watch now

Author Topic: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko  (Read 4576 times)

maanclete

  • Guest
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« on: July 21, 2017, 05:31:27 pm »
Naubos na ang luha ko sa kakaiyak buong araw. Sa sobrang kakaiyak , nagsususuka pa ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, parang ang hirap hirap maging masaya sa akin...Ang sakit sakit na saktan ka ng taong mahal mo. Nagkakasakitan na kami sa isa't isa ng kinakasama ko, mga 8 years na kami nagsasama. 19 years ang gap namin at may isa na kaming anak. Ok naman kami noong una, pero habang tumatagal parang nag iiba na relationship namin, lagi na nag aaway, hindi magkasundo, at hindi nagkakaunawaan. Marami pala kaming differences na hindi ko nakita nung una. Una palang complicated na relationship namin, ayaw sa kanya ng nanay ko pero pinaglaban ko siya kasi buntis na din ako dat [textspeak!]. Ayaw ko bigyan ang anak ko ng broken family at akala ko magiging masaya ako sa kanya. Naging mabuti naman siya sa akin at ramdam ko naman na mahal nya ako. Pero isang araw madalas na kami nagkakasagutan na nahahantong pa minsan sa sakitan. Ako inaamin ko talaga na ako nalang palagi ang nakakasakit sa kanya . Napagbubuhatan ko siya ng kamay, nasasampal , kinakalmot etc....Naiinis ako sa tuwing sumasagot din siya sa akin lalo na't pabalang. Parang sobra pa kasi siya sa Babae magsalita, hindi talaga siya nagpapatalo ng sagutan. Naiinis din naman ako sa sarili ko kapag nagagawa ko iyon. Isa pang problema dahil nagkasakit din sa puso ang tatay ko. Kakaisip maghanap ng pera para sa mga gamot etc...parang ako kasi ang bread winner sa family kahit may asawa na ako. Tapus ang asawa ko wala naman trabaho

Minsan darating ng bahay masita ko lang siya or magtanong , nabbwesit ako sa mga sagot nya sa akin. Syempre may mga problema din akong iniisip at pagod din sa trabaho. ANg gusto ko sana karamay manlang. yung mangangamusta naman sa akin. Magtatanong kung ok lang ba ako. Pag nagagalit kasi ako nananapak talaga ako . Siya naman siguro napuno na din sa akin,. for the first time napagbuhatan nya ako ng kamay. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang ako naman ata ang may kasalanan kaya nasapak nya ako. Pero hindi ko padin mapigilan ang umiyak ng umiyak. Tapus kapag nag aaway pa naman kami, dinadaan nya sa inom. Pag nakainom siya, sinisiraan nya ako sa mga kapitbahay , hindi na nya alam mga sinasabi nya at ginagawa kapag nakakainom. Napapabayaan nya din tapus ang anak namin. Napakaduwag nya. Ilang ulit na eto nangyayari sa amin na tuwing mag aaway eh iinom sya. basta madalas ganyan paulit ulit! Parang  nakakapagod na! Hindi na healthy ang pagsasama namin, lagi ko naman sinasabi sa kanya na maghiwalay nalang kami kasi pisikalan na ang nangyayari sa amin, pero ayaw nya pumayag. lagi nya sinasabi pagsubok lang daw ang pinagdadaanan namin.

Dapat na ba talaga kami maghiwalay?
matagal ako nagtiis at umasa na magiging maayos pa din pagsasama namin para sa anak ko.
Pero parang malabo na ata. Hindi ko alam ang gagawin ko. sana meron manlang mag advise sa akin.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #1 on: July 21, 2017, 07:32:57 pm »
Isang malaking OO sis. Iwan mo na yan. Sakit sa ulo lang pala eh, baka magkasakit ka pa niyan sa ginagawa mo, pano na anak mo lalo nun. Mukhang alam mo naman ang sagot sa sarili mo eh, tama na ang iyak. What good will it do? Isipin mo ang anak mo at pano kayo mabubuhay.

Tsaka sis if i may, sana bawasan mo din ang temper mo. You teach other people kasi how to treat you. If you treat other people with respect, lalo na ang partner mo, hindi siguro kayo magsisiraan or magbubugbugan.
I mean kahit galit ka, choose your words, iwasan ang pagmumura at name calling. It does not help. Lalo na ang pananakit physically. Hindi rason na galit ka kaya mo nagawa yun. I'm not saying na ikaw lang may kasalanan bat ka niya sinaktan. Mali din siya dun. Pareho kayong mali actually.

Pero dahil hindi na ata kayo nag grogrow together as a couple eh di ano pa bang dapat gawin di ba? Magkanya kanya na muna kayo. Mas ok siguro mag focus na lang kayo on how to be better parents kesa sa marriage nyo. And how you can provide for your children's needs financially. Ano pang silbi ng buo ang pamilya kung hindi naman kayo masaya, puro away na lang at reklamo tapos nakikita pa ata ng mga anak nyo ang away nyo.

Imo, mas nada-damage ang mga bata sa ganyang environment. Kung nawiwitness nila ang magulong pagsasama nyo, na puro away at sakitan. Di ba mas worse if the kids see how you  destroy one other? Yun ang natututunan nila na sa inyo, sana lang hindi nila gayahin yan paglaki nila.

kvandenhaak

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #2 on: July 21, 2017, 10:37:22 pm »
You don't want to be a human punch bag. You are physically abused so GO, at NOW NA!

mysterioza_me

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #3 on: July 22, 2017, 12:58:55 am »
Lol. Pagsubok yan TS kung di pa kayo dumating sa point na nagkakasakitan physically. Kaso may sakitan na at may verbal abuse pa. Ayaw mo ng broken family para sa kid mo pero gusto mo ba makalakihan niya na nagsasapakan kayo ng tatay niya. Isa pa ayaw ng partner mo na maghiwalay kayo out of convenience. May bahay siyang masisilungan at guaranteed na makakakain siya kasi andyan ka at nagtatrabaho. Kaloka partner mo ah, walang work pero nakapaglasing. So ano freeloader na siya sa bahay ninyo, freeloader pa din sa inuman. Saka hanggang kapitbahay nakakarating issues ninyo, walang respeto yan sayo.

Girltalker2

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #4 on: July 22, 2017, 09:57:35 am »

^ Ang sarap sapakin/dagukan naman talaga eh!

Leave. You guys just bring out the devil in each other. Better not stay together.

glamorosa_09

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #5 on: July 22, 2017, 10:48:07 am »
Quote from: maanclete
Ako inaamin ko talaga na ako nalang palagi ang nakakasakit sa kanya . Napagbubuhatan ko siya ng kamay, nasasampal , kinakalmot etc....Naiinis ako sa tuwing sumasagot din siya sa akin lalo na't pabalang.

Kung lalake ang nagpost nito, physical abuser na ang tawag dyan. Ganyan din naman ang lalakeng abuser, pag lumalaban sa kanila yung babae, sinasapak. Parang hindi ito normal na reactions kahit ba sobrang frustrated ng babae. Meron din akong nakausap na babaeng tulad nito, sinasaksak ng gunting at kinakalmot din yung lalaki. Scary.

Yung asawa mo, mukhang sakit rin sa ulo.

Baka pareho kayong may red flags, tapos nagsama pa kayong dalawa. Chaos.

Maybe it's better not to be in a romantic relationship -- both with each other and with other individuals.

Raynebebe15

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #6 on: August 07, 2017, 04:57:32 pm »
Hi, Noong una po okay naman ang pagsasama namin, Pitong taon kami bago nagkaanak. Napressure ako kasi may nalaman na ako na nambabae sya at hindi ko akalain hahantong na kami sa ganitong sitwasyon. Madalas na kami magaway noong bago pa ako magbuntis hangang isang araw may nagtext sa kanya na may nanganak sabi nya asawa daw ng kaibigan nya. Lubos ang tiwala ko sa kanya n hindi nya gagawin sa akin kasi pinaglaban ko sya sa pamilya kasi ayaw sa kanya dati ng family ko hangang natangap na lang nila at binigyan pa kami ng puhunan para makapagsimula. Hanggang nagbuntis ako meron ulit nagtext na yung anak daw ng asawa ko walang gatas at diaper at hindi daw nagsusustento sya. I ask him pero nagdeny sya. nagduda na ako pero sa kadahilanan na maselan ako mgbuntis hindi ko inintindi. Dumating ang panahon na need na close ang tindahan at napabayaan nya na to. Ako naman simula pa lagi naman may trabaho. Nung nawala ang tindahan namin nasa bahay na lang at pati katulong namin iniwan na kami kasi napag alaman na pala nya drug user asawa ko. Simula noon ako n lang ang nagtratrabaho at bumubuhay may mga sideline sya pero hindi sya nagbibigay at lagi wlang pera. Napadalas ang away namin kasi lagi sya duda na may lalaki ako lahat nya chenecheck lalo na cellphone ko. Hangang minumura nya na ako at ginising nya ako ng may itak sya sabi nya papatayin nya raw ako at may lalaki daw ako sabi ko kahit patayin nya ako hindi ako natatakot at wala akong lalaki. Nagpatuloy ang buhay namin na ganun wala na sya pakialam ng gastos ako na lang lahat. Minsan kung maisipan nya buy sya ng 10 kilos of rice sa isang buwan, 10 gallon ng mineral water. Lagi walang pera. Kapag lowbat sya minumura ako pati yung tita ko na katulong namin ngaun pinagsasabihan nya t****. Yung nagiisa naming anak piangsasalitaan nya ng masama at pinagbubuhatan na rin nya ng kamay. Minsan tumira ang nanay ko sinagot sagot nya na rin. Tinatago nya rina ang cellphoene nya, isang beses tulog na tulog sya kinalkal ko ang cellphone nya napagalaman ko na nagpapaextra service pala sya sa masahista..OMG nakakatakot baka mahawaan ako ng STD. Pero bago pa yan may gumagamit ng facebook account nya na babae at gusto pa pumunta sa bahay namin. Pinaglapagpas ko na yun at sabi nya magbabago na sya. Sa galit ko I confronted him sabi may babae ka na naman pano kung magkaSTD ka at mahawaan ako nagalit sya at binuhusan ako ng mainit na kape. To make my short hirap na hirap na ako paulit ulit na lang na sabi nya magbabago na sya but still hindi pa rin sya ngbabago still drug dependent pa rin sya at natatakot na po ako. Pinagbabantaan na rin nya po ako . Thanks for reading this.

naizlabonita

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #7 on: August 07, 2017, 05:53:06 pm »
@TS, agree ako kay Girltalker2 hindi na ata workable ang relationship nyo. Pero mag usap pa din kayo ng maayos kung ano na ba balak ninyo. Kasi kahit sabihin mong ayaw naman nya makipag hiwalay kung ayaw mo na talaga wala na siya magagawa.

@Raynebebe15 sis i think main problem is yung pagiging drug addict ng asawa mo. Yung husband ko nagpapa extra din dati sa masahista pero tumigil na siya and hindi siya drug addict at good provider siya kaya binigyan kong chance. Pero on your situation ninyo medyo mahirap yan kasi nga drug dependent na yan.. and yung ugali nya na hindi good provider and yung bigla ka nalang tatapatan ng itak or what eh medyo nakakatakot na para sa safety ninyo. Mahirap kausapin ang taong addict/drug addict. Need na nyan ng medical intervention.

Raynebebe15

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #8 on: August 07, 2017, 07:45:56 pm »
Hi Sis naizlabonita,

Thank you, sobrang problema ko talaga yung pagiging drug addict nya kasi hindi rin sya natatakot sa kabila ng kampanya against drugs at ang kapatid ko ay isang alagad ng batas. Ayaw ko din mainvolved ang family ko kasi mahirap baka mapahamak sila.  Hindi ko rin alam kung saan ko pwede isumbong ang pagiging addicted nya. Hindi na rin sya nakikinig sa akin kasi ang sabi nya hindi daw sya adik samantala walang linggo na hindi sya nakakabatak at hindi sya natutulog. May plan na rin ako na magpunta sa crame sa womens desk ang kinakatakot ko lang kung ano gagawin nya kapag nalaman nya na kumikilos na ako. Awang awa na rin ako sa sarili ko.

naizlabonita

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #9 on: August 10, 2017, 03:23:01 pm »
Hi Sis naizlabonita,

Thank you, sobrang problema ko talaga yung pagiging drug addict nya kasi hindi rin sya natatakot sa kabila ng kampanya against drugs at ang kapatid ko ay isang alagad ng batas. Ayaw ko din mainvolved ang family ko kasi mahirap baka mapahamak sila.  Hindi ko rin alam kung saan ko pwede isumbong ang pagiging addicted nya. Hindi na rin sya nakikinig sa akin kasi ang sabi nya hindi daw sya adik samantala walang linggo na hindi sya nakakabatak at hindi sya natutulog. May plan na rin ako na magpunta sa crame sa womens desk ang kinakatakot ko lang kung ano gagawin nya kapag nalaman nya na kumikilos na ako. Awang awa na rin ako sa sarili ko.

hi sis Raynebebe15 that's good na gumagawa ka na ng actions. Yes tama yan ask for help s women's desk or dswd and ask mo din kung pwede kayo mabigyan ng protection like kung pwedeng restraining order against sa kanya. Kasi ang Main concern dito is yung safety nyo talaga ng anak nyo. Sabi nga ng counselor ko nuon, yung simpleng pag hagis ng gamit eh threat na yan sa safety nyo..yan pa kayang pag tutok ng itak. Also, what if still gumagamit siya ng babae.. dun naman papasok yung risk sa health nyo so threat na naman siya sa safety nyo.

Be strong sis! Huwag kang mang hinayang.. kasi sinisira nya buhay nya and hindi pedeng pati kayo masira ang buhay dahil sa mga kalokohan nya.

luckysiete

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #10 on: August 11, 2017, 05:13:27 pm »
Humingi ka ng tulong sa pamilya niya, sa magulang niya. Siguro naman aware sila sa ginagawa ng anak nila. Kung ako sayo isosoli ko siya sa magulang niya dahil kung hindi isusumbong ko siya sa pulis. Kapag sinaktan ka pa nya ulet magpunta ka ng ospital para magpa medicolegal para may ebidensya ka.

Wag kang papadala sa sinasabi niyang pagbabago, dahil ang shabu parang pagkain at hangin sa kanila. Kung gusto niya talagang magbago dapat ngayon pa lang tumigil na siya. Kaso sa nakikita ko parang walang takot ang asawa mo na ma tokhang.

Saan pala siya kumukuha ng pera pang shabu niya kung wala siyang trabaho? Itago mo ang pera mo sis o kaya wag mong bigyan ng sobrang pera.

Tatagan mo loob mo sis, magdasal ka. Hindi lang sarili niya ang sinisira niya, pati ikaw at anak mo. Tiisin mo siya, dahil minsan yung akala mong tulong para mapabago siya ay hindi pala.

mysterioza_me

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #11 on: August 15, 2017, 07:25:04 am »
Agree, dapat humingi siya ng tulong sa inlaws niya kung natatakot siya na gumawa ng aksyon. Nakakatakot kapag may kasamang adik sa bahay lalo na ganyan na may hallucinations na siya. Huwag mo ng hintayin na mapuruhan ka bago mo maisip umaksyon.

lovemeagain30

  • Guest
Re: hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
« Reply #12 on: August 17, 2017, 05:00:32 pm »
Leave. Atupagin mo nalang yan anak mo. Maging lesson na yan sayo. Huwag ka na ulit makipag live in sa kung sino pa ang darating.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close