watch now

Author Topic: Anyone here in their 30s? Have you experienced...  (Read 2064 times)

sportygurl

  • Guest
Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« on: August 18, 2017, 05:00:21 pm »
...being called Tita by someone who isn't a relative or by someone younger (and sometimes even older) than you? what do you feel?
« Last Edit: August 18, 2017, 05:17:41 pm by sportygurl »

teejiko

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #1 on: August 18, 2017, 05:27:20 pm »
Someone younger, yes. Felt old hahaha!

Mas lalo na yung na-experience ko before. While waiting for a bus, yung barker sabi sakin: "Nay sakay na". Tinignan ko talaga ng masama! I mean yes, nanay na ako pero the way he said it parang nasa 50s na ako, kainis!! Pinalitan ko nalang yung eyeglasses ko kasi pang mashonda yung suot ko, baka yun ang dahilan ;D OT na hehe.

sportygurl

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #2 on: August 18, 2017, 05:49:15 pm »
early or late 30s ka sis? do you look haggard ba or hindi naman?

ako naexperience ko na din yan na may tumawag sakin ng nay. the first time it happened, hindi ko maexplain yun dapat ko maramdaman. I am single at walang anak ah pero kasi alam ko I look haggard talaga pero never ko inakala talaga na I look that haggard for people to think im old enough to be called nay or tita. hindi ako naoffend, pero parang ang sakit sa kalooban  ;D :'(






luckysiete

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #3 on: August 18, 2017, 06:53:00 pm »
My daughter's friends/classmates call me Tita. No hurt feelings ako dun, pero sa mga ka officemates ko na todo maka PO at OPO dun ako naiirita.

naizlabonita

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #4 on: August 18, 2017, 07:27:37 pm »
To TS, siguru matangkad ka sis? Usually ng napapagkamalang older than age [textspeak!] mga matatangkad. Thank goodness wala pa naman ako na experience na ganyan.. I have a one year old son tinanong kung pinsan ko daw ba. lol. pag umabot sa time na ganyan at napagkamalan na akong older than may age.. medyo magpapaderma na ko.  ;D

teejiko

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #5 on: August 19, 2017, 09:04:43 pm »
Sis sportygurl early 30s ako that time. Medyo haggard na ako nun kasi after office yun tapos wala pa akong masakyan kaya siguro tingin ni kuya barker na baka nirarayuma na ako sa itsura ko hehe.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #6 on: August 20, 2017, 03:59:58 pm »
Hahaha kakainis yang nausong mga "PO at OPO" sa mga ka age lang pabebe, I mean yeah kung matanda kausap, like mga 20-30 years older than you, go ahead. Pero yung kung tayo nasa 30s tapos sya mga 20s maka PO AT OPO naman. Ok na sa Ate and Kuya.

Alessiia

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #7 on: September 02, 2017, 02:48:39 am »
Wala pa naman, pero "ate" yes, which is awkward kasi bunso ako sa magkapatid and magpipinsan. 
Inintroduce ako sa work nang, "Uy guys, ito nga pala si ate X" .. nagulat ako, but I guess it's something na I/we have to get used to kasi lahat naman tumatanda.

Kapag may tumawag sakin na "nay o manang" tatawagin ko siyang lola/lolo.

three8one

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #8 on: September 14, 2017, 07:19:06 pm »
mas okay na siguro sakin yun matawag na tito... wag lang manong o mang three8one sa ngayon...  ;D

 ;)


khaleesiCersei

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #9 on: September 14, 2017, 08:19:56 pm »
In my 30's na din pero hanggang ate pa lang naman ang naririnig ko from other people na hindi ko kilala, mababatukan ko siguro pag may tumawag sakin ng nay or manang haha

three8one

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #10 on: September 18, 2017, 01:54:29 pm »
^ eh yung tumawag sayo ng Aling xxxx, mababatukan mo din sis?  ;D

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #11 on: September 19, 2017, 12:43:54 am »
Hahaha! Yung ale  parang medyo katanggap tanggap pa, tagalog lang ng miss yun kung tutuusin, pero pag manang at nanay kasi parang may anak ka ng 30 years old and dating eh lol!

iam_me

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #12 on: September 19, 2017, 12:30:15 pm »
na experience ko to, di naman ko haggard nun time na yun maayos naman itsura ko tinawag akong ate mas matanda itsura sa kin nun girl and mas mukhang matanda talaga sya sa kin , kaya sinagot ko sya ano po yun 'nay hehe makabawi man lang  ;D

hisana

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #13 on: September 19, 2017, 12:40:01 pm »
Ako naman ibang experience. Minsan kunwari may mas matanda sa akin, let's say 10 years older or more, and they want me to address people na mga 2 or 3 years lang naman ang tanda sa akin as ate or kuya. Parang, "O hisana, this is your ate X". May emphasis sya sa ate, inuulit-ulit pa, haha (baka kasi hindi ko sya ina-ate). Parang feeling ko na they feel I'm being disrespectful or something, eh I see these 2 or 3 years older na ka-generation ko lang naman. Parang ngayon expected na talaga na may ate or kuya, po at opo all the time.

three8one

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #14 on: September 19, 2017, 07:53:24 pm »
^ magisang anak ka lang ba sis? kasi minsan ganyan ang mga only child eh. hindi sanay tumawag ng ate o kuya dahil hindi napapraktis.


hushush

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #15 on: September 19, 2017, 07:55:15 pm »
Madalas ko yun maexperience na may umaate sakin kahit mukhang mas matanda sakin yun umaate. Di naman ako affected lalo na kung di nya ako kilala, sign of respect yun, pano ba nya ako iaaddress halimbawa bumibili lang ako napadaan lang, alangan naman sabihin nya "ma'am", di naman ako mukhang teacher heheh.. O kaya "ale", parang mas gusto ko ang "ate" hehe.. Mayron ako suki sa tindahan na mas matanda sakin lagi "ate" tawag nya sakin kasi di nya alam ang name ko, nun magkausap kami at nalaman ang name ko e inaddress na nya ako by my 1st name na walang "ate" kasi obvious naman kung sino mas matanda samin hehe.. Nevertheless keber ko kung atehin ako or titahin, di ko poproblenmahin yun aside from the fact na i look older than my age, mas marami ako dapat problemahin sa buhay tulad ng anak kong napakatigas ng hehe :D

hisana

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #16 on: September 19, 2017, 10:33:14 pm »
^^
Ah, hindi naman, hehe. Youngest ako with one older brother and then yung ate ko na panganay. Pero sya lang yung talagang tinatawag ko na ate and maybe a few of my older cousins. Hindi nga ako sanay mag-ate talaga in general. Yung kuya ko who is only two years older, hindi ko na tinatawag na kuya kasi parang feeling ko magka-age lang kami.

Natatawa tuloy ako. Yung tone nga nila minsan parang may tinuturuan silang bata na magsabi ng ate or kuya. LOL. Pero hindi naman ako nagkukulang sa po and opo kapag kailangan.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #17 on: September 19, 2017, 11:26:55 pm »
Ako naman baliktad, maaga kasi akong naging ina. 24 years old, maaga nga ba yan? At 31 may 7 year-old na ako. Nagtataka mga classmates ng anak ko na Mommy na niya ako. Noong field trip nila last year ako ang kasama lahat sila sabi ng sabi "Is she your Tita S?" Mga co-Mommies ko kasi medyo mas matanda na sa akin.

Wala pa naman nag "Nay, Ale or Manang" Pero keri lang Nay kasi Nanay naman ako, kung Manang siguro mahihirapan ako tanggapin  ;D Pero alam ko sa ibang diyalekto ang Manang ay Ate, pero sa akin kasi Manang = Lola level na ganyan.  :P

krabby_patty

  • Guest
Re: Anyone here in their 30s? Have you experienced...
« Reply #18 on: September 23, 2017, 01:36:23 pm »
Just moved to a new company and noticed that whenever I try to strike up a conversation with colleagues from different departments, they say "po" and "opo".

I am only 30.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close