watch now

Author Topic: 10 years in relationship, 5yrs live-in.  (Read 7458 times)

ZiahLouise

  • Guest
10 years in relationship, 5yrs live-in.
« on: August 29, 2017, 01:43:47 am »
Hello po. Bago lang ako dito. Sana may maka advise po. Thank you.. Lately kase may bumabagabag sakin.. Yung alam mong may kulang sa buhay mo. So here it goes. 5yrs live in na kami ng hubs ko, may 3 kids. Isang 5 yrs old, 3yrs old at 3months old. Bali 10 yrs na kmi magkarelasyon. Sa totoo lang mabait yung tatay ng mga anak ko. Responsible, masipag magtrabaho, masikap. Naibibigay nya mga pangangailangan ng mga bata. Pero alam nyo po yung kulang. KASAL. Pakiramdam ko talaga may kulang sa pagiging babae ko. Pag usapang kasal at nakakakita ako ng mga pictures sa social media ng mga bagong kasal pakiramdam ko ang bitter ko o minsan naiinggit ako. Iniisip ko tuloy siguro di ako deserving pakasalan. Naisip ko rin pano kung magloko si hubs. Ano magiging laban ko, at ng mga anak ko since di kami kasal.Di naman ako nag hahangad ng bonggang kasal kahit sana sa kasalang bayan ok na ko basta maging legal lang ang pagsasama. Ewan ko ba. Ayoko naman pilitin sya kase kung ayaw nya. Ayokong mamilit. Minsan gusto kong tanungin sya kung may balak ba sya magpakasal o wala talaga. Kase kung wala di ko sya hahayaan makagawa ng kalokohan at ipaglalaban ko talaga kung anong karapatan ng mga anak ko pag nag kataon.

Anyway, salamat sa mga nakakabasa. God bless satin lahat 😊

kvandenhaak

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #1 on: August 29, 2017, 02:27:57 am »
My question is if you already knew that it's gonna be an issue, bakit ka nakipag-live in? Did you change your mind or did you settle?

amethyst028

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #2 on: August 29, 2017, 09:59:08 am »
^^why don't you ask your partner sis. Sa 10years nyo together dapat di ka na mahiya magsabi. Maybe he doesn't thik you require it. Since you said he is a good father and i think good partner rin you should just come out and say what you want and need.

Kame 5months together pa lang but i always tell him what i want. I don't fight or criticize him, i just tell him straight. And i always tell him na kung hindi niya magagawa ok lang pero i require it and i always have the option to walk away if my needs are not met. But i make sure na reasonable naman yung gusto ko. So far lahat naman ginagawa niya. Regarding marriage madami siyang pahaging about it lalo na when we are inside the church.

Tell him exactly what you want. Then wait for his answer. Kung wala siyang sagot right at that moment give him time to process it then tell him to get back to you. Whatever it is you should be able to accept it. Men are not mind readers. You would be surpirsed na clueless sila many times of what's going on within us.

Nasa tama ka naman, you should get married if you both want it. And with 3 kids mukhang your partner is not going anywhere, so might as well get married. Goodluck sis!

mysterioza_me

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #3 on: August 29, 2017, 10:29:20 am »
Magdecide ka lang kung aantayin mo ba na sa kanya manggaling o ikaw na ang magtatanong at gagawa ng hakbang para di ka wondering. 10yrs na kayo sis dapat meron ka ng idea kung ano ba ang kasal para sa kanya.

Isa pa nasabi mo kapag di ka pinakasalan at nambabae siya handa ka ipaglaban karapatan ng mga anak mo, in real life sis pwede ka pa din naman lokohin maski kasal pa kyo.

Payo ko lang sa ngayon wag ka na mag-add ng baby hangga't di pa kayo married. Tama na muna yang 3.

naizlabonita

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #4 on: August 29, 2017, 04:50:05 pm »
Hi Sis, share ko lang we are 8 yrs in a relationship and 1 year live in. Before ako mabuntis we have been very open pag usapan ang pagpapakasal..and nag agree kame na unahin muna si baby.. kayo ba napag uusapan nyo ba even before?
Confirm mo kay hubby mo ano ba plan nya sa inyo..
I agree na mahirap nga yung hinde kasal..maski mother ko sinasabi na mas okay daw ang ikasal kame..mas maganda pa nga daw sa simbahan para may basbas talaga.Pero okay rin daw ang civil para sa legal matters and all. Iba pa din kasi talaga kapag you know where you are in the relationship.
I think I feel your sentiments dun sa part na..parang you have no right to demand things to him kasi you are not married, like sa pera nya and all ako hinde ko nahahandle pera nya. And yung sa kids..you just want to secure na whatever happens eh may makukuha sila or karapatan sila. Same with me na nagiging worry ko yan for baby ko.
Basta sis ask mo siya ng plan nya sa inyo..sa iyo.. ano ba yung plan nya.. baka kasi nag iipon pala siya or what di lang nya masabi hehe.

Girltalker2

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #5 on: August 29, 2017, 09:11:54 pm »
Pero alam nyo po yung kulang. KASAL. Pakiramdam ko talaga may kulang sa pagiging babae ko. Pag usapang kasal at nakakakita ako ng mga pictures sa social media ng mga bagong kasal pakiramdam ko ang bitter ko o minsan naiinggit ako. Iniisip ko tuloy siguro di ako deserving pakasalan.

Sis, naisip mo ba Ito bago ka nakipag live in? Each time you get pregnant, sumagi ba sa isip mo ang kasal? Or ngayon lang ito.

Kasi feeling ko unfair sa partner mo na mag demand ng kasal dahil gusto mo lang at kainggit inggit ang iba. Nung Pinasok mo ang live in arrangement, anong usapan nyo regarding kasalan?

Naisip ko rin pano kung magloko si hubs. Ano magiging laban ko, at ng mga anak ko since di kami kasal.

May mga birth certs naman mga Bata di ba, so puede ka maghabol.

Ako kasi nakasal ako pero nagloko hubby ko kaya feeling ko Mas ok sa situation mo na huwag magpakasal if manloloko lang sya. Para may freedom ka to leave and find a better partner kesa Ma stuck ka sa kanya na lokohin ka lang.

Di naman ako nag hahangad ng bonggang kasal kahit sana sa kasalang bayan ok na ko basta maging legal lang ang pagsasama. Ewan ko ba. Ayoko naman pilitin sya kase kung ayaw nya. Ayokong mamilit. Minsan gusto kong tanungin sya kung may balak ba sya magpakasal o wala talaga. Kase kung wala di ko sya hahayaan makagawa ng kalokohan at ipaglalaban ko talaga kung anong karapatan ng mga anak ko pag nag kataon.
ano magagawa mo if ayaw pa nya magpakasal?
Paano mo ipaglaban ang sarili ko kung ayaw nya magpakasal?

Hanggang saan kaya mo tiisin if ayaw nya magpakasal? Pipirmi ka lang ba at mag antay nalang? Kung meron, happy ka. Kung walang kasal, lagi kang na b-bother?

Sakin feeling ko kung sya na talaga ang karapat dapat for you, dapat open ang communication nyo. Di purkit sinabi mo sa kanya gusto ko maikasal eh pinipilit mo na sya. Point is masabi mo man lang sa kanya na ikasisiya mo if makasal kayo. And from there malalaman mo naman if gusto nya magpakasal o ayaw.
Kaso ako Ang nag aalala for You. The fact na iniisip mo na puede sya magloko, or there's a likelihood or possibility, parang Mas di ako sang ayon na ikasal kayo. Usually kasi when you get married, Yung pagloloko ng guy is close to impossible kaya mo nga sya pakakasalan eh. Kaso sayo baliktad.

Tapos communication. Parang wala kayong open communication kasi sa totoo lang, and usapang kasalan is simple compared to other marital issues. If wala Kayong open communication, siguro di pa kayo ready Ikasal.

Feeling ko kasi gusto mo lang Ikasal kasi uso at maganda tingnan. Feeling ko nag anak ka ng nag anak para pakasalan ka nya? But you have to look at the right reasons for marriage. It is the union of 2 people LOvING each other, wanting to spend the rest of their lives together... not making 'bantay' or to prevent each other from straying.
« Last Edit: August 29, 2017, 09:23:46 pm by Girltalker2 »

naizlabonita

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #6 on: August 29, 2017, 09:19:56 pm »

Ako kasi nakasal ako pero nagloko hubby ko kaya feeling ko Mas ok sa situation mo na huwag magpakasal if manloloko lang sya. Para may freedom ka to leave and find a better partner kesa Ma stuck ka sa kanya na lokohin ka lang.


Only shows that even though you are married already, if he choose to cheat, he will cheat.

Girltalker2

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #7 on: August 29, 2017, 09:27:45 pm »

^ mismo! Kung akala mo wala kang laban if di kayo kasal, what makes you think mas may Laban ka if kasal kayo?

This only prevents the guy from marrying another woman. Baka ito ang kinakatakutan mo? Na he will marry another while you have been waiting for him all the while at may 3 kids na kayo?

naizlabonita

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #8 on: August 29, 2017, 09:36:58 pm »
^ mismo! Kung akala mo wala kang laban if di kayo kasal, what makes you think mas may Laban ka if kasal kayo?

I remember my partner nung nahuli ko siya na niloloko ako. Nagsosorry and sabi sakin ano daw bang assurance ang kelangan ko.. gustu ko daw ba magpakasal kame kahit civil gagawin nya. And I told him that I do not need marriage for assurance.

It will never be an assurance to anything. It just makes everything legal in terms of paper.

to TS, alam ko nakakainggit nga yung makikita mo sa FB or sa soc med na yung iba kinakasal.. if in the first place eh ayaw mo nang ganyang set up sana na clarify mo sa kanya yung concerns mo.



Girltalker2

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #9 on: August 29, 2017, 09:43:13 pm »
to TS, alam ko nakakainggit nga yung makikita mo sa FB or sa soc med na yung iba kinakasal.. if in the first place eh ayaw mo nang ganyang set up sana na clarify mo sa kanya yung concerns mo.

Ito talaga bothers me also. The fact you cannot talk openly, gusto mo ikasal sa isang taong di mo makausap ng mga bagay bagay? Your husband/Wife should be your Best Friend.

mysterioza_me

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #10 on: August 30, 2017, 08:31:16 am »
^i agree 10yrs in a relationship yet walang open communication and hindi niya alam anong thoughts ng live in partner niya sa kasal.

Shadow Angel

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #11 on: August 30, 2017, 10:38:31 am »
Gaano ka importante sayo ang kasal? Kung sobrang important bakit ka pumayag at tumagal sa live in? Paano kayo tumagal na hindi mo alam kung ano plano nya? In my opinion hindi dahil kasal kayo may habol ka lalo na sa pinas na ang daming iniwan ng mga asawa pero wala naman nahabol sa mga ex nila. Besides tama sila na kung may tendency pala magloko si partner bakit mo papakasalan para ano maistuck sa kanya at hindi mo maiwan dahil kasal kayo napakahirap pa naman kumuha ng annulment sa Pinas. Ano status ng relationship nyo ngayon? Happy family ba? Kung happy naman kayo parang gagawa ka lang ng problema besides para sa akin lang naman naniniwala pa rin ako ang proposal or hint ng kasal dapat nanggagaling sa lalaki. Pag isipan mo mabuti. Sabi nga be careful what you wish for baka pag nagrant na wish mo ang ending naman hindi maganda. Hindi sa pagiging nega pero para sa akin may mga bagay kasi hindi dapat pinipilit at hindi dahil hindi natupad dream mo kulang na ang buhay mo. Kung kasal ang magpapakompleto sayo now pa lang alamin mo na kung ano plano ng partner mo. Now kung malabo ang sagot or safe answer be ready and think kung kaya mo ba talaga forever live in kayo.

plumpolka

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #12 on: August 30, 2017, 12:03:59 pm »
if you keep on thinking na magpapakasal ka lang para may habol ka kung mambabae sya, then i guess you want to be married for a wrong reason. mapa-kasal o hindi, magloloko sila kung gusto nila. alam mo na ba ugali nya? ano values nya sa family? importante ba sa kanya mga anak nya? if yes to all, then go, pakasal kayo. marriage is not a solution or assurance sa pags-stay nya. it will depend kung gano ka lalim ang values nya sa family at sa marriage nyo. madami parin namang lalaki na mas mataas ang family values kesa sa babae. marriage is not a solution na tapos na problema mo sa mga pambababae nya but a vow na kahit ano pa man mangyari, you will choose to save your marriage first above all else. if it's still worth saving. hirap kasi satin, negative agad iniisip sa kasal. if you keep on thinking about it, it will happen. and para siguro sa mga anak, masarap lang siguro isipin na alam nilang yung tatay nila sila yung family dahil sila ang legal na mga anak. but then, it's still debatable dahil iba iba ang experiences ng mga tao.

Hannyagirl

  • Guest
Re: 10 years in relationship, 5yrs live-in.
« Reply #13 on: September 01, 2017, 11:00:33 am »
TS Siguro kelangan mo din muna pag isipan ng mabuti yung reasons mo for getting married. Kaya mo ba yan naisip kasi may signs na your partner might be cheating on you? If yes wag mo na ituloy kasi getting married is not an assurance na di sya magchecheat and if ever magcheat sya mas magiging mahirap and complicated yung situation mo. I am married but my hubby cheated on me. Para sakin ang complicated kasi nakatali kayo sa isat isa whatever happens unless mag pa annull e mahirap dito yun. So mas mahihirapan ka magmove on with your life if that happens.

Bakit di mo maopen kay partner yung marriage talk? Nahihiya ka? Tagal nyo na sis so dapat you can talk openly to him about it. Wala naman mawawala sayo kung iopen up mo yun e. Magkakapeace of mind ka pa kasi malalaman mo what he thinks about it di ba.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close