watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 48)  (Read 98505 times)

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #380 on: August 14, 2017, 07:55:26 pm »
Bakit di ako makapagcomment? kainis lageng redirect sa start new topic.

re: marian  see this pic. may dahilan talaga para magselos.

https://goo.gl/images/JqPXFA

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #381 on: August 14, 2017, 08:12:53 pm »
Haha all caps talaga yung asawa. Pero based sa position ni dingdong at andrea sa picture, although parang nakadantay si girl, mukhang yung asawa niya ang nakisiksik sa pwesto ni andrea para maging magkalapit sila at magshare ng script.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #382 on: August 14, 2017, 08:22:40 pm »
 Len0523 ay pak, san mo nahanap yan Sis?  ;D Grabe kung totoo yung kay Bella haha!  ;D

izabelle yun nga eh, kung ayaw mapuna ni Arci, hiatus muna, normal naman yan sa mga nagpaparetoke nagtatago habang down time. Hinde yung super deny tapos magagalit pa sa mga tao. Weird.

ArfMeow0101

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #383 on: August 14, 2017, 08:47:33 pm »
Nakakaloka ang all caps na asawa ko ni marian haha! May pinaglalaban.

Namamaga lang ba yung sa retoke ni arci o ganun na talaga yun? Ang sagwa talaga tignan eh.




Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #384 on: August 14, 2017, 09:04:11 pm »
Ay naku 2 days ago ko pa yan kinu-comment dito aba ayaw mapost. Tapos nagtype muna ako ng kung ano ano lang saka ko edit ayun success! hahaha.

Nag appear yan sa instagram ko dati. Tapos dinelete din agad.

Naintriga lola mo, bakit dinelete??
Pero unang alyas robinhood pa yan e.

Ayun na. alam na.

Marian is super clingy and iba din level mag PDA. hehe.

Hindi ko sya ayaw, hindi ko rin sya gustong gusto. Neutral lang.


littlekinselle

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #385 on: August 14, 2017, 10:22:09 pm »
Bantay sarado talaga yan si Marian sa Asawa niya chempre..  hehe kwento ng husband ko na naging barkada niya si Dingdong sa San Beda madami daw talaga sumusulat  kay Dingdong ibbigay ng guard sakanila then kahit sila pa ni Antonette Taus, may dinadate daw na ibang girl kahit sinasabi sakanila na love naman daw  niya, Then one time  ininvite sila ng friend  nila na ipapakilala un GF  ng barkada  nila kasi daw Anak ng  Artista then sila naman daw nag punta tapos nung nakita ni Dingdong GF ng barkada  niya Si Karylle anak ni  Zhazha ang bigla sabi ni Dingdong muka daw pato sabi sa husband ko nagulat daw sila nung shinota  ni Dingdong si Karylle 😂😂..  Well past is past nakwento ko lang sa inyo.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #386 on: August 15, 2017, 12:14:53 am »
Haha nakakaloka un photo kung selosa ka ay isang photo lang na ganyan talaga warla ka na. Mukhang si Dingdong din kasi malapit sa babae un pa fall ba or paclose. Kung alam mo selosa asawa mo dapat alam nya di na pwede paclose sa ibang girls. 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #387 on: August 15, 2017, 12:23:11 am »
For me lang tingin ko wala naman gusto si Andrea kay DD. Parang natutuwa lang siya na inaasar si Marian kasi pikon.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #388 on: August 15, 2017, 12:26:42 am »
^so maldita si Andrea kung nang aasar lang. Mas maldita si Marian wait nya lang ang gagawin ni Marian para tumigil sya. Si Angelica P. Lang ang hindi nya kaya imaldita hindi sya uubra dun dahil hindi sya uurungan nun. Alam naman ng lahat kung gaano kaprangka si Angelica hahaha.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #389 on: August 15, 2017, 12:32:11 am »
^Actually inaantay ko din if meron magaganap na matindi sa kanila. Tingin ko may kamalditahan din si Andrea di lang makapalag pa since she knows na prized possession pa din si Marian ng Gma. Angelica P is Angelica P hindi niya makukuha at ng Gma sa pakiusap ang isang yun. Magsasalita talaga yun haha.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #390 on: August 15, 2017, 12:37:53 am »
So kung pa fall si dingdong, he's a flirt. He likes to flirt and siguro kung makakascore, eh di go. Tapos sabay bawi na lang kay marian kaya may mga bonggang out of town trips at surprises lol!

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #391 on: August 15, 2017, 01:10:52 am »
^eto pa naman ang ayaw ko sa lahat flirt ang lalaki sakit sa ulo mahirap maging asawa ang ganyan. Goodluck sa perfect family nila. Kaya ang hirap sa social media perfect family ang status sa totoong buhay kaya ganun pa rin?

kvandenhaak

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #392 on: August 15, 2017, 01:14:42 am »
Susme, sa taray na yun ni Marian, makikipaglandian pa si Dingdong sa ibang girls? He's just asking for drama and trouble.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #393 on: August 15, 2017, 01:55:59 am »
Tanong lang sa lahat ba ng issues ni Marian regarding selos may live interview na ba sya na itanggi na ginawa nya ng dahil sa selos or if itinanggi nya nagseselos sya? Parang wala pa kasi ako nawatch na tumanggi sya puro hindi sakto sa tanong. So it means true kasi if hindi totoo madali naman sabihin hindi totoo un mga ginawa nya sa mga girls na link kay Dingdong.

^kahit pa gaano kataray ang babae pag gusto magsideway ng lalaki gagawin nila yan lalo na kung naturally flirt.

Siguro dun sa photo naalala nya na ganun sila dati ni Dingdong nun hindi pa sila at si Karylle pa ang gf ni Dingdong.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #394 on: August 15, 2017, 03:28:24 am »
^haha malala pa dun sis, may pic sila na natutulog siya habang nakaunan sa hita ni DD, sila pa ni Karylle ng time na yan

Len0523

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #395 on: August 15, 2017, 06:17:11 am »
Si Marian naman talaga cause ng break up diba ni Karylle at Dingdong diba?
Marian is not mataray iyakin nga yun kumbaga sensitive.
Pero pangfront nya yung bargas na boses nya.
Tapos syempre alagang alaga ng GMA. May lakas din ng loob.
Dko nga alam kung maniniwala ba ako kung totoo nga yung kay bella, kay heart issues e.
Malaman din ang post ni Lolit Solis insta nya na obviously inaamin nyang may ginagawang confrontation si Marian sa mga pinagseselosan.
Saken lang choice ni Dingdong yun. Wala na syang magagawa kahit kumprontahin nya paulit ulit.
Alam nya nga na maiintriga sila e ginagawa pa nya, hindi naman natatakot e. Inuulit ulit pa.
Sana magbehave na sya kawalan nya si Marian at Zia. Although Marian is not as smart as other celebrity dami din naman gugustuhin maging asawa nya.

kung di nya mapigilan si dingdong hanap na lang sya ng mas matino.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #396 on: August 15, 2017, 07:16:01 am »
^Baka di niya mapigilan si DD kaya yung mga babae ang pinagdidiskitahan.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #397 on: August 15, 2017, 08:37:28 am »
^^^mas over pa pala si Marian. Siguro dun sila nag umpisa kulitan paclose effect kunwari kaya takot sya ibig sabihin alam nya madaling madala si DD or si DD ang mahilig makipagpapit? Alin man dyan kahit sinong asawa siguro hindi mapapakali. Natatawa ako minsan sa mg comments ng fans na na kay Marian na ang lahat ano pa raw ang hahanapin ni DD. Ang lalaki kahit almost perfect ang babae kung flirt, flirt talaga. Sana lang si DD if true na flirt sya now pa lang tigilan na nya may asawa at anak na sya isa pa babae anak nya.

ms.tj

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #398 on: August 15, 2017, 08:57:21 am »
in the first place ugn alam naman na ni marian na flirt si DD dapat una pa lang nagisip isip na sya at nag doubt kung dapat nya ba pakasalan si guy. but since nagpakasal sya dapat tanggap nya na babaero si DD at kailangan ng matinding ultimatum.

i remember nun TGIS days pa lang, DD's gf was a celebrity rin from other network (the girl passed away na), then naalala ko pa the girl before eh nagpainterview dahil inutangan sya ni DD para pang-braces daw then di na binayran then di na nagparamdam sa kanya yun pala nalaman nya may ibang pinopormahan. kaya super galit si girl sa interview nya even the family nung girl nagpainterview kasi sa mom pa daw nung girl ang nagpahiram ng pera kay DD.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 48)
« Reply #399 on: August 15, 2017, 09:18:22 am »
^huh sino yung ex-gf? Maski magsearch ako sa google si Antoinette and Karylle lang ang lumalabas na showbiz ex-gf ni DD

 

Latest Stories

Load More Stories
Close