpretend na siya si Direk FM Reyes na me payong kaibigan pa na nalalaman na huwag sirain ang career ni Panot. Nandamay pa talaga ng walang kamalay malay. Sa mga nagfefeling na fans sa gustong isalba si Panot sa kanyang downward spiral artista po siya di natin pag-aari kahit nga mga kamag-anak natin di natin pwedeng diktahan Kung anong dapat gawin. Yun pa kayang di natin kaano ano. Tayo nga ayaw natin yun pinakekealaman tayo o di natin pinakikinggan mga magulang natin minsan. Kung gusto niya magpakalango sa sex and alcohol o iprioritize ang kanyang lovelife over career at feeling ng mga fantard eh maisasalba nila si Panotski sa kanyang ikinasasaya eh 34 years old na ho siya. Me sariling pag-iisip. Yun mawala man sa kanya ang indorsements o career. Di po tayo ang maghihirap siya po. Mahirap talaga ang buhay fantard umiikot sa Mundo ng iniidolo ang buhay.

I wonder Kung nafefeel n ni Angelica Ang karma dahil sa ginawa niya ke Shaina na over cockiness niya na siya ang nagwagi.

Regarding Joshua's prom thing another cringe worthy moment kailangan talagang gumawa ng grandeur para sa invitation. Ang bata pa ni Joshua I'm sure kapag di nagwork ang loveteam niya o relationship mapapawtf nalang siya Sa mga pakitang gilas niya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #429 on: September 25, 2017, 02:42:35 am »
Re Engagement: Dapat talaga yung 2 lang muna kayo or yung immediate family lang andun kung gusto man ni guy na kaharap ang family sa "paghingi ng kamay." Nakaka-pressure kasi kapag meron "mob effect" or in public ginawa. Parang confident na confident si guy na mag-"Yes" ang girl. Ang ganda nga ng proposal ni Erwan kay Anne punong-puno ng sincerity kahit napakasimple lang. Walang pa-effect, walang pasikat kundi moment lang nila.

Re Panot: Truelabels naman na ang fans walang magagawa. Sana wag nalang mandamay ng inosenteng tao ang fans sa attempt nila na gisingin sa katotohanan si JLC. Baka wala ng care si JLC sa career niya at talagang masaya siya sa kalagayan niya ngayon. Feeling niya siguro naabot niya na peak ng career niya kaya ok lang ginagawa niya. So yaan na nila. Gustuhin ko man makita ang ganap sa IG niya pero ayaw ko. Baka makita ko yung poops, mahina pa naman sikmura ko. Di pa din daw kasi nagbubura ng controversial posts niya si JLC. Feeling "MAN OF THE WORLD" kasi jowa niya ang "WOMAN OF THE WORLD"

keejac21

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #430 on: September 25, 2017, 08:31:58 am »
Nasira araw ko sa Joshlia na to eh. I don't know sino malala-- sila or yung Edward at Maymay.

etxetera

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #431 on: September 25, 2017, 08:33:36 am »
Mahirap kapitan ang artistang walang paki sa karera at fans. At least si JL kahit pano nasaid na naman niya ang peak at gave his very best bago humabol magpakawalwal kung kelan umedad. Ang tanong ano ang plans ng ABS pa sa kanya dahil obvious he is a mess now. Noon muntik na siya bitawan pala di lang natuloy.   

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #432 on: September 25, 2017, 10:05:08 am »
^Ang alam ko sis pa-expire na ang contract niya sa ABS. So wait natin if ire-renew pa.

patchiislove

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #433 on: September 25, 2017, 02:41:14 pm »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #434 on: September 25, 2017, 02:51:11 pm »
^Ang alam ko sis Baby Love ang tawag ni JLC kay Ellen kaya ganun siguro ang emoticon. But who knows baka nga magkakababy na sila, yun naman pangarap ni Ellen ang magbaby pag-30 na siya.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #435 on: September 25, 2017, 03:04:02 pm »
In my honest and unabashed opinion, nangaaning nalang yang 2 na yan, maski noon si Baste and Ellen, inaasar nalang mga tao, lalo gumagawa ng kung ano ano, para mabaliw netizens, since gusto nga nila pakita na wapakels sila sa lahat hehe. "Papansin" vain and feeling relevant yan lang ang best description sakanilang dalawa. Dami dami hobo mode, hiatus, or walwal and carefree  na tipong fudge you all, na di naman nagpopost or nagpapakita sa mundo ng pinagagawa nila, it actually defeats the essense, carefree ka , pero post ka pa din in public para makita ng tao, tapos react kayo sa reaction ng mga tao, so kailangan mo pa din pala ng validation sa mga ginagawa mo? Edi hinde ka carefree, papasin ka.  ;D Saka si JLC noon di naman pala IG, bilang lang posts nya, aba ngayon lumelevel na kay Ellen sa flood.  ;D
« Last Edit: September 25, 2017, 07:08:42 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

lovely_carrot

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #436 on: September 25, 2017, 03:43:21 pm »
I recently watched Whitney Houston's story in Netflix. In one of her interviews nasabi nya na hindi fame or money ang nakakapagpasaya sa tao. Sa tingin ko JLC is just after his own happiness, keber na ang sasabihin ng iba, wala na din sya pakialam kung ano pa ang perception ng tao kay ellen, ang importante masaya siya kay ellen

Di bale na din kung ano ang mangyari sa career nya, for sure marami na naman sya pera or investment na parang tapos na sya dun, for him its about "me time" naman. Maybe its too much or too real but its their life.. The fans/netizens can say whatever they want to say but end of the day single naman sila pareho so wala naman agrabyado dito..

xiannasofia

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #437 on: September 25, 2017, 03:50:50 pm »
^ i actually like them together no matter what they do. ako lang ata may kilig sa kanilang dalawa dito lol

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #438 on: September 25, 2017, 03:58:43 pm »
And again, of course, the usual spiel "buhay nila yan, artista lang sila, kung san sila masaya" still prevails.  Nagchishismisan lang naman talaga tayo dito. Gagawin pa din nila gusto nila. ;D

Ano pa bang ibang chismax, aside sa infamous JLC and Adarna fiasco? Or JoshLia, haha!

etxetera

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #439 on: September 25, 2017, 04:44:58 pm »
Kung matino ang aura ni JLC at di mukhang durog maniwala ako but he looksso  wasted and posting a poop HELLO kaya in bed lang yan. Parang Baste-Ellen na latest flavor of the month ni Ellen noon. Abangan na lang natin if it will last til x'mas and new year na sila pa rin. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close