watch now

Author Topic: Latest Showbiz Updates (thread 49)  (Read 76853 times)

izabelle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #100 on: September 07, 2017, 05:03:31 am »
I don't get it bakit may judgement agad sa ganito kaliliit na bata. Like sino mas matalino, sino mas maganda, sino mas mabait, etc etc.

I mean, seriously, we are talking about toddlers here. Porke ba nauna magsalita si ganito ganyan e mas matalino na kesa kay ganito. Sa totoo lang, hindi basis yon. Kahit nauna pa yan matuto ng multiplication table, hindi agad ibig sabihin mas magaling na sa iba.

Like yung baby ni Bianca and JC Intal, daming bashers sa IG na ang itim daw ng bata, ang pangit daw. So kapag hindi maputi, pangit agad?  ::)

Punong puno ng comparison and hatred ang mundo. Ewan ko ba.


Bongga ng kasal ni Hayden and Dra. Belo. Pero hindi na ako nagtataka, sobrang yaman nila lalo na ni Dra Belo. Sobrang can afford naman talaga.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #101 on: September 07, 2017, 05:24:58 am »
Nanay din ako kaya nakakalungkot na ang bata bata pa nila, madami ng bashers.

IMO, maiitim ang budhi ng mga taong kayang laitin ang isang batang walang muwang.

Kamukha nga ni Zia si Dong pero maganda siya, natural naman makamukha niya si Dong kasi yun ang tatay niya. Kung pangit si Zia eh ano pa ang maganda?

Parang yung ibang bashers nung anak naman ni Toni G., pangit daw kasi kamukha ni Toni G. eh turned out carbon copy pala nung baby photos ni Paul Soriano.

Yung anak ni Bianca at JC, natural na maging morena yun at morena ang nanay. Para bang ang gusto nila eh lahat ng babies eh paglabas mga white babies lahat.

Nakakapangilabot kung paano nila nagagawang i bash ang isang inosente.

Talagang madami ang walang modo at hindi kayang maghanap ng sasabihing maganda. Manong manahimik na lang.

 

etxetera

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #102 on: September 07, 2017, 06:38:28 am »
Sis ano yung kater-kater?

Cute na cute ako talaga kay Scarlet. I think Scarlet naman is older than Zia kaya natural na mas marami ng alam si Scarlet.

Kater-kater yung bibo na kumbaga star of the class na ivovolunteer lagi sarili at inquisitive sis 😊 Maliit pa Zia kita mo sa actions ng bata na attentive sa surroundings at may thirst for learning. Yung turo niya standee ni DD habang sigaw daddy daddy sa GMA tapos the way she looks at nate nung nakaupo silang tatlong bata sa sahig sa reception intently listening.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #103 on: September 07, 2017, 06:50:03 am »
Naalala ko tuloy yung thread dito na nagseek ng help regarding baby whitening. One mommy naghahalo pa ng pampaputi sa milk ng baby niya. Baka na-bash baby nun.

Cute naman yung 2 kids sa kanya-kanyang paraan. Di lang talaga maiwasan na maicompare, kahit sa normal na tao like sa mga magkakamag-anak nangyayari yang mga ganyang comparison. Ang di lang maganda yung magwish na may mangyaring hindi maganda sa mga bata. May mga bashers kasi before na gusto makunan si Marian, tapos nung ipinanganak na si Zia mukha daw tiyanak, tapos bata pa lang panot na, pinakagrabe yung nagbanta na papakidnap sa Npa at ipapapatay ang bata.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #104 on: September 07, 2017, 08:21:33 am »
^naalala ko yan, may mali din sa mentality ng mother hindi ko ma imagine isasacrife ang health ng anak para lang masatisfy ang ego na maputi ang anak. Kapag maputi maganda?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #105 on: September 07, 2017, 10:15:23 am »
^Sa dami ng whitening products na lumalabas sa market ganun na nga ang nagiging mentality na kapag maputi=maganda, kapag maitim=panget. Pati celebrity ngayon nagpapaputi na din. Ang sexy dapat mala-Victoria Secrets model ang katawan. Yan ang impluwensya ng media.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #106 on: September 07, 2017, 10:44:53 am »
^sa pinas or asia lang uso ang pang whitening.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #107 on: September 07, 2017, 11:35:28 am »
^Yup dito and sa ibang parts ng Asia uso since common sa atin ang morena. Pero may mga Pinay pa akong kilala sa ibang bansa (not asia) kapag may pabalik na kasamahan sa work nagpapabili ng whitening soap dito para dalhin dun. Mahal daw kasi abroad e.

Naalala ko bigla yung tweet ni Bianca G na nalulungkot siya na yung mga dark-skinned celebrities nage-endorse ng whitening products. Binash siya ng mga fans ni Nadine Lustre, kulang na lang daw kasi sabihin ang name. Pero si Nadine lang ba ang morena na nagendorse ng whitening product. Karamihan kasi ng alam ko na endorser mga likas ng mestisa.

brandi

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #108 on: September 07, 2017, 12:47:50 pm »
Just saw on facebook that Angel Locsin is back in La Luna Sangre. After the pilot week wherein she and JLC died, I stopped watching it. Now that she's back, parang gusto ko siya panuodin ukit. Pkus Maricar Reyes is there as well! Super love ko sila dalawa ang astig pareho and pretty. Sana hindi na lang kumuha ng supporting actors like kathniel. I'm sure kahit wala sila maganda tong palabas na to but I have to accept na para sa younger generations tong palabas na to kaya sila sinama sa cast. Ganda ni Angel and ang slim!

airish_2

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #109 on: September 07, 2017, 12:49:32 pm »
Nakakasawa naman pag lahat maputi. Dati adik ako sa pagpapaputi bumili pa ako gluta worth 5K haha! Pero ayun nakakasawa tapos parang lahat maputi na. I embrace my color now na kayumangi buti nga si Bianca proud sa color niya. Like Lovi Poe, Angel Aquino mga ganun kulay.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #110 on: September 07, 2017, 01:08:57 pm »
^True, Bubbles, Michelle Madrigal, Solenn nagpa pa tan di lang gaano umiitim. Totoo naman mas may dating kasi pag morena, ganda bihisan at make up an, mas toned and healthy tignan. No offense sa mapuputi ha, maputi din naman ako, pero mas naappreciate ko hitsura ko pag galing ako sa beach.  ;D

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #111 on: September 07, 2017, 02:35:00 pm »
Majority pala of Belo's company is owned na by Crystal and Quark. Just saw this article http://www.entrepreneur.com.ph/news-and-events/how-rich-is-dr-vicki-belo-a1673-20170907

Maple19

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #112 on: September 07, 2017, 02:51:28 pm »
Hmmm that's interesting sis, di ba nachismis na nagkasakit si Dr. Vicki Belo? Cancer pa nga daw, though never confirmed. So baka lang naturnover na nya ang shares starting 2016 either due to her sickness or to her impending marriage kay Hayden. She looked healthy and happy naman sa wedding nya. Anyway, mayaman pa din naman sya haha.

Looking at the net income figures, curious tuloy ako magkano inabot ng wedding nila.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #113 on: September 07, 2017, 03:19:43 pm »
Sabi sabi Sis nung una 100m pero ngayon speculations nasa 250 and above. Well she earned it so she deserves it. If I were in her shoes, as early as now itransfer ko na din lahat sa kids ko, and tama naman na may prenup, tho syempre imposible walang makuha si Hayden.  ;D

ohcmon

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #114 on: September 07, 2017, 04:24:00 pm »
Parang wala naman basis 'yung kumakalat sa FB na most expensive weddings in Philippine history. ;D I mean, did these celebrities really divulge their wedding expenses? I doubt.

mrs_mcta

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #115 on: September 07, 2017, 04:29:55 pm »
I read an article from pep.ph na nag research pa to account for yung mga gastos. Like how much ba mag stay sa ganitong hotel na Coco Chanel suite, how much pag rent nung venue, etc, and ang total came up to around PHP 80M.

http://www.pep.ph/lifestyle/celebrations/36041/did-the-vicki-belo-hayden-kho-jr-parisian-wedding-cost-p80-million?ref=feed_1
« Last Edit: September 07, 2017, 04:32:34 pm by mrs_mcta »

shygirlme

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #116 on: September 07, 2017, 04:31:49 pm »
Parang wala naman basis 'yung kumakalat sa FB na most expensive weddings in Philippine history. ;D I mean, did these celebrities really divulge their wedding expenses? I doubt.

agree yung kina Vic at Pauleen feeling ko di umabot ng 89M eh.

xtine

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #117 on: September 07, 2017, 05:47:12 pm »
Ako na nagresearch dahil curious ako kung magkano ang palais garnier in case ikasal ako. hi hi hi.

https://www.operadeparis.fr/en/you-and-the-opera/corporates/venue-hire/palais-garnier-1

As per this website (season 16/17), EUR 75,000 per 24 hours.  So if two 48 hours, mga nasa PHP 8 Million ang lugar.
« Last Edit: September 08, 2017, 10:05:55 am by xtine »

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #118 on: September 07, 2017, 06:36:59 pm »
True, tancha ko mga 100m lang, OA na yung mga 250-500m haha, and I don't think sagot nila lahat airfare and hotels ng guests, yung mga staff for sure and immediate family members, alta din naman and celebrities most of the guests, I'm sure they will insist to pay for their own expenses.

^Haha thanks sa research Sis sa Garnier. 11m daw sa ibang write ups hehe. Bonggels. In euro ba naman lahat.  ;D
« Last Edit: September 07, 2017, 06:46:43 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

lovemeagain30

  • Guest
Re: Latest Showbiz Updates (thread 49)
« Reply #119 on: September 07, 2017, 07:21:30 pm »
Majority pala of Belo's company is owned na by Crystal and Quark. Just saw this article http://www.entrepreneur.com.ph/news-and-events/how-rich-is-dr-vicki-belo-a1673-20170907

Tinignan ko yung pictures ni Vicki sa link ^^ matanda na talaga siya anoh? halatang batak na yung face niya kasi yung leeg niya kulubot na. Hindi nga siya maka smile ng maayos sa ibang pics niya. Give it another 3-5 years super visible na talaga ang pagiging lola niya. Can't fight nature na talaga. Well sana nga lang talaga super love siya ni Hayden to stick around for a longer time.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close