Author Topic: For those on a live-in set up. Do you still have any plans of getting married?  (Read 13446 times)

naizlabonita

  • Guest
Anyone here on a long term or maybe new couples in a live in set up specially yung my babies na?
Do you still talk about getting married or hindi na masyado?
I have a friend na well off naman yung partner (my one baby boy sila) nya wala naman silang pinag aawayan..smooth relationship but she mentioned na never na daw nila napag uusapan ang marriage.
I am also living in with my partner since december and my baby kame. Anyway nung simula napag uusapan namen ang marriage pero after ng mga issues namen parang di naman na masyado pinag uusapan at medyo ako mismo off na sa topic na yon.
Parang worried lang din ako na ano na ba ang next kung hindi kame magpapakasal. Ayoko din naman na and ayaw naman namen pag usapan. Feeling ko tuloy okay na kame na ganito forever?!

plumpolka

  • Guest
with live-in, buhay mag-asawa nga kayo pero hindi ka parin nya matatawag na asawa. masakit pero pag naghanap/nakahanap sya ng iba, pwedeng pwede nya pakasalan yung bago and you'll be left with your child. wag ka maging okay sa ganyan lang. kahit civil wedding lang  at least alam mo karapatan mo bilang asawa at di ka madedehado when the time comes. tutal ganon na din naman na ginagawa nyo at wala naman kayong reservations sa isa't isa, edi tuloy niyo na sa papel at legal. :)

but it's up to you, ang mahirap lang kasi, ang dami na din kasi ngayon na may mga anak na hindi naman kasal, pwedeng ikaw parin ang talo dahil hindi naman kayo kasal. what more kung ang pakasalan nya is yung bago. pano kung ganon din ang iniisip ng lalaki na wala pa naman sya asawa, gf lang naman so pwede pa nya hiwalayan kahit pa may anak sila. at least if legal wife ka, maghanap sya ng iba, it's gonna be a long and expensive battle for him. hehe.


sorry if medyo off topic ata, but related naman and something to think about na din.

naizlabonita

  • Guest
@plumpolka may point ka naman sis, ang mahirap lang is hindi talaga mapag usapan. Parang nagiging cause pa ng away. Ang nakakaloko, parang mag asawa na nga kame baket hindi na nga diretso na at ikasal na lang.. nagiging complicated pa tuloy.

Girltalker2

  • Guest
^ sis, iyan nga gusto ko itanong sayo. Bakit gusto mo mag live in but at the same time may worries ka?

Before you decide to live with your partner, Hindi ka ba ready to walk out anytime or Hindi ka ba ready in case he decides to leave anytime? Isn't that the basics of living in?

For me I'm in this arrangement now. You see I was once married before. And I have kids. Then I met someone. Im still in a dilemma in balancing between my kids (who are my current priority and staying with us) and my partner.
Likewise, my partner was divorced and have 3 kids, 2 are grown up na but 1 teen. Parang once we get married kasi, feeling ko I should prioritize him and he should do the same for me. I don't think our teen kids are ready for that. Time will tell Siguro.

As to napag uusapan ba? Yes. We talk about how it can be if we are married and we know our current priorities and constraints.

Pero if you are coming from a single background, mas ok ata kasal muna, then live in then anak. Especially if goal mo na kasal talaga sa live-in partner mo. Pero if you are really not sure if it will work or not, and Want to give living in a try, nasa sayo iyan.

Pero para sakin, once nag live in ka and you start having kids hoping for marriage - parang ang hirap ata umasa lalo pa kung di ideal Si partner mo (i.e. Lasenggo, babaero, chronic liar, abuser). Don't stay.

naizlabonita

  • Guest

We started living in sis nung nabuntis ako then nanganak na..so akala ko okay naman na kame..we had plans of getting married. Nung nabuntis kasi ako sinabi ko na ayaw ko magpakasal dahil nabuntis ako parang gustu ko ikasal dahil gustu na namen. So nitong nag live in na usapana is unahin muna si baby then next year ganyan ipon for wedding.. then may mga away kame dahil nga sa pambabae nya..dun narealize ko ayaw ko na muna magpakasal pero okay na din ako na live in nalang.. then siya ayon ayaw na din muna pag usapan. So parang hanging lang.

Well good for you @Girltalker2 atleast napag uusapan nyo. May timeframe naba kayo dyan?

Pero para sakin, once nag live in ka and you start having kids hoping for marriage - parang ang hirap ata umasa lalo pa kung di ideal Si partner mo (i.e. Lasenggo, babaero, chronic liar, abuser). Don't stay.
Sa ngayon ayoko na although okay naman na ngayon pag sasama namen pero at the back of my mind.. parang nagtatanong pa din ako sa sarili ko kung ano at san na ba ako lulugar nito.

khaleesiCersei

  • Guest
Para sakin hindi naman dehado ang babae sa live in. Kung sa iba iniisip nila na talo sila pag naghiwalay sila ng kinakasama niya tapos ibang babae ang pakasalan. Sakin ang dating nun eh thank god hindi kami kasal atleast madali din for me to get out, kasi what if ikaw naman ang may ayaw na di ba? What if ikaw naman yung gustong mag move on?

Tsaka bakit ko pa iisipin na dapat  pahirapan ko pa yung guy kumawala sakin eh sakin din naman ang bagsak ng stress ng battle na yon? Nakaka drain lang yun ng energy at kung may anak kayo mas kawawa ang mga bata when they witness how much you destroy one another.

Hindi kasi ako mahilig mamilit ng tao na ayaw sakin. Kung ayaw mo, di wag. I can only do so much at kung feeling ko naman nagawa ko na lahat to save the relationship eh di goodbye. Mas mabuti pang kumawala na lang kesa naman maghirap habambuhay. Pagdating sa anak, iba naman ang usapan dun eh. Syempre yun dapat ang priority nyong dalawa, que kasal naman kayo or hindi eh may karapatan pa rin anak mo sa tatay niya at obligasyon pa rin ng tatay nya na sustentuhan anak niya.

Oo nakakahinayang yung years na pagsasama nyo. Eh sayang naman talaga lahat ng relasyon na nasira di ba? live in man or hindi, yung iba nga kasal pa.

 Sating mga girls i think, ramdam naman natin yun eh kahit sa early stages pa lang ng relationship, kung hahantong ba kayo sa kasalan or hindi. Ramdam natin yun, we know deep down,if he's the one or not, some just chooses to ignore the signs kapag hindi maganda yung signs na nakikita nila. Siguro blinded by too much emotions. Or pride na din or pedeng worried sila sa sasabihin ng ibang tao. Anyways eto naman eh sariling opinion ko lang.

To TS, kung ayaw mo na talaga at feeling mo hindi ka na masaya, Bat di mo na lang tapusin? Don't you think you deserve something or someone better? I think you owe it to yourself and sa anak mo. Oo mahirap sa umpisa magsimula ulit. Ganon naman lagi eh sa pagsisimula mahirap, pero after non ok na ulit.
Well siguro nga madaling sabihin at mahirap gawin, but what's your plan? Just drag the relationship hanggang sa it's too late to start a new and better life? Pero Kung sa tingin mo naman na  your relationship is worth saving at hahantong kayo sa kasalan, then stay.
« Last Edit: July 27, 2017, 09:46:19 pm by khaleesiCersei »

amethyst028

  • Guest
@TS if you feel na ok naman and mabait naman siyang partner and father then hang in there. Eventually darating din naman yun wag mo na lang apurahin. Ako kasi kung ok naman ang relationship and he's a good father mas maganda pa rin buo ang family.

I did the live-in before with my ex, we also had a kid. Mga 1year lang kame nagsama kasi nakita ko na wala siyang kwnetang tatay. Ok lang sakin kung so-so lang siya na partner matitiis ko yun as long as he is good to our son kaso hindi. May bisyo kasi and kahit sandali hindi ko maiwan sa kanya yung bata dahil di niya pinapansin panay computer game or laging tulala kasi iniisip ang mag gamble. He also doesn't share financially, lahat ng gastos namin sa akin. Yung money niya kanya lang. during the later part of the relationship nung na fe-feel niya na mawawala nako he offered to get married. As in may date kung kelan although civil lang. oo lang ako kunwari after that day i broke up with him. Yun na ata last na nagkita kame.

for me kung ok naman ang partner mo you should stay. Kung wala naman major issues mas ok pa rin kasi na lumaki yung bata na magkasama yung parents mahirap din kasi maging single parent or mag co-parenting. Kasal piece of paper lang naman yan. Nowadays ang daming kinakasal na naghihiwalay magkaka problem ka pa kasi expensive ang annulment.

minabey

  • Guest
Ako, personally, di ko na ipupush yung marriage kung wala naman sa min nag-oopen. Parang di na kasi sya priority sa ngayon. It doesn't guarantee na magiging mas sweet ang relationship nyo after ng wedding or magiging happily ever after na or di na sya mambababae.

I think if you're both undecided about it, it's better to wait it out muna. Pag may legality na kasi, it's a little more difficult to leave kung ma-realize mo na di mo keri pambababae nya. Di ba parang mas masakit kung kasal na kayo tapos gagawin pa nya yun?

On the other hand, maybe you're feeling some pressure to get married because you have a child with your partner? Maybe he's not yet ready for that kind of commitment. Complicated nga.

shinies

  • Guest
ano na ba ang next kung hindi kame magpapakasal.

Depende naman yun sa inyo ano yung next sa buhay niyo kesyo nagpakasal o hindi.

Isa pang kaibahan ng nagpakasal eh may legality - yung mga pag-aari o negosyo na naipundar niyo, yung karapatan lalo na may anak kayo

Pero gaya ng sinabi nila, magpakasal ng dahil sa mga tamang rason.. Kung ganyan at pinagaawayan niyo, siguro di saka niyo na lang isipin ulit.

Iba iba mga tao. Meron naman talaga na ok lang sila kahit di kasal. Ang importante diyan yung pagsasama at yung desidido pareho na buoin ang buhay nila na magkasama sila.

plumpolka

  • Guest
always get married for the right reasons. sakin kasi, kung andyan na kayo, nag live-in na kayo, may anak na kayo, then why not make it legal di ba? lalo na kung wala naman hadlang sa pagpapakasal nyo.

pero kung living together na kayo, may family and yet ayaw nyo gawing legal, ibig sabihin there's something holding you up para magpakasal. kasi kung wala naman kayo reservations para sa isa't isa, alam niyo naman na pareho nyong mahal ang isa't isa, then hindi masyado issue ang pagpapakasal. then again, baka di pa kayo ready to take it to the next step. yun nga lang, hindi ka asawa and still he gets the benefit of an asawa.

anyway, para sakin kasi sacred ang kasal e. depende naman din sa inyo if importante ba sa inyo na kasal kayo o ok na kayo na bf/gf kayo na mag-asawa ang setup. syempre madaming pros/cons yan, yes madaming kasal na hindi nagiging ok, different people, different stories. marriage is not only for you but for your future children din kasi. but always always always get married for the right reasons, dahil mahal niyo ang isa't isa regardless sa kung ano man pagkukulang nyo sa isa't isa. na kahit ano man mangyaring issues na dumating sa buhay nyo, priority niyong isave ang marriage nyo. and iba kasi yung feeling na gusto ka panindigan ng lalaki by giving his last name to you. medyo old-fashioned lang din kasi siguro ako. hehe

naizlabonita

  • Guest
@plumpolka Yes sis, you said it right. Ako honestly right now siguru hindi pa pero I don't want to close my doors sa possibility na magpakasal kame.

izabelle

  • Guest
I have a friend who got pregnant ng hindi pa kasal. Since Day 1 na nalaman nilang pregnant sya, sinabi sa kanya ng BF nya na papakasalan sya.

Fast forward to today, 2 na anak nila and 4 1/2 yrs old na panganay nila, hindi pa din sila kasal.

Every time mabrought up ng friend ko sa partner nya about it, nagagalit daw. So nadedepress yung friend ko...

Iba ibang case syempre, meron kasing mga babae na ayaw din magpakasal ever, pero it is different kapag may plano ka or gusto mo.

Marriage for me is sacred. I always believe na deserve ng kahit na sinong babae ang pakasalan. I dont see any reason as well bakit hindi magpapakasal kung sigurado ka naman sa tao. If the guy has no plans to marry you so parang ano yon, habang buhay nyo itetest if you are really for each other?

Unless... talagang ayaw din ng girl pakasal then that is a different story.

marriage is NOT an assurance na maglalast kayo forever, same as live in. There are many stories na nag live in for many years then got married and yet naghiwalay pa din. So either way, walang kasiguradahuhan yan.

Sabi nga nila, forever is a choice you make everyday.  :)

Girltalker2

  • Guest

Iba ibang case syempre, meron kasing mga babae na ayaw din magpakasal ever, pero it is different kapag may plano ka or gusto mo.


I think halos lahat, if not lahat ng ka kilala ko would want to be a bride some day. Ang question nga lang is if you are ready for that commitment and if the guy is worthy din.

For me, I agreed to this set up kasi I've been there, done that, the whole works before. Then currently, wala naman kaming baby at walang pressing need to get married at kelangan pa namin I-prioritise and kanya kanya naming mga anak while we enjoy our times altogether with 5 of them plus 2 of us.

kaythrielle

  • Guest
While i do agree that we have to get married for the right reasons, we should take responsibilities din for our decisions and actions.

Kung makikipag-live in, dapat kasama ang marriage sa future plans. At sana walang mga anak na involved.

But kung nasa ganung sitwasyon na, sana panindigan na lang at magpakasal.
Kasi kahit na ano pang sabihin natin, lugi talaga ang babae sa ganyang sitwasyon. Lalo na ang mga anak, kasi wala sila/kayong habol kung nagkahiwalay.

Ganun kasi may kilala ako tatlo anak nila ng naging ka-live in nya for almost 10yrs. Tapos nung nakabuntis ng iba yung lalaki edi naghiwalay na sila. Tapos eversince nun wala namang sustento yung lalaki kaya si babae lahat nagapaaral at nagpalaki sa mga anak.

Kung magiging source ng away kung pag-usapan ang kasal at sa tingin nyo eh hindi mauuwi sa kasal, why not make it "legal."  I'm not a lawyer pero siguro pwede naman gumawa ng kasulatan at ipanotaryo na if maghihiwalay  (if lang naman), obligado sya magbigay ng sustento at kung ikasal sya sa iba, may percentage kayo sa magiging properties, yung anak may makukuhang mana etc.
kahit sa papel na lang kahit wala ng basbas ng simbahan. Safety net nyo kumbaga. But of course mas maganda pa rin ikasal.

I hope you & your live in partner will be able to have a heart to heart talk regarding this matter.
Good luck!

naizlabonita

  • Guest

Kung magiging source ng away kung pag-usapan ang kasal at sa tingin nyo eh hindi mauuwi sa kasal, why not make it "legal."  I'm not a lawyer pero siguro pwede naman gumawa ng kasulatan at ipanotaryo na if maghihiwalay  (if lang naman), obligado sya magbigay ng sustento at kung ikasal sya sa iba, may percentage kayo sa magiging properties, yung anak may makukuhang mana etc.
kahit sa papel na lang kahit wala ng basbas ng simbahan. Safety net nyo kumbaga. But of course mas maganda pa rin ikasal.

I hope you & your live in partner will be able to have a heart to heart talk regarding this matter.
Good luck!

I think okay to sis. Para kahit papaano may say kame ni baby no.. I'll try to talk to him about this.
Kasi..If ever alam ko mahirap talaga maging single mom eh.
Kasi right now talaga off topic ang kasalan samin. Simula nung magka issue kame at pambababae nya (right now im giving him a second chance) eh talagang ako mismo nawalan ng gana magpakasal. Parang sa ngayon kung anong meron dun nalang muna. 
Pero syempre totoo nga un halos lahat naman ng girl eh pangarap maikasal.. Kaya im not closing my doors naman.


ChixC18

  • Guest
Hi Ladies!

Kami ng fiance ko na ngayon has been in the relationship for 9 years now (since college). Nag move in kami together for almost two years now since my family migrated to Japan and he decided to stay with me sa condo. Bago pa siya nag propose nag sama muna kami together and I think nakatulong din yon kasi nakilala muna namin ang isa't isa before we decided that we want to get married. Sobrang daming away muna nangyari samin kasi nakilala namin yung isa't isa/pano ba kami sa bahay . Haha! Pero honestly akala ko satisfied na siya sa ganong set up till finally he decided to propose to me last March 2017 when we were on our trip to Indonesia for my birthday celebration. So sa question na "Do you still have any plans of getting married?" Absolutely YES kasi gusto ko din naman makasal sa taong mahal ko, I want it to be legal and same time maging blessed yung relationship namin lalo na mejo old school tradition pa yung family ni H2B. hehe.

naizlabonita

  • Guest
@chicxC18 congrats to you sis.
Thats good na finally makakasal na kayo.
Well in your case, kayong dalawa lang.. syempre I think, ibang usapan naman kapag may anak na and live in mas chaotic haha.

ChixC18

  • Guest
^ Thank you so much sis! May mga officemates din ako na live in with their partners for a long time now may 3 kids pero kinasal padin sila after a while so panapanahon din I believe. Hehe. Time will come sis kung both niyong gusto ni partner.  ;) Pero syempre I respect everyone's decision/opinion about the live-in set up, I honestly don't see anything wrong about it.  ;D

And yes, I think mas chaotic nga pag may babies/anak involved sa live-in haha! Plus factor din kasi yung gagastos pa for the wedding.   :-\

plumpolka

  • Guest
pwedeng pwede naman humingi ng support ang kids kahit illegitimate. pero if di magwork sa pakiusapan, daanin nyo na sa legal. file for RA9262 and mapipilitan sya magbigay ng sustento.

inask ko din bf ko regarding this, para lang sa POV ng lalaki. sabi nya, if naiinis pag pinaguusapan baka daw di pa kasi kaya (financially) or wala pa sa plano kasi may ibang pina-priority pa. or worse is talagang wala naman na talagang plano magpakasal.

@naizlabonita, nambabae na pala partner mo! :( eto yung fear ko sa live-in kahit pa may anak na kayo. kasi kahit asawa ka, may chance parin naman na lokohin ka ng asawa mo. but then, wala syang choice kundi ayusin ang marriage niyo dahil mag asawa na kayo. unlike pag live-in partner lang kayo, walang "marriage" na kailangan i-save and baka nasa isip pa nila na di ka naman asawa so pwede ka pang "break-an".

mahirap din naman pilitin ang lalaki na pakasalan ka kung talagang wala pa sa isip nya. hay, super complicated lalo na if may anak na din na involved. unlike kung pareho kayong single and pwede pa kayo magback out sa setup nyo. pag may anak na kasi, hindi lang future ng relationship nyo ang iniisip nyo, pati future setup sa mga anak niyo if worst comes to worst...

naizlabonita

  • Guest
@naizlabonita, nambabae na pala partner mo! :( eto yung fear ko sa live-in kahit pa may anak na kayo. kasi kahit asawa ka, may chance parin naman na lokohin ka ng asawa mo. but then, wala syang choice kundi ayusin ang marriage niyo dahil mag asawa na kayo. unlike pag live-in partner lang kayo, walang "marriage" na kailangan i-save and baka nasa isip pa nila na di ka naman asawa so pwede ka pang "break-an".

nalaman ko kasi na nambababae siya nung after ko na manganak, kung alam ko lang to before pa ako mabuntis eh nakipag hiwalay na talaga ako. Nung buntis palang ako nasa plan na yung pagpapakasal. Unahin muna si baby then papakasal kame (gustu nya pa nga simbahan ako kahit civil okay lang)..kasu Nung nalaman ko yung pinag gagawa nya sis eh talagang gustu ko na makipag hiwalay kaso ayaw nya naman nagagalit. At syempre medyo worried din ako nung time na yun kasi months palang si baby baka di ko kayanin. Naisip ko sige bigyan ko 2nd chance ngayong andyan na si baby. Months palang naman since nalaman ko yun and yun nga nitong recently pag inoopen up ko kung ano bang plano ..wala naman maisagot. Nagagalit pa minsan.

mahirap din naman pilitin ang lalaki na pakasalan ka kung talagang wala pa sa isip nya. hay, super complicated lalo na if may anak na din na involved. unlike kung pareho kayong single and pwede pa kayo magback out sa setup nyo. pag may anak na kasi, hindi lang future ng relationship nyo ang iniisip nyo, pati future setup sa mga anak niyo if worst comes to worst...
Tapos inopen up ko yung gawa kame ng agreement na naka document na whatever happens ganyan eh susuportahan nya si baby lalo hindi kame kasal so parang kahit yun nalang no.. eh nagalit lalo.. susuporthan naman daw niya si baby kahit walang ganun. Na offend ata. :(
Well, true mahirap talaga ngayon lalo may baby. Mas priority na kasi si baby kaso parang sa part ko naman ang unfair, minsan feel ko baka nga siguru nambabae kasi hindi pa siya kasal feel nya okay lang kasi wala akong karapatan parang ganun. Kaya ayan parang sige kung ano nalang muna meron kame, pero syempre deep inside parang umaasa pa din ako. Ewan ko ang complicated nga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close